Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 11

Ang sinambit ni Nelson ay parang sampal sa mukha ni Sabrina. Nanigas siya at nagkaroon ng bulungan sa paligid. Si Abigail ang unang nahimasmasan. “Hayop ka, Nelso—” Agad na tinakpan ni Ronaldo ang bibig ni Abigail para makaiwas sa gulo. Inayos ni Sabrina ang sarili niya at ngumiti ng wala lang sa lahat. Kalmado niyang ipinaliwanag, “Si Mrs. Tucker ay godmother mo. Tunay ko siyang kapatid.” Sa puntong ito, inihanda na niya ang sarili niya para sa mga ganitong sitwasyon. Hindi siya malulungkot dito. Pero, nagdududa pa din ang lahat sa sinabi niya. Si Ronaldo, na naisip na sumosobra na si Nelson, ay ayaw isalba ang relasyon niya. Sa halip, si Sabrina ang kinampihan niya. “Ang pamilya Tucker ay maghohost ng party sa Sabado. Ang mga single ay welcome dumalo.” Natuwa si Gerald ng marinig ang balita. “Nelson, kumpiyansa akong makukuha ko ang puso ni Sabrina basta ba hindi kita kalaban.” Humithit si Nelson. Ang ekspresyon niya ay natatakpan ng usok. Bumulong siya, “Ganoon ba?” “Siyempre!” Pagkatapos, lumapit si Gerald kay Sabrina at tinanong siya. “Sabrina, anong type mo?” “Uh…” nag-alinlangan siya. “Kailangan niya ng taong nakikinig at inoobserbahan ang mood niya, at mabait sa kanya sa kabuuan.” Galit na sinabi ni Abigail habang nakatitig kay Sabrina. Tumango si Gerald. “Kaya ko iyon gawin.” Bumalik ang tugtugan, natabunan ang kanilang pag-uusap. Si Sabrina, na habang nakayuko, ay kausap si Gerald habang humihigop ng baso ng gatas sa lamesa. Maaaring mapagkunwari ang maging dating niya dahil umiinom siya ng gatas sa club, pero ang lahat ng tungkol sa kanya ay maganda at paradoxical. Ang open-back sweater niyaay ipinakita ang maliit niyang bewang na nagpalala sa inosente niyang dating. Si Justin Cromwell, na kababata ni Nelson, ay napansin si Nelson na nakatitig kay Sabrina habang patindi ng patindi ang simangot niya. Lumapit siya kay Nelson at nagtanong, “Bakit? Nagkaroon ka na ba sawakas ng pakielam sa maganda mong asawa?” Sinulyapan siya ni Nelson. “Imposible iyon.” “Bakit ka nakatitig ng nakatitig sa kanya kung ganoon?” … Makalipas ang kalahating oras, handa na si Sabrina na umalis. Ang attorney ng pamilya Tucker ay inayos nagorganisa ng appointment sa kanya bukas para pirmahan ang divorce papers. Kinuha niya ang numero ni Gerald. Pagkatapos, gusto niyang makita kung si Nelson ay libre bukas para mafinalize ang divorce sa korte. Ngunit, nagscroll si Nelson sa phone niya sa couch, hindi nagpakita ng interest sa kanya. Nagtext siya sa kanya sa WhatsApp matapos lumabas ng lounge. “Bumisita na ba tayo bukas ng tanghali sa korte?” “Okay.” Ang sagot niya ang mabilis na dumating. Sa nakaraan, hindi siya sumasagot sa kahit na anong mga text niya, pero maghahanap si Nelson ng mga walang kuwentang dahilan bilang palusot sa hindi niya pagsagot. Huminga ng malalim si Sabrina, nagpapasalamat siya at nakita rin niya ito. Hindi na siya magaaksaya na mag-effort. Sumagot siya, “2:00 pm tayo bukas magkita.” … Ang divorce attorney ay nakipagkita kay Sabrina noong Miyerkules ng umaga para pumirma sa mga papel. Matapos mag file para sa paghihiwalay sa korte, malaya na sila ni Nelson mula sa isa’t isa. Dumating si Sabrina ng 2:00 pm sa entrance ng korte. Naghintay siya ng 30 minuto pa, pero hindi nagpakita si Nelson. Hindi siya sumasagot sa mga tanong niya sa WhatsApp o kaya sinasagot ang mga tawag niya. Naguluhan siya sa kilos ni Nelson, wala siyang nagawa kung hindi maghintay sa sasakyan habang pinapanood niya ang mga tao—mga masaya at mga malungkot—na dumadaan. May mga magkasintahan na lumabas ng korte at sabik na magkanya-kanyang landas. Lumubog na ang araw sa korte at nagsara na ito para sa araw. Hindi pa din niya nakikita si Nelson. Habang pauwi si Sabrina, sumagot siya ng tawag mula kay Abigail. Sinabi ni Abigail, “Ano, nawawala na ba siya bigla? Nagsisisi na ba siya sa desisyon niya?” “Paano iyon magiging posible?” “Kung ganoon, bakit?” hindi alam ni Abigail ang sagot niya. “Sa tingin ko may nangyari kay Pamela. Marahil nadistract siya,” hindi makaisip si Sabrina ng iba pang dahilan.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.