Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 10

Nakita agad ni Sabrina si Nelson sa sentro ng kuwartong puno ng mga tao, dim ang ilaw ng pinakamalaking private lounge sa Club Felicity—pero hindi ito dahil sa kahanga hanga niyang itsura. Ang bawat lalake ay may kasamang babae. Si Nelson lang ang mag-isa at may hawak na sigarilyo. Dahil natatakpan siya ng usok ng sigarilyo, mukha siyang malayo at mahirap lapitan. Ang kahit na sinong maybahay ay matutuwa na magkaroon ng asawa ng tulad ni Nelson na lumalayo sa mga babae. Pero, nakita niyang naiingit pala siya sa mga ababe dahil masigla si Nelson sa kama pero ayaw siyang ikama. Sa oras na iyon, naingit siya kay Pamela ng husto. Samantala, agad na nakita ni Nelson si Sabrina dahil sa liit ng bewang niya ng pumasok siya. Nakasuot siya ng grey sweater na may kasamang high-waist flared pants, lalong nakadagdag sa payat niyang bewang. “Ms. Wyatt, puwede kitang buhatin gamit ang bewang mo, “may bumiro kay Sabrina sa lounge, sumipol pa ito. Tinignan ni Sabrina ang lalake. “Bakit hindi mo subukan mamaya? Sana nga mabuhat mo talaga ako tulad ng sinasabi mo.” Habang nagsasalita siya, tumayo si Nelson mula sa couch at lumapit sa kanya. Nakaamoy siya ng pinaghalong amoy kahoy at sigarilyo mula sa katawan niya, at sumunod siya sa kanya paalis ng lounge. Dahil magkatabi sila sa isa’t isa, natatakpan siya ng kanyang anino. Dahil hindi maganda ang pakiramdam niya, sinubukan niyang humakbang paatras ng magsalita siya, “Umayos ka. Hindi pa natin napipirmahan ang divorce papers.” Habang nakatitig sa malamig niyang mga mata, alam niya na marahil ay mali siya ng pagkakaintindi sa sitwasyon sa private lounge kanina. Isinawalang bahala na niya ang ideya ng pagpapaliwanag sa kanya, dahil wala naman itong saysay, lalo na at sumangayon na sila sa dibisyon ng assets. Pero, hypokrito ang tingin niya sa kanya. Umayos ba siya noong si Pamela ang kasama niya? Pero, hindi niya ito sinabi, dahil nasa kamay pa din niya ang brooch. Kahit na sinabi niya na ibibigay niya ito sa kanya, hindi niya gusto na galitin si Nelson sa takot na baka madelay ang pagbibigay nito. “Sige. Hindi kita bibigyan ng problema,” masunurin siyang sumangayon. Yumuko si Nelson at inobserbahan ang light makeup sa mukha niya—maganda, pero hindi sumosobra. Sa nakaraan, masunurin siya ng sobra. Kahapon, nakikipagtalo siya at agresibo. Ngayon, umarte siyang masunurin. Naguguluhan siya kung alin ang tunay niyang ugali. “Aalis ka na ba?” tanong ni Sabrina. “Mananatili ako ng kalahating oras pa. Okay ba iyon?” Naisip niya na magalang siya sa kanyang pagkukunwari, kahit na nasa rurok na sila ng paghihiwalay. Matapos iyon marinig, malamig siyang tinignan ni Nelson bago siya bumalik sa lounge. “Sakit sa ulong lalake,” naisip niya. “Hindi niya kayang maging mabait sa akin kahit na willing akong nakipagtulungan sa kanya.” Noong bumalik na siya sa private lounge, kinausap niya si Abigail sa pinakatahimik na sulok ng kuwarto. Napansin ni Sabrina na wala sa sarili si Abigail, at tinignan niya ang direksyon kung saan siya nakaharap. Doon, nakita niya si Nelson na naninigarilyo. Ang kinang ng sigarilyo ay kita sa mga daliri niya. Ang itsura niya ng patagilid ay mukhang perpekto sa bawat anggulo. Ang matalas niyang jawline ay nakadagdag sa appeal niya. “Nakakaakit siya ng sobra!” sambit ni Abigail. “Ikama mo siya, kung hindi manghihinayang ka.” May nagkataon na nagpatay sa musika sa oras na iyon, at narinig ng lahat ang kumento ni Abigail. Napaharap sila ng tila may ibig sabihin sa dalawang mga babae, at naging nakakailang ang sitwasyon. Maliban kay Ronaldo at sa iba pa, walang nakakaalam sa lihim na kasal sa pagitan ni Sabrina at Nelson. Si Gerald Ingram, ang tagapagmana na nagyabang kanina na bubuhatin si Sabrina sa bewang ay mapaglarong nagbiro, “Ms. Wyatt, sinong gusto mo ikama?” “Lumayas ka, Gerald. Wala kang pakielam dito.” Malinaw na nainis si Gerald matapos siyang pagsabihan ni Ronaldo. “Ronaldo, bakit ka ganyan? Hindi ba natin puwedeng hangaan ang ganda ni Ms. Wyatt?” pagkatapos, kinindatan niya si Sabrina sa nakakahiyang paraan. “Behave na behave ako.” “Gerald, hulaan mo kung kanino interesado si Ms.Wyatt?” Dahil maganda si Sabrina at kaakit-akit sa mundo ng business, sikat siya sa mga social circle sa Slitton. Ang lahat sa lounge ay kilala siya, pero si Nelson ay exception na kakarating lang mula sa abroad. Napaharap ang lahat kay Sabrina, na sinubukan ipaliwanag ang sarili niya, pero mabilis siyang hinatak ni Ronaldo palapit kay Nelson. Sa gitna ng mga gulat na paghinga at sabik na sigawan, sumagot si Nelson gamit ang malalim niyang boses. “Hinaan ninyo ang mga boses niyo. Kapatid ko siya.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.