Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 7

Nanaginip ako. Naganap ito sa Shaw villa. Nandoon ang aking mga magulang at si Dixon. Pamilyar silang nagu-usap tungkol sa aking ika-23 birthday party. Tumayo ako sa tabi ng sofa habag nakikinig sa pananalita ni Dixon. Mainit at banayad ang kanyang boses. "Gusto ni Carol ang kulay na pula. Palamutihan natin ang lugar ng mga pulang rosas. Tutugtog ako ng piano pagkatapos." Ang mga mata ni Dixon ay puno ng lambing at kahinahunan. Ang araw sa labas ng bintana ay sumikat sa kanya, nagmimistulang siya ay mas gwapo at mas malambing. Nais kong umabot upang hawakan ang kanyang brow bone. Gayunpaman, dumaan lang sa kanya ang aking mga daliri at papunta sa hangin. Sinigaw ko nang malakas ang kanyang pangalan, nagpa-panic. Pero, hindi siya sumagot. Umiyak ako nang hysterically nang maging puti ang lahat ng nasa harapan ko. Namulat ang aking mga mata at nakita kong nasa isang silid ako sa ospital. Suot ko pa rin ang maliwanag na kulay na dress. Nakatayo sa tabi ko si Dixon na may malamig na ekspresyon sa mukha. Parang hindi ko matanggap ang malamig na lalaki sa harapan ko matapos kong makita ang mainit at banayad na Dixon Gregg sa aking mga panaginip. Pumikit ako at tinanong ko siya nang mahina, "Anong nangyari kanina?" Bumaba ng tingin si Dixon at hindi sumagot. Biglang itinulak ni Director Gregg ang mga pintuan ng silid para bumukas. Malamig siyang tumingin kay Dixon at humihingi ng paumanhin, "Natumba ka at ang mukha mo ay napuno ng dugo. Nabigla ako. Kung hindi siya dumating sa ospital dahil sa babaeng iyon, pupunta ka ba, at mangyayari ba ‘to? Carol, sobrang nagi-indulge ka kay Dixon. Asawa mo siya at kailangan mo siyang kontrolin!" Asawa… Naalala ko na kaka-divorce lang namin. Tumingin ako kay Dixon. Ang kanyang matatalim na features ay tagos-buto sa lamig. Para bang wala man lang siyang pakialam sa sinabi ng kanyang ama. Ngumiti ako at sinabi, "Dad, divorced na kami." Lumaki ang mga mata ni Dixon nang marinig niya ‘yon. Natulala din si Director Gregg. Marahil dahil nasabi ko na sa kanya ang aking mga plano kanina, mabilis siyang nag-react at nagtanong, "Kaninang hapon mo lang sa’kin ‘to sinabi. Bakit naman napakabilis ..." Hinimas ko ang aking labi at tinanong, "Mabilis ba? Gusto ni Dixon ng divorce tatlong taon na ang nakakalipas. Napakatagal na nito at walang sinumang nakikinabang dito. Oo nga, hindi talaga ako maalam tungkol sa negosyo. Ang Shaw Corporations ay babagsak lamang sa ilalim ng aking pamumuno sa madaling panahon. Iiwan ko na ‘to sa inyong lahat. Wala na akong pakialam kahit na sumanib pa ito sa Gregg Corporations. " Bumuntong hininga si Director Gregg at sinabi, "Ibinibigay mo sa’min nang ganun-ganon na lang ..." Ininda ko ang sakit sa aking tiyan at bumangon upang umalis sa ospital. Si Dixon ay sumama sa aking tabi. Papasok na sana ako sa kotse ko at magmamaneho paalis, nang minaneho niya ang kanyang itim na Maybach at huminto sa harap ko. Napataas ako ng kilay at nagtanong sa kanya, “Anong ginagawa mo?” “Pumasok ka na. Ihahatid na kita sa bahay.” Ni minsan ay hindi ako isinakay ni Dixon sa kanyang kotse. Dahil sa divorced na kami ngayon, hindi ko na kailangang tanggapin ang kanyang alok. Mahina kong paalala sa kanya, "Hindi na kailangan. Narito ang kotse ko. Hindi naman pwedeng iwan ko lang ‘to, ‘di ba? Dixon, merry meet, merry part. Mas mabuti pa na tratuhin mo ako tulad ng isang estranghero, tulad ng dati. " Nilagpasan na ako ng kotse niya. Sumakay ako sa kotse ko at bumalik sa villa pagkaalis niya. Pumunta ako sa banyo para mag-hot bath. Ang mainit na tubig sa tub ay napuno ng pagkapula sa loob lamang ng 10 minuto. Si Dixon ang dahilan ng uterus cancer na ‘to. Pinatay niya nang walang awa ang aking anak at pinagsamantalahan ako bago pa man umayos ang pakiramdam ko. Hindi ko naman siya tinanggihan. Sa huli, ang kasalukuyang estado ng katawan ko ay kasalanan ko din. Hindi ko masisisi ang sinuman o magagawang magreklamo tungkol dito. Pagod kong pinikit ang aking mga mata. Sa oras na paggising ko, kinabukasan na. Ang tubig ay tagos-buto sa lamig. Sinuot ko ang aking bathrobe at tinawag ang aking assistant. Kinuha niya sa akin ang divorce agreement at umalis na. Ipapadala niya sa akin ang divorce certificate ngayong gabi. Tumitig ako sa dokumento nang walang pakundangan at tinanong, "Nabigyan mo ba siya ng isa pang kopya?" Sumagot ang aking assistant, "Oo, personal kong ibinigay kay Mr. Gregg ang dokumento." "Sige, iwan mo na sa kanya ang lahat ng office matters mula ngayon. Kumuha ka ng tao para iligpit ang villa. Ibalik mo ito sa kanya makalipas ang tatlong buwan." Pinag-isipan ko ito bago magpatuloy nang mahina ang aking mga tagubilin, "Tulungan mo akong ma-contact ang finance department ng Shaw Corporations para maglipat ng limang milyon sa aking bank card. Wala na akong kinalaman sa Shaw Corporations simula ngayon." Natigilan ang assistant ko. Tinanong niya, "President Shaw, ika’y ..." “Gawin mo na. Huwag ka nang magtanong.” Pagkaalis ng aking assistant, limang milyon ang agad na inilipat sa aking bank card. Bumangon ako at nag-impake ng ilang sets ng mga damit pati na rin ang ilang mga makeup. Pagkatapos, umalis na ako sa Gregg villa at bumalik sa Shaw villa. Lumitaw sa panaginip ko kagabi ang Shaw villa. Tumayo ako sa sala nang mahabang panahon at inaalala ang panaginip ko kagabi. Lahat ng nasa panaginip ay tila ba totoong-totoo. Malumanay at mainit niyang sinabi na gusto ko ang mga pulang rosas. Sinabi niya na tutugtog siya ng piano para sa akin. Bakit sobrang perpekto ng dream version niya? Napapikit ako. Pagkatapos, umakyat ako at humiga sa kama. Hindi ko na matiis ang namimilipit na sakit na nagmumula sa aking tiyan kaya tinawag ko si Mr. Connor, na hinihiling sa kanya na hanapan ako ng ilang gamot na maaaring magpamanhid sa aking mga ugat. Nanatili ako sa villa ng mga pito o walong araw. Nang malapit na akong lamunin ng kalungkutan, nagawa ko nang bumangon at lumabas kasama ang bank card na merong limang milyon. Dahil walang nagmamahal sa’kin, maghahanap ako ng magmamahal sa’kin. Wala na akong pake kung nagsisinungaling sila. Gusto ko lang gamitin ‘tong limang milyon para maghanap ng magmamahal sa’kin. Kailangan niya lang naman akong mahalin sa loob ng tatlong buwan.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.