Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 6

Si Gwen ay para bang nakakita ng multo nang makita ako. Sinimulan niyang tumili nang malakas at sinira ang mga bagay-bagay. Inilagay siya ni Dixon sa kanyang mga braso nang makita niya ‘yon. Ang kanyang dibdib ay palaging mainit at nakakakalma. Unti-unting huminahon si Gwen habang panay ang pagbulong niya sa pangalan ni Dixon. At ang lalaking ‘yon, ang aking asawa, ay kinonsuwelo siya, "Okay lang. Narito ako. Wala siyang gagawin sa’yo." Ang pansamantalang kahinahunan ni Dixon ay pagmamay-ari niya. Humarap siya sa akin at tinanong ako nang malamig, "Ano ang ginagawa mo dito sa ospital? Bilisan mo, umuwi ka." Palagi niya akong sinasabihan na umuwi sa harap ni Gwen. Napalingon ako sa kahinahunan na binigay ni Dixon kay Gwen. Sa sandaling iyon, ginamit ni Gwen ang impluwensya ni Dixon at itinapon sa aking mukha ang isang tasa ng kumukulong tubig. Napasigaw ako sa sakit at napaatras sa gulat. Tumama ako sa ilang mga bagay at malapit nang mahulog, nang may humawak sa braso ko. Tumingin ako sa kanya nang walang magawa. "Dixon." Nagkahidwaan ang kanyang tingin nang pinagmasdan niya ‘ko. Pagkatapos, sinamaan niya ng tingin si Gwen at dinala ako sa emergency department. Tumingin ako sa isang salamin at nakita kong ang aking magandang makeup ay natunaw ng mainit na tubig. Nag-iwan ito ng isang pulang peklat na pinalamutian ang tagiliran ng aking mukha. ‘Yon ay mula sa aking pagkahulog no’ng hapon, at mula din noong ginamit ko ang aking mga kuko upang kutkutin ito. Natagpuan ni Dixon ang ilang mga bendahe at rubbing alcohol. Natahimik siya habang sinimulan niyang linisin ang aking sugat. Kahit masakit, pinilit kong manahimik at tangkilikin ang sandali ng lambing na ibinibigay niya sa akin. Basang basa ang itim kong buhok. Bumaba ang tingin ko sa kanyang mahabang, payat, at maputing mga daliri. Pagkatapos, binulong ko ang kanyang pangalan, "Dixon." Sumagot din siya nang pabulong, "Hmm?" Tinanong ko nang marahan, halos mapagdamot, "Maaari kong ibigay sa iyo ang Shaw Corporations at sumang-ayon na hiwalayan ka. Hindi ka ba talaga willing na i-date ako?" Nanigas ang mga daliri ni Dixon. Tumingin siya sa akin na may pagkalito sa kanyang mga mata at tinanong rin, "Kakaiba ang mga kilos mo mula nang bumalik si Gwen. Ano nga ba ang pinaplano mo?" Minsan nang sinabi ni Dixon na wala siyang labis na pasensya para sa akin. Ipinakita na ng kunot niyang mukha na ubos na lahat ng kanyang pasensya. Takot kong inabot upang hawakan ang kanyang mga kilay at ang crease nito. Tinanong ko, "Ayaw mo ba talaga?" Ang aking boses ay sobrang napakalambot, at ang aking tono ay napaka-mapagpakumbaba. Ang boses ni Dixon ay malumanay ngunit puno ng pagkalalaki at talas habang sinabi niya, "Maaari akong makipag-date kahit kanino, kahit na sa isang idiot, pero hindi kita ide-date. Sumuko ka na lang." Para akong nasunog. Ang kalungkutan sa aking puso ay biglang lumaki. Ayoko nang pigilan pa. Patuloy na naglagay ng gamot si Dixon sa sugat ko. Masyado siyang naka-focus. Ngumiti ako at tinanong, "Dixon, sa tingin mo ba hindi ako nakakaramdam ng sakit?" Hindi niya namalayang ibinulong, "Hmm?" Tumawa ako nang mahina at sinabing, "Sa palagay mo ba hindi ako makakaramdam ng sakit at hindi iiyak at hindi magtatampo? Kaya ba patuloy mo akong binu-bully? Pero Dixon, ako ay 20 lamang no’ng pinakasalan kita. Nasa edad ako na hindi ko na kayang matanggap ang lamig, pagkamuhi, at kapabayaan ng iba. At ang taong gumagawa ng lahat ng ‘yon sa akin ay ang aking asawa, ang taong kailangan kong masandalan. Sa totoo lang, hindi ako kasinglakas ng inaakala mo." Gulat na tumingin sa akin si Dixon. Bigla niyang tinanong, "Bakit mo ba gustong-gusto ... makipag-date sa’kin?" Tinantiya kong parating na ang Direktor. Umirap ako at tinapos ang pag-uusap, kaswal na sinasabi, "Dixon, mag-divorce tayo. Ibibigay ko sa’yo ang Shaw Corporations." Biglang napadiin si Dixon Gregg nang malakas. Napabuntong hininga ako sa sakit. Gayunpaman, ngumiti ako nang walang pake at sinabi, "Pagod na ako. Hindi ba matagal mo nang gustong pakasalan si Gwen?" Wala siyang sinabi. Ang gwapo niyang mukha ay mukhang malungkot. Kinuha ko ang divorce agreement mula sa aking bag at marahang nagsabi nang may ngiti sa aking mukha, "Dixon, malaya ka na once pirmahan mo ‘to." Hindi ko kayang gawin ‘to, ngunit ano nga ba ang magagawa ko kahit manatili ako sa kanya? Bukod dito ... Ayokong kumbinsihin ang sarili kong patawarin siya sa pananakit niya sa akin. Kinuha ni Dixon ang divorce agreement at binasa ito nang seryoso. Sa huli, marahang sinabi niya, "Ayaw mo na rin sa Shaw Corporations?" "Gusto ko lang ng limang milyon. Sa’yo na ‘yong iba." Nanahimik siya ulit. Mahigpit niyang hinawakan ang divorce agreement nang matagal at hindi kumikilos. Kumuha ako ng pen sa aking bag at iniabot sa kanya. Siya ay nag-atubili ng mahabang panahon bago pirmahan ang kanyang pangalan sa dokumento nang taimtim. Nanghihinayang ako. Pinirmahan niya… Gusto niya ng divorce. Magwawakas na ang aming kasal dahil sa isang agreement. Kinuha ko sa kanya ang divorce agreement at pilit na ngumiti sa aking mukha. "Ako na kukuha ng abogado para asikasuhin ‘to. Makukuha mo ang divorce certificate sa loob ng ilang araw. Ililipat ko sa pangalan mo ang shares ng Shaw Corporations sa loob ng mga susunod na buwan." "Hayaan mo lang akong mag-isa sa mga natitirang oras." Para bang nagkaroon ako ng isang epiphany. Naka-relax ako nang sobra. ‘Yong sugat sa mukha ko ay tila hindi na masyadong masakit. Sa wakas, nagawa ko nang … pakawalan siya. Nakayanan kong ibalik sa kanya ang kanyang kalayaan. Alam kong dapat nandito na ngayon si Director Gregg. Tumayo na kami ni Dixon at naglakad papunta sa kwarto ni Gwen. Narinig namin ang pagtatanong ni Director Gregg sa kanya nang malamig, "Buweno? Hindi ba ikaw ang kumuha ng mga lalaking ‘yon at plinano ito?" Noon pa man takot sa kanya si Gwen. Nangangamba niyang sinabi, "Nagsisinungaling ka. Hindi ako ang gumawa!" "Hawak ko ang transaction records mo. Gusto mo pa bang tanggihan ito? Gwen Worth, sinubukan mong i-frame ang aking manugang. Mangarap ka! Kahit na hindi siya ang aking manugang, hindi kita papayagang papasukin sa pamilyang Gregg! " Tumingin ako kay Dixon. Kalmado ang kanyang ekspresyon kahit nakikinig siya sa usapan sa loob. Sa pag-iisip tungkol dito, ang aking plano ay hindi naman pala kailangan. Si Dixon ay isang matalinong tao. Maraming bagay na kaya niyang alamin nang walang nagsasabi sa kanya. Gayunpaman, hindi niya inilantad si Gwen at nagawa pang magpanggap na wala siyang alam habang kinokonswelo niya ito. Ini-indulge niya ito. At heto akong nagnanais hanapin ang hustisya para sa aking sarili. Niloloko ko lang ang sarili ko. Nagawa ko pang istorbohin ang kanyang tatay. Nagmamadali akong lumingon para umalis nang maisip ko yun. Naramdaman kong may isang bagay na hindi tama nang marating ko ang mga pintuan ng ospital. Ang init ng aking ilong at hinawakan ko ito nang hindi namamalayan. May isang nakakagulat na matingkad na pulang pahid sa aking kamay. Nahulog ang snowflakes sa tahimik na gabi. Inilahad ko ang aking mga palad upang mahuli ang mga ito. Biglang bumagsak ang aking mga binti at nahulog ako sa mga hakbang na natatakpan ng niyebe. Sa sandaling iyon, tila nakita ko si Dixon Gregg mula sa taong iyon. Tinawag niya akong "maliit na binibini" nang malambing. Ang kanyang tinig ay mahina at malambing habang nagtanong, "Maliit na binibini, gabi na. Bakit hindi ka pa umuuwi?" Mabilis kong binigyan siya ng isang maliwanag na ngiti at sinagot, "Gusto kitang marinig tumutugtog ng piano. Maaari mo ba akong ipagtugtog ng 'Street Where Wind Resides'?" "Sige. Itutugtog ko ito para sa’yo sa klase bukas." No’ng taong iyon, wala akong lakas ng loob na pumasok sa silid aralan at pakinggan na patugtugin niya ang kantang iyon. Nag-squat ako sa labas ng silid aralan, sa ilalim ng mga berdeng bintana, at sa tabi ng mga puting pader. Umiyak ako nang walang magawa at may takot. Parang sobrang simple lang magkagusto kay Dixon Gregg. Nakabitin ako sa huling mga sandali ng aking kamalayan nang mahulog ako sa hagdan. Nakita ko ang malambing na Dixon Gregg at naisip kong naririnig ko ang pagtawag niya sa aking pangalan ... “Caroline, gising! Kumapit ka lang!” Akala ko nakarinig ako ng isang hindi malinaw, malungkot na tinig. Mahinang pakiusap niya, "Basta't maayos ang pakiramdam mo ... nangangako ako na ide-date kita. Kahit habang buhay pa."

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.