Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 2

Nagulat si Dixon at napatanong, “Anong pakulo yan?” Nagsimula nang mag-snow sa labas. Sa loob ng dalawang buwan ay ika-dalawampu’t tatlong taong kaarawan ko na. Sa gabing din iyon ay bisperas ng Bagong Taon. Hindi ko alam kung aabot pa ako sa panahong ‘yon. Hinihimas ko ang aking mga labi, pagkatapos ay ngumiti at iminungkahi, "Alam mo na gusto kita. Kaya't nais kong palayain mo ang lahat ng hindi matwid na opinyon na mayroon ka sa akin at i-date mo ako sa loob ng tatlong buwan." Nagalit si Dixon at sumagot, “Managinip ka.” ‘Yung boses niya sa phone ay wala man lang bahid ng pagmamalasakit. Dito sa malaking silid, napalibutan ako ng kalungkutan at tumulo ang aking luha. Sa sobrang sakit ng puso ko, wala na akong maramdaman. Itinago ko ang kalungkutan na nararamdaman ko at nagsalita nang pangiti, “Dixon, hindi ba gusto mo na makipaghiwalay? I-date mo ako sa loob ng tatlong buwan, maging lalaki ka na mag-aalaga at maga-alala para sa akin. Kahit na hindi mo ako mahal, kailangan mong magpanggap na mahal na mahal mo ako. Kung magagawa mo ‘yon sa loob ng tatlong buwan, papayag na akong makipaghiwalay sa iyo. Ibibigay ko pa lahat ng kayamanan ng pamilyang Shaw. Pag-isipan mo. Tiisin mo sa loob ng tatlong buwan, at magkakaroon ka ng daan-daang milyon mula sa pamilyang Shaw. Pwede mo pa ngang kasalan si Gwen Worth agad-agad pagkatapos ng tatlong buwan. Walang mawawala sa’yo.” Walang pakialam na tinanong ni Dixon, “Magpanggap kasama ka sa loob ng tatlong taon?” Ito ay isang pagpapanggap sa loob ng tatlong buwan at ako lamang ang miyembro ng madla. Sa huli, sarili ko lang din niloloko ko. Marahan kong sinabi, “Oo. Please, i-date mo ako.” “Ha, kaya mo bang hindi maging kamuhi-muhi sa loob ng tatlong buwan?” Nanahimik ako. Nakita ko ang itim na Maybach umalis ng mansyon. Nang magising ako kaninang umaga, nahilo ako at mabigat ang pakiramdam ng aking ulo. Tuyo ang aking lalamunan at hirap akong lumunok. Napakatagal kong umiyak kagabi. Bumangon ako at ininom ang gamot na nireseta ng doktor bago maghilamos, mag-makeup, at tumungo papuntang opisina. Maliban sa pagiging asawa ni Dixon Gregg, ako rin ang CEO ng Shaw Corporations. May trabaho akong ginagawa sa ilang dokumento nang tumawag si Director Gregg. Mababa ang kanyang boses nang seryoso niyang sinabi, “Alam mo bang bumalik na si Gwen galing United States? Bantayan mo nang mabuti si Dixon sa panahong ito. Ako na bahala sa iba.” Nagulat ako at tinanong ko siya, “Kailan siya bumalik?” Sumagot si Director Gregg, “Kahapon.” Kaya pala. Ayaw niya siguro magpanggap na mahal niya ako sa harap ni Gwen. Ayaw ni Dixon na isipin ni Gwen na mahal niya ako. Tagos sa puso ang sakit na aking naramdaman no’ng naisip ko ‘yon. Dahil hindi siya mapasakin, dapat bumitaw na lang ako. Ngumiti ako at sinabi, “Dad, gusto ko ng divorce.” Napatigil huminga si Director Gregg and nag-aalangang nagtanong, “Anong sinabi mo?” Hindi ako mahal ni Dixon. ‘Yong relasyon ninyong dalawa ay palala nang palala pagkatapos niya akong kasalan. Siguro magi-improve ang relasyon ninyo pagkatapos ng aming divorce.” Hindi kailanman papayag si Director Gregg sa aming divorce. Maliban na lang kung… Tumingin ako sa share transfer document sa aking mesa. Ngumiti ako nang pakampante at nagsabi, “Wag ka mag-alala. Ililipat ko lahat ng shares ng Shaw kay Dixon.” Napatahimik si Director Gregg. Tapos, naguguluhan siyang nagtanong, “Kababalik lang ni Gwen at hindi ka na makapaghintay na gawing siyang Mrs. Gregg. Willing ka rin na i-transfer ang shares ng Shaw sa pamilyang Gregg. Ano gusto mo?” Ano ang gusto ko? Tinakpan ko ang aking mga matang napapaluha na at pinilit pababain ang kalungkutan nararamdaman ng aking puso. Tapos, sumagot ako nang marahan, “Noon pa man, marami nang pamilyang gustong makipagsanib-puwersa sa pamilang Shaw sa pamamagitan ng kasal. Pinili ko ang pamilyang Gregg. Ano ba ang gusto ko palabasin?” Nagsalita ako, mapanuya sa aking sarili, “Dad, gusto mo ang pamilyang Shaw pero ang hinangad ko lamang ay siya. Tahimik si Director Gregg. Sa huli, napahinga siya nang malalim. Binaba ko ang telepono, pinirmahan ang share transfer document: Caroline Shaw. Ako na lang ang natitira sa pamilyang Shaw dahil pumanaw na ang akng mga magulang. At malapit na akong mamatay. Makakaasa na lamang ang pamilyang Shaw kay Dixon Gregg. Si Dixon Gregg ay isang pambihirang tao. Maliban sa walang sapat na kapangyarihan upang protektahan ang babaeng kanyang minamahal tatlong taon na ang nakalilipas, siya ay matalim at brutal sa kanyang pakikitungo sa negosyo. Napaka-decisive niyang tao. Sa sobrang makapangyarihan niya, takot ang kanyang mga karibal sa kanya. Matapos maging dehado tatlong taon na ang nakakalipas dahil sa kanyang kakulangan ng kapangyarihan, nagawa niya nang magsimulang magipon ng malaking halaga ng kapangyarihan. Sapat na ngayon ang kapangyarihan ng pamilyang Gregg upang makuha ang pamilya Shaw. Kahit na may mga pagkalugi sa magkabilang dulo, walang kinatakutan si Dixon. Alam kong naghihintay siya ng isang pagkakataon, kung kailan niya maiiwan ang kontrol ng kanyang ama at kung kailan babalik si Gwen. Handa na siya ngayon at hahabol sa pamilyang Shaw. Sa halip na wasakin niya ito, maaari ko itong ibigay na lang diretso. Matapos ang lahat, wala namang magmamana ng kumpanya pagkatapos ng tatlong buwan. Matapos kong pirmahan ang share transfer document, nagsulat ako ng will. Mayroon lamang isang maikling pangungusap: “Dixon, sana makuha mo ang gusto mo sa buhay.” Kinuha ko ang dokumenta at ibinigay ko kay Mr. Connor. Siya ang abogado ng tatay ko. Gulat niyang siniyasat ang mga dokumento at tinignan muli ang will. Sinabi ko nang may isang magaan na ngiti, "Kapag wala na ako, ibigay mo ang lahat kay Dixon. Ngunit inaasahan ko na sana makakapagtugtog siya ng piano sa libing ko." Malungkot akong tinignan ni Mr. Connor at nagtanong, “President Shaw, anong kanta ang gusto mong tugtugin niya?” Kaswal akong sumagot, “The Street Where Wind Resides”. Nang una kong makita si Dixon, ang unang kantang narinig kong tugtugin niya ay “The Street Where Wind Resides”. ‘Yon ang huling kantang tinugtog ng nanay ko para sa akin bago siya mamatay. Matapos kong iwan si Mr. Connor, tinawagan ko ulit si Dixon. Sinagot niya ito at sumigaw, “Bakit ka ulit tumawag?” Ulit?! Dalawang beses ko lang siya tinawagan ngayong taon. Kasama na doon ‘yong tawag ko sa kanya kahapon. Nagtimpi ako at nakangiting nagtanong, “Uuwi ka ba para dito maghapunan?” Tinapunan niya ako ng isang salitang malamig, “Hindi.” Nagii-snow na. Inabot ko para mahuli ang snowflakes. Ang mala-yelong malamig na pakiramdam ay para bang deretso pumunta sa aking puso. Bigla kong sinabi, “Nabalitaan kong bumalik na si Gwen…” Malamig na sumabat si Dixon, “Anong gagawin mo sa kanya? Caroline Shaw, binabalaan kita. Hindi kita hahayaang may gawin ka sa kanya!” Gusto ko sabihin sa kanya na makikipaghiwalay na ako at hahayaan ko na silang dalawa. Gusto ko siyang dito maghapunan para mapag-usapan ang aming divorce. Pero, sa puso niya, ako ay malupit at masama. Dahil ganoon ang tingin niya sa akin, hahayaan ko na lang siyang ipagpatuloy ang pag-iisip nang ganito. Sinabi kong may ngiti na hindi umabot sa aking mga mata, “Kung gayon, uuwi ka ba ngayong gabi? Hindi ko magagarantiya na hindi ako magseselos at gagawa ng isang bagay makakasakit sa kanya.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.