Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 1

“Mrs. Gregg, meron kang terminal cancer…” Namumutla ang aking mukha habang tinanong ko ang doktor, “Anong sinabi mo?” Idiniin ng doktor ang aking medical records sa kanyang braso at malinaw na binigkas ang bawat salita. “Mrs. Gregg, ang iyong matris ay hindi ganap na naitanggal no’ng nagpalaglag ka dalawang taon na ang nakakalipas. Tapos, nagkaroon ka ng impeksyon at ‘yon ang nagsanhi sa cells sa iyong matris na maging cancerous…” Sumabat ako nang mangiyak-ngiyak, “Gaano katagal na lang ang meron ako?” “Kumakalat na ang cancer cells. Mayroon kang tatlong buwan para mabuhay…” “Hindi ko na naintindihan ‘yung ibang sinabi ng doktor. Malakas ang pag-buzz ng isip ko at bumulwak sa aking isipan ang mga salitang "tatlong buwan para mabuhay"… “No’ng gabing iyon, sa Gregg villa: Humilata ako sa kama na para bang patay na aso, ibinaon ang aking ulo sa unan. Punong-puno ng kalungkutan ang aking puso. Ang taong intimate sa akin kanina ay ang aking asawa, si Dixon Gregg. Sa loob ng tatlong taon, gagawin niya kung ano gusto niya at aalis na may malamig na ekspresyon sa kanyang mukha tuwing bibisita siya sa villa. Wala siyang sasabihin sa akin mula umpisa hanggang sa katapusan. Tulad ngayong araw, nagpalit na siya sa kanyang suit matapos niyang lumabas sa banyo at malapit na umalis. Tinawag ko ang kanyang pangalan nang marahan. Hinihimas niya ang kanyang manipis niyang labi at walang pakialam na tumingin sa akin. Nang tiningnan ko ang kanyang walang malasakit na titig, lahat ng gusto kong sabihin sa kanya ay naipit sa aking lalamunan. Sa huli, nag-croak ako, "Ingat ka." Naririnig ko ang pag-start ng sasakyan sa ibaba. Tumayo ako sa kama para titigan ang itim na Maybach sa baba at tinawagan si Dixon. Sinagot niya at itinanong nang walang pasensya, “May problema ba?” Tatlong taon na kaming kasal ni Dixon. Meron siya ibang mahal nang pinakasalan niya ako, ngunit binantaan siya ng aking biyenan sa buhay ng babaeng ‘yon at pinilit siyang pakasalan ako. Lumaban siya, pero sa huli, napilitan siyang isuko ang babaeng mahal niya at pakasalan ako sa halip. Sa loob ng tatlong taon, itinarato niya ako nang malamig at malupit. Kahit na kasama ko siya, may maiisip siyang ibang babae. Ang pangalan niya ay Gwen Worth. Naaalala ko na labing-apat na taong gulang pa lamang ako nang mahulog ako kay Dixon. Ito ang panimulang yugto ng pag-ibig. Kung gusto mo ang isang tao, inilalagay mo ang taong iyon sa iyong puso. Noon, siya ang piano titser para sa katabing klase. Kahit ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit ako nahulog sa isang random na lalaki na mas matanda sa akin ng pito hanggang walong taon. Marahil ay dahil siya ay guwapo, marahan at malambing magsalita o marahil ay dahil sa unang pagkakataon na narinig ko siyang tumugtog ng piano, pinatugtog niya ang huling kantang pinatugtog ng aking ina para sa akin bago siya pumanaw. Hindi ko masabi sa’yo kung ano ang dahilan. No’ng taong ‘yon, sinundan ko si Dixon sa loob ng ilang buwan hanggang sa umalis na siya sa piano class at hindi ko na siya mahanap. Ni hindi ko man lang natanong ang kanyang pangalan. Sa mga sumunod na taon, hindi ko mahanap ang lalaking tumugtog ng piano. Pagkatapos, ang Director ng pamilyang Gregg ay pumunta sa Shaw Corporations at inialok ako na maging manugang na babae niya… Ang pamilyang Shaw ay napakayaman at ang pinakamakapangyarihang pamilya sa Wu City. Ipinanganak ako sa pamilyang Shaw. Bago ko nakilala si Dixon, namatay ang aking mga magulang sa isang plane crash. Hindi na nakuhang muli ang kanilang mga katawan. Dahil dito, bigla akong naging pinakamakapangyarihang tao sa Wu City. At sa pinakanakakalungkot na punto ng aking buhay nakilala ko si Dixon Gregg. Ilang beses na kaming nagkita dati at alam niya na sinusundan ko siya sa paligid. Gayunpaman, itinatrato niya ako bilang isang ordinaryong estudyante at kailanman hindi nababagabag sa aking presensya o sinubukan akong itaboy. Sa gabi, sasabihin niya sa akin ng marahan, "Maliit na binibini, oras na upang umuwi o mag-alala ang iyong mga magulang. Mapanganib na maglakbay nang mag-isa sa gabi." Mainit ang pakiramdam ng puso ko sa tuwing naiisip ko ang nakaraan. Naramdaman ko na si Dixon ay malambing at maalalahanin noong mga panahong iyon. Pinikit ko ang aking mga mata. Ang pinakamalaking bagay na pinagsisihan ko ay ang pumayag na magpakasal kay Dixon tatlong taon na nakalilipas matapos akong alukin ng tatay ni Dixon. Hindi ko ginusto dahil maraming pamilya na nais mag sanib-puwersa sa pamilyang Shaw sa pamamagitan ng pag-aasawa. Ngunit pinakitaan ako ni Mr. Gregg ng litrato. Nang makita ko ang pamilyar na mukha, namilipit ang aking dibdib at naramdaman ko ang pag-asa. Sapagkat siya ang lalaki na nasa isip ko araw-araw, gabi-gabi. Kumuha ako ng isang matapang na pagsusugal. Pinusta ko na papakasalan ako ni Dixon Gregg. Itinaya ko na kahit na ang aming kasal ay walang pag-ibig, tratratuhin namin ang bawat isa nang may paggalang. Pinusta ko na aalagaan niya ako at magmamalasakit para sa akin gaya ng gagawin ng isang mabuting asawa. Hindi ito dapat ganito, na lagi niya akong pinapahiya sa bawat liko. Dalawang taon ang nakakalipas, may inutusan pa siya para ipalaglag ang bata sa aking sinapupunan. Wala man lang siyang pakialam sa aking dignidad o sa pag-asam na naramdaman ko. Masama niya akong kinausap sa harap ng doktor at sinabi, "Caroline Shaw, hindi ka karapat-dapat na magdala ng isang bata para sa akin." Kinamumuhian ako ni Dixon Gregg. Galit na galit siya sa akin, nagawa niyang ipalaglag ang aming anak! Nakalimutan na niya… Nakalimutan niya na ang batang babae na laging sumusunod sa kanya tuwing araw at gabi. Para sa kanya, ginamit ko ang kapangyarihan ng pamilyang Shaw para pilitin ang kamay ng kanyang tatay, para maging asawa niya, at para pilitin itulak palayo ang babaeng mahal niya. Para sa kanya, ako ay isang makasalanang hindi kapatawad-tawad. Patuloy kong iniisip kung ano ang nangyari sa nakaraan. Marahil ay nanahimik ako ng sobra. Madilim akong binalaan ni Dixon, "Huwag mo hamunin ang aking pagiging mabait. Alam mo na wala akong pasensya sa iyo." Bumalik ako sa aking katinuan at pinilit tiisin ang sakit na naramdaman ko sa aking puso. Mahinang sabi ko sabay tawa, "Dixon Gregg, gumawa tayo ng kasunduan."
Previous Chapter
1/757Next Chapter

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.