Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 9

“Tama. Puro tungkol sa digmaan at pagbibigay ng karangalan sa bansa yung pinag-uusapan nila. Kalokohan!” Ngumisi rin ang iba pa sa mga kabataan. Bang, bang! Subalit, sa isang iglap, tumalsik ang dalawang binata at sumalpok sa pader. Bumagsak ang pader sa sobrang lakas ng pagsalpok nila dito. “Pfft!” Sumuka ng napakaraming dugo ang dalawang binata. Nanigas ang mga binti nila at tumigil sa pagkilos. “Ahhh! Mamamatay tao!” Tumili ang dalawang dalaga na parang nakakita sila ng multo at agad na kumaripas ng takbo. “Naku, Fane, napatay mo sila. Paano kung importanteng tao pala sila na miyembro ng isang organisasyon? Anong gagawin natin?” Namutla si Joan nang makita niya na nakahandusay sa lupa ang dalawang binata. “M-m-masyado kang mainitin ang ulo. May mga taong hindi natin pwedeng banggain. Iniisip mo ba na nasa digmaan ka pa rin kung saan pwede mong patayin ang sino mang makalaban mo?” “Bakit hindi mo kontrolin ang init ng ulo mo? Nagsalita lang naman sila!” Nainis din si Selena. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Napukaw ang damdamin ni Fane nang makita niya na nag-aalala sa kanya ang dalawang pinakamahalagang babae sa buhay niya. “Ma, Selena, huwag kayong mag-alala. Nawalan lang sila ng malay. Alam ko namang kontrolin ang sarili ko. Gigising din sila mamaya!” Ngumiti lamang si Fane habang nagpapaliwanag. “Buhay sila?” Agad na nilapitan ni Selena ang mga binata at itinapat ang kanyang mga daliri sa kanilang mga ilong. Nakahinga siya ng maluwag nang makumpirma niyang buhay pa ang mga ito. “Humihinga pa sila. Ayos lang sila.” “Tara. Umalis na tayo, dali!” Ang sabi ni Joan habang tinitingnan ang paligid. "Ma, tara na. Kalimutan mo na yang trabaho mo. Panahon na para magpakasaya ka sa buhay!" Masayang ngumiti si Fane sa kanyang nanay at asawa, at sinabing, "Tara na. Maaga pa. Ibibili ko kayong dalawa ng mga damit na babagay sa inyo!" "Mga damit?" Nagulat si Joan sa kanyang narinig. "Saan ka kukuha ng pera? Bukod pa dun, paano naman ako makakahinto sa pagtatrabaho? Marami akong kailangang pakainin. Saming dalawa ni Selena umaasa ang buong pamilya namin! Anak, makinig ka sakin. Maraming tiniis na paghihirap si Selena para kay Kylie. Alagaan mo siyang mabuti at huwag mo siyang bibiguin!" "Imposible yan. Siguro nga hindi makapagtrabaho ang tatay ni Selena dahil nalumpo siya, pero kaya namang magtrabaho ng nanay niya at ni Clifford, di ba? Hindi rin ba sila tinatanggap sa trabaho?" Nainis si Fane. Siguro nga bata pa si Clifford Taylor noon kaya hindi siya naging sundalo. Pero limang taon na ang lumipas at matanda na siya ngayon. Dapat tumutulong siya sa pamilya. "Hayyy!" Hindi mapigilan ni Joan ang bumuntong hininga nang mapag-usapan ang tungkol sa kanila. "Sinisisi nila sayo ang lahat ng paghihirap na naransan nila. Bukod pa dun, nasanay sila sa dati nilang buhay noong hindi pa sila pinapalayas ng pamilyang Taylor. Anong aasahan mo sa kanila? Ayaw lang talaga nilang magtrabaho!" "Walang-kwenta ang kapatid ko. Bihira siyang umuwi, at sa tuwing uuwi siya, hihingi lang siya ng pera!" Pati si Selena ay nainis nang mapag-usapan ang tungkol sa kapatid niya. Pagkatapos niyang magsalita, tumingin si Selena kay Fane. "Pero, nakabalik na si Fane, at hindi siya ginigipit ng pamilyang Taylor. Makakabuti kung magkakaroon siya ng trabaho!" "Ako? Gigipitin nila?" Natawa si Fane sa kanyang narinig. "Magpasalamat sila na hindi ko sila pinahihirapan!" "Tingnan mong sarili mo. Nagbago ugali mo mula nung naging sundalo ka. Lumakas ka nga. Pero, naging mayabang ka naman!" Tumigin si Joan sa kanyang anak. Ang sabi ng lahat sa kanya ay patay na si Fane, pero hindi siya naniwala sa kanila. Sigurado siya na makakauwi ng buhay si Fane, at dumating na nga ang araw na yun. "Tara, bili na tayo ng mga damit niyo!" Tinulak ni Fane si Joan para maglakad. "Saan galing ang pera mo?" Nag-isip sandali si Selena at bigla siyang may napagtanto. "Tama, ang dinig ko may binigay na pabuya sa mga sundalong sumabak sa digmaan. May nakuha kang pabuya, no?" "Ganun ba?" Natuwa si Joan. "Ibig sabihin libo-libo ang nakuha mo, tama ba? Kung sabagay, limang taon kang naging sundalo. Pero, dapat magtipid ka. Magsisimula nang pumasok sa kindergarten si Kylie. Sa panahon ngayon, masyado nang mahal ang magagandang paaralan!" "Siguradong libo-libo ang nakuha mo. Narinig ko yan sa ibang mga tao na bumalik galing sa digmaan. Yung isa sa kanila binigyan ng higit sa dalawang daang libo, at karaniwan daw na ganun kalaki ang binibigay sa kanila!" Nag-isip ng maigi si Selena at ngumiti. "Maganda yun. Kung may dalawang daang libo tayo, magiging mas maayos ang buhay natin." "Ma, huwag na kayong mag-alala. Kung papasok sa kindergarten si Kylie, dapat lang na yung pinakamagandang paaralan yung pasukan niya!" Dinala ni Fane sila Joan at Selena sa isang malaking shopping mall. Huminto siya sa paglalakad at hinawakan ang kamay ni Selena, at sinabing, "Hindi mo na kailangang mamulot ng basura Selena. Pwede kang magtrabaho kung gusto mo. Kung ayaw mo namang magtrabaho, aalagaan kita!" "Anong sinasabi mo? Maraming taong nanonood!" Agad na namula si Selena at binitawan ang kamay ni Fane. Yung totoo, wala siyang nararamdaman para kay Fane. Pinilit lang siyang magpakasal noon. Nagpakalasing siya dahil sa sobrang sama ng loob niya kaya may nangyari sa kanila. Ngunit, hindi niya kayang ipalaglag ang sarili niyang anak. Higit pa dito, isang mapagmahal na anak si Fane at may mabuting pagkatao. Ang anak nila ang dahilan kaya naghintay siya ng matagal. Kaya naman nahiya siya ng sobra nung biglang hinawakan ni Fane ang kamay niya. "Pumasok na tayo at magtingin-tingin. Pero huwag mo akong bibilhan ng kahit ano. Dapat mong bilhan ng damit ang mga biyenan mo. Marami silang pinagdaanang paghihirap nitong nakalipas na limang taon dahil sayo!" Ngumiti lang si Joan sa kanila. Halatang umaasa siya na makukuha ni Fane ang loob ng mga biyenan niya. "Kung bibilhan ko sila ng damit, mas mabuti kung isasama ko sila para makapili sila. Kapag ako ang pumili para sa kanila, baka hindi bumagay sa kanila!" Ang sagot ni Fane pagkatapos niyang mag-isip-isip. Kung sabagay, mga biyenan nga naman niya sila. Naghirap sila nitong mga nakalipas na taon dahil sa kanya, pero kahit minsan ay hindi man lang niya sila trinato ng maayos. Hindi niya sila masisisi kung bakit ganun na lang ang pagkadismaya nila sa kanya. Agad silang dinala ni Fane sa ikalawang palapag ng shopping mall. "Fane, sa tingin ko mas maganda kung sa baba na lang tayo magtingin. Puro mamahalin mga damit dito. May mga international na brand pa. Masyadong mahal yung mga yun!" Ang bulong ni Selena sa kanya pagkatapos niyang magtingin-tingin. "Talaga? Ganun ba talaga kamahal yung mga damit dito?" Binulungan ni Joan si Fane nung marinig niya ang sinabi ni Selena. "Anak, baba na tayo. Mas mura yung mga damit sa first floor. Bilhan mo na lang yung asawa mo. Sapat na yun. Huwag mo na akong alalahanin. Marami pa akong damit na masusuot!" "Hindi ko kailangan ng damit. Si mama mo na lang ang bilhan mo!" Ang sinabi ni Selena. Iniisip din niya angbpagtitipid ng pera. "Tigilan na natin 'to. Makinig kayo sakin. Dito tayo mamimili!" Hinila ni Fane ng magkabilang kamay niya ang kanyang ina at si Selena, at pumasok sila sa isang exclusive store. "Naku naku naku, masyadong mahal dito…" Ang sinabi ni Selena, pero huli na ang lahat. Masyadong malakas si Fane kaya madali niyang nadala sa store ang dalawa. Subalit, pagpasok pa lang nila sa store, agad siyang nanahimik. Anu't ano pa man, alam niya na hindi niya dapat ipahiya si Fane sa harap ng maraming tao. Ngunit, ang hindi nila alam, masama na ang tingin sa kanila ng mga tao.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.