Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 8

“Ma, kahit na ano pang sabihin niyo, siya pa rin ang ama ni Kylie at ang manugang niyo. Huwag niyo na siyang insultuhin pa!” “Nangyari na ang nangyari. Hindi niyo na dapat inuungkat pa ang mga bagay na yun!” Kasing bait at maunawain pa rin ng gaya ng dati si Selena. “Kalokohan! Kahit kailan hindi namin siya tinanggap bilang manugang namin!” Ang sagot ni Fiona. “Tama yun. Kung hindi dahil sa kanya, hindi magkakaganito ang binti ko!” Puno rin ng galit si Andrew para kay Fane. “Ano bang naging kasalanan niya? Nakipagtalik ako sa kanya noon dahil sa sama ng loob ko. Hindi ko inaasahan na mabubuntis ako!” Walang magawa si Selena. Nangyari ang lahat ng ito dahil sa pagiging padalos-dalos niya. Ngunit, hindi niya kayang gawin na ipalaglag ang bata. Maituturing na kabayaran sa nagawa niyang pagkakamali ang mga paghihirap na naranasan nila. “Pero hindi mo naman kailangang ipagbuntis yung bata. Aatakihin ako sa puso sayo!” Nagdabog sa sobrang inis si Fiona. “Hayaan niyo na yun, Nangyari na ang nangyari. Nakabalik na siya. Tingnan na lang natin kung may magagawa siya. Di magtatagal aayos din ang mga buhay natin!” Naglabas ng sigarilyo si Andrew at sinindihan ito. Totoong nagalit siya nung makita niya si Fane, peor sa puntong iyon, wala na siyang magagawa. Anu’t ano pa man, apo niya si Kylie, ang laman at dugo mismo ng kanyang anak. “Ano pa bang igaganda ng buhay natin? Maikukumpara ba yun sa buhay natin nung nasa mansyon pa tayo?” Nanggagalaiti pa rin si Fiona. “Selena, nasaan ang nanay ko? Bakit hindi ko pa siya nakita mula kanina?” Sumimangot si Fane. Ilang sandali na ang lumipas mula noong makabalik siya, pero hindi pa niya nakita ang kanyang ina. Kanina lang ay sinabi sa kanya ni Shauna na dito rin nakatira ang kanyang ina. “Nasa trabaho pa siya. Wala kaming magagawa. Matanda na at hindi nakapag-aral ang nanay mo, kaya tagapaglinis lang ang napasukan niyang trabaho. Maliit lang ang sinasahod niya kada buwan, at binibigyan niya kami ng parte ng sahod niya. Bilang isang pamilya, iyon lang ang magagawa namin!” Ang sinabi ni Selena. “Tara, dalhin mo ako sa kanya! Alam mo naman kung saang kalye siya naglilinis, di ba?” Noong marinig niya na nagtatrabaho bilang tagapaglinis ang kanyang nanay at nakadepende ang kinikita ng buong pamilya nila sa trabaho ng nanay niya at sa pamumulot ni Selena ng basura, hindi nasiyahan si Fane. “Sinasabi ko na sayo, hiwalayan mo si Selena. Bukod pa dun, hindi ako papayag na hindi ka magbabayad ng sampung milyon para sa paghihirap na pinagdaanan ng anak ko!” Maririnig ang pagwawala ni Fiona habang paalis sila ng bahay. … Sa sandaling iyon, tirik na ang araw. Lalong uminit ang panahon dahil sa tindi ng sikat ng araw. Sa tabing kalye, isang matandang babae ang nakahawak sa kanyang sumbrero habang nagwawalis sa daan. Blag! May nagtapon ng bote ng tubig sa harap mismo ng babae. Napatingin ang babae sa direksyon kung saan galing ang bote at nakita niya ang dalawang binata na may kasamang mga dalaga na naka suot ng maiksing damit. Napailing na lamang siya. “Hayy, mga kabataan ngayon… hindi nila alam kung paano ang tamang pagtatapon ng basura.” Sa di inaasahan, narinig ng mga bata ang sinabi ng babae. “Tagapaglinis ka lang ah. Bakit ka nagrereklamo?” “Gusto kong itapon sa harap mo yung basura ko. Anong problema dun? Kapag hindi ako nagtapon ng basura ko dito, ano pang silbi niyong mga tagapaglinis?” Agad na nagbunganga ang binata na nagtapon ng bote. Dumura pa siya sa lapag pagkatapos niyang magbunganga. “Wala nang mararating yung mahihirap na gaya mo!” “Tama yan. Kundi dahil sa pagkakalat natin, hindi sila magkakatrabaho!” Nakasuot ng itim na palda at pantyhose ang dalagang may kulot na buhok. Ngumuya siya ng mga buto ng sunflower at ikinalat ang mga balat nito sa paligid. “Linisin mo yan. Kapag hindi mo inayos ang paglilinis mo, baka kaltasan ang sahod mo!” Nakisali ang iba pang kabataan at nagkalat sa paligid. “Tama yan. Linisin mo yang maigi. Hahaha!” “Napakabata niyo pa, pero ang sasama na ng ugali niyo. Nandoon lang ang basurahan. Hindi niyo ba alam na masama ang pagkakalat ng basura?” Nainis ang babae. Halos mahimatay na siya sa tindi ng init ng panahon, ngunit dinumihan lang ng mga batang ‘to ang kalyeng pinaghirapan niyang linisin. “Haha, tinuturuan mo ako kung ano ang tama? Tagapaglinis ka lang, pero nagsasalita ka tungkol sa kung ano ang tama. Kalokohan!” Muling humalakhak ang isa sa mga kabataan. Halos kumbulsyonin si Fane at Selena nang makita nila ang nangyayari. Masyadong walang modo ang mga kabataang ‘to. “Ano bang mapapala niyo sa pang-aapi niyo sa matanda?” Bago pa man makalapit si Fane, sumugod na si Selena sa kanila at galit na nagsisigaw, “Bakit ganyan kayo? Nagpapakahirap yung tao na linisin yung kalye. Hindi ba pwedeng huwag na lang kayong magkalat para makatulong naman kayo?” “Sinusubukan mo bang depensahan ang matandang ‘to? Ang ganda mo at maganda rin ang katawan mo. Peor, mahirap ka pa rin. Tingnan mo yang suot mo!” Napatingin ang binata kay Selena at nagulat sa kanyang nakita. Nakasuot lang ng simple at napakalumang damit ang babaeng ito, pero hindi nito maitago ang kanyang kagandahan. “Pwede ba, huwag ka ngang mangialam!” Tumingin ng masama sa kanya ang dalawang dalaga. “Bakit nandito ka Selena?” Hinila ng babae si Selena. Siya ang nanay ni Fane, si Joan Xavier. “Hayaan mo na sila. Aalis din sila maya-maya. Lilinisin ko na lang uli yan mamaya!” “Sumosobra na sila Ma. Hindi na tama ang ginagawa nila!” Hindi mapakali si Selena. Gigil na gigil na siya, ngunit wala siyang magawa. “Uy ganda, mas cute ka kapag galit ka!” Tumingin ang isang binata at lalong nasiyahan. Hindi niya matiis na hindi inishin si Selena, “Tara dito. Kapag hinalikan mo ako, titigil kami sa pagkakalat. Ayos ba?” “Ang lakas ng loob mong pormahan ang asawa ko!” Hindi na makapagpigil pa si Fane. Lumapit siya at tiningnan sila sa mata. “Ikaw si…” Nagulat si Joan. Agad niyang nakilala si Fane at napaluha. “Fane, i-i-ikaw na ba yan?” Lumingon si Fane. Naluha rin si Fane at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ni Joan, “Ma, patawarin mo ako. Naghirap kayo dahil sakin. Wala ako sa tabi mo sa nakalipas na limang taon!” “Hindi, ayos lang ako. Wala kang kasalanan!” “Ang mahalaga nakauwi ka ng ligtas. Ang sabi ng lahat namatay ka sa digmaan, pero alam kong babalik ka ng buhay!” Tumulo ang mga luha ni Joan habang nanginginig ang kanyang boses. Hinawakan niya ang mukha ni Fane sa takot na baka isa lang itong panaginip. “Nandito na ako. Nakabalik na ako. Hindi na tayo magkakahiwalay at mamumuhay tayo ng maayos!” Paulit-ulit na tumango si Fane. “Patawarin mo ako, dahil pinag-alala kita!” “Hindi, hindi, mabuti kang anak. Alam kong nagpakasal ka para lang maipagamot ako. Lumaban ka sa digmaan para sa bansa!” Napuno ng luha ang mga mata ni Joan. “Masaya ako na nagkaroon ako ng anak na gaya mo!” “Tang*na, mga artista ba kayo? Anong kadaramahan ‘to? Kadiri!” Nainis ang binata. Subalit, napuno ng galit ang mga mata ni Fane dahil sa kanyang narinig.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.