Kabanata 19
Noong natapos magsalita si Shannon, makikitang naguluhan si Adam na karaniwan ay kalmado ang mukha.
Tila ba hindi niya naintindihan kung anong sinabi niya ngayon lang.
Paglipat lang ng kuwarto ang sinasabi nila, hindi ba? Bakit lalayas na siya bigla?
Hindi rin makapaniwala si Scott at iba pa. Pakiramdam nila pinalalaki ni Shannon ang maliit na bagay.
“Kailangan mo ba talaga na umabot sa ganitong punto?”
Hindi naman ito seryosong bagay!
Mapanglait ang mukha ni Hank. “Hindi ka na bata. Ang paglalayas mo ay walang epekto sa pamilya Jensen.”
Pakiramdam niya hindi ito itutuloy ni Shannon. Iba nga naman ang pamilya Jensen sa pamilya Gray. Sila nag isa sa pinakamayamang pamilya sa Seastone City. Nagdududa si Hank na gustong umalis ni Shannon.
Sa malapit, hipokritong nagsalita si Linda, “Shannon, may nagawa ka na mali, at pinaalalahanan ka lang ni Adam. Bakit kailangan mo manakot na maglalayas ka? Masama na mainitin ang ulo mo.”
Dito lang naramdaman ni Adam na may mali.
Napansin niya ang ugali ni Scott kay Shannon kahapon, pero inassume niya na bata pa si Scott at hindi pa sanay sa bagong dating sa pamilya. Pero ngayon, nakikita na ni Adam si Hank, Caleb at kahit si Linda ay hindi palakaibigan kay Shannon.
Kung ganito na ang sinasabi nila sa harap niya ngayon, paano pa kaya kung wala siya?
“Shannon, ikaw—”
Sumimangot si Adam at gustong alamin ang punot dulo nito, pero hindi gusto makinig ni Shannon.
Tumalikod siya at may tinawag mula sa loob ng bahay. Hindi nagtagal, ang maliit niyang fox na bilugan ang katawan ay tumalon sa mga bisig niya.
Sinalo ito agad ni Shannon. Pagkatapos, kinuha niya ang kanyang bag, na dinala niya mula sa nirentahan niyang bahay. Hindi na niya binuksan ang bag niya, hinayaan niya ito at binuhat ng paalis. Tumalikod siya at tumungo sa hagdan.
Dito lang napagtanto ni Adam na may nagawa siyang mali. Mabilis niyang hinabol at pinigilan si Shannon.
“Shannon, kung masama ang trato sa iyo sa kahit na anong paraan, sabihin mo sa akin. Huwag…”
Gusto sabihin ni Adam kay Shannon na huwag siyang magpabulag sa emosyon.
Pero tinignan siya ng kalmado ni Shannon.
“Okay lang ako.”
Sumuko na siya.
Alam ni Shannon na hindi siya magiging malapit sa kahit kaninong miyembro ng pamilya.
Sa nakalipas na 18 taon, hindi niya naramdaman na malapit siya sa pamilya Gray, kaya hindi niya inaasahan na makukuha niya ito sa pamilya Jensen.
Maaaring tinanggap siya ng sinsero ni ector, pero ang pamilya Jensen ay hindi kanya lamang.
Dahil hindi naman sila magkasundo, sumuko na si Shannon sa kakasubok.
Nakawala na siya sawakas mula sa pamilya Gray. Sa hinaharap, mabubuhay siya sa kahit na anong paraan niya gusto.
Habang dala ang fox sa bisig niya, nilampasan ni Shannon si Adam. Hindi na siya tumingin pabalik at umalis ng walang alinlangan.
“Ano… napagalitan lang siya, tapos umalis na ng ganoon lang? Napakairesponsable!”
Nagulat si Scott na makitang umalis si Shannon tulad ng sinabi niya. Hindi niya mapigilan na magreklamo, pero sa oras na sabihin niya ito, sinampal siya sa ulo ni Adrian.
“Ano ba ang pakielam mo? Dada ka na lang ng dada ng walang tigil araw-araw. Tumahimik ka nga kahit na minsan!”
Natahimik si Scott at naging masunurin dahil sa ginawa ng kanyang ama.
Si Hector ay tahimik mula pa kanina. Sa oras na iyon, kumilos siya sawakas at hinabol si Shannon.
Naisip ni Shannon na gusto siya ni Hector na manatili dito, pero nagulat siya dahil tumalikod si Hector at sinabi sa butler na ihanda ang sasakyan para ihatid siya.
Tinignan ni Hector si Shannon, ang guwapo niyang mukha ay malambing ang dating. “Wala kang ginawa na mali.”
Natulala si Shannon.
“Kakabalik mo lang, kaya wala ka ng ibang ginawa kung hindi tiisin sila, iisipin nila na puwede ka nilang apihin kahit na kailan. Kaya, magiging mas malala lang sa hinaharap. Pero kung magmamatigas ka tulad ng ginawa mo ngayon at lalaban, magdadalawang isip na sila sa hinaharap bago ka apihin.”
Habang nagsasalita si Hector, gumaan ng kaunti ang pakiramdam niya.
Walang masabi si Shannon.
Inassume ba ni Hector na nagmamatigas lang siya at lumalaban ng sinabi niya na maglalayas siya?
Pero plano na talaga niyang lumipat.
Binuksan niya ang bibig niyaa para magpaliwanag. “Hindi ako—”
Pero hindi siya pinatapos magsalita ni Hector, mahinhin niyang sinabi.
“May apartment ako sa Clear Bay. Puwede ka doon muna manatili ng isa o dalawang araw. Sa mga oras na iyon, kukuha ako ng katulong na maglilinis at magluluto para sa iyo. Manatili ka doon at huwag isipin ang kahit na ano.”
Habang nagsasalita siya, sumingkit ang mga mata niya ng kaunti. “Pangako, makukuha mo ang hustisya para sa nangyari ngayon.”
Nakita ni Shannon ang mga mata ni Hector na sinsero. Panandalian niyang hindi alam kung anong sasabihin niya.
Kung may model na kapatid, siguro si Hector na iyon.
Tuwang-tuwa si Shannon sa kanyang kapatid.
Yumuko siya ng kaunti, medyo nagulat ng may malaking kamay na humawak sa tuktok ng ulo niya. Nabibigyan siya nito ng kasiguraduhan.
“Kapatid kita. Kung hindi nila ito matanggap, kailangan lang natin na ipukpok ito sa ulo nila. Maiintindihan din nila ito kapag tumagal.”
Noong sinabi ito ni Hector, nakangiti siya. Pero, may lamig at nakakatakot na dating sa mga mata niya.
Naiimagine ni Shannon na walang awa at isa-isang sinasampal ni Hector ang mga pinsan nila habang nakangiti.
Napalunok si Shannon at sinabi ng mahina, “Sige.”
Gusto niya na makita iyon mismo.
Pagkatapos mag-isip sandali, inilagay ni Shannon si Marshmallow sa sasakyan bago kinuha ang dalawang lalagyan mula sa bag niya. Iniabot niya ito kay Hector.
“Ginawa ko ito mismo. Balak ko na bigyan ka at “siya” ng tig isa.”
Siyempre, ang tinutukoy niya na “siya” ay si Adam.
Pero matapos ang nangyari ngayon lang, hindi na niya gustong mag-abala na ibigay ito ng personal. Kaya, hiniling na lang niya kay Hector na ipasa ito kay Adam para sa kanya.
Noong narinig ni Hector na inukit ni Shannon mismo ang mga talisman, kuminang ang mga mata niya sandali. Pagkatapos, ngumiti siya at tinanggap ito. “Sisiguraduhin ko na dala ko ito kahit na saan.”
Tumango si Shannon. Walang sabi-sabi, tumalikod siya at sumakay sa sasakyan.
Tumayo doon si Hector, pinapanood ang sasakyan na nagmaneho palayo. Makalipas ang ilang sandali, unti-unti siyang tumalikod. Naglaho ang kaunti niyang ngiti ng tumalikod siya, napalitan ito ng lamig.
Sa villa, si Adam at iba pa ay naghihintay sa living room. Noong nakita nila na mag-isang bumalik si Hector, alam nila na hindi niya nakumbinsi si Shannon na manatili.
Malungkot ang mukha ni Adam. “So, ayaw manatili ni Shannon?”
Kaysa sagutin ang tanong, lumapit si Hector at kalmadong sinabi kay Adam, “Ama, sa tingin ko obligado akong ipaliwanag ang nangyari ngayon.”
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, si Scott at iba pa ay kinilabutan ng marinig ang kalmadong tono ng boses ni Hector.
…
Sa sasakyan, wala ng pakielam si Shannon sa pamilya Jensen at bahay sa likod niya. Inilabas niya ang talisman mula sa bag niya.
Tunay na hindi niya inaasahan na makikilala siya agad ng iba na miyembro ng pamilya Jensen. Pero, hindi maisasawalang bahala ng pamilya Shaw ang koneksyon ng dalawang pamilya at nagreklamo lang kay Adam dahil sa mga sinabi ni Shannon.
Base sa tindi ng sinabi ng pamilya Shaw, marahil may nangyari kay Emily.