Kabanata 18
Natawa ng mahina si Hector, malinaw na natuwa sa comeback ni Shannon.
Agad na sumimangot si Hank at sumigaw, “Kalokohan ang sinasabi mo! Hindi iyon puwede!”
Kalmado siyang tinignan ni Shannon at walang pakielam na sumagot, “Hindi ba’t iyon ang rason na ginamit mo kanina? Ginagamit ko lang ang rason mo para makipagnegosasyon. Anong mali doon?”
“Seryoso ka ba! Ang national treasure at kuwarto mo ay hindi maikukumpara sa isa’t isa!” pagod na si Hank sa kanya.
Si Scott, na nakatayo sa malapit, ay hindi mapigilan na magsalita, “Bakit ba ang petty mo, Shannon? Hindi ba’t kuwarto lang ito? Hindi ka naman namin pinapalayas. Kailangan pa ba na palakihin ito?”
Natawa lang si Shannon sa sagot niya. Kung ganoon, bakit kinuha ni Eva ang kuwarto niya?
Sa oras na iyon, nakielam din si Caleb, “Hindi naman ganoon kalayo ang sinabi ni Hank. Hindi mo rin naman gusto masyado ang kuwartong pang prinsesa ang tema, kaya bakit ka nakikipagtalo sa bata para dito?
“Kung malaking bagay talaga ito, ibibigay ko sa iyo ang kuwarto ko, at ibigay mo ang kuwarto mo kay Eva. Pakiusap tapusin mo na ito. Parang kalokohan lang na palakihin ang ganitong bagay para lang sa kuwarto.”
Bumulong si Scott, “Salamat sa isang tao. Hindi naman tayo nagkakaroon ng mga ganitong probelma sa bahay dati.”
Sa katapusan ng araw, ipinapahiwatig nila na ginamabala ni Shannon ang kapayapan sa bahay simula ng dumating siya.
Kahit na si Linda ang umasikaso sa pagbibigay ng mga kuwarto, inaakusahan ng lahat si Shannon na siya ang mali.
Habang nakikinig si Hector sa sinasabi nila, nawala ang ngiti niya. Pero, bago pa siya may masabi, hindi makapaghintay na sinabi ni Hank, “At the end of the day, ayaw mo lang ibigay sa kanya ang kuwarto.”
“Tama ka. Ayaw ko itong ibigay.”
Walang masabi ang lahat sa sagot ni Shannon. Hindi inaasahan nina Hank at iba pa na tatanggihan sila.
Pero, sinabi ni Shannon ang saloobin niya. Nakipagtitigan siya sa mga mata nila, hindi siya natinag at walang pakielam.
Sanay na nga naman siya sa ganitong mga akusasyon, paulit-ulit niyang ininda ang ganito buong buhay niya.
“Dapat pumapayag ka sa gusto ni Rach; nakababata mo siyang pinsan!”
“Hindi mo puwede panatilihin ang fox na iyan dito! Paano kung matakot si Rach? Palayasin mo ito ngayon din!”
“Nakikitira ka lang dito, at ngayon gusto mo pa magdagdag ng alaga? Sadya mo bang ginugulo ang katahimikan sa bahay na ito, Shannon?”
Sanay na siya sa mga ganitong “akusasyon.”
Ngunit, hindi ibig sabihin na dahil sanay na siya ay titiisin na niya lang ito.
Dahil ang lahat naman ay may iisa lang na buhay, bakit siya sasangayon kay Eva dahil lang sa mas bata siya sa kanya?
Dagdag pa dito, nag-effort ang mga magulang niya na lagyan ng dekorasyon ang kuwarto, natutuwa sila at nasasabik sa kanyang pagdating.
At kahapon lang niya nalaman na may mga taong nasasabik na hinihintay ang kanyang pagdating.
…
Inassume ni Eva na siguradong makukuha niya ang kuwarto sa tulong ng mga kapatid niya at pinsan.
Pero, ang kabaliktaran ng inaasahan niya ang nangyari, ayaw sumuko ni Shannon na matigas ang ulo!
Tulad ng inaasahan, tama si Cecily. Sa oras na nagbalik si Shannon, hindi na siya ang darling girl sa bahay. Hindi na siya iispoil ng lahat tulad ng dati.
Kahit si Hector kontra na din sa kanya.
Lalong nagalit si Eva habang iniisip ito, dahilan para umiyak na naman siya.
“Ikaw ang pinakamasama! Lumayas ka sa bahay ko! Layas!”
Sa oras na marinig niya ito, natahimk bigla ang hallway.
Kumurap ang mga mata ni Shannon habang nananatili siya sa kinatatayuan niya, hindi makikita sa ekspresyon niya ang kanyang nararamdaman.
Samantala, si Scott at iba pa ay natulala sandali.
Kahit na may komosyon, ang padalos-dalos ng pamilya na si Scott, ay alam kung ano ang limitasyon sa mga bagay na maaaring sabihin.
Tulad ng inaasahan, sa isang iglap, isang mahigpit na babala ang dumagungdong sa bahay.
“Eva Jensen!”
Tinitigan ng nakakakilabot ni Hector si Eva sa mga mata niya, napatigil siya bigla sa pag-iyak at pagwawala.
Sa oras na ito, dalawang tao ang bumaba ng hagdan. Si Adam at Adrian, parehong kakabalik lang galing trabaho. Mahigpit pa din ang mukha ni Adam at may dalang awtoridad, “Anong gulo ito?”
Noong nagsalita si Adam, bumilis ang tibok ng puso ni Linda. Bago pa siya makapagsalita, agad niyang isinama si Eva palapit kay Adam at Adrian, pinilit niyang ngumiti habang nagpapaliwanag, “Oh, away bata lang ito. Kasalanan ko dahil hindi ko ito naisip ng mabuti ng inorganisa ko ang kuwarto ni Shannon.
“Nagwawala si Eva, gusto makipagpalit ng kuwarto sa kanya. Pero, ayaw ni Shannon na pumayag.”
Ilang mga salita lang at hindi na niya binaggit ang pamimilit nila kay Shannon na isuko ang kuwarto niya, at sa halip, pinagmukha na si Shannon ang mapilit at ayaw.
Sa oras na marinig ito ni Hector, napasimangot siya. Ipapaliwanag na niya sana ang lahat ng nangyari ng naguguluhan na nagtanong si Adrian, “Sa kuwarto na nanaman pala. Hindi ba’t naayos na natin ito kahapon?”
Nagsalubong ang mga kilay ni Adam at tinignan si Shannon para sabihin, “Puwede natin pag-usapan ang problema sa kuwarto mamaya. May kailangan ako itanong sa iyo, Shannon.”
Noong nagsalita si Adam, agad na napatingin si Shannon sa kanya, at narinig ang tanong niya gamit ang malalim na boses. “Pumunta ka ba ngayon sa Shaw residence?”
Ang pagbabago sa ekspresyon ni Shannon ay agad niyang naitago bago tumango at sumagot, “Oo.”
Matapos ito marinig, nagsalubong ang mga kilay ni Adam, istrikto ang ekspresyon niya. “Hindi ba’t binalaan kita kahapon na huwag ka makielam sa pamilya Shaw? Ako na mismo ang aasikaso sa kanila!”
Matapos mapansin na may mali sa ugali ng ama niya, humakbang palapit si Hector at pumagitna sa kanila, nagtanong siya, “May nangyari ba?”
Ipinaliwanag ni Adrian, “Ano kasi, ang pamilya Shaw ay kinontak si Adrian, binaggit na bumisita si Shannon kay Mrs. Shaw kanina at may sinabing mga kakaibang mga bagay. Nagtanong sila kay Adam para sa paliwanag.”
Noong marinig ito, lahat sila napatingin kay Shannon.
Halo halo ang mga tingin sa kanya, gulat at galit, o kaya gusto siya na maging responsable para sa ginawa niya.
Dahil sa sinabi niya kanina tungkol sa paglipat ng wisdom, ang pamilya Jensen ay kailangan maging maingat sa pagaasikaso ng bagay tungkol sa anak ng pamilya Shaw. Pero, pumunta pa din si Shannon doon at nagsabi ng kung ano-anong kalokohan. Gusto ba niyang sirain ang relasyon ng pamilya Shaw at pamilya Jensen?
“Anong iniisip mo? Okay lang na pag-usapan mo ang mga pamahiin sa bahay, pero ang dalhin ito pati sa pamilya Shaw? Tuluyan mo bang hindi binigyan ng pansin ang sinabi ni Tito Adam kahapon?”
“Hindi ka na talaga nag-iisip, Shannon. Mayroon tayong ongoing business deal sa pamilya Shaw,” pagod na sinabi ni Linda, na tila hindi siya makapaniwala sa kawalan ng isip ni Shannon.
Idinagdag pa si Scott, “Hindi ka pa nagtatagal dito sa bahay, pero ang dami mo ng gulo na dala!”
Nanatili si Shannon na hindi natinag sa mga sinasabi nila at kinausap ng direkta si Adam, “Hindi ko sinabi sa kanila na miyembro ako ng pamilya Jensen.”
“Kapag ipinaimbestiga ng pamilya Shaw ang isang tao, hindi sila nagkukulang. Bukod pa doon, narinig ko na sumakay ka sa sasakyan ng pamilya Cooper para makarating doon.”
Sumimangot si Shannon ng kaunti, inamin niya sa sarili niyang hindi niya naisip ng mabuti ang sitwasyon.
Nagtanong si Adam kugn anong sinabi niya sa pamilya Shaw, dahil mukhang nagpipigil si Donald sa phone, malinaw na naiirita.
Ikinuwento ni Shannon ang mga nangyari sa pagbisita niya sa Shaw residence, kabilang sa naramdaman niyang mali na mangyayari kay Emily.
Sa oras na marinig nila ito, hindi sila makapaniwalang tumingin kay Shannon.
Nagpakita siya talaga sa bahay ng ibang tao at sinabi ang kamalasan mangyayari sa kanila. Hindi dapat katulad na rin ito ng kagustuhan niyang sabihin nagusto niyang mapahamak ang tao?
Talagang walang isip si Shannon!
Seryosong kinausap ni Adam si Shannon, at sinabi, “Tunay na kumilos ka ng marahas sa sitwasyong ito. Kahit na tama ka, hindi tama na pumunta ka doon at sabihin ang mga ganoong bagay. Ako na ang aasikaso sa pamilya Shaw, pero kailangan mo lumayo sa sitwasyon ng kanilang anak simula ngayon.”
Determinado si Adam na ilayo ang anak niyang matagal na nawalay sa kanya sa kahit na anong gulo.
Sasagot na sana si Shannon, pero nagsalita bigla si Adam, “Para sa kuwarto, dahil gusto ito ni Eva, ibigay mo sa kanya. Ipapahanda ko kay Thomas ang bagong kuwarto para sa iyo. Puwede mo ito lagyan ng kahit na anong dekorasyon na gusto mo.”
Naisip ni Adam na hindi worth it na pagtalunan ang kuwarto. Kahit na minsan na naging simbolo ang kuwarto ng pagmamahal niya sa nawala niyang anak, bumalik na siya ngayon, hindi na ito mahalaga.
Higit pa doon, ayaw niyang sumama ang relasyon ni Shannon sa pamilya sa oras na nakabalik siya, mahihirapan siya na makahalubilo sa mga pinsan niya sa hinaharap.
Pero, nabigo si Adam na mapansin ang mukhang walang kuwentang bagay na sinabi niya na nagkaroon ng matinding epekto kay Shannon, panandalian siyang natulala.
Sa oras na iyon, nabawasan ang kinang sa mga mata niya—parang kinang ng alitaptap na nawawala.
Agad na sumigaw si Hector ng marinig ang sinabi ni Adam, “Ama!”
Lilinawin niya sana ang sitwasyon ay mas kumplikado pa kaysa sa inaasahan niya, malutong ang boses ni Shannon noong marinig niya, dahilan para tumigil siya. “Hindi na kailangan.”
Kalmado siyang nagsalita, pero hindi tulad kahapon, may hindi maipaliwanag na dating na malayo siya.
Nakatitig siya kay Adam, steady ang tono niya ng magdeklara siya, “Lalayas na ako.”