Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 8

Makalipas ang isang oras, dumating ako sa emergency room ng orthopedic department ng Halton University Hospital. Doon, isang doktor na mukhang mabait at may maputing buhok ang kumapa sa braso ko. Tumango siya sa ginoong nakatayo sa sulok. “Napilayan siya.” Huminto ang lalaki. “Kilala ka sa pag-aayos ng mga pilay, Dr. Quinell. Pwede mo bang gawin ito para sa kanya?” Makahulugang tumingin si Dr. Quinell sa lalaki. “Palagi ka talagang humihiling ng pabor sa'kin para sa ibang tao, ano?” Dahan-dahan niyang inikot ang braso ko habang nagsalita siya. “Ang bata bang ito ang nagsanhi, nito, iha?” Sinilip ko ang lalaki bago umiling. “Hindi, hindi… Hindi… Hindi ko siya kilala.” Tumawa si Dr. Quinell. “Hindi mo siya kilala? Bakit siya sobrang mag-aalala sa'yo kung di mo siya kilala?” Inisip ko kung paano ako nawalan ng kontrol kanina at umiyak nang malakas habang hawak ang suit jacket niya. Pagkatapos, yumuko ako sa hiya. Bigla na lang, isang malakas na lagatok ang narinig, at binitawan ako ni Dr. Quinell bago ako nakakibo. Pagkatapos ay tumayo ako at ginalaw ang braso ko. Nagulat ako. Hindi na ako nasasaktan. Anong klaseng milagro ito? Ngumiti si Mr. Quinnel. “Ikilos mo pa ito para subukan. Maayos ka na dapat ngayon.” Dahan-dahan kong inunat ang braso ko at pinihit ito. Totoo nga, hindi ito masakit! Nagmadali akong lumingon kay Dr. Quinell. “Madaming salamat, Dr. Quinell!” Hindi ako tanga. Kilala si Dr. Thomas Quinell sa Halton City sa galing niya sa orthopedics. Maraming sikat at mayayamang tao ang gagawin ang kahit na ano para pagalingin niya ang mga problema nila sa buto. Isang mabuting doktor si Dr. Quinell na nakapokus sa panggagamot ng mga regular na pasyente. Siningil niya lang sila ng maliit na halaga para sa pagpapagamot nila. Higit limampung taon na siyang nagsasanay at naniniwala pa rin siya sa panggagamot ng mga sakit nang hindi pinagkakakitaan ang mga pasyente niya. Libo-libong pasyente na ang napagaling niya sa nagdaang mga taon. Ngunit dahil mismo sa prinsipyo niya kaya nahirapan siyang manggamot ng mga pasyenteng nasa dulo ng pila. Nang maisip iyon, hindi ko napigilang tumingin sa gwapong lalaking nasa tabi ko. Mukha siyang nasa 27 o 28 at pass bang mas mature at mas kalmado siya kaysa kay Elijah. Bagay na bagay sa kanya ang kulay madilim na abong suit niya na perpektong pinakita ang balingkinitang anyo niya. Detalyado ang mukha niya, na may half-frame na salaming nakapatong sa matangos niyang ilong. Dahil dito, parang mas lumalim tignan ang mga mata niya. Kausap niya si Dr. Quinell, at habang nakipag-usap siya, ang bawat isang kilos niya ay nagpakita ng kumpyansa at karisma. Naisip ko noong si Elijah ang pinakagwapong lalaking nakilala ko. Para bang mas lalaki siyang tignan kumpara sa iba sa malamig na mga mata niya at malakas na pag-uugali niya. Gayunpaman, kabaligtaran ni Elijah ang lalaking kasama ko ngayon. Sa itsura, pantay sila ni Elijah. Kung matalas si Elijah, malumanay at mahinahon ang lalaking ito. Mukhang kayang hamunin ni Elijah ang mundo sa ugali niya, habang para namang kayang tanggapin ng lalaking ito ang mundo sa pagiging malumanay niya. Hindi ko matukoy kung sinong mas gwapo sa kanila, pero base sa kasalukuyang sitwasyon, mas hinangaang ko ang pagiging malumanay at kampante ng lalaking ito. Sumilip sa'kin ang lalaki sa gitna ng pag-uusap nila ni Dr. Quinell. Bigla siyang nagtanong, “May iba ka pa bang nararamdaman, Ms. York?” Nabigla ako. Iiling na sana ako, ngunit napigilan ko kaagad ang sarili ko at sa halip ay tumango. Kumunot ang noo ni Dr. Quinell. “Dalian mo pala at ipakita mo sa'kin kung saan ang masakit. Hindi mo gugustuhing maging malaki ang isang maliit na bagay.” Kung kaya't pinakita ko sa kanya ang likod ng baywang ko at ang sakong ko. Nagsimula itong sumakit pagkatapos akong itulak ni Evan kagabi. Pagkatapos, sinabihan ko rin siyang kapain ang likod ng ulo ko. Masigasig akong tinignan ni Dr. Quinell bago umiling. Sabi niya, “Naku, iha. Bakit napakatindi ng mga sugat mo? Halos mabasag ang balakang mo. Medyo napilayan pa nga ito ngayon. Tutulungan kitang ayusin yan mamaya. Hindi masyadong masama ang binti mo kung ikukumpara rito. Na-sprain ka lang. “Pero ang likod ng ulo mo…” Pinakiramdaman niya ito at bigla siyang nagalit. “Paano mo nagawang pabayaan ang katawan mo nang ganito?” Nabigla ako sa sagot niya at nautal ako, “Ako… Ako…” Nang galit, sinulat ni Dr. Quinell ang diagnosis ko at isang reseta. “May basag ang bungo mo, at may namamaga sa loob nito. Hindi ka natatakot na mamatay, ano? “Patay ka na kapag hindi tumigil ang pamamaga at tumindi ang pressure sa loob ng bungo mo. Tapos nakipagaway ka pa at napilayan ang balikat mo… Hindi ako makapaniwala sa'yo.” Para bang galit si Dr. Quinell habang nagpatuloy siyang magsulat. Namula ang mga mata ko sa leksyon niya. Hindi ko alam na malala pala ang mga sugat ko. Hindi ako binisita ni Elijah sa ospital nang nawalan ako ng alaala. Pinilit din ako ng nakakainis na assistant niya na mailabas ng ospital nang bahagyang gumanda ang kondisyon ko. Habang lalo ko itong inisip, mas lalo akong nalungkot. Yumuko ako nang parang isang batang may nagawang mall. Bigla na lang, pinutol ng lalaki ang nakakailang na katahimikan at nagsabing, “Wag kang magalit, Dr. Quinell. Umalis siguro siya ng ospital nang hindi nakakatanggap nang maayos na panggagamot dahil hindi niya alam ang kondisyon niya. “Sigurado akong hindi niya sinadya ito. At saka bakit siya tatangging magpatingin sa doktor ngayong matindi pala ang pinsala sa katawan niya?” Lumambot ang ekspresyon ni Dr. Quinell habang tinapos niyang isulat ang reseta. Nang nakita niyang mukha akong iiyak, nagmadali siyang nagsabi, “Ayos lang yan, ayos lang. Wag kang umiyak, iha. Ang lakas ng itak mo kanina nang dumating ka at narinig ka ng lahat sa department ko. “Wag ka nang umiyak, ha?” Pagkatapos ay tinitigan niya nang masama ang lalaki. “Dalian mo na at ipagamot mo siya, bata ka! Manahan niyang bumalik dito nang tatlong magkakasunod na araw. Personal akong magsasagawa ng acupuncture sa kanya para tiyaking hindi mag-iiwan ng matagal na epekto ang mga sugat niya.” Pagkatapos nito, nagmadali ang lalaking dalhin ako sa debridement room. Sabay kaming nakahinga nang maluwag nang nakalabas na kami sa opisina ni Dr. Quinell. Nakakatakot si Dr. Quinell! Hindi ko inasahang nakakatakot pala siya kapag galit. Nang nakokonsensya, lumingon ako sa lalaki. “Pasensya na at nadamay kita rito. At, uh… nakalimutan kong tanungin ang pangalan mo.” Naiilang kong pinaglaruan ang mga daliri ko habang naghintay ng sagot. Tumawa ang lalaki. “Nakalimutan mo na ba kung sino ako?” “Huh?” Tumingala ako sa pagtataka. “Hindi talaga kita maalala. Anong pangalan mo?” Ngumiti siya nang may malumanay na tingin. “Kilala ko ang kapatid mo, si Jonathan. Dati, Woody ang tawag mo sa'kin noong bata ka pa.” Woody? Nakatulala akong tumayo roon habang tumama sa'kin ang mga alon ng mga alaala ko noong bata pa ako. Medyo naalala mo ang panahong palaging may kasamang matangkad, mapayat, at nakasalaming binata si Jonathan. Hindi siya masyadong nagsalita pero palaging malumanay ang tono niya kapag nagsalita siya. Matagal na akong interesado sa kanya at gusto ko siyang makilala, ngunit pinigilan ako ng postura niyang para bang gusto niyang mapag-isa. Naalala kong sinabi sa'kin ni Jonathan na Woody ang apelyido niya. Kaya maloko ko siyang tinawag na Woody noon. “Ikaw si… Woody?” Tanong ko. Ngumiti siya sa'kin at iniunat ang kamay niya. “Ako si Logan Wood, hindi Woody.” Naramdaman kong uminit ang pisngi ko at nagmadali akong nakipagkamay sa kanya. “Hi. Uh, pasensya ka na sa kanina…” Gusto kong magpatuloy na makipag-usap sa kanya, ngunit oras na para magpagamot ako. Kung kaya't mapagpaumanhin akong tumango sa kanya bago pumasok sa debridement room. Natapos kaagad ang pagpapagamot sa'kin. Binalot ang balikat ko nang parang pastang nakapalupot sa tinidor, at bahagyang lumaylay mula sa leeg ko ang benda. Hindi ko napigilang isiping nakakatawa akong tignan. Nang lumabas ako, nakita ko si Elijah na naghihintay sa labas. Para bang naiinip siya. Nang nakita niya ang benda sa balikat ko, nabigla siya nang isang segundo bago lumamig ang ekspresyon niya. Lumapit siya sa'kin sa kagustuhang hablutin ako. Gayunpaman, umatras ako sa takot. “Wag kang lalapit sa'kin.” Huminto si Elijah at sinubukang pigilan ang galit niya habang sumigaw siya, “Humingi ka ng tawad sa mga taong iyon, Ariana! Nangako si Evelyn na di siya tatawag ng pulis basta't humingi ka ng tawad.” Puno ng inis ang tono niya. “Ang alam mo lang gawin ay gumawa ng problema para sa'kin. Kailan ka ba titigil?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.