Kabanata 7
Sa wakas ay naniwala na sa'kin si Teri. Tumingin siya sa'kin nang nasasaktan. “Ari, ikaw… Wag na lang pala. Magandang nakita mo na ang liwanag. Napakaraming pagdurusa ang dinala ni Elijah sa'yo sa nagdaang pitong taon.”
Wala akong sinabi. Masakit na hindi mapasa’yo ang taong mahal mo. Magwawala ang isipan mo dahil sa paghihirap, at ang tuluyang pagwawala ay magdadala ng pagkabaliw.
Hindi ako nakaranas ng pagkatalo o kahit anong pagkabigo, pero nawala sa'kin ang lahat sa taong naglabingwalong taong gulang ako. Hindi ko alam kung anong nangyari sa pagitan ng labingwalo at dalawampu't lima, pero alam kong hindi ito maganda.
Sabi ko, “Tulungan mo ko, Teri. Gusto kong bumalik sa pamilya ko.”
Bumuntong-hininga siya at umiling. Hindi magiging madali yun. Hindi mo sila kinausap nang limang taon.”
Nakita ko ang awa sa mga mata niya at yumuko ako nang pait na pait. Malungkot ang katawan ko, pero paanong hindi ako malulungkot? Ang pamilya ko ang pinag-uusapan natin rito.
Namula ang mga mata ko. “Kung kaya't kailangan ko ang tulong mo. Gusto kong magsimula sa pakikipag-usap sa kapatid ko. Palagi niya akong inaalagaan…”
Nagbago ang ekspresyon ni Teri. “Hindi naman sa ayaw kitang tulungan, Ari. Hindi papayag si Jonathan na makita ka.”
“Oh, si Mrs. Linden pala ito. Anong ginagawa mo rito at umiinom ka ng mumurahing kape?” Narinig ang isang sarkasitkong boses na nagpakunot sa noo ko.
Tumayo si Teri nang mukhang galit na galit. “Binabalak kita, Evelyn Snow. Wag kang maghamon ng away!”
Isang babaeng may pulang buhok na nakasuot ng floral dress ang nakatayo sa harapan ko. Maganda ang makeup niya at may ilang shopping bags siyang nakasabit sa braso niya. Sa kanan niya ay dalawang taong mukhang kasing sosyal niya rin.
Habang tinitigan nila ako, muhing-muhi rin ang mga ekspresyon nila kagaya ng kay Evelyn.
Tumayo ako at hinila si Teri. “Hindi ko siya kilala. Tara na.”
Bago nakapagsalita si Teri, kinutya siya ni Evelyn, “Ano? Hindi mo ko kilala? Masyado ka bang maging aligaga at nakalimutan mo ang lahat tungkol sa'kin? Magkaibigan tayo dati!”
Kumunot ang noo ko. “Hindi kita kilala, Ms. Snow.”
Tumawa siya at lumingon sa mga kasama niya. “Narinig niyo ba yun? Sabi niya di niya ako kilala!”
Tumawa ang isa sa mga kasamahan niyang nakadilaw na bestida at sarkasitkong nagsabi, “Oh, hayaan mo siya. Ayaw naman nating makilala ang isang sunud-sunurang putang ayaw lubayan si Mr. Linden.”
Tumawa sila nang masama.
Lumamig ang ekspresyon ko at hinila ko si Teri. “Tara na. Hindi natin kailangang bumaba sa lebel nila.”
Bigla na lang, nagwala sa galit si Teri. Sumigaw siya, “Sino ang tinatawag mong puta? May iba pa bang mas cheap at mas puta pa kaysa sa'yo? Alam mong kasal na si Elijah, pero sinubukan mo pa ring akitin siya.
“Hindi ka rin naiiba, Sharon Lowry. Patuloy na sinusubukang yayain ng pamilya mo si Elijah sa isang hapunan para makakuha ng business deal sa Linden group. Ikaw ang pinakacheap sa inyong lahat! Nagmula ka sa pamilya ng mga cheap na hayop!”
Natulala sina Evelyn at ang mga kasama niya sa sigaw niya. Si Evelyn ang naunang nahimasmasan. Sumugod siya kay Teri sa kagustuhang hilahin ang buhok niya. Ngunit alam ko kung gaano kagaling lumaban si Teri. Maraming beses ko na siyang nakitang nakipag-away simula pagkabata.
Kapag sinabi niyang siya ang pinakamalakas sa pakikipaglaban sa Halton City, walang magtatangkang magsabi nito maliban sa kanya. Kumuha siya ng isang baso ng kape at sinaboy ito kay Evelyn. Tinakpan niya ang mukha niya at sumigaw.
Samantala, hinampas ni Sharon ang mga shopping bag kay Teri. Hindi ito napansin ni Teri, kaya iniunat ko ang mga braso ko para harangan siya. Tinamaan ako ng bag at nakaramdam ako ng sakit.
Nagalit dito si Teri. “Ang kapal ng mukha niyong saktan si Ari, mga puta kayo! Talagang naghahanap kayo ng gulo!”
“Tama na yan!” Biglang may lumapit sa'min. Sa sumunod na segundo, pinilit na ibaba ang braso ko nang malakas. Nakarinig ako ng lagatok, at napaluhod ako sa lapag sa matinding sakit.
Magulo ang kailan ko, pero narinig kong sumigaw si Teri, “Anong problema mo, Elijah? Bakit mo pinipigilan si Ari?”
Nagulat ako. Anong ginagawa ni Elijah dito? Gusto kong tumayo, pero nahilo ako at tumumba sa lapag.
Bigla na lang, may tumulong sa'king manatiling tumayo. Bago ko nakita kung sino ang bagong dating, narinig ko siyang nagsabi, “Tama na yan. Nasaktan siya.”
…
Nang nagkamalay ako, ang unang bagay na nakita ko ay ang maliwanag na puting ilaw sa itaas ng ulo ko. Nakakasilaw ito.
“Gising ka na?” Narinig ang boses ni Elijah.
Nahirapan akong bumangon. Napakasakit ng kaliwang braso ko at hindi ko ito maidiin.
Nakaupo si Elijah sa isang sulok habang pinapanood ako nang may masamang ekspresyon. Ngumiti siya nang nakita niya akong nahirapang bumangon. “Sa wakas gising ka na. Akala ko tatagalan mo pa ang pagpapanggap mong walang malay.”
Tumingin ako sa kanya nang malamig. “Oo, tinagalan ko pa ang pagpapanggap. Paano ako makakapanloko ng iba para sa pera nila?”
Nabigla siya, halatang hindi niya inasahang kikibo nang ganun. Tinitigan niya ako nang naiinis at nagsabing, “Humingi ka ng tawad sa kanila, Ariana, kundi ay tatawag sila ng pulis para sa'yo.”
Tumawa ako. “Bakit ako dapat humingi ng tawad? Wala akong ginawa. At saka sila ang nanghamon sa'min.”
May amnesia ako, hindi ako tanga. Kahit na hindi ko maalala kung sino si Evelyn, nakikita ko sa reaksyon ni Teri na hindi sila anghel ng mga kasama niya.
At saka si Evelyn ang nagsimula nito. Ginalit niya si Teri, at sumagot si Teri. Pagkatapos, si Evelyn ang naunang manakit. Bakit ako hihingi ng tawad sa kanya?
Sinuportahan ko ang balikat ko. Napakalamig ng pag-uugali ko na hindi ako malapitan ng kahit na sino. Ang sakit-sakit ng pakiramdam ko—napilay siguro ang balikat ko. Ngunit pinipilit ako ng “asawa” ko na humingi ng tawad sa taong dahilan kung bakit ako nagkaganito.
Hindi ito makatotohanan at natawa ako.
Nagalit dito si Elijah. Tumayo siya at hinablot ang braso ko. “Tama na yan, Ariana! Ang tagal na kitang tiniis! Sumama ka na sa'kin at wag mo nang ipahiya ang sarili mo sa publiko!”
Napasigaw ako sa sakit ng braso ko. Parang hindi niya inisip na talagang nasasaktan ako at nagpatuloy siya, “Tama na yang pag-arte mo, ha? Ayos ka lang. Umuwi ka na kasama ko ngayon din!”
Pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko sa sakit. Sa isang iglap, gusto ko siyang mamatay kasama ko. Ang kahit na sino ay mawawala sa katwiran mula sa sakit kapag may humila nang malakas sa napilay na balikat niya.
“Bitawan mo siya. Hindi mo ba alam na nasasaktan siya?” Lumapit ang isang anyo at hinawakan ang kamay ni Elijah.
Napabitaw siya sa'kin at tumulo ang mga luha ko sa sakit. Doon lang napansin ni Elijah na may mali sa'kin—nakaikot sa kakaibang anggulo ang braso ko.
Niyakap ako ng lalaki at malumanay na nagsabi, “Wag kang matakot. Dadalhin kita sa ospital.”
Kumapit ako sa kanya na para ba siyang isang salbabida. Isang gwapong mukha ang lumitaw sa pangingin ko. Desperado akong umiyak, “N-Nabali ang braso ko. Nabali. Nasaan si Jon? Gusto ko si Jon!”
Sa wakas ay nawalan na ako ng kontrol sa mga emosyon ko sa harapan ng isang estranghero pagkatapos ko itong kimkimin nang ilang araw. Sumubsob ako sa yakap niya kagaya ng ginagawa ko kay Jonathan noong bata pa ako. “Gusto ko si Jon. Nasaan siya? May nang-aapi sa'kin, Jon! Inaapi nila ako! Inaapi ako ng mga walanghiyang taong ito…”
Nabigla si Elijah, at para bang natulala ang estranghero sa sigaw ko. Humagulgol ako nang pagkalakas-lakas. Gusto kong makita ang mga magulang ko, at gusto kong makita si Jonathan. Palagi niya akong pinoprotektahan, kahit gaano pa kalaking gulo ang dinala ko. Tuwing may nang-aapi sa'kin, ipagtatanggol niya ako kahit na mamatay pa siya.
Ngayon, durog na durog ako. Nawalan ako ng pamilya. Isinantabi ko sila sa nagdaang pitong taon, na hindi ko man lang maalala!