Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 12

Noong nasa kulungan pa siya, wala ni isang naging kaibigan si Ling Yiran at tanging si Lianyi lang ang dumadalaw sakanya. Ito rin ang umasikaso ng kaso niya, at kung hindi siguro dahil dito, hindi siya makakalabas ng buhay sa kulungan. Si Lianyi ang nagiisang taong nagbigay sakanya ng suporta sa nakalipas na tatlong taon na tinuturing niyang pinaka madilim na yugto ng buhay niya. “Ang life-saving straw…?” Naramdaman ni Yi Jinli na mahalaga si Qin Lianyi sa buhay ni Ling Yiran kaya interesado siyang nagtanong, “Pero, hindi ba parang nakakatawa namang ituring ang isang tao na life-saving straw? Paano kung yung life-saving straw na yun ay bigla ka nalang iniwan, hindi ka malulungkot?” “Hindi yun gagawin ni Lianyi,” puno ng tiwalang sagot ni Ling Yiran kay Qin Lianyi. Hindi maintindihan ni Yi Jinli kung bakit siya biglang nailang sa kalagitnaan ng paguusap nila siguro dahil hindi niya gusto yung pakiramdam na may iba pang pinagkakatiwalaang tao si Ling Yiran, na para bang handa rin nitong gawin para rito ang lahat, kagaya ng pinaparamdam nito sakanya. ... Pagkalipas ng ilang araw, biglang bumigat ang trabaho ni Ling Yiran dahil magkakaroon ng inspeksyon ang management staff ng Sanitation Center kaya kailangan nilang mag overtime. Mabuti nalang, noong uwing uuwi siya, nakapaghanda na ng pagkain si ‘Jin’ at sobrang nakakagaan ng pakiramdam niya na hinintay siya nito. Nagsasabi rin siya kanian‘Jin’ bago siya umalis na mauna na itong kumain kasi baka gabihin na siya ng sobra, pero pinili pa rin nitong hintayin siya para sabay silang kumain. Dahil dito, pakiramdam niya ay para talaga silang tunay na magkapatid na nakadepende sa isa’t-isa. ----- Bago pa man din sumikat ang araw, natapos na ni Ling Yiran na walisin ang naka assign sakanya kaya bumalik na siya sa Sanitation Service Center para ibalik ang mga ginamit niya, at saka siya bumalik sa damuhan para maghintay. Hindi nagtagal, dumating na ang mga ispektor ng Urban Management Bureau. Lahat ng mga taga linis ay nagkumpulan sa may damuhan para salubungin ang mga inspektor. Si Ling Yiran lang ang bukod tanging payat sa lahat dahil karamihan sa mga kasama niya ay nasa forties na nag edaran kaya iba na ang hubog ng mga katawan nito. “Yiran, diba ikaw si Ling Yiran?” Pagkarating ng mga inspektor sa Sanitation Service Center, may isang babaeng nasa 28 years old ang sumigaw nang makita si Ling Yiran. Agad namang tumingin si Ling Yiran at nakita niya ang isang babaeng nakasuot ng light blue na jacket. Naka pusod ang buhok nito, na may biluging mukha at singkit na singkit na mga mata. Hindi naman ito ganun kaganda pero bagay rito ang make up nito. Ilang sandali pa ang lumipas, nakilala na ni Ling Yiran ang babae at ito ay si Miao Jiayu, isa sa mga kaklase niya noong high school. “Ikaw nga!” Gulat na gulat na sabi ni Miao Jiayu. “Bakit nandito ka? Isa ka na bang…. Sanitation worker?” “Oo, dito ako nagtatrabaho,” walang pagdadalawang isip na sagot ni Ling Yiran habang nakatitig sa mga mata ni Miao Jiayu. Sa buhay, hindi talaga natin maiiwasang may makasalubong tayong kakilala, at kahit gaano man pa man tayo nahihiya, kailangan niyang nating harapin ‘yun. “Jiayu, magkakilala kayo?” Tanong ng kaibigan ni Miao Jiayu. “Oo. Dati, siya yung pinaka maganda at pinaka matalino sa klase namin! Lagi siyang top 1, kaya nagkakandarapa ang mga kaklase naming lalaki na manligaw sakanya. Pero wala siyang nagustuhan na kahit sino,” Sagot ni Miao Jiayu sa kaibigan nito, na para bang puring puri kay Ling Yiran. Sa ginawa ni Miao Jiayu, pakiramdam ni Ling Yiran na lalo lang siyang inapakan nito. At kagaya ng inaasahan, painsultong sumagot ang isa nitong kaibigan, “Siya ang pinaka magandang babae sa klase niyo? Nagbibiro ka ba!” Ngumiti lang si Miao Jiayu dahil ito rin naman ang mga eksaktong salitang gusto niyang marinig. Noong nagaaral pa sila, maraming naiinggit kay Ling Yiran, dahil para itong isang swan, samantalang si Miao Jiayu, na parang isang ugly duckling na walang pumapansin. Pero bandang huli, ang swan na ito, ay naglilinis nalang pala ng kalasada ngayon! Nang marinig ng mga kasamahan ni Ling Yiran ang sinabi ni Miao Jiayu, lahat sila ay nagtinginan kay Ling Yiran na may iba’t-ibang reaksyon. May ibang nagulat, may iba namang naawa, at may iba ring pinagtawanan siya. Kinabukasan, pagkatapos maglinis ni Ling Yiran at maibalik ang mga ginamit niya, may isang babae mula sa Department of Tools ang nangusisa sakanya, “Yiran, totoo ba na ikaw ang pinaka maganda at pinaka matalino sa klase niyo noon?” Hindi sumagot si Ling Yiran. Pero biglang sumabat si Fang Qianqian, isang babae na nagtatrabaho rin sa Department of Tools, “Ano naman kung siya ang pinaka maganda at matalino sa klase nila noon? Kung talagang may potensyal siya, dapat nakakuha siya ng mas magandang trabaho.” Hiyang hiyang tumingin ang babaeng unang nagtanong kay Ling Yiran, samantalang si Ling Yiran naman ay yumuko nalang. Pagkatapos niyang pumirma sa logistics record book, umalis na rin siya kaagad. Hinabol siya ng isa niyang kasama at tinapik ang balikat niya, “Wag mo ng intindihin yung mga sinabi ni Fang Qianqian. Binubuntong niya lang sayo ang galit niya kasi may gusto siya kay Guo.” Hindi maintindihan ni Ling Yiran ang ibig sabihin ng sinabi ng kasamahan niya at anong namang kinalaman niya kay Guo. “Si Guo, isa yun sa mga driver natin na mukhang may gusto sayo. Diba palagi ka niyang binabati?” Paliwanag ni Manang Xu. Sa dami ng mga kasamahan niya, isa si Manang Xu lang talaga ang nagaalala kay Ling Yiran. “Mabait naman si Guo. Bali-balita nga na mappromote daw siya. Pinamanahan na rin daw siya ng mga magulang niya ng bahay. Tignan mo lang kung magustuhan mo siya.” “Umiling si Ling Yiran at sumagot, “Salamat nalang po. Pero sa ngayon, wala sa isip kong makipag relasyon.” “27 ka na. Alam mo ba na habang tumatanda ang babae, pahirap ng pahirap na maghanap ng mapapangasawa.” “Kung ganun po, hindi nalang po ako nagaasawa,” walang pagdadalawang isip na sagot ni Ling Yiran. Mula nang makalabas siya sa kulungan, kahit kailan hindi na siya nangarap na pumasok muli sa isang relasyon. Noon, napaka raming pangakong binitawan sakanya ni Xiao Zigi. Pero bandang huli, pinanuod lang siya nito habang isa-isang tinatanggalan ang kuko niya at imbes na awa ‘dapat lang yan sakanya’ ang narinig niya mula rito. Kaya mula noon, lahat ng pagmamahal niya para kay Xiao Zigi ay napalitan ng galit. Ilang beses niyang napanaginipan ang nangyari noong araw na yun at sa tuwing mangyayari yu, magigising nalang siyang basang-basa na ng pawis. At sa tuwing nararamdaman niyang kumikirot ang mga daliri niya, sinasabi niya sa sarili niya na wala talagang kwenta ang pagmamahal. Kaya matagal ng wala sa isip niyang pumasok sa isang relasyon. Isa pa, isa siyang ex-convict. Hindi nga siya makahanap ng magandang trabaho, asawa pa kaya! Sino pa ba ang tatanggap sa kagaya niya na isang babaeng may criminal record na nakakabit sa pangalan. Pero matapos niyang sabihin yun sa sarili niya, bigla niyang naalala si Jin. Kaunti nalang at mabibilhan niya na siya ng cellphone… “Haaay.. Ikaw…” Napabuntong hininga nalang si Manag Xu at hindi na nagpatuloy. Noong araw ng sweldo, dinala ni Ling Yiran si Jin sa isang bazaar para bilhan ito ng cellphone. “Okay lang na wala akong cellphone,” pagtanggi ni Yi Jinli. Kahit kailan, hindi sumagi sa isip ni Yi Jinli na may plano pala si Ling Yiran na bilhan siya ng cellphone. “Ano ka ba? Sa panahon ngayon, lahat ng tao ay may cellphone na. Isa pa, mas mapapadali para sa mga kumpanya na tawagan ka kapag naghanap ka ng trabaho. Hindi naman pwedeng habang buhay ka nalang mamimigay ng leaflets no,” pagpupumilit ni Ling Yiran. “At kapag may cellphone ka, mas madali rin para satin na sabihan ang isa’t-isa kung gagabihin tayo ng uwi.” Pumunta sila sa isang stall na nagbebenta ng mga cellphone. Maraming model pero nasa 1,500 lang ang kaya ng pera niya. Kahapon, naghanap na siya sa internet ng mga model ng cellphone na kasya sa budget niya kaya isa-isa niyang pinalabas ito sa nagtitinda para papiliin si ‘Jin’ ng gusto nito. “Yung mga luma lang yung kaya kong bilhin, pero sabi magaganda raw ‘tong mga model na ‘to. Madadali lang gamitin ang mga yan. Ito muna sa ngayon ha? At kapag nagkapera na ko ng mas marami, bibi…”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.