Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 11

Wala ng nagawa sina Ling Guozhi, Fang Cuie, at Ling Luoyin, kundi ang magkatinginan nalang dahil hindi sila makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Gusto pa sanang magwala ni Fang Cuie, pero bigla siyang pinigilan ni Ling Guozhi. “Halika na. Siguro ex-convict din ang lalaking yan! Marami talagang klase ng tao sa kulungan. Malay ba natin kung nakulong din yang lalaking yan?” Nang marinig ito ni Fang Cuie, dismayado nitong sinabi, “So, papalampasin nalang natin ‘to?” “Maghintay nalang tayo. Kapag pinag’initan nalang ni assistant Director He si Luoyin, tsaka nalang tayo mag-isip ng susunod na hakbang.” Pangungumbinsi ni Ling Guozhi dahil sa totoo lang, wala siyang lakas ng loob na hamunin ang lalaking naka engkwentro. Biglang kumunot ang noo ni Ling Luoyin, at pabulong na sinabi, “Talaga bang….ex-convict din ang lalaking yun?” Kahit na hindi niya masyadong naaninag ang itsura ng lalaki dahil natatakpan ang mukha nito ng mahaba nitong bangs, sigurado siyang gwapo ito nang masilip niya ang mga mata nito. Isa pa, pakiramdam niya nakita niya na ang lalaki pero hindi niya maalala kung saan at kung kailan. Artista rin kaya siya? Sa loob ng apartment, nahihiyang tinignan ni Ling Yiran si ‘Jin’ at sinabi, “Salamat.” Kung hindi dumating si ‘Jin’, malamang bugbog sarado na siya ng tatay niya ngayon. “Hindi mo ako kailangang pasalamatan, Ate. Diba yun naman talaga ang dapat kong gawin?” Sagot ni Yi Jinli habang nakatingin sa namamagang bukong-bukong ni Ling Yiran. “Hindi pa yan magaling ah. Tara hilutin ko ulit ng safflower oil.” Habang nagsasalita, kinuha niya ang safflower oil at muli, maingat niyang minasahe ang paa nito. Nabalot ng katahimikan ang buong apartment hanggang sa muling magsalita si Ling Yiran, “Ayaw mo ba akong tanungin kung sino yung tatlong yun at kung anong pakay nila?” “Hindi ako magtatanong kung ayaw mong magkwento,” sagot ni Yi Jinli. “Hmm hindi naman sa ayaw. Yung lalaki dun ay yung tatay ko, tapos yung dalawang babae naman ay yung step-mother at half sister ko,” panimula ni Ling Yiran. “Pero mula ngayon, hindi na sila konektado sakin.” Nang hindi sumagot ang kausap, nagaalangang nagpatuloy si Ling Yiran, “Wala ka na bang ibang itatanong?” Ngayon hindi na niya maitatago na dati siyang nakulong dahil paulit-ulit itong pinagsisigawan kanina ng tatay niya. Natigilan si Yi Jinli sa pagmamasahe at tinignan si Ling Yiran, “Ano bang gusto mong itanong ko sayo, Ate?” Dahil sa naging tingin at sagot ni Yi Jinli, muling nabalot ang paligid ng katahimikan. Pero sinubukang kumalma ni Ling Yiran at huminga ng malalim para magkwento. “Nakulong ako ng tatlong taon dahil sa kasong drunk driving, at kakalaya ko lang.” Karamihan, kung hindi man lahat, iniiwasan at nagbabago ang trato sakanya sa tuwing sinasabi niya na kalalaya niya lang sa kulungan, na para bang kinamumuhian at pinandidirihan siya ng mga ito. “Pero si Jin….siya rin ba….” Habang hinihintay ang magiging reaksyon ni ‘Jin’, parehong-pareho ang kaba na naramdaman niya noong hinihintay niya sa trial court ng hatol sakanya. “Talaga?” Walang emosyon nitong sagot habang nagpapatuloy sa pagmamasahe. “Hmm… Yun lang?” Gulat na gulat na tanong ni Ling Yiran. “Okay lang sayo?” “Bakit naman hindi? Ang sabi ng ate ko, hanggat tinatawag ko siyang ate, aalagaan lang namin ang isa’t-isa, at wala kaming ibang dapat isipin.” Hindi makapaniwala si Ling Yiran sa naging sagot ni ‘Jin’, pero ang dahil sa mga sinabi nito, bigla siyang napanatag, at maging siya ay hindi niya rin alam kung bakit niya naramdaman ‘yun. “Jin, sobrang swerte kong nakilala kita.” Noong sandaling ‘yun, hindi nalayan ni Ling Yiran ang bakas ng sa y amula sa mga mat ani na ngumiti si ‘Jin’. Pagsapit ng linggo, dumalaw si Qin Lianyi sa apartment ni Ling Yiran at nang makita niya si ‘Jin’, hindi siya makapaniwalang pulubi talaga ito. Kahit na nakasuot lang ito ng isang ordinaryong jacket at mumurahing pares ng sapatos, na halatang parehong binili sa ukay-ukay, bagay na bagay pa rin dito dahil sa ganda ng katawan nito. Mas matangkad pa siguro ito sa 180 cm, at ang ganda ng korte ng mukha, kahit pa natatakpan ng buhok nito ang mga mata nito, sobrang nakakatulala pa rin ang kagwapuhan nito. Ngayon lang nakakita si Qin Lianyi ng lalaki na may ganun kagandang mga mata at sa totoo lang, mas gwapo pa ito kumpara sa mga artist ana nakikita niya sa TV, at isa pa, magaling rin itong sumagot. “Ganyan ba ang pulubi?” Kaya dali-dali niyang hinila si Ling Yiran sa isang gilid at pabulong na nagtanong, “Sigurado ka ba talagang pulubi siya na wala ng mauuwian? Baka naman artista o model yan ha.” “Hindi lahat ng gwapo ay nagaartista o nagmomodel,” Natatawang sagot ni Ling Yiran. Habang pinipilit intindihin ang mga bagay-bagay, naisip ni Qin Lianyi na mahirap din talagang pumasok sa showbiz. “Kasama mo siya lagi diba, mamaya may balak ka jan ha!” Pabirong inirapan ni Ling Yiran ang kaibigan. Dati natatakot ang kaibigan niya na baka may gawin sakanyang masama si ‘Jin’? Eh bakit ngayon parang mas natatakot na ito na siya ang may gagawing masama kay ‘Jin’. “Mas bata siya sa akin ng ilang buwan at nakababatang kapatid lang ang turing ko sakanya.” Lumapit si Qin Lianyi kay Yi Jinli. “Magiging prangka ako sayo ha? Pwede kang tumira dito, pero mangako ka sakin na wala kang gagawing masama kay Yiran. Alam mo, ayaw na ayaw niya ng mga manloloko at kapag nalaman naming manloloko ka, ako mismo ang tatawag ng pulis para ipahuli ka!” “Lianyi, ano ba yang pinagsasbai mo? Hindi magsisinungaling sakin si Jin,” Nahihiyang sabat ni Ling Yiran. “Gaano na kayo katagal na magkakilala? Linawin muna natin ha. Jin, narinig mo ba ang sinabi ko?” Tanong ni Qin Lianyi kay Yi Jinli. “Sige”, sagot ni ‘Jin’. Nakangiti lang ng bahagya at walang pagdadalawang isip na sumagot ng “oo” si ‘Jin’. At dahil dito, biglang nailang si Qin Lianyi dahil pakiramdam niya ay parang pinagbabantaan siya nito. “Pulubi nga lang talaga siya, masyado lang akong maraming iniisip,” pagpapanatag ni Qin Lianyi sa sarili niya. Pero bago siya umalis, muli niyang binulungan si Ling Yiran na magiingat at tawagan lang siya kapag kailangan nito ng tulong. Pagkaalis ng kaibigan, nahihiyang sinabi niLing Yiran kay ‘Jin’, “Pagpasensyahan mo na yung kaibigan ko. Nag-aalala lang siguro siya sa akin.” “Kaibigan mo siya kaya kahit anong sabihin niya, hindi ko mamasamain,” Sagot ni Yi Jinli. Sa totoo lang, sa loob- loob niya, natatawa nalang siya sa mga akusasyon nito sakanya. “Okay naman ba ang pagkakaibigan niyo?” “Alam mo ba yung tinatawag na ‘life-saving straw? Yung kapag nalulunod ka na, tapos wala kang mahawakang kahit ano, pero may bigla kang nahilang straw. Kahit na hindi ka maiaangat ng straw nay un, kahit papaano magkakaroon ka ng pag-asa… Para sa akin, si Lianyi yung straw na ‘yun.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.