Kabanata 9
Sa labas ng lungsod, sa Cloud Villa.
Sa oras na ito, nakaupo sa sofa si Tracey habang nakagapos siya at nakatape ang bibig.
Ang dalawang mga guwardiya ay nakatayo sa magkabilang gilid niya at nakatitig sa kanya.
Isang lalake ang nagbaba ng tawag at tumingin sa dalawang bodyguard. “Bilisan ninyo at alisin ang tali kay Ms. Fowler.”
Sa oras na nakalaya ang mga braso ni Tracey, pinunit niya ang tape sa bibig niya at tumayo ng galit.
“Henry, anong problema mo? Ang lakas ng loob mo na kidnapin ako?!”
Sa tatlong pinakayamang mga pamilya sa Richworth, maliban sa pamilya Fowler, kabilang din ang pamilya Morse at pamilya Walker.
Kahit na hindi malapit ang pamilya Morse sa pamilya Fowler, may mga business deals pa din.
“Ms. Fowler, huwag ka sana magalit. Hindi kita sasaktan. Dinala lang kita dito para mapapunta si Mable.”
Bumilis ang tibok ng puso ni Tracey. Nalaman niya na binali ni Mable ang isa sa mga braso ni Beatrice.
Si Henry ay masunuring alila ni Beatrice. Dahil kinidnap niya si Tracey para mapapunta si Mable, marahil gusto niyang ipaghiganti si Beatrice.
“Hindi! Hindi niya dapat hayaan na pumunta si Mable!” inisip niya.
Gusto ni Tracey na magmadali at kunin ang phone pero pinigilan siya ng dalawang guwardiya.
“Henry, binabalaan kita. Hindi pa hiwalay si Mabes at kapatid ko. Kapag inaway mo siya, hindi ka palalampasin ng kapatid ko!”
Ngumisi si Henry. “Sinong niloloko mo, Ms. Fowler? Narinig ko na walang nararamdaman si Master Blair para kay Mable. Sa dalawang taon nilang pagsasama, hindi man lang siya tumingin sa kanya!”
Sapagkat inapi ni Mable ang dyosa niya, kailangan niyang turuan ng leksyon ang babae kung paano lumugar.
Galit na galit si Tracey at nagtiim bagang siya. Kinuha niya ang baso ng kape sa lamesa at binasag ito kay Henry. “Kalokohan! Maganda ang relasyon ng kapatid ko at hipag!”
“Kahit na hindi, si Mabes ay si Mrs. Fowler pa din. Babalatan ka ng buhay ng kapatid ko kapag sinaktan mo siya!”
Umiwas si Henry at naupo ng matapang sa sofa. “Sabihin mo kung anong gusto mo sabihin, Ms. Folwer. Hindi ako natatakot!”
Ipinagkakalat ng mga nasa circle nila na iniwan ni Master Blair si Mable na parang lumang sapatos. Paano siyang gaganti dahil sa kanya?
Isang malupit na titig ang makikita sa mga mata ni Henry. Dahil binali niya ang isa sa mga braso ni Beatrice, babaliin niya ang parehong mga braso niya.
Itinuro niya ang isa sa mga bodyguard at sinabi, “Bantayan mo ang pinto. Kapag dumating si Mable, siguraduhin mo na gagapang siya papasok!”
Nagalit si Tracey. Tinupi niya ang kanyang manggas at nagmadali sa paglapit kay Henry. “Ikaw na lalake ka, papatayin kita!”
Ngunit, bago siya makalapit, pinigilan siya ng mga guwardiya.
“Ms. Fowler, hindi kita gusto saktan, pero kung hindi mo alam kung anong makabubuti sa iyo, huwag mo sana ako sisihin sa pagiging bastos sa iyo!”
Matapos magsalita ni Henry, isang matinis na tunog ng sasakyang pumepreno ang maririnig mula sa labas.
“Wow, ang bilis niya!”
Nabalisa si Tracey. Tahimik siyang nagdasal na sana ang kapatid niya ang dumating at hindi si Mabes.
Noong isinakay siya sa sasakyan ngayon lang, nagpadala siya ng distress signal kay Blair. Napaisip siya kung nakita ba niya ito.
Nagdekwatro si Henry at tinignan ang direksyon ng pinto.
Sa sumunod na sandali, maririnig ang sigaw ng mga bodyguard sa labas ng pinto.
Natulala si Henry. “Hindi ba si Mable ang dumating?”
Habang napapaisip siya, tumigil ang sigawan. Kasunod nito, maririnig ang mga yabag ng high heels.
Click, click, click…
Nanlumo si Tracey ng marinig ito.
“Oh hindi… oh hindi… Si Mabes ito!”
Mabagal na pumasok ang babae sa pinto suot ang silver stilettos. Ang mahaba niyang buhok ay nakalugar sa likod niya at ang itim na dress ay sumasayaw sa hangin.
Pinaglaruan ni Mable ang stick sa kamay niya na kinuha niya mula sa guwardiya. Mukha siyang kalmado, elegante at marangal.
Nanlaki ang mga mata ni Henry sa magandang babae sa pinto.
“Siya ba si… Mable?”
Noong nakita ni Tracey si Mable, mabilis siyang sumigaw, “Mabes, bilisan mo at umalis ka na. Huwag mo na akong isipin! Hindi sila maglalakas loob na saktan ako!”
Nahimasmasan si Henry. “Patahimikin—”
Bago pa siya matapos magsalita, ay malamig na hangin na dumaan. Naramdaman ni Henry na may dumaan sa harapan niya.
Bigla, dalawang tunog ang maririnig.