Kabanata 10
Sa isang sandali, nag-aalala si Tracey para kay Mable. Pero sa sumunod na iglap, nakita niya na walang kaeffort-effort niyang napatumba ang dalawang guwardiya.
Ang isa sa mga guwardiya at tinamaan ng pamalo sa ulo, habang ang isa naman ay sinipa palayo ni Mable.
Wala silang pagkakataon para sumigaw at bumagsak na lang sa sahig.
Noong nakita ni Henry na hindi tama ang sitwasyon, mabilis siyang sumigaw sa pinto, “Pumasok kayo! Dali!”
Ginulo ng kaunti ni Mable ang buhok niya at tinignan si Henry, “Kung tinatawag mo ang dose-dosenang mga lalake sa labas, huwag ka ng mag-aksaya ng oras.”
Hindi makapaniwala si Henry sa babaeng nasa harapan niya.
Ang dinala niyang dalawampung mga guwardiya ay mga propesyunal. Paano silang naasikaso ng ganoon lang kadali?
Hindi man lang sila tumagal ng sampung minuto!
“Paano naging malakas ang babaeng ito?!
“Hindi ba’t sinabi ng lahat na mahina niya at mahinhin?
“Isa siyang babaeng leon na nagbabalatkayo!”
Walang ekspresyon sa mukha ni Mable maliban sa pagiging malamig. Makikita sa itim niyang mga mata ang kagustuhan pumatay.
Nautal si Henry sa titig niya. Hindi siya makahinga sa tindi ng kanyang aura.
“Hindi! Hindi ako puwede maging duwag!
“Paano ko haharapin si Beatrice sa hinaharap kung hindi ko siya maipaghiganti?
“Bahala na!
“Isa lang siyang munting babae. Ano ba ang ikinakatakot ko?!”
Naglakas loob si Henry na magsalita, “Mable, sinaktan mo si Beatrice. Kung babaliin mo ang mga braso mo, patatawarin kita.”
Ngumiti si Mable at tumawa ng malakas.
“Ito na ang pinakanakakatawang biro na narinig ko.”
Agad na hinatak ni Tracey ang kamay ni Mable. “Mabes, tara na. Huwag mo siyang pansinin…”
Pinaglaruan ni Mable ang madugong pamalo sa kamay niya. “Pumunta na rin naman ako. Hindi ba’t boring kung aalis tayo ng ganoon na lang?”
Kasunod nito, umikot ang stick sa mga kamay niya…
Walang oras si Henry na umiwas at tinamaan siya sa ulo.
Nahilo siya agad at dumugo ang ilong niya sa sakit.
Lumapit si Mable ng hindi nagsasalita at naupo sa sofa.
Tinakpan ni Henry ang kanyang ilong at tumayo. Tumutulo ang dugo sa mga daliri niya at nabas agad ang kanyang damit.
“Lumuhod ka ngayon din!”
Nagdekuwatro si Mable at inutusan ang lalake. Para siyang malakas na reyna na may dalang hukbo dahil sa aura niya.
Takot na tumitig si Henry. Napaluhod siya agad.
Nanlaki ang mga mata ni Tracey at halos mapamura.
Si Henry ay isang second-generation na anak ng maimpluwensiya pamilya. Umaasa lang sa bagay na ang lolo niya ay maimpluwensiya sa pulitika, arogante siya lagi at mapagmataas, sa sobrang yabang niya nakikipaglaban pa siya sa mga pulis.
Malian sa kapatid niya, wala siyang kinakatakutan sa Richworth.
Sinong mag-aakala na matatalo siya ni Mable ngayon?
Tumaas ang kilay ni Mable. “Gusto mo pa din ba ang mga braso ko?”
“H-hindi…”
Nanginig si Henry, natakot sa tindi ng mga mata niya.
Kung alam lang niya na malakas si Mable, hindi siya maglalakas loob na galitin siya, kahit na gaano pa siya katapang!
“Malakas pa din ba ang loob mo na kidnapin ang mga malapit sa akin?”
Umiling-iling si Henry, puro dugo ang mukha niya. “Hindi na. Hindi na ako maglalakas loob na umulit!”
Hanggang tinignan ni Tracey si Mable at gusto siyang purihin dahil sa pagiging astig niya.
“Ang galing ni Mabes! Ang tikas at ang lakas!
“Mahal ko siya! Mahal na mahal ko siya!!!”
Tumango si Mable at tinignan si Tracey. “Tracey, hintayin mo ako sa labas!”
“Huh?” tinignan ni Tracey si Mable ng nag-aalala. “Mabes…”
Mahinhin ang tono niya at sinabi niya, “Maging mabait ka at sundin ako.”
Napalunok si Tracey ng makita ang alab sa mga mata ni Mable.
Tinignan niya si Henry na nakaluhod sa sahig at tumango. “Okay.”
Pagkatapos lumabas ni Tracey ng living room, maririnig ang miserableng sigaw ni Henry mula sa loob.