Kabanata 4
“Boss!”
Noong nakita ng mga bodyguard ng lalake ang eksena, pinalibutan nila si Mable.
Ngumiti si Mable. Namula ang mga mata niya sa sabik.
“Gusto na siguro ninyong mamatay!”
Hinarap niya sila isa-isa at pinatumba ng tig-isang suntok. Mabilis siya at walang awa!
Ang buong proseso ay inabot lamang ng hindi aabot sa sampung segundo, at ilang mga bodyguard na ngayon ang nasa sahig.
Sa magandang ilaw na lobby, si Mable na nakasuot ng pulang dress ay tinignan ang mga lalake sa sahig.
Ginulo niya ng kaunti ang kanyang buhok, ngumiti siya ng malapad. Mukha siyang astig at marangal.
“Ano?”
Itinuro ni Solomon si Mable at halos walang masabi.
“Mable… magaling… magaling ka makipaglaban!”
“Hindi maaari… dati siyang mahina. Paano siyang naging malakas sa isang kisapmata?
“Pagkukunwari lang ba ang dati niyang ugali?”
Tinitigan ni Blair si Mable. Unti unting nawala ang lamig sa mga mata niya, at napangiti siya.
Ang dati niyang asawa ay mas interesante pa sa inaasahan niya.
Sa dalawang taon nila ng pagsasama, behave siya na parang kuneho. Sa oras na naghiwalay sila, nagbago ng husto ang kanyang ugali.
Bukod pa doon, ang kilos na ginawa niya ay parang…
Sumingkit ang mga mata ni Blair, nagdududa siya.
Matapos asikasuhin ang mga peste, naupo muli sa sofa si Mable.
Nakita niyang nakatayo lang sa tabi ang mga guwapong lalake, kaya sumenyas siya gamit ang kanyang daliri at ngumit ng mapangakit.
“Bakit ang layo ninyong nakatayo mula sa akin? Lumapit kayo at ipagbuhos ako ng wine!”
Uupo na dapat ang mga guwapong lalake ng may tumitig sa kanila ng malamig.
“Layas!” sigaw ni Blair.
Natakot ang mga lalake at agad na umalis.
Si Master Blair ng mga Fowler ay kilala sa Richworth bilang king of hell. Walang awa siya at malamig, ang kahit na sinong umargabyado sa kanya ay maaaring mapatay.
Sinulyapan ni Mable si Blair at sinabi, “Blair, sinisira mo ang kasiyahan ko!”
Sumarado ang mga kamao ni Blair. Makikita ang mga ugat sa ulo niya. “Mable, hindi pa opisyal ang paghihiwalay natin!”
Ang paghihiwalay nila ay may one-month cool-off period.
Sa madaling salita, opisyal lang nilang magagawa ang paghihiwalay sa loob ng isang buwan pa.
Ngumisi si Mable. “Blair, huwag mo sabihin na gusto mo akong bumalik sa iyo?”
Kahit na gusto niyang bumalik siya, kailangan muna sumangayon ni Mable!
Mapanghamak na sumagot si Blair, “Nag-ooverthink ka lang!”
Ipinagbuhos ni Mable ang sarili niya ng wine at tinignan siya. “Mas mabuti ng ganyan!”
Tinitigan ni Blair ang maganda pero aroganteng babae sa harapan niya. Hindi niya maintindihan kung saan siya nagkamali.
Dalawang araw pa lang ang nakararaan, nagmamakaawa siya at hinahatak siya, umiiyak dahil ayaw niya makipaghiwalay. Ngayon, tila ibang tao na siya.
“Anong relasyon ninyo ni Rahman?” tanong ni Blair kay Mable.
“Hindi ko kailangan ipaliwanag ang sarili ko sa dati kong asawa!” tumaas ang kilay ni Mable noong sumagot siya sa kanya.
“Dating asawa?”
Maririnig ang gulat at nasaktan na boses ni Rahman. Itinuro niya si Blair mula sa malayo at sinigaw, “Mabes! Pinakasalan mo ang lalakeng ito ng hindi ko nalalaman?!”
Sa isang iglap, ang mga mata ni Blair ay naging matindi.
“Lalakeng ito?”
Tinignan ng masama ni Mable si Rahman. Agad siyang natakot at sumenyas na tatahimik siya.
“Blair, ang kuwalipikadong dating asawa ay dapat umasta na patay na siya. Naiintindihan mo ba?”
“Mable!”
Gusto manuntok ni Blair!
Hindi nagpaabala si Mable. Namili siya at tinawag si Rahman, “Tara na. Magsasaya tayo sa ibang lugar!”
Agad siyang sinundan ni Rahman at binuhat ang gamit niya na parang alila. “May alam akong private club na may mas mataas na kuwalidad ng male models. Mula sila sa iba’t ibang bansa…”
Nakatitig si Blair kay Mable habang paalis siya. May matinding galit sa mga mata niya.
May naisip bigla si Mable.
“Paano nakilala ni Mable si Rahman ng Monafett?
“Mukhang maganda din ang relasyon nila.”