Kabanata 3
“Si Mable nga!”
Siniguro ni Solomon na hindi maling tao ang tinitignan niya. Gulat na gulat siya at halos lumuwa ang mga mata niya.
“Base sa dami ng lalakeng mga modelo, matindi ang taste niya!”
Tinignan ni Blair si Mable, matindi ang lamig ng titig niya.
Hindi lang siya nahuli na pumasok at lumabas ng hotel kasama si Rahman, ang lakas pa ng loob niyang maghanap ng mga lalake sa club.
“Sige!
“Ang lakas ng loob mo, Mable!”
…
Nag-eenjoy si Mable sa oras niya kasama ang mga guwapong lalake ng mapansin niya bigla na may nakatitig ng matindi sa kanya.
Humarap siya sa direksyon at nakita ang pamilyar na taong palapit sa kanya.
Kumurap ang mga mata ni Mable, at sadya siyang ngumiti ng nangiinis.
Sa isang iglap, naglakad si Blair sa dami ng tao at tumayo sa harap niya.
“Mable, ganoon ka ba kadesperado? Nakikipaglokohan ka sa ibang mga lalake pagkatapos pirmahan ang divorce agreement…”
Maganda si Mable at makinis. Ngunit, hindi siya nagsusuot masyado ng makeup at pangkaraniwan ang damit, kaya mukha siyang pangkaraniwan.
Ngayon at nagdamit siya ng maayos ng kaunti, agad siyang nagmukhang nakakatulala. Ang pulang dress ay nagbibigay sa kanya ng malakas na aura, at ang pigura niya ay elegante at maganda.
Napakaganda niya at may kumpiyansa sa sarili.
Tila ba napakaliwanag niya at hindi maiiwasan ng kahit na sino na tignan siya.
Sumandal si Mable sa sofa at ngumit ng walang pakielam. “Maikli lang ang buhay. Kaya siyempre, dapat magsaya tayo hanggat kaya natin.”
Tinitigan ng masama ni Blair si Mable.
Bumulong si Solomon na nasa likod niya. “Hindi ba’t si Mable ang gumising sa pagkakaabandona sa iyo at naging nakakatuwa?”
“Mr. Rowland, nagbibiro ka siguro.”
Hinawakan ni Mable ang magkabilang balikat ng mga guwapong lalake sa magkabilang tabi niya. Ngumiti siya ng mas kaakit-akit.
“Hindi ba’t masaya na may mga mahabang mga binti na modelo, guwapo at maalagang mga lalake na clingy parang mga tuta? Bakit ko isusuko ang mga ito para sa lalakeng walang kuwenta?”
Nagulat ng husto si Solomon.
“Tinawag niya na walang kuwenta si Master Blair!
“Siya pa din ba si Mable na kilala niya?”
Tinitigan ni Blair si Mable, na yakap ang magkabilang lalake sa tabi niya. Napakasama ng ekspresyon niya.
Ibang iba na si Mable kumpara sa iyakin na tao noon at mahina.
“Anong problema? Sa tingin mo ba mali ako, Master Blair?”
Mapanghamak ang mga mata ni Mable ng tinignan ito ni Blair. Wala siyang takot.
Dapat tandaan na guwapo si Blair. Maganda ang itsura niya at kaakit-akit. Perpekto ang dating niya na parang hinulma.
Bukod pa doon, nakasuot siya ng itim na suit kung saan mukha siyang hindi mahahawakan at magagalaw.
Habang nakatingin si Blair kay Mable, makikita ang matinding peligro sa itim niyang mga mata.
Bigla, isang matabang lasing ang umakyat sa deck ni Mable.
“Magandang binibini, ano ba ang maganda sa mahihinang mga lalake na ito? Dito ka sa mga braso ko. Mamahalin kita.”
Habang nagsasalita siya, itinaas niya ang mga kamay niya at itinulak ang mga guwapong lalake palayo kay Mable.
Agad niyang ipinatong ang braso niya sa kanyang balikat.
Lalo naging matindi ang ekspresyon ni Blair sa nakita niya. Makikita ang tindi ng lamig sa kanyang mga mata.
“Napakaganda. Hayaan mo na halikan muna kita!”
Makikita ang kagustuhan pumatay sa mga mata ni Mable.
Habang nakikita ang nakakadiring lalake na inihanda ang mga nguso niya palapit kay mable, kikilos na sana si Blair ng sinampal ng malakas ni Mable ang lalake.
“Ah!”
Sumigaw ang lalake at bumagsak sa sahig. Sumuka siya ng dugo at ilan sa mga ngipin niya.
“Ang lakas ng loob—”
Sinipa siya ni Mable sa tiyan, tumalsik siya ng ilang metro palayo.
Natanga sina Blair at Solomon sa ginawa niya.