Kabanata 16
May anim na siglo na ang tanda na mga pamilya sa Croquen, nahahati sa hilaga at timog.
Ang pamilya Fowler, pamilya Morse, at pamiyla Walker na kontrolado ang Richworth sa hilaga kung saan ang mga Fowler ang pinakamakapangyarihan.
Samantala, ang pamilya Maxwell, pamilya Jefferson at pamilya Snyder naman ang namumuno sa timog.
Gayunpaman, matapos mag emigrate ng mga Maxwell dalawampung taon na ang nakararaan dahil sa mga hindi inaasahang dahilan, ang pamilya Snyder ay unti-unting nanghina dahil sa away sa loob ng pamilya sa paglaipas ng mga taon.
Kaya, sa oras na ito, ang pinakaprestihiyoso at maimpluwensiyang pamilya sa Ashdale ay ang pamilya Jefferson.
Si Ginang Snyder at lola ni Mable ay mabuting magkaibigan. Iniligtas pa siya ni Ginang Snyder noong bata pa siya.
Pinahahalagahan ni Ginang Maura ang relasyon at sinusuportahan ang pamilya Snyder sa nakalipas na mga taon. Balak pa niya na gawin magkamaganak ang mga pamilya nila.
Kaya, kapag tumungtong si Mable sa hustong edad, ieenggage siya kay Dane.
Ang engagement limang taon na ang nakararaan ay napaka high-profile at engrande sa udyok ng pamilya Snyder.
Tumaas ng five points ang stocks nila sa sumunod na araw.
Pagkatapos, ang pamilya Snyder ay lumakas at naging tagumpay sa business world.
Sa Jefferson Residence.
Ipinarada ni Mable ang sasakyan niya sa kalsada sa likod kung saan ang katapat ay back entrance at mag-isang dumaan sa itaas ng bakod.
Ang gumulat sa kanya ay napalitan ang lahat ng mga guwardiya sa Jefferson Residence at mas strikto na ang seguridad.
Pumunta siya sa maliit na gusaling nakahiwalay kung saan tumira ang lolo niya, tinignan niya ang paligid pero walang bakas ng lolo niya.
“Nastroke si lolo, pero kaysa magpagaling sa bahay, ipinadala siya sa nursing home ni Tito Frank?”
Dahil hindi makita ni Mable ang lolo niya, hindi na siya magtatagal dito.
Pero, noong bumaba siya, aksidente niyang naalerto ang bodyguard.
Hindi nagtagal, tumunog ang alarm ng Jefferson Residence.
Mas maraming mga bodyguard ang pumasok. Mabilis na umakyat si Mable sa third floor at nakasalubong ang magandang babae na nakasuot ng manipis na damit.
Nagmadali siya at natumba ang babae bago nakapasok sa guest room, naghanda siyang tumalon mula sa balkonahe.
Sinong mag-aakala na may mabilis na hangin siyang naramdaman sa oras na pumasok siya.
“May tao sa kuwarto!”
Isinarado ni Mable ang pinto, noong tumalikod siya, nakita niya si Blair sa kanyang harapan.
“Bakti siya nandito?”
Hindi inaasahan ni Blair na ang taong pumasok ay si Mable. Mabilis niyang binawi ang kamay niya at iniwasan siyang saktan.
“Mable?”
“Bakit siya nasa Jefferson Residence? Paano niya naalerto ang madaming guwardiya?”
Mabilis na maririnig ang mabibilis na mga yabag. Hindi makapagpaliwanag si Mable kaya umiwas siya at nagtago sa banyo.
Sa oras na sumarado ang pinto ng banyo, may katok sa pinto ng guest room.
Hinawakan ni Mable ang pinto at nakinig sa kilos sa labas.
May pumasok para tanungin si Blair kung may nakita siyang kahina-hinalang tao, at sinabi niya na wala.
Nakahinga ng maluwag si Mable.
“Atleast may kunsiyensiya siya at hindi ako itinuro.”
“Labas!”
Sa oras na nakaalis ang guwardiya, maririnig ang malamig na boses ni Blair sa labas ng banyo.
Lumabas si Mable at narinig si Blair na nagtanong, “Bakit ka kandito?”
Tumaas ang kilay niya at ngumiti. “Ikaw dapat ang tatanungin ko niya, Blair. Bakit ka nasa bahay ko?”
“Bahay mo?” natulala si Blair. “Isa ba si Mable sa pamilya Jefferson?!”
“Bahay mo ito kung ganoon?” nakita ni Mable ang baso ng juice sa lamesa kaya kinuha niya ito at ininom.
Hindi mabasa ang titig ni Blair. “Ang pamiyla Jefferson ay walang miyembro ng pamilya na nagngangalang Mable.”
“Kung isa siya sa pamilya Jefferson, makikilala siya dapat ng mga guwardiya.”
Ibinaba ni Mable ang baso. “Malalaman mo sa susunod.”
Wala ng punto na pag-usapan ito, hindi niya gusto malaman ng pamilya Jefferson na buhay pa siya.
Gusto pumunta ni Mable sa bintana para tignan ang sitwasyon sa labas. Pero, nanghinga ang mga tuhod niya pagkatapos humakbang ng dalawang beses.
“Mable!”
Ang akala ni Blair ay may pinsala siya kaya lumapit siya para alalayan siya.
Itinaas ni Mable ang ulo niya. Namumula siya ng husto. “Hng… ang init…”
“Init?”
Nanigas bigla si Blair at naalala ang juice na ininom ni Mable.
Leah Fletcher, ang pinsan ni Marissa ay ipinahatid iyon.
“Pambihira!”
“Ang lakas ng loob ng babaeng iyon na gamitan ako ng droga?!”
“Sobrang init at hindi ako kumportable…”
Wala sa sariling hinatak ni Mable ang kuwelyo niya. Nawala na siya sa tamang isip at patuloy siya sa pagdikit ng katawan niya kay Blair.
Malamig ang katawan ni Blair at kumportable, pero hindi ito sapat para mapawi ang init na nararamdaman niya.
Nanigas ang bibig ni Blair at kinuha ang mga kamay ni Blair. “Mable, tiisin mo…”
Ang sumunod ay dumikit ang mga labi at dila ni Mable sa Adam’s apple ni Blair.
Agad na kumulo ang dugo ni Blair sa puntong nasasakal siya. Lumabas ang mga ugat sa noo niya at bumilis ang tibok ng kanyang puso…
“Pamiylar ang pakiramdam na ito!
“Kapareho nito ang gabi limang taon na ang nakararaan…”
Tinitigan ni Blair si Mable. “Maaaring kayang siya iyon?”