Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 15

Makalipas ang tatlong oras, bumaba ng ligtas ang eroplano sa Ashdale International Airport. Kabilang sa anim na hijacker sa eroplano, lima ang patay, at ang isa ay may pinsala. Maliban sa dalawang piloto at flight attendant na may pinsala, ang mga pasahero ay ligtas. Sa oras na nakababa si Mable mula sa eroplano,hinack niya ang surveillance ng eroplano at binura ang lahat ng imahe niya. Pero, bago siya nakaalis ng airport, pinigilan siya ni Blair. “Mable, mag-usap tayo.” Tinitigan siya ng kumplikado ni Blair. Nagbago ang pagkakaintindi ni Blair kay Mable sa ginawa niya sa eroplano kanina. Hindi lang siya matapang, pero marunog din siya humawak ng baril at marunong magpalipad ng eroplano! Sa oras na ito napagtanto ni Blair na hindi niya tunay na kilala ang babae sa kanyang harapan. “Busy ako!” Matapos ito sabihin, dinala ni Mable ang bagahe niya at naglakad palayo, gusto umalis. “Mable!” Hinawakan ni Blair ang braso ni Mable at idinikit siya sa pader. “Sinampal mo ako, at aalis ka ng ganoon na lang?” Tumaas ang kilay ni Mable at malamig ang tinignan ang lalake sa harap niya. “Anong problema? Gusto mo ba ako gantihan?” Kahit na sinampal niya si Blair sa eroplano para pukawin ang atensyon ng mga hijacker, inaamin niya na masarap ito sa pakiramdam! Masyado itong nakakatuwa! Tinignan ni Mable ang namumulang mukha ni Blair at ngumiti. Nagsisisisi siya. Dapat sinampal niya ng isa pang beses ang mukha niya para pantay. Sadyang tumagilid ang ulo ni Mable. “Sasampalin mo ba ako o hindi? Kung hindi bitawan mo ako!” Tinitigan ni Blair si Mable na kaunti lang ang layo sa kanya. Nararamdaman niya ang kanyang paghinga noong nagsalita siya, nakiliti ang puso niya. Itinaas niya ang kanyang kamay. Noong akala niya na sasampalin siya ni Blair, hindi niya hahayaan na mangyari ito kaya itinaas din niya nag kanyang kamay para pigilan ang magaganap. Pero, mukhang handa si Blair. Kinuha niya ang parehong braso ni Mable at inilagay sa ibabaw ng ulo niya. Ang kabilang kamay ay hawak ang baba niya. Ag kasunod ay hinalikan siya ni Blair. Madiin na hinalikan ni Blair si Mable. Naamoy niya ang masarap na halimuyak at nahirapan siyang bumitaw. Bigla, nakaramdam siya ng sakit sa mga labi niya. Nagtagal ang lasa ng dugo sa dila niya. Bumitaw si Blair kay Mable. Maganda ang mood niya habang nakikipagtitigan sa kanya. “Blair, hayop ka!” Itinulak siya ng malakas palayo ni Mable. Nadidiri niyang pinunasan ang mga labi niya, na tila nahawa siya ng virus mula sa halik. Pinunasan ni Blair ang dugo sa mga labi niya. “Ngayon patas na tayo.” “Hayop!” matindi ang galit ni Mable at nagmura siya. Gusto niya patayin ang pesteng ito! Tinitigan siya ni Blair at hindi nagmamadali na nagtanong, “Mable, sabihin mo sa akin. Bakit ka pumunta sa Ashdale?” “Wala ka ng pakielam doon!” Patuloy sa pagvibrate ang phone niya, kaya kinuha niya ito para tignan. [Rahman: Hinihintay kita sa labas ng airport.] Foreigner si Rahman na may sensitibong pagkakakilanlan, kaya sa iba siya dumaan ng bumaba sila ng eroplano. Sumagot si Mable ng ‘okay’ sa kanya at naglakad palabas dala ang bagahe niya. Sumunod si Blair sa kanya. “Saan ka pupunta? Ihahatid kita.” “Hindi na kailangan!” Pagkatpaos ito sabihin ni Mable, pitong Hummer ang dumaan at tumigil sa harap niya. “Mabes! Sakay!” Bumaba si Rahman mula sa unang sasakyan at tinulungan si Mable na dalhin ang suitcase niya. “Blair, tumigil ka na sa panggugulo sa akin!” Kasunod nito, malakas niyang isinarado ang pinto. Tinignan ni Blair ang mga sasakyang papalayo. Nagsalubong ang mga kilay niya at nagalit siya. … Noong dumating si Mable sa hotel, umiglip siya. Nakatulog siya hanggang 9 p.m. bago siya bumangon at nagdinner, pagkatapos, pumasok siya ng palihim sa Jefferson Residence.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.