Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 4

Malinaw kay Gavin ang sitwasyon niya. Naniniwala siya na walang laban ang mga doktor na maraming karanasan sa karamdaman niya. Bukod pa dito, si Andrew ay mukhang nasa 20s lang. Wala siyang abilidad ng doktor, at mukha siyang nagpaplano ng masama para makuha ang loob ng apo niya, si Doria. Kaya, dahil mainitin ang ulo ni Gavin, hindi siya naging mabait kay Andrew. Matapos mapansin na hindi naniniwala si Gavin sa kanya, nagsalita si Andrew. “Mukhang malala ang sitwasyon mo, sir. Maaari ba tayong mag-usap ng tayo lang?” “Umalis na muna kayo, Doria. Gusto ko marinig ang sasabihin niya.” Nakangisi si Gavin. Nag-alinlangan si Doria. Pero sa huli, pinili niyang magtiwala kay Andrew at nilisan ang kuwarto. “Sige, sabihin mo. Anong plano mo kay Doria?” dumiretso sa punto si Gavin. Ngumiti si Andrew at nakipagkamay kay Gavin. “Ikinagagalak kitang makilala, Mr. Thompson Senior. Ako ang tagapagmana ng pamilya Hughes!” Malinaw ang gulat sa mukha ni Gavin. “Sinasabi mo ba na miyembro ka ng pamilya Hughes ng Josona?” “Tama. Si Lucas Hughes ang ama ko, at si Fred Hughes ang lolo ko.” Matapos ito sabihin, iniabot ni Andrew kay Gavin ang gintong singsing. Kinuha ito ni Gavin at sinuri ito. Pagkatapos, tumawa siya ng malakas at sinabi, “Ikaw pala ang apo ni Fred! Ikinagagalak ko din na makilala ka. “Kanina, isa lang itong hindi pagkakaintindihan, Andrew. Ang akala ko may masama kang pinaplano. Puwede ka ba lumapit para mas makita kita ng mabuti?” Lumapit si Andrew. Hinawakan ni Gavin ang mukha ni Andrew at tinapik ang balikat niya. “Nakuha mo ang tindi ni Fred, tama. Naaalala ko siya noong bata pa siya sa iyo.” Habang nakatingin kay Andrew, nakaramdam ng pride si Gavin, na tila nakatingin siya sa sarili niyang apo. Maaaring nasabik ng husto si Gavin at umubo na naman siya ng dugo. “Kalma lang, Mr. Thompson Senior. Mamaya na tayo mag-usap kapag napagaling na kita.” Pinakalma ni Andrew si Gavin. “Sa nakalipas na mga taon, natuto ako ng kaunting medisina. Baka makatulong ako.” Noong marinig ni Doria ang ubo ni Gavin, dali-dali siyang pumasok sa kuwarto. “Okay ka lang ba, Lolo?” “Okay lang ako. Natutuwa lang ako.” Umiling-iling si Gavin at tinignan si Andrew. “May asawa ka na ba, Andrew?” Binanggit ni Gavin ang topic. Ngumiti si Andrew. “Wala akong asawa.” Lalong nasabik si Gavin. “Mabuti. Dahil nandito si Doria, bakit hindi kayo kumuha ng marriage certificate? Sa susunod na lang kayo ikasal.” “Lolo!” nabigla si Doria at napaisip pa kung mali siya ng narinig. Lugmok ang ekspresyon ni Andrew. Bakit naalala pa din ni Gavin ang arranged marriage? Matapos makita na naguguluhan si Doria, ipinaliwanag ni Gavin, “Naalala mo ba ang arranged marriage na nabanggit ko sa iyo noon, Doria? Ang taong iyon ay si Andrew.” “Ano?” hindi makapaniwala niyang sinabi. Alam ni Doria ang tungkol sa arranged marriage, pero hindi niya ito sineryoso. Maraming taon na nga naman na ang lumipas, at hindi ito nabanggit muli ni Gavin; naisip niya na baka biro lang ito. Hindi inaasahan ni Doria na babanggitin ito muli ni Gavin at si Andrew ang kanyang fiance. Bago pa makapagsalita si Doria, sinabi ni Gavin. “Okay, napagdesisyunan na natin.” Kinagat ni Doria ang labi niya at nababalisang sinabi, “Hindi ako sangayon dito, Lolo!” “Kung hindi ka sasangayon, hindi ko tatanggapin ang panggagamot. Sa halip, mas pipiliin ko mamatay.” Tinitigan ng masama ni Gavin si Andrew at Doria. Bigla, nalukot ang ekspresyon ni Gavin sa tindi ng sakit na nararamdaman niya. Namaluktot siya sa kama at pinagpawisan ng malamig. Namutla ng husto si Doria. “Huwag mo ako takutin ng ganyan, Lolo! Nangangako ako sa iyo, pakakasalan ko siya!” Seryosong sinabi ni Andrew, “Lumalala ang sitwasyon ni Mr. Thompson Senior, Ms. Thompson. Puwede ba na bigyan mo kami ng space? Gagamutin ko na siya agad.” “Pakiusap iligtas mo ang lolo ko, Mr. Hughes.” Pinunasan ni Doria ang mga luha niya at tumabi. Kumuha si Andrew ng karayom mula sa bag niya at gagamutin na dapat si Gavin ng may sumigaw mula sa pinto. “Tigil! Anong ginagawa mo?” “Tito Hamilton!” mahinang tinawag ni Doria ang middle-aged na lalake. Nagkataon na ang middle-aged na lalake ay si Hamilton Thompson, ang pinakamatandang anak ng pamilya Thompson. Habang malagim ang ekspresyon niya, sinabi ni Hamilton, “Sino ang taong ito, Doria? Bakit siya gagamit ng karayom sa lolo mo?” “Tito Hamilton, isinama ko si Mr. Hughes dito para gamutin si Lolo.” Umiling-iling ang matanda sa likod ni Hamilton. “Ang mga bata talaga sa panahon ngayon ay hindi alam ang limitasyon nila. Ang karamdaman ni Mr. Thompson Senior ay maraming nabagabag na mga doktor. Pero ikaw na walang karanasan ay naglalakas loob na marami kang alam.” Ipinakilala ni Hamilton ang matanda kay Doria. “Ito si Dr. Xanthus Gerald mula sa Jaedornia. Mula siya sa prestihiyosong pamilya ng mga doktor at kilalang medical expert. Iniligtas niya ang buhay ng maraming tao at siya ang presidente ng Signatious Association sa Jaedornia.” Matapos marinig ang mga salita ni Hamilton, si Gavin at Doria ay natanga—si Xanthus ay kilalang medical expert sa Busmainga. Wala sa kanila ang umaasa na makakakuha ng high profile na tao si Hamilton. Kumpara sa dating ni Xanthus na batikan ng beterano, si Andrew ay mukhang baguhan lang. “Pagkatapos nito, umasa ka na sesermonan kita,” binalaan ni Hamilton si Doria at tinitigan ng masama, pagkatapos, humarap siya kay Xanthus. “Dr. Gerald, ipagkakatiwala ko ang lolo ko sa iyo.” “Makasisiguro ka, Mr. Hamilton. Handa ako. Magiging okay si Mr. Thompson Senior.” Nagyabang si Xanthus at naglabas ng itim na pill. “Ito ay Sporazoxane, Mr. Thompson, isang formula na inilikha ko mismo para sa karamdaman ni Mr. Thompson. Ginagamit nito ang iba’t ibang klaseng herbs. Sa oras na kainin ito ni Mr. Thompson, magiging mala himala ang epekto nito sa kanya. Siguradong gagaling siya agad!” “Mabuti! Pakibigay agad ang pill sa lolo ko.” Naging masaya ang ekspresyon ni Doria ng marinig ito. “Sandali!” Humarang agad ang kamay ni Andrew, pinigilan si Xanthus bago naipainom ang pill. Huminga ng malalim si Andrew at tinitigan ang pill sa kamay ni Xanthus. “Sa amoy pa lang, alam ko na kung anong nilikha mo, Dr. Gerald.” Sa oras na nagsalita si Andrew, naging malagim ang ekspresyon ni Xanthus. Ang pill ay naglalaman ng iba’t ibang mga sangkap. Gayunpaman, alam na agad ni Andrew kung ano ang mga ito. Ang sumunod na sinabi ni Andrew ay gumalit kay Xanthus. “Kahit na mukhang may benepisyo ang bawat sangkap individually, ang pagsasama-sama sa mga ito ay may dalang walang kasiguraduhan na mangyayari. Mukhang kulang ang medical knowledge mo.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.