Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 3

Napukaw ang atensyon ng mga security guard sa paninigaw ni Darlene. Nakilala nila agad si Darlene, at ang security captain, na si Henry Cox, ay agad na lumapit. “Anong nangyari, Mrs. Collins?” Itinuro ni Darlene si Andrew at inakusahan siya. “Tamang-tama ang dating mo, Mr. Cox. Ang hayop na ito ay inaatake kami. Tulungan mo kami.” “Ano? Hindi ako makapaniwala!” sagot ni Henry Cox. “Ang lakas ng loob mo na magnakaw ng garapalan? Dakpin siya at dalhin sa estasyon ng pulis.” Matapos sumignal si Henry, ang mga security guard sa likod niya ay binunot ang mga batuta nila at sinugod si Andrew. Bigla silang nakarinig ng boses mula sa likod, “Tumigil kayong lahat!” Isang eleganteng babae na mahaba ang buhok ang bumaba mula sa Rolls-Royce Cullinan. Itim na suit ang suot niya at hindi maiiwasang tignan ang katawan niya. Sa oras na dumating siya, napukaw ang atensyon ng lahat sa ganda niya. Isang lalake na may buzz cut ang nakatayo sa likod niya. Mukha siyang matapang at matindi ang titig. Kahit na mas marami ang tao sa kanila, sapat na ang presensiya niya para pigilan ang mga security guard. Nakasisindak nga naman ang dating ng babae. Mabilis na lumapit ang babaeng naka high-heels kay Andrew at humingi ng tawad. “Pasensiya na at nahuli kami, Mr. Hughes.” Hindi niya alam na napukaw ang atensyon ng marami dahil sa laki ng kanyang hinaharap. Tinignan ng naghihinala ni Andrew ang bagong dating, “Sino ka?” Eleganteng sumagot si Doria, “Mr. Hughes, ako si Doria Thompson. Sinabi ni Mr. Jenkins ang tungkol sa iyo sa akin. Naparito ako para hingin ang tulong mo para gamutin ang lolo ko.” Matapos iyon, naintindihan agad ni Andrew ang sitwasyon. Ang lolo niya marahil ang war buddy ng kanyang lolo. Para naman kay Rudd Jenkins, mataas ang posisyon niya bilang presidente ng Thenswy Chamber of Commerce at pinamamahalaan ang management ng assets ng pamilya Hughes sa Thenswy. Kinilabutan ang mga security guard na nakatitig sa kanya ng magpakilala si Doria. Si Doria ang tagapagmana ng pamilya Thenswy. Pinagsisilbihan niya ang presidente ng Thompson Group at kilala na siya bilang elite sa mga grupo ng Thenswy. Maliban dito, ang residential area na ito ay nasa ilalim ng Thompson Group. Gulat na napahinga ng malalim ang mga security guard ng mapagtanto ito. Hindi makapaniwala ang titig nila kay Andrew. Anong maaaring dahilan para igalang ng ganito ng isang tagapagmana ng prominenteng pamilya si Andrew? Hindi pa naririnig ni Darlene ang pangalan ni Doria Thompson. Inaakusahan niyang dinuro si Andrew at minura siya, “Wala kang kuwenta ka! Ang lakas ng loob mo na kumabit sa ibang babae? Kaya pala gusto ka hiwalayan ni Bernice!” Noong marinig ito, naging malagim ang ekspresyon ni Doria at lumapit siya kay Darlene. “Ikaw na pokpok ka, anong balak mo gawin?” nagulat si Darlene. Nagbigay siya ng babala, “Ang anak ko ang chairman ng VitaCare Pharmaceutical Group. Kapag sinaktan mo ako—” Bago pa matapos magsalita si Darlene, sinampal siya ni Doria, at nasira ang makeup niya sa proseso. Malamig na sinabi ni Doria, “At anong magagawa niya dito?” “Pokpok ka—” Hindi nag-aksaya ng oras si Doria na sampalin si Darlene muli. Ang sampal na ito ang naging dahilan para bumagsak sa sahig si Darlene. Namamaga ang mukha niya sa isang side. Natakot si Darlene at hindi na sinubukan takutin si Doria. Humarap siya sa mga security guard at sumigaw, “Anong hinihintay ninyo? Hindi ba ninyo nakita na sinampal niya ako? Bilisan ninyo at turuan siya ng leksyon!” Nabigla sila sa utos ni Darlene at kinakabahan ang mga guwardiyang umiwas ng tingin—ang kalabanin si Doria, na boss nila, ay isang career suicide. Hindi binigyan ng pansin ni Doria sina Darlene at Favian, ngumiti siya kay Andrew. “Pasensiya na sa abala, Mr. Hughes. Handa ka na ba umalis?” Sa oras na iyon, ibang-iba ang dating ni Doria. Ang nakasisindak niyang presensiya ay naglaho at napalitan ng madaling lapitan na dating. “Sige,” sagot ni Andrew at sinundan niya si Doria para sumakay sa Rolls-Royce Cullinan. Mapait na pinanood ni Darlene ang eksena, bumulong siya, “Pagsisisihan mo ito, ikaw na babae ka!” Samantala, si Favian ay naakit sa kakaibang ganda ni Doria. Matagal na niyang nakalimutan ang pagkakasampal kay Darlene. Dumating si Bernice kasama si Bernard matapos makaalis ng mga security guard. Noong makita niya ang namamagang mukha ni Darlene, nagbago ang ekspresyon ni Bernice. “Ma, anong nangyari sa iyo?” “My darling Bernice, nagpakita ka din sawakas,” maluha-luhang sinabi ni Darlene. “Hindi ka ba makapaniwala? Pagkatapos ng paghihiwalay ninyo, isinama ng lalakeng ito ang kabit niya at ginulpi kami.” Nagsalubong ang mga kilay ni Bernice at hindi makapaniwalang nagtanong. “Ginawa ba talaga iyon ni Andrew?” Matapos ang tatlong taon nilang pagsasama, alam ni Bernice na mahinhin si Andrew. Hindi siya magmumura lalo na ang manakit ng pisikal. Kahit na hiwalay na sila, nanatili ang paniniwala ni Bernice na hindi magiging pisikal si Andrew sa kanyang pamilya. Napansin ni Darlene ang pag-aalinlangan ni Bernice at nagmalabis sa sitwasyon. “Tignan mo ang bakat sa mga mukha namin! Magtanong ka sa paligid kung may nakakita!” Sumagot si Favian, ginatungan niya ang sitwasyon. “Tama, Bernice. Matapos malaman ang divorce, pinuntahan namin si Andrew ni Inay, natatakot kami na baka hindi niya kayanin.” “Hindi namin inaasahan na magtatanim ng sama ng loob ang lalakeng iyon at magiging bayolente para makabawi sa iyo. Kung hindi dahil sa mga security guard na dumating sa tamang oras, baka naospital na kami.” Lumapit si Bernice sa taong dumadaan sa tabi para magtanong. Matapos makita ang nakakatakot na titig ni Darlene, sinabi niya. “Tama, Ms. Collins. Nakita ko si Mr. Hughes na may kasamang babae ay pisikal na inatake ang pamilya mo.” Matapos iyon, nagbago ang tingin ni Bernice kay Andrew. Tumigil siya sandali para mag-isip, pinigil ni Bernice ang galit niya at sinabi, “Huwag ka mag-alala, Ma. Kukumprontahin ko si Andrew tungkol dito!” … Samantala, isinama ni Doria si Andrew sa nursing home na may vintage decoration. Sa oras na dumating sila, alam na ni Andrew kung sino ang lolo ni Doria. Sa second floor, si Gavin Thompson ay nakahiga sa kama, maputla siya at umuubo ng may dugo sa putting tuwalya. Ang mga doktor ay malagim ang ekspresyon. Nasaktan si Doria ng makita niyang umuubo ulit ng dugo si Gavin. Lumapit siya sa kanya. “Lolo.” “Nagbalik ka na, Doria.” Bati ni Gavin bago napansin si Andrew sa tabi niya. “At sino ito?” “Siya si Andrew Hughes, Lolo. Isinama ko siya dito para gamutin ka.” Gamutin siya? Noong marinig niya ang sinabi ni Doria, nagdilim ang mukha niya. “Hindi ko kailangan magamot. Paalisin mo na siya!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.