Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 11

“Ito si Anson Foster, ang tagapagmana ng mayamang pamilya Foster ng Thenswy. Kakabalik lang niya mula sa pag-aaral abroad.” Pakilala ni Bernard sa lalakeng malakas ang boses. Gulat na nakatingin ang ibang mga bisita sa kanila at nagsimulang magbulungan sa mga sarili nila. Ang pamilya Foster ay masagana sa nakalipas na dalawang taon, ang kumpanya nila ay sinasakop na ang real estate industry sa Xenlington district. Sa assets pa lang, karibal na nila ang pamilya Thompson. Mukhang hindi interesado si Summer sa mga bagay na ito. Sa oras na naayos na ang hindi pagkakaintindihan, bumalik na siya sa kanyang trabaho. Samantala, nagpakilala si Bernice. “Mr. Clarke, masuwerte kang lalake dahil may maganda kang babae na tulad ni Ms. Collins bilang confidante,” naiinggit na sinabi ni Anson Foster. Napansin niya ang ganda ni Bernice sa simula pa lang. Lumaki ang ulo ni Bernard dahil sa papuring natanggap mula sa mayamang tagapagmana. “Puwede ka na tumigil sa pagbibiro mo, Mr. Foster. Para sa isang katulad mo, walang problema na magkaroon ng magandang babae sa tabi mo. Bukod pa doon, aasahan kita mamaya, Mr. Foster. “Naghanda si Bernice ng proposal dahil umaasa siyang makakatrabaho ang pamilya Thompson.” Matapos ang ilang pambobola, isiniwalat ni Bernard ang dahilan kung bakit siya naparito. “Hindi iyon problema. Nasaan ang proposal?” kaswal na sagot ni Anson. Pakiramdam niya hindi siya gumagawa ng pabor para sa kanila. Matapos kunin ang dokumento kay Bernice, ipinasa ni Anson ito sa guwardiya niya sa likod niya. “Ipadeliver ito kay Ms. Thompson at ipaalam sa kanya na ako ang pumupuri dito.” Sapat na ang pangalan niya para ikunsidera ito ng pamilya Thompson. Para naman sa kung tanggapin ang deal o hindi, hindi na ito mahalaga. Gayunpaman, natutuwa na si Bernice dahil ang proposal niya ay makakarating sa pamilya Thompson. Habang nagpapasalamat si Bernard kay Anson, isinama niya si Andrew. “Bernice, nakikita mo na ngayon kung gaano kahalaga ang mapuntasa ibang social class. Ang taong walang kuwenta tulad nito ay hinding-hindi magkakaroon ng pagkakataon na makasama ang mga maimpluwensiya tulad nito sa buong buhay nila.” Kahit na masakit na nagsalita si Bernard, tahimik na sumangayon si Bernice sa sinabi niya. Habang naaappreciate niya ang dedikasyon ni Andrew sa mga gawaing bahay sa nakalipas na tatlong taon, hindi niya maisawalang bahala ang kawalan niya ng ambisyon o kaya mga koneksyon sa business world. Walang benepisyo para sa kanya ang makasama si Andrew; magiging pabigat lang siya. “Kaibigan mo ba siya?” tanong ni Anson matapos mapansin si Andrew sa likod ni Bernard. “Nararapat ba siya na maging kaibigan ko?” natawa si Bernard. “Isa lang siyang talunan na nakapasok dito.” “Masisimula na ang charity event. Bakit hindi tayo maupo muna? Hindi na kailangan mag-aksaya ng oras sa talunang ito.” Nilampasan nilang tatlo si Andrew at naupo sa harap, at masayang nag-usap. Nanatiling nakaupo si Andrew, hindi natinag. Wala ng hawak si Bernice sa mga emosyon niya. At si Bernard ay isa lamang hamak na payaso para sa kanya. Hindi niya gusto makipagtalo sa katulad niya. Simple ang prosesong sinusundan ng charity auction. Isa itong event na ang mga attendees ay maaaring magcontribute ng hindi nagdodonate ng pera ng direkta; sa halip, mag-aalok sila ng artowrks na hindi na nila kailangan mula sa mga koleksyon nila para iauction, ang malilikom na pera ay mapupunta sa charity. Sa totoo lang, may mga gawa ng mga dumalo na pumupukaw as atensyon ng iba kung saan nagkakaroon ng bidding war. Ngunit, ang tunay na premyo ay hindi ang art piece. Ito ang pagkakataong lumawak ang impluwensiya at makasama ang mga bigating tao sa charity banquet. Masigla ang event, pero nakaupo si Andrew sa sulok ng nakapikit. … Sa opisina sa itaas, ilang mga proyekto ang nasa lamesa sa harap ni Doria. Pagod niyang minamasahe ang mga sentido niya. May tatlong mabilis na katok sa pinto, at pumasok si Gigi Moore para sabihin, “Ms. Thompson, heto ang proposal na pinupuri ng pamilya Foster. Gusto mo ba ito tignan?” “Dalhin mo ito sa akin.” Nakaupo siya ng hindi maayos sa upuan, pero naupo siya ng maayos noong basahin ang dokumento, ang atensyon niya ay napukaw sa panagalan ni Bernice. “Interesante.” Matapos basahin ang nilalaman, nadiskubre niya ang mga panganib, detalye at inaasahang kita na pasok sa requirements nila. Noong tapos na siya, isinarado niya ang folder at tinawag si Gigi, at sinabi, “Dalhin mo ito kay Andrew at hayaan siyang magdesisyon.” Hindi pa alam ni Gigi ang relasyon nila ni Andrew at Bernice. Kaya, sinunod niya ang utos ni Doria. Nagulat si Andrew ng matanggap niya ang dokumento. Gayunpaman, naintindihan niya agad kung anong ibig sabihin ni Doria. Na kay Andrew ang kapangyarihan para magdesisyon sa tadhana ni Bernice at VitaCare Pharmaceutical Group. Hindi na niya ito inisip masyado, at sinabi ni Andrew, “Hayaan mo si Ms. Thompson na magdesisyon. Hindi na niya kailangan alalahanin ang opinyon ko.” Matagal ng iniisip ni Andrew sa nakalipas na dalawang araw ang isang bagay. Kahitn a hiwalay na sila ni Bernice, wala siyang plano na gumanti. Bumawi na si Rudd para sa nawala sa kanya. Simula ngayon, kahit ano pa ang pinaplano ng tadhana para kay Bernice, hindi na makikielam si Andrew. Ang tatlong nakaupo sa harap ay walang malay sa nangyayari sa likod nila. Ang atensyon nilang lahat ay nakatutok sa auction. “Mr. Foster, narinig ko na may mamahalin ka na gamit na dala. Napapaisip ako sa kung anong idodonate mo ngayon.” Noong nasa college pa sila, si Bernard at Anson ay matagal na magkasama. Ito ang dahilan kung paano nila nalaman ang interes ng isa’t isa at nagkakilanlan ng mga ugali. Magsasalita sana si Anson ng makita ang staff member na may dalang tray sa kamay niya. “Pagkakataon nga naman. Iyon ito. Isang collectible. Naniniwala ako na magugustuhan ito ni Ms. Collins. Hindi ito mamahalin. Bernard, bakit hindi mo ito kunin para sa kanya bilang representasyon ng pag-ibig mo sa kanya?” biro ni Anson. Ngunit, si Bernice at Bernard ay nanatiling nakatitig sa entablado. “Ang susunod na bagay na iaacution ay one in a million, isang world-class collectors piece!” anunsiyo ng host, batid ang sabik sa boses niya. Ang interes ng mga tao ay napukaw, ang mga mata nila ay nakatitig lang sa nasa harapan nila. Maingat na kinuha ng host ang bracelet. Namumula siya sa sabik. “Sigurado akong narinig na ng karamihan sa inyo ang “Heart of Ocean” noon. Matapos suriin, natiyak na ang mga gemstone sa bracelet ay mga sapphire. Ito mismo ay maituturing bibihira na kayamanan. “Bago pa natin gawin ang auction, gusto ko magpasalamat sa anonymous donor para sa charitable contribution nila. Dahil sa klase ng auction na ito, hindi isisiwalat ang mga detalye niya. Ngunit, base sa research namin, ang huling auction price para sa isang sapphire na kilalang ‘The Future’ ay nagkakahalaga ng 30 million. “Dahil ganito nga ang sitwasyon, ang starting price ng bracelet ay 50 million dollars.” … Matapos magsalita ng host, naging tahimik sa hall. Ang maririnig lang na tunog ay ang paghinga na nagsasabing nakikinig pa din sila. Pagkatapos ng ilang sandali, may kaguluhan sa mga dumalo. “Kalokohan ba ito? Nagkamali ba ang organizer? Paanong magkakaroon ng bracelet na 50 million dollars ang halaga?” may kumuwestiyon mula sa mga bisita na baka gimmick lang ito ng organizer. Marami sa kanila ang mahihirapan na maglabas ng 50 million dollars, pero iilan lang ang hangal na magdodonate ng ganitong halaga. “Tinignan ko ito sa internet. May record sa bracelet na ito. Pero, sinabi din dito na private collectors item ito.” “Kung totoo iyon, ang 50 million dollars price tag ay mura pa. Higit nga naman ang halaga ng isang collectible mula sa koleksyon.” Ang karamihan sa kanila ay hindi kumbinsido. Naisip nila na baka gimmick lang ito ng mga organizer para mapressure sila sa pagdodonate o baka nagkaroon ng pagkakamali sa appraisal. Sa totoo lang, si Andrew ang nagulat. Ibinigay ni Rudd sa kanya ang bracelet. Tunay na galante si Rudd sa pagbibigay sa kanya ng ganitong mamahaling bagay. Sa front row, si Bernard at Bernice ay natanga.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.