Kabanata 10
Inalis ni Bernard ang seatbelt niya, at napansin na tulala si Bernices a tabi niya. “Anong tinititigan mo, Bernice?”
Hindi siguradong nagsalita si Bernice, “Sa tingin ko nakita ko Si Andrew ngayon lang, pero baka nagkamali lang din ako.”
Ngumisi si Bernard. “Ang pamilya Thompson ang maghahayag ng charity banquet. Ang mga dadalo dito ay may impluwensiya at dapat na nirerespeto. Hindi maiimbitahan ang talunan na iyon.”
Nakumbinsi si Bernice at hindi na ito inisip.
“Sa oras na nasa loob na tayo, ipapakilala kita sa mga importanteng mga kliyente. Mga bigatin sila. Masosolusyunan ang problema mo kapag nagkaroon kayo ng deal.
“May kaibigan ako na nagtanong ako tungkol sa charity banquet, at mukhang isang miyembro ng pamilya Thompson ang maghohost nito. Baka magkaroon tayo ng pagkakataon na makita sila. Sa tulong mga koneksyon ko, baka magkaroon pa tayo ng investment para sa bagong proyekto mo.”
Malinaw na natutuwa si Bernice. “Mabuti iyon. Salamat, Mr. Clarke.”
Dahil problemado siya sa dami ng mga proyektong nakansela, kumpiyansa ngayon ang pakiramdam ni Bernice dahil malalampasan na niya ang mga hamon sa buhay niya sa tulong ni Bernard.
Matapos marinig ang pagpapasalamat, yumakayp si Bernard sa bewang ni Bernice. “Wala na dapat formalities sa pagitan natin.”
Okay lang kay Bernice ang intimate niyang kilos. Pumasok sila sa venue na parang mag kasintahan.
Ang lobby ng banquet ay nahahati sa iba’t ibang lugar. Ang karamihan ay nakikihalubilo sa main area, nagbabatian sila.
Si Andrew, na hindi sanay sa mga ganitong bagay, ay naglakad-lakad hanggang sa nakahanap siya ng tahimik at tagong lugar sa sulok.
Bigla, nakaramdam si Andrew ng bagay sa bulsa niya. Inilabas niya ito at nakita na isa itong bracelet. Sa oras na inilabas niya ito, napagtanto niya kung ano ito.
Naalala bigla ni Andrew ang nakaraan noong nakilala niya ito. Ito ang regalo niya kay Bernice na binili niya isang linggo na ang nakararaan, mukhang wala na itong silbi.
Lumapit si Andrew sa staff member at ibinigay ang bracelet. “Puwede mo ba ito iauction para sa akin? Ang perang malilikom ay mapupunta sa charity.”
Kaysa hayaan na mangolekta ng alikabok sa sulok ang bracelet, nakakita si Andrew ng pagkakataon para masulit ang halaga nito.
Ang staff member, na sumunod sa protocol, ay gusto kunin ang impormasyon ni Andrew, pero tumanggi siya. Hindi niya balak na purihin para dito.
Nagkagulo lalo sa venue habang dumadami ang mga dumadalo dito. Si Andrew, na nasa isang sulok, ay nakapukaw ng mga napapaisip na mga tingin. Pero, dahil hindi siya pamilyar na tao, walang lumapit para makipagusap sa kanya.
Bigla, nagdilim ang ekspresyon ni Bernice ng makita si Andrew. “Anndito si Andrew,” sambit niya at sumimangot.
Si Bernard, na nagulat sa presensiya ni Andrew, ay tumaas ang kilay niya at lumapit sa kanya. Pero si Bernice, ay pinigilan siya, “Kalimutan mo na, Bernard. Hindi siya nararapat para sa oras natin.”
“Ugh! Nandidiri ako makakita ng talunan dito. Malinaw na ikaw ang habol iya, Bernice. Kailangan natin tapusin ang problema hanggat maaga pa bago siya maging sagabal.”
Nadala si Bernice ng mga salita ni Bernard at bumitaw siya.
Malamig na kinumpronta ni Bernard si Andrew. “Hindi ka ba susuko? Hiniwalayan ka na ni Bernice, at wala ng tiyansa na magkabalikan kayo. Umalis ka na bago pa ito maging gulo.”
Napatingin si Andrew sa dalawa, lalo na ng sabihin niya ang tungkol sa hiwalayan nila. Kahit ang dating ni Bernice ay ganoon din dahil tahimik lang siya at hindi nagsalita.
Sumagot si Andrew, “Hindi ako naparito para sa inyo. Kung wala ka ng ibang kailangan, umalis ka na lang.”
“Huh, ang tigas ng ulo mo?” natawa si Bernard, hindi naniniwala kay Andrew. “Huwag mo lokohin ang sarili mo. Nararapat ka man lang ba dito? Nagsisimula ako magduda kung may imbitasyon ka na dumalo. Pumasok ka ng walang imbitasyon?”
Imbitasyon?
Si Andrew, na pumasok sa ibang daan kasama si Doria, ay walang imbitasyon. Gayunpaman, hindi na niya kailangan ipaliwanag ang sarili niya.
Si Bernard, na akalang inaamin ni Andrew ang sinabi niya dahil sa tahimik siya at ngumiti ng mayabang. “Tama ako.”
Humarap si Bernard sa mga tao at tinawag ang security guard sa lobby. “Ang taong ito ay walang imbitasyon. Palayasin ninyo siya.”
Ang security guard ay lumapit kay Andrew ang nagtanong. “Sir, pakiusap, maaari ko ba makita ang imbitasyon mo?”
Sumimangot si Andrew. “Wala akong imbitasyon.”
Nagulat ang security guard sa sinabi niya. Hindi niya alam kung paano aasikasuhin ang sitwasyon.
Sumimangot si Bernice kay Andrew at mapanglait siyang tumingin. “Masyado kang pabaya. Ang taktika mo para mapalapit sa akin ay hindi gagana. Marahil binayaran mo ang babaeng iyon kahapon para umarte, tama? Kalokohan!”
Dahil ganito na ang sitwasyon ngayon, umisip si Bernice ng sarili niyang ideya para sa kadahilanan ng nangyari kahapon. Napagtanto niya na nakahanap si Andrew ng babae na mas maganda para pagsisihin siya, paraan para bumalik siya sa kanya.
Narinig ni Andrew ang mga assumption ni Bernice, hindi niya mapigilan ngumiti. Wala ng punto makipagtalo sa katulad niya.
Ang security guard, na mukhang hindi natitinag sa komsyon, ay magalang na nagsalita, “Dahil wala kang imbitasyon, puwede ka ba sumama sa akin, sir?”
Walang plano si Andrew na pahirapan ang security guard. Bukod pa doon, ang kailangan lang niya gawin ay tawagan si Doria para maverify ang pagkakakilanlan niya.
Noong tatayo na si Andrew, isang babae ang lumapit. Agad na tumayo ng diretso ang security guard at naging seryoso. “Boss!”
Si Summer, na nakita ang sitwasyon, ay agad na lumapit. Noong lumapit siya, nakilala niya si Andrew at siniguro na siya ito at hindi siya nagkakamali.
Sumenyas si Summer sa security guard at sinabi. “Okay ang pagkakakilanlan niya. Maaari mo na asikasuhin ang ibang mga bagay.”
“Naiintindihan ko po!” matapos makuha ang utos, umalis ng walang alinlangan ang security guard.
Ngunit, naguluhan si Bernard at Bernice sa sitwasyon.
“Anong nangyayari? Wala siyang imbitasyon, pero pinayagan mo siyang manatili. Ganito ba ang seguridad dito?” si Bernard na nakatitig kay Summer ay kinumpronta siya. Kung hindi siya maganda, marahil nagwala na siya.
Sumagot si Summer, “Tulad ng sinabi ko, walang problema sa kanya. Kung sa tingin mo dapat na magreklamo ka sa kung paano ko inasikaso ang sitwasyon, puwede ka pumunta sa Iblicmo Group para magreklamo.”
Walang masabi si Bernard.
Sa oras na nabanggit ang Iblicmo Group, kapansin-pansin ang pagbabago sa ekspresyon ni Bernard at Bernice.
Ang Iblicmo Group ay hindi lang basta organisasyon; ito ang top security group sa Thenswy, sila ay may mga guwardiyang dumaan sa matinding pagsasanay at security personnel.
Ang karamihan sa mga bigating tao sa Thenswy ay may matagal ng partnership sa Iblicmo Group. Ang grupong ito ay nasa tuktok kasama ang iba pa na mga elite.
Hidni takot si Bernard. Pero, napagdesisyunan niyang hindi tama na kalabanin sila sa maliit na bagay. Hahayaan niya si Andrew sa ngayon.
Gulat na tinignan ni Andrew si Summer. Hindi niya inaasahan na magkikita sila ulit agad.
Nag-overthink si Summer sa pagtitig ni Andrew. Nagpaliwanag siya agad, “Nakita kita kanina noong paakyat ako.”
Bukod pa doon, mga aprubadong empleyado lang ang nakakapasok sa staff entrance. Nakielam lang si Summer para makaiwas sa gulo.
“Anong problema?” isang masiglang boses ang maririnig mula sa likod.
Tumalilkod si Bernard at ngumiti. “Ang akala ko hindi ka dadating, Mr. Foster.”