Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 4

“Oo, sa Blue Bay Villa. Ang pagmamay ari ni Mr. Lynch.” Tila naiirita ang boses ng lalaking nasa kabilang linya, “Desperado ang Little Princess namin para paliguan siya, at agad ka niyang pinili. Dalian mo na!” Pagkatapos, binaba na ng lalaki ang phone. Sumimangot si Luna at tumingin siya kay Neil na nasa harap niya. “Ito ang trabaho na nahanap mo para sa akin?” Tumango ang bata habang lumapit ito at hinawakan ang kanyang kamay. “Mommy, alam ko po na nandito ka dahil sa isang rason. Mas madali niyo pong malalapitan si Joshua Lynch sa bahay niya kaysa sa opisina, tama po ba?” Nagbuntong hininga si Luna, alam niya ito. Wala siyang maitatago sa mga maliit na batang ito. Lumuhod siya. “Tama ka, pero…” “Mommy, ‘wag po kayong mag alala!” tumingin sa kanya si Neil ng may maliwanag na mga mata. “Madali lang alagaan ang Little Princess!” Ngumiti na lang si Luna, naghilamos, at nagbihis. “Ah, nasaan si Nellie?” ang tanong niya habang sinusuot ang kanyang sapatos. Sasalubungin siya ng batang babaeng ito tuwing makakarating siya ng bahay. Bakit hindi niya ginawa ito ngayong araw? “Ah, busy siya sa panonood ng cartoons! ‘Wag kang mag alala, Mommy, ayos lang si Nellie dahil binabantayan ko siya.” Walang nang sinabi si Luna habang tumalikod na siya at umalis. Tama si Neil. Mas madaling malapitan si Joshua sa pagtatrabaho sa Blue Bay Villa kaysa sa kumpanya. Hindi niya papalampasin ang pagkakataong ito. Pero... Sino ang maliit na prinsesang ito? Siniyasat niya ng maigi si Joshua bago siya umuwi, ngunit wala siyang nakita tungkol sa taong ito. Napuno ng mga tanong ang isip ni Luna habang dinala siya ng isang katulong sa Blue Bay Villa. Anim na taon. Nakabalik na rin siya sa villa na ito. Malaki at masigla na ang maliit na puno na tinanim niya sa hardin. Pareho pa rin ang lahat ng bagay sa villa. Ang mga vase at painting na personal niyang pinili ay nakalagay pa rin sa mga lugar nito, walang kahit isang tuldok ng alikabok. Napuno ng iba’t ibang emosyon ang dibdib ni Luna habang nakatingin siya sa mga ito. “Little Princess, nandito na po siya!” biglang may mapagkumbaba na boses ng lalaki na nanggaling sa likod niya. Napatingin sa baba si Luna. Sa likod niya, tumingin sa kanya ang kanyang anak, may ngiti sa mukha nito habang nakasuot ng pink na pang prinsesa na dress habang hawak ang puting teddy bear sa mga kamay nito. Neliie?! Tumingin siya sa maliit na babaeng nasa harap niya, sa sobrang gulat niya ay wala siyang masabi! Nilagay ni Nellie ang daliri niya sa kanyang labi, sumenyas siya na ‘tahimik lang’. “Perpekto ang auntie na ‘to.” lumapit habang tumatalon si Nellie. “Hi Auntie, ako si Nellie!” Kumunot ang mga kilay ni Luna at bumulong siya. “Bakit nandito ka?” “Ipapaliwanag ko rin po sayo mamaya, Mommy!” hinawakan ni Nellie ang kamay ni Luna. “Auntie, umakyat na tayo, gusto ko ng milk bath!” Pagkatapos, hinila niya si Luna pataas ng hagdan. “Bantayan mo ang Little Princess!” Habang nakatingin sa babae, nagbuntong hininga si Lucas. Mas mahirap pakisamahan ang Little Princess kaysa sa Daddy niya. Naghirap siya buong hapon at sa wakas nahanap niya na rin ang katulong na nababagay sa panlasa niya. ... Sa banyo sa loob ng kwarto ng bata, nakahiga si Nellie habang nakanguso siya. “Mommy,” nagreklamo siya, “‘wag na po kayong magalit. Mabait po sa akin si Daddy… hindi niya po ako pinahirapan.” Malambing niyang ginulo ang buhok ng anak niya. “Kailangan kong tumawag.” Nakahiga sa dulo ng bathtub si Nellie habang nakatingin siya sa nanay niya na paalis. May mali ba siyang nagawa? Bakit hindi natutuwa si Mommy…? “Neil.” Habang nakatayo sa balkonahe, mahigpit na hawak ni Luna ang kanyang phone, ginitgit ang kanyang ngipin habang sinabi ang pangalan ng bata. “Ito ang trabahong nahanap mo para sa akin?” Nagsalita mula sa kabilang linya si Neil na tila humihingi siya ng tawad, “Nakita niyo na po ba si Nellie, Mommy?” “Bakit gusto mong kilalanin ni Nellie na tatay ang lalaking ‘yun?” Alam niya na ang panganay niyang anak ay tahimik, ang pangalawa niyang anak ay makulit, at ang bunso niya ay masunurin at cute. Hindi niya inaasahan na palihim na hinanda ni Neil na magkita sina Nellie at Joshua! “Mommy, mangyayari rin naman po ‘to.” nagbuntong hininga si Neil. “Alam ko po na magagalit kayo, kaya’t hindi ko po sinabi sa inyo. Pero mommy, hindi po ba’t… kamukha talaga siya ni Nellie? Kahit po hindi natin sabihin sa iba, nasa Banyan City po tayo ngayon, at malalaman rin po ng mga tao niya. Malalaman niya rin po sa huli.” Humigpit ang hawak ni Luna sa kanyang phone. Kahit na nag aatubili siya na aminin ito, ang katotohanan ay talaga naman magkamukha si Nellie at ang tatay niya, lalo pagdating sa mata niya.... Nang mapansin ni Neil na tumahimik si Luna, nagmadali siyang kumbinsihin ang nanay niya, “Dahil malalaman din naman po nila, mas mabuti na po na tayo na ang mauna. At least ngayon po na magkasama sila ni Nellie, mapipigilan po ang kasal niya sa kabit niya.” Pumikit si Luna. “Inisip mo na ba kung anong mangyayari kapag hindi niya binalik sa atin si Luna? Pinalaki ko kayo ng mag isa, ayaw kong makita na…” “‘Wag kayong mag alala, Mommy.” sa kabilang linya ng phone, tumuro ang anim na taong gulang na bata sa kalangitan at pinangako niya, “Kapag gusto niyo pong pauwiin si Nellie, sisiguraduhin ko po na makakauwi siya!” Tumawa ng mapait si Luna bago niya binaba ang kanyang phone. Kung sabagay, bata pa si Neil, at hindi niya pa naiintindihan si Joshua. Noong mga lumipas na taon, kaya ni Joshua na dalhin si Luna—isang babae na na gabi gabi niyang kasama sa kama—sa kanyang kamatayan para sa affair niya kay Aura. Kung sa huli, hindi bibitawan ni Joshua si Nellie… Hindi na ito inisip ni Luna. Sa mga sandaling ito, hindi niya magagawang ibunyag ang sarili niya o ibigay si Nellie. May mga bagay pa siyang dapat gawin. Dapat siyang umisip ng plano. Nagbuntong hininga siya at bumalik na siya sa banyo. Natapos nang maligo ang Little Princess na kumilos ng mataas at mayabang sa harap ni Joshua. Nagpunas siya ng tuwalya at nasa gitna na siya ng pagbibihis. Anim na taong gulang pa lang siya, ngunit mature na siya kumilos. Bahagyang kumirot ang puso ni Luna nang makita niya ito. Tumitig ang maliit na bata kay Luna nung pumasok siya. “Mommy, galit ka po ba sa akin?” balisa niyang tinanong. “Ang sabi po ni Neil… matutulungan daw po kita…” Habang nakatingin sa basang mga mata ng anak niya, lumambot ang puso ni Luna. Paano niya papagalitan ang anak niya? Lumapit siya at tinulungan niya magbihis si Nelli bago niya ito niyakap. “Hindi ka sinisisi ni Mommy. Good girl ka. Hindi mo ako pwedeng tawagin na Mommy sa harap ng ibang tao, pero kapag may nangyari, ako ang unang lalapitan mo, okay?” “Okay po!” yumakap si Nellie sa payat na mga balikat ni Luna. “Anak po ako ni Mommy, forever and ever. Hindi ko po kakalimutan ‘to.” Niyakap ni Luna ang anak niya habang pinigilan niya ang kanyang mga luha. “Nellie.” Matapos ang ilang saglit, may narinig na mababang boses mula sa labas ng pinto. ‘Si Daddy ‘to. Tapos ka na bang maligo?” Tumingala si Nellie at tumingin siya kay Luna. Tumango si Luna at binitawan siya. “Tapos na po!” huminga ng malalim ang Little Princess at naglakad na siya patungo sa pinto ng banyo. Bumukas ang pinto. Pumasok agad ang matangkad na lalaki at niyakap si Nellie. Mainit ang yakap niya habang sumandal si Nellie sa balikat niya. Ito ba ang pakiramdam ng mayakap ni Daddy? Hiniling niya na maranasan rin ito ng dalawang kapatid niya... Hindi na masama na magkaroon ng Daddy! “Narinig ko kay Lucas na pumili ka ng katulong mo?” sumimangot si Joshua at tinanong niya ito. “Opo.” tumango si Nellie at tumuro siya sa direksyon ng banyo. “Nasa loob pa po si auntie, at mabait na mabait po siyang babae! Daddy, dapat niyo po siyang pakisamahan!” Bahagyang kumunot ang noo ni Luna, na siyang nagkukuskos pa rin ng lababo. Bakit parang… pinagkakasundo ni Nellie ang nanay niya at si Joshua?

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.