Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 3

Malamig at seryoso ang mood sa Lynch Group ngayong umaga. Ang lahat ng staff members ay nakapila ng maayos habang magalang nilang hinihintay ang kanilang big boss. Nang sumapit ang 8am, may marangyang kotse na huminto sa harap ng entrance. Ang isang lalaki na mukhang butler ang bumaba mula sa passenger seat at binuksan ang pinto sa likod. Malamig ang ekspresyon ni Joshua at lumabas ang mahabang mga binti niya mula sa kotse at nilapag ang mga paa niya sa lupa para bumaba ng kotse. Mayabang siya at walang pakialam, ang aura niya ay mapagmataas at hirap huminga ang lahat ng nasa paligid niya dahil dito. Tumingin siya paharap at naglakad paakyat ng hagdan. “Daddy—!” may isang cute at batang boses na sumira sa mabigat na mood, mabilis na tumingin ang lahat sa direksyon nito. May batang babae na tila biglang dumating at umakyat ng hagdan. May suot siya na pink dress na parang pang prinsesa. Kahit na hindi makita ang mukha niya, may marangal na aura rin siya tulad ni Mr. Lynch. Umakyat ang batang babae sa hagdan at kumapit siya sa binti ni Joshua. Higante si Joshua kumpara sa kanya, at ang puti niyang mga braso ay kumapit lamang sa mga binti ni Joshua. “Daddy—!” ngumuso si Nellie habang tinawag niya si Joshua na tila nagrereklamo. Nabigla ang lahat ng nasa paligid. Yumuko si Joshua, at habang nakatingin siya sa batang puno ng pink sa kanyang paanan, may bahid ng irita na namuo sa kanyang mga kilay. “Bitawan mo ako!” Tumingala ang bata, at makikita na 70% hanggang 80% na kamukha siya nito. “Daddy…” “Sir, ang batang ito…” lumaki ang mga mata ng butler sa tabi niya. Kamukha talaga ni Joshua ang batang ito! “Daddy, hug, hug…” inabot ng bata ang mga kamay niya habang nakatitig ang malaking mga mata niya kay Joshua. Ang mga mata niya ay kasing liwanag ng kalangitang walang ulap. Lumambot ang puso ni Joshua. Hindi niya gusto ang mga bata dati, ngunit sa hindi malamang rason, gusto niyang yakapin ang kakaibang bata na ito! Pagkatapos mag-alangan, lumuhod ang matangkad na lalaki at kinarga ang bata. Pagkatapos ay naglakad na siya patungo sa gusali. “Isara niyo ang lugar na ‘to at magsimula na sa imbestigasyon!” Hindi naman siguro mag isa ang batang ito. ... “Mr. Lynch, lumabas na ang resulta ng DNA test.” Sa tuktok ng building, sa loob ng CEO’s office, kabadong inabot ng assistant ang report sa kanya. “Siya… ay anak niyo nga po talaga.” Inagaw ni Joshua ang report sa mga kamay niya: 99.9%. Anak niya talaga ang batang babaeng ito, Maliban kay Luna, wala siyang naaalala na ibang babaeng nakasiping niya... Mabilis siyang tumingin sa batang nakaupo sa sofa. Nakasandal sa sofa ang batang babae habang hawak nito ang isang teddy bear at ngumunguya ito ng candy, makikita na masaya talaga ang bata. Tila hindi ito ang unang pagbisita ng bata dito. Tumayo si Joshua at naglakad siya patungo sa bata. “Anong pangalan mo?” “Ako po si Princess Nellie!” “Ilang taon ka na?” Tumingala ang bata, ngumiti, at nagtaas ng limang daliri. “Six na po ako!” Halos huminto ang pagtibok ng puso ni Joshua. Anim na taong gulang! Kung hindi namatay dati si Luna, magiging anim na taong gulang na ang anak niya! Nakaligtas ba si Luna sa aksidente noong anim na taon na ang nakalipas? May bahid ng pagka sabik sa mga mata ng lalaki. Nagpadala siya ng maraming tao para mag-imbestiga at naghire pa siya ng tao para maghanap sa dagat ng isang buong buwan, ngunit hindi niya talaga mahanap ang katawan ni Luna. At ngayon, may bata sa harap niya na anim na taong gulang na kadugo niya! Ibig sabihin ba ay nakaligtas si Luna pero pumunta siya sa isang lugar na hindi mahahanap ni Joshua para ipanganak ang batang ito? Habang iniisip ito, mas nasabik si Joshua. “Eh ang nanay mo?” “Si Mommy, siya po ay…” may sasabihin na sana si Nellie, ngunit naalala niya ang payo ng kapatid niya at binago niya ang kanyang sinabi, “Hindi ko po alam!” Lumuhod si Joshua at tiningnan niya ang bata sa lebel ng mata nito, sinabi niya ng mahinay, “Hindi nagsisinungaling ang isang mabait na bata.” Inosenteng pumikit ang Little Princess. “May nagsabi po sa akin na namamana ang pagsisinungaling. Daddy, mabait na lalaki po ba kayo?” Dumilim ang ekspresyon ni Joshua. “Sino ang nagsabi sayo niyan?” Tinikom ni Nellie ang mga labi niya, “Nagsinungaling ka na ba, Daddy?” Tumahimik si Joshua. Nang makita na tumahimik ang boss dahil sa isang anim na taong gulang na bata, gusto na sanang tumawa ni Lucas Bean, ngunit hindi niya ito magagawa. Hirap na hirap siyang itago ang kanyang pagtawa. Tumingin sa kanya ng masama si Joshua. “May balita ba mula sa surveillance?” “Opo.” huminga ng malalim si Lucas. “Nitong umaga po, na-hack po ng hindi kilalang hacker ang surveillance system na nakapalibot sa kumpanya, at nasira po ang lahat ng footage…” Sumimangot si Joshua. Habang nakatingin sa Little Princess na nasa harap niya, namuo ang kalungkutan sa kanyang puso. Hindi siguro nagkataon ang pagkahack ng CCTV at ang pagdating ng batang ito. Hindi matiis ni Nellie ang naghihinalang tingin ni Joshua, kaya’t ngumiti siya habang nilagay niya sa sofa ang teddy bear. Pagkatapos, tumingala siya. “Daddy, gusto ko pong maligo!” Maliligo ng ganito kaaga? Tinago ng lalaki ang mapanghinalang ekspresyon sa mukha niya at tumango siya. “Lucas, dalhin mo ang maliit na binibini sa villa at mag utos ka na paliguan siya.” “Little Princess po, hindi maliit na binibini!” Tinikom ni Nellie ang kanyang mga labi, nagsalita siya ng malinaw ngunit pambata. “Ayaw ko po na pinapaliguan ako ng mga taong hindi ko gusto!” Medyo nalito si Joshua dahil sa anak niya na dumating galing sa kung saan. Tumingin siya kay Nellie at nagsalita siya ng mahinay na tono, “Ano pala ang gusto mo?” “Gusto ko pong pumili ng tao na magpapaligo sa akin!” Sinara ng Little Princess ang kanyang mga mata, tumalikod, at nagmamadali siyang lumabas ng pinto. “Lucas, ihatid mo na ako pauwi!” “Mr. Lynch, ito ay…” Kinaway ni Joshua ang kamay niya. “Makinig ka sa kanya.” Walang nagawa si Lucas kundi sundan si Nellie habang binantayan niya ang marangal na Little Princess. Makalipas ang kalahating oras, tumawag si Lucas kay Joshua. “Mr. Lynch, hindi pa po kuntento ang Little Princess sa mga katulong sa villa…” Si Joshua, na siyang sinusuri ang mga CCTV ay hindi natuwa na marinig ang report na ‘to. “Kumuha kayo ng mga bagong katulong at hayaan niyo siya na pumili hanggang sa kuntento na siya.” Nabigla si Lucas. “Okay po, Sir.” Limang taon na siyang nagtatrabaho para kay Joshua. Kahit na sa nobya niyang si Aura, malamig siya. Sa ngayon, sinunod niya ang bawat utos ng maliit na prinsesa... Ito talaga ang tinatawag na ‘Daddy’s girl’! ... Ginamit ni Luna ang buong lakas ng katawan niya para ilipat ang ilang mabibigat na box sa loob ng kwarto. Pagod siya na humiga sa sofa at sumigaw siya ng galit sa loob ng maliit na kwarto, “Neil Gibson! Ano ba ‘tong pinadala mo sa bahay?!” May maliit na ulo na maingat na sumilip sa kwarto. “Pinadala ko po ang mga design manuscripts niyo.” Napahinto si Luna. “Bakit mo pinadala lahat ‘yun?” Sumuko na siya sa kasikatan at kayamanan niya sa ibang bansa, at umuwi siya para magsimula ulit. “Paano po kapag kailangan mo pa sila?” Nanginig ang mga mata ni Neil at lumabas siya ng kwarto habang nakangiti. “Mommy, nagsend na po ako ng resume niyo, at isang trabaho po ‘yun ka kaya niyo, madali lang. Tatawagan ka na rin po nila para sa interview.” Sumimangot si Luna at may sasabihin na sana siya, nang biglang nagring ang phone. “Hi, ito ba si Ms. Luna? Pinili ka ng maliit na prinsesa namin. Mag report agad kayo sa Blue Bay Villa.” Tumigas ang katawan niya. Blue Bay Villa? “‘Yun… ‘yun ba ang Blue Bay Villa kung saan nakatira si Joshua Lynch?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.