Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 7

Mabilis na umiwas si Bonnie at sinuntok ang dibdib ng mama. Napaatras si Milo at gulat na napatitig sa kanya. Sa sobrang tahimik sa parke, maririnig ng sinuman kapag may bumagsak na aspile. “Ibang klaseng suntok!” Sabik na sigaw ni Orson. Parang mangmang na nakatulala si Scott sa kanya. Ang iba pang matatandang lalaki ay natulala rin. Nag-sparring na sila noon, pero ginamit ni Bonnie ang kanyang mga teknik sa isang tunay na laban! “Imposible ‘yan! Baka nagkataon lang na natamaan siya!” Hindi makapaniwala si Kay na ang isang dalaga na tulad ni Bonnie ay matatapatan si Milo. Pagkatapos ng lahat, personal itong pinili ng kanyang lolo mula sa pinakamahuhusay na manlalaban! “Milo, ano pang hinihintay mo? Umatake ka na!” “Oo, ma’am!” Pinagtitipon ang sarili, mabilis na humakbang si Milo at naghatid ng suntok sa kanyang kalaban. Tinablahan ito ni Bonnie at nagpakawala ng hampas sa tadyang nito gamit ang kanyang kaliwang tuhod. Napaungol nang malakas si Milo sa sakit. Napabuntong-hininga ang mga matatanda. “Tiyak na masakit ang tuhod na iyon!” Umungol si Milo nang may nagngangalit na mga ngipin at sinugod si Bonnie. Ngunit kahit anong pilit niya, hindi niya ito matamaan. Sa huli, si Bonnie ay nagbato ng roundhouse na sipa, na nagpatumba kay Milo sa lupa. Sumasakit ang bawat kalamnan sa kanyang katawan, at hindi na siya makabangon. Natigilan ang lahat. Lumapit si Orson kay Bonnie. “Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?” “Ako si Bonnie Shepard.” Dinagdag niya, “Hindi ako kickboxing expert. Ginagawa ko lang ‘to para mag-enjoy.” Anak ng tinapa? Tuliro, tinipon ni Orson ang sarili at tumingin kay Kay. “Humingi ka ng tawad kay Ms. Bonnie.” Natahimik si Kay. Kumunot ang noo ni Orson. Akala niya ay nagmamatigas si Kay. Biglang lumapit si Kay kay Bonnie at taimtim na inilahad ang kanyang mga kamay. “Turuan mo naman ako kung paano lumaban tulad mo, ma’am!” Nagulat si Orson. ‘Huh?’ Nagulat si Bonnie nang makita niya ang mga mata ni Kay na kumikinang sa paghanga sa kanya. “Gusto kong maging katulad mo!” Siya na ngayon ang numero unong tagahanga ni Bonnie. Mahilig siyang manood ng mga superhero na pelikula at gustong maging katulad ni Wonder Woman o Black Widow. Kaya laking gulat niya nang makita niyang pinabagsak ni Bonnie si Milo na parang wala lang. Tiningnan ni Bonnie ang oras at nakitang 8:00 a.m na. Late na siya para sa paaralan “Kung interesado kang mag-aral ng kickboxing, puwede ka namang kumuha ng sinumang magtuturo sa’yo. Kailangan ko nang umalis.” Tumalikod siya at umalis. Tinitigan siya ni Kay at sinabihan si Milo, “Kumuha ka ng magmamasid sa kanya, pero huwag mong hayaang malaman niya ito o magdulot ng anumang problema sa kanya. At kailangan mo siyang tratuhin nang magalang sa susunod na makita mo siya, okay?” *** Hindi namalayan ni Bonnie na magsisimula na si Kay na imbestigahan siya. Pagdating niya sa school, 8:15 a.m na. Si Mr. Rios, ang guro sa matematika, ay galit na galit. Sinamaan niya ng tingin si Bonnie habang nakatayo ito sa pintuan. “Late ka na naman sa klase ko! Hindi ba mahalaga ang klase ko para sa’yo?” Nagtaas ng kamay ang isang estudyante. “Sa tingin ko ay hindi niya ginawa iyon para galitin ka, Mr. Rios. Lagi rin siyang late sa ibang klase. Minsan nga, ilang araw pa siyang hindi magpapakita!” Ngunit ang impormasyong iyon ay hindi nagpakalma sa kanya. “Matanda ka na para malaman mo na dapat mong seryosohin ang pag-aaral, Bonnie. “Paano ka makakapagtapos ng high school kung ganiyan ka palagi? Kung ako ang tatay mo—” “Pwede na ba akong pumasok, Mr. Rios? Dalawang minuto na akong nakatayo dito.” Napatingin si Bonnie sa upuan niya. Galit na galit si Mr. Rios, ngunit hindi niya magawang magbigay ng parusa sa pamamagitan ng sakit. Kaya sinubukan niya ang ibang paraan. “Huwag ka munang maupo, Bonnie. Lutasin mo ang tanong sa pisara.” Ang sistema ng mga equation na may dalawang variable ay hindi masyadong mahirap, ngunit hindi rin ito madali. Akala niya ay hinding-hindi ito malulutas ng pasaway na estudyante tulad ni Bonnie. “Sige.” Pinulot ni Bonnie ang chalk at isinulat ang sagot nang walang pag-aalinlangan. “Tapos na.” Nanlaki ang mga mata ni Mr. Rios. Tama ang sagot. Paniguradong nagkataon lang na tama siya! “Sagutin mo na rin yung lahat ng iba pang tanong.” Kumbinsido siya na hindi malulutas ni Bonnie ang mga tanong na ito sa matematika. Sinulyapan ni Bonnie ang mga ito at kumunot ang noo niya. Ngumisi si Mr. Rios. “Ano? Hindi mo sila ma-solve, ano? Kaya naman hindi ka dapat ma-late sa school o mag-cutting!” “Hindi ‘yon.” Pinulot muli ni Bonnie ang chalk at nilutas ang mga equation nang hindi nag-iisip. Sinagot niya nang tama ang limang tanong. Yamot na yamot si Mr. Rios. “Kung alam mo kung paano sagutin, bakit ka nag-alinlangan?” “Kasi masyadong madadali. Ang pagsagot sa mga ‘yan ay pag-aaksaya lamang ng oras,” matapat na sagot ni Bonnie. Naramdaman ni Mr. Rios na tumaas ang presyon ng kanyang dugo. “Okay, dahil sa tingin mo ay masyadong madali ang mga tanong ko, bakit hindi mo subukan lutasin ang isang ito? Kung hindi mo kaya, ipapadala kita sa detention!” Nagsulat siya ng mahirap na tanong sa pisara. Nakilala ito ng ilang estudyante. “Mukhang Olympiad math problem ‘yan. Pinag-aralan namin ‘yan sa math club, pero walang nakaka-solve.” “Paano lulutasin iyon ni Bonnie?” “Hindi mo ba narinig ang sinabi niya? Kung ako si Mr. Rios, masasaktan din ako.” “Ayan ang napala ni Bonnie!” Habang nagbubulungan ang mga estudyante, biglang napanganga si Mr. Ross sa pisara dahil hindi siya makapaniwala.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.