Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 6

Nagsimulang mag-shadow box si Bonnie na may kahanga-hangang katumpakan at pagkaliksi. Natapos siya sa pamamagitan ng pagsuntok sa isang sanga ng puno, nagagawang baliin ito nang hindi naaalog ang mga dahon. Nagulat ang lahat. Nalaglag ang panga ni Scott. Nakatingin sila kay Bonnie na parang nakakita sila ng halimaw. “Napanood mo bang mabuti?” Huminto si Bonnie at tumingin kay Orson. Napahanga ang matanda. “Perpekto ang mga galaw mo! Isa ka sigurong eksperto sa kickboxing.” Tumikhim si Scott at lumapit sa kanya, namumula. “Miss—uh, ma’am, pasensya na kung nabastos kita.” Humalakhak si Bonnie. “Hindi ako eksperto. Nag-aral lang ako ng kickboxing para manatiling malusog.” “Pwede mo ba akong turuan ng mga galaw mo?” “Gusto ko rin matuto!” Hindi nagtagal ay napalibutan si Bonnie ng mga matatandang lalaki, lahat ay sabik na matuto mula sa kanya. Sa sandaling iyon, sinabi ng isang boses, “Manggagantso lang siya.” Napatingin si Bonnie sa pinanggalingan. Lumapit ang isang dalaga na mukhang nasa edad 18 o 19. Siya ay katamtaman ang tangkad, at isang matipunong lalaki na halos dalawang metro ang taas ang sumunod sa kanya. “Ayusin mo ang asal mo, Kay!” Saway ni Orson. “Scammer lang po siya, lolo. Sinusubukan niya pong manghain kayo para mabudol niya kayo!” Pumwesto si Kay sa pagitan nina Bonnie at Orson at tinitigan siya ng masama. “Hindi siya ganoon, okay? Perpekto ang mga galaw niya!” Seryosong sabi ni Orson. “Masyado po kayong uto-uto, lolo. Maraming beses niya na sigurong nagawa iyan. Pustahan, siya lang ang nakakaalam ng mga ganiyang galawan. “Nagpapanggap lang siya na eksperto para magbayad ka para turuan ka niya!” “Sigurado ka ba?” Kumunot ang noo ni Orson. Hinampas ni Scott ang kanyang hita at galit na sinabi, “Tama si Kay! Paanong magiging mahusay sa kickboxing ang ganiyan kabata? Malamang ay manggagantso nga siya!” Nagbubulungan ang iba habang sinusulyapan si Bonnie. “Umalis ka na, o tatawag ako ng pulis!” sigaw ni Kay Steele habang tinutulak si Bonnie palayo. Ayaw ni Bonnie na makipagtalo sa kanila, ngunit nagalit siya dahil tinawag nila siyang manggagantso. At sinabihan pa siya ng dalaga na umalis na siya. “May ebidensya ka ba na scammer ako? Kinuha ko ba pera nila?” “Buweno, kung wala ako dito, ginawa mo na iyon, hindi ba?” Tinaas ni Bonnie ang kanyang kilay. “Bale wala kang pruweba. Sa tingin mo paniniwalaan ka ng mga pulis?” “Ahh—” Natigilan si Kay. Patuloy ni Bonnie, “At puwede kitang idemanda sa kasong defamation, alam mo ba.” “Idedemanda mo ako?” Hindi makapaniwala si Kay. Hindi pa siya nakakita ng ganito ka-walanghiyang manloloko! “Bale sinasabi mo bang hindi ka manggagantso? Paano kaya kung makipag-sparring ka sa bodyguard ko? Maniniwala na ako sa’yo kung matatalo mo siya.” “Oo naman, pero kung matalo siya, kailangan mong humingi ng tawad sa akin.” Hindi ginagawang isyu ni Bonnie ang maraming bagay, ngunit hindi niya nais na maging tulak-tulakan. “Sige, kasunduan ‘yan! Pero kung matalo ka, kailangan mong humingi ng tawad sa akin, sa lolo ko, at sa mga kaibigan niya. “Kailangan mo ring gawin iyon nang live online, para malaman ng lahat na manggagantso ka!” Kumbinsido si Kay na si Bonnie ay isang masamang scammer na pinupuntirya ang mga matatanda. Humakbang papalapit si Orson. “Hayaan mo na lang siya, Kay.” “Hindi pwede, Lolo! Baka pinuntirya ka po niya kasi sikat kang pintor.” Isang sikat na pintor? Orson? Napagtanto ni Bonnie na ang matanda ay isang kilalang pintor. Sobrang nagustuhan siya ng lola niya, at matinding tagahanga ang lolo niya. “Hayaan mo na lang siya, okay?” Ayaw gumawa ng eksena ni Orson. “Pero lolo, siya po—” “May pasok pa ako. Gagawin ba natin to o hindi?” Naiinip silang pinutol ni Bonnie. Hindi makapaniwala si Kay na sinusubukan pa rin ni Bonnie na magmatigas. “Makipag-sparring ka sa kanya, Milo. Huwag kang papatinag, okay?” Nais niya sana itong huwag puruhan si Bonnie dahil isa itong babae, ngunit hindi na ngayon. ‘Ginusto mo iyan!’ Napaisip si Kay. “Opo, ma’am.” Iniunat ni Milo ang kanyang leeg, pagkatapos ang kanyang mga pulso, pagkatapos ang kanyang mga kamay. Siya ay napakalaki at mabangis, at mukhang kakila-kilabot na kahit sino ay tatakas sa takot. Pero sumimangot lang si Bonnie at naiinip na sinabi, “Nagmamadali ako, okay? Simulan na natin.” “Ayaw mo bang mag-warm up muna?” tanong ni Milo na nakataas ang isang kilay. “Hindi na kung ikaw lang naman ang kalaban ko.” Nagsasabi lang siya ng katotohanan. Hindi niya sinasadya iyon bilang insulto. “How dare you!” Sa galit, ibinato ni Milo ang kanyang malaking kamao sa mukha ni Bonnie—

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.