Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 1

Kalagitnaan ng tag-araw. Sa loob ng Shepard Villa, isang dalaga ang nakaupo sa mamahaling leather sofa, tamad na ninanamnam ang kanyang bubblegum. Tila kumikinang sa ilalim ng sikat ng araw ang kanyang walang kapintasang balat. Kasing ganda niya ang isang gawa ng sining. Bumuga siya at gumawa ng bula na mas malaki pa sa mukha niya. “Hindi nararapat si Bonnie para sa’kin, okay? Ikakansela ko ang kasal!” Binatuhan ng naiinis na tingin ng lalaking nakatayo sa pintuan ang dalaga. Naalarma ang nanay ni Bonnie na si Vera Shepard. “Hadwin, alam kong hindi talaga kita masisisi dito dahil laging nagloloko si Bonnie. “Pero gusto ng lolo niya at ng lolo mo na pakasalan mo siya. Paano mo magagawang ikansela ang kasal nang ganun-ganun na lang?” Sinamaan ng tingin ni Vera si Bonnie. “Humingi ka ng tawad kay Hadwin ngayon, at ipangako mong hindi ka na ulit magloloko!” Pinutok ni Bonnie ang kanyang bubblegum at mapanghamon na tumingala. “Humingi ng tawad? Siya dapat ang humingi ng tawad sa’kin! Sinira niya ang pangako niyang papakasalan niya ako at ininsulto niya ako!” Galit na galit si Vera. Bago pa siya makapagsalita, ipinagpatuloy ni Bonnie, “At saka, hindi naman ako kailanman nagloko, okay? Siya yung nanloloko sa akin! Kaya wala naman na akong pake kung ikansela ang kasal.” “Bonnie! Aba, ikaw—” Nagsalita si Vera sa pamamagitan ng pag-igting ng mga ngipin. “Tama na, Vera.” Nakataas ang kanyang kamay, sumabad si Hadwin at sinabing, “Ang kagandahan ni Bonnie ay hanggang balat lang ang lalim. Mas pinahahalagahan ko ang kagandahang-panloob. “Hinding-hindi ko papakasalan ang isang tulad niya, kahit magmakaawa pa siya sa akin. Iisa lang ang babaeng papakasalan ko—” Tumingin siya sa itaas nang may buong pagmamahal. “At si Trina iyon.” “Hadwin!” Naantig, nagmamadaling bumaba si Trina Shepard. “Trina!” Lumapit si Hadwin sa hagdanan at ibinuka ang kanyang mga braso. Ibinagsak ni Trina ang sarili sa yakap niya. Nangilid ang mga luha sa mga mata ni Trina. “Sa wakas ay mapapangasawa na kita!” “Patawarin mo ako, Trina, dapat kinansela ko ang kasal nang mas maaga pa.” “Ayos lang. Alam kong may dahilan ka...” Nang magkatinginan ang mag-asawa, nakatanggap si Bonnie ng isang text: “Ms. Bonita, nasa huling yugto na ang pananaliksik. Ipinadala na ang mga elite na sundalo para samahan ka para sa iyong kaligtasan. Parating na kami ngayon.” Nag-type si Bonnie ng tugon: “Palabas na ako.” Iniluwa niya ang kanyang bubblegum, tumayo, at tinungo ang pinto. Si Trina, na palihim na nagmamasid sa kanya, ay inakalang aalis na si Bonnie dahil nakaramdam siya ng hiya. Ngunit sa palagay niya ay hindi pa sapat ang pagpapahiya kay Bonnie. “Huwag kang umalis, Bonnie! Patawarin mo ako sa nangyari. Mahal nami ni Hadwin ang isa’t-isa. Ako na lang ang sisihin mo dito, okay? Hindi niya kasalanan ‘to.” Kalmadong tumingin si Bonnie sa kanyang balikat. “Fuck off, bitch,” walang emosyong sabi ni Bonnie. “Hindi mo ba ako mapapatawad? Bakit hindi mo ako suntukin para gumaan ang pakiramdam mo?” Hinawakan ni Trina ang kamay ni Bonnie at ginamit ito para sampalin ang sariling mukha. “Anong ginagawa mo, Bonnie? Ang lakas ng loob mong saktan ang kapatid mo!” Sumunod si Vera at hinampas ang kamay ni Bonnie. Tumingin sa baba si Bonnie at nakita ang pulang marka sa kanyang kamay. Makalipas ang ilang segundo, tumingin siya kay Vera. Si Vera ang kanyang biyolohikal na ina, ngunit palagi nitong pinapaboran si Trina, na inampon. Isang naluluhang Trina ang nagsimulang mabulunan. “Hindi niya kasalanan, mom. Sa’kin dapat sisihin ang lahat ng ‘to. Hindi ko dapat ninakaw ang fiancé niya. Ako—” Bago pa siya makatapos, sumabad si Bonnie. “Bakit naman kita sisisihin? Ipinanganak kang pokpok. Hindi mo mapigilan ang sarili mo, di ba?” Nagalit si Trina, ngunit hindi niya kayang sirain ang kanyang magandang imahe. “Si Trina ang nakababata mong kapatid, Bonnie! Paano mo nagawang sabihin ‘yun?” Napatingin si Vera kay Bonnie nang may pagkadismaya. Si Bonnie, gayunpaman, ay walang kibo. “Hindi ko siya kapatid.” 20 taon na ang nakalilipas, sina Bonnie at Trina ay hindi sinasadyang nagkapalit sa kapanganakan ng isang nars. Limang taon lamang ang nakalipas nang mahayag ang katotohanan, at ibinalik siya sa pamilyang Shepard mula sa probinsya. Ipinagpatuloy ni Vera ang pagpapalaki kay Trina dahil ayaw niyang mamuhay ito sa kahirapan. Imbes na bumawi kay Bonnie, naging bias si Vera sa kanya dahil sa kanyang paglaki sa probinsya. “Bakit napakasakit mong magsalita? Hindi man ako ang nagluwal sa kanya, pero anak ko pa rin siya. Huwag na huwag mo ulit sasabihin ‘yon!” Madalas hilingin ni Vera na sana siya na lang ang nanganak kay Trina. Ilang beses nang narinig iyon ni Bonnie. “Kailangan ko nang umalis. Hindi na ako uuwi mamayang gabi.” Tumungo si Bonnie sa pinto. “Ano? Lalabas ka na naman para makipaglokohan?” Nagalit si Vera. “Hindi ‘yon ganun,” sagot ni Bonnie. “Eh ano bang ginagawa mo? Sabihin mo na!” sigaw ni Vera. Napangiwi si Bonnie sa labi. “Classified siya. Hindi ko masasabi sa’yo.” Umalis na siya ng villa bago pa nakapagsalita si Vera. “Anong ginawa ko para maging karapat-dapat sa ganiyang anak?” Sa labas, nakarating si Bonnie sa gate. Nakita niya ang higit sa isang daang berdeng nakabaluti na sasakyan na umaatungal. Biglang narinig ang isang nakakabinging ‘whoop-whoop-whoop’ na sinabayan pa ng bugso ng malakas na hangin. Tumingala si Bonnie at nakita ang isang dosenang helicopter na umaaligid sa kalangitan, na handang kumilos. Mabilis na bumaba mula sa mga sasakyan ang mga sundalong nakasuot ng magkakatugmang camouflage na uniporme at pinalibutan si Bonnie sa maayos na paraan.
Previous Chapter
1/100Next Chapter

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.