Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 19 Binully Ka Ba Nila?

Nakatingin lang sa kanya si Jackie gamit ang nagniningning nitong mga mata kanina lang. Hindi niya inaasahan na ang babaeng ito ay nakatingin sa kanya sa parehong paraan ngayon. Nakatingin sila sa kanya sa parehong paraan, pero parang magkakaiba pa rin sila. Nakikita niya ang kasabikan na hindi niya maintindihan mula sa mga mata ni Jackie, pero ang mga mata ng babaeng ito ay malinaw na malinaw. Napakalinaw na bigla niyang hindi makayang tumingin sa kanila. Nang mapansin ni Henry ang kakaibang damdamin sa kanya ay nanlamig ulit ang mga mata niya. Tumingin siya sa malayo at pinigil ang kanyang emosyon, pagkatapos ay kumuha ng isang dokumento at sinubukang maghanap ng isang pagkakamali. Tiwala si Yvonne na hindi siya nagkamali sa oras na ito, kaya't mahinahon niyang pinanood habang sinusuri ni Henry ang kanyang trabaho. Maya-maya, hindi na niya napigilan ang tanong niya. “Nga pala, kailan ka bumalik, Henry? Ayos ka lang ba?" Sinara ni Henry ang file nang may hindi kanais-nais na mukha. "Tawagin mo akong Mr. Lancaster sa kumpanya." Nanigas ang mukha ni Yvonne, pero mabilis na bumalik din sa normal. Pinilit niyang ngumiti habang sinusubukang itago ang sakit sa kanyang puso. "Kung ganon, Mr. Lancaster. Ayos na ba ang pakiramdam mo…" "Tama na!" Inabala siya ni Henry ng walang pasensya at kinuha ang mga dokumento sa lamesa. "Ipaalam mo sa lahat ng mga executive na magkakaroon kami ng meeting sa conference room in 10 minutes." "Sige," sagot ni Yvonne sa mahinang boses na may matinding pagkadismaya. Sinusubukan lamang niya na ipakita sa kanya ang pag-aalala, pero hindi siya pumayag na bigyan siya ng isang pagkakataon. Parang nagkamali lang siya tungkol sa pangangarap na sila ay maging isang tunay na mag-asawa. Ang mga payat na binti ni Henry ay dinala siya sa pintuan, pero tumigil siya sa kanyang paglakad matapos ang ilang hakbang. "Iwasan mong masyadong mababa ang temperature ng aircon kung nasa opisina ka o sa bahay." "Nag-aalala ka ba sa akin?" Nilaro ni Yvonne ang kanyang mga daliri habang nakatingin ito sa kanya nang may pag-asa. Ibinaba ni Henry ang kanyang tingin. Ang anino ng kanyang mga bangs ay natakpan ang kalahati ng kanyang mukha, na ginagawang mahirap makita ang ekpresyon sa likod ng anino. "Pwede mong isipin kung ano ang gusto mo. Siguraduhin mo lang na hindi ka magkakasakit sa loob ng dalawang buwan na ito!" Kung nagkasakit si Yvonne, ang mga cell sa kanyang bone marrow ay mababawasan sa aktibidad at pwedeng mabigo ang operasyon ni Jackie. Hindi niya dapat payagan itong mangyari! "Bakit sa dalawang buwan lang na ito?" Nataranta na iniling ni Yvonne ang kanyang ulo sa pagkalito. Bagaman masaya siya na nag-aalala siya tungkol sa kanya, hindi niya nakakalimutan na makaligtaan ang pagiging kakaiba sa kanyang mga salita. "Wala. Alalahanin mo lang ang sinabi ko.” Diniinan ni Henry ang manipis na labi habang ang mga mata ay lalong lumalamig. "Isa pa, huwag kang tumingin uli sa mga mata ko kapag nagsasalita ka. Ayoko nito!" dagdag pa niya bago siya umalis. Ang pagtingin sa kanyang mga mata ay napaka dalisay na hindi pa rin maisagawa ni Henry na hilingin ang kanyang pagpayag na magbigay ng bone marrow. Dahan-dahang isinara ni Yvonne ang pinto at sumandal dito, hindi mapigilan ang ngiti. Nag-aalala siya tungkol sa kanya! Bagaman hindi siya sigurado kung gaano katotoo ang pag-aalala niya, labis pa rin siyang natuwa! Sinampal ni Yvonne ang sarili, saka bumalik sa desk niya at kinuha ang remote control. Inayos niya ang temperatura ng aircon, pagkatapos ay kumuha ng isang piraso ng papel at nagsimulang magtrabaho sa ulat. Nasa kalagitnaan na siya ng kanyang trabaho nang may kumatok sa kanyang pintuan. "Pasok!" Ibinaba ni Yvonne ang kanyang panulat at tumingin sa pintuan. Binuksan ni Lynette ang pinto at nginitian siya. "Namiss mo ba ako?" "Bakit ka nandito?" Nagulat si Yvonne, saka kumuha ng isang basong tubig para kay Lynette mula sa pampalamig ng tubig. "Kakatapos ko lang sa trabaho ko so umakyat ako para makita ka." Tinanggap ni Lynette ang tubig. "Isa pa, nandito ako para matulungan ang mga taong ‘yun na magtanong sa iyo ng ilang questions." "Ang mga taong iyon?" "Si Miss Walker at ang iba pa na may crush sa CEO. Patuloy nilang ako ginagambala para tanungin ka kung bakit si MR. Lancaster ay dumating lamang sa tanggapan ng tanghali. " Kinulot ni Lynette ang kanyang labi, parang hindi kanais-nais. Agad na nag-alala si Yvonne. "Binully ka ba nila?" Mula nang siya ay maging secretary ni Henry, hindi lamang siya ine-echapuwera ng iba pang tatlong mga assistant mula sa kanina. Kahit na ang mga kasamahan niya sa dating department ay kung anu-ano naman ang binabato na mga panunuya sa kanya. Wala silang magawa kay Yvonne mula nang mailipat siya sa pinakamataas na palapag, pero tiyak na aapihin nila si Lyn. "Hindi naman." Kinaway ni Lynette ang kanyang mga kamay. "Nagpalit lang kami ng bagong head ng department, kaya hindi sila naglakas-loob na gumawa ng gulo ngayon. At most, sasabihin lang nila ang ilang mga masasamang bagay pero sinasagot ko sila kaya huwag kang mag-alala tungkol dito." "Buti naman." Tinapik ni Yvonne ang dibdib niya at huminga ng maluwag. "Hmm?" Ang pansin ni Lynette ay nakuha sa papel sa kanyang mesa. "Ano yang sinusulat mo?" "Ah wala ‘to." Nagmamadaling tinakpan ni Yvonne ang papel gamit ang kanyang mga kamay, na tila mas kahina-hinala ito.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.