Kabanata 11
Napansin nina Ann at Hayley na magkaaway na sila bigla. Nagpalitan sila ng akusasyon sa pagiging homewrecker na kabit at walang hiyang nangangaliwa.
Dahil sa hindi sila natutuwa sa isa’t isa, umabot sa isang buwang pustahan ang away nila, kung saan naguluhan si Wyatt.
Sa loob ng sasakyan, humarap si Wyatt sa magandang babae na nakaupo sa tabi niya. “Bakit nakikipagpustahan na parang bata ang reyna ng business world?” tanong niya.
Nugmiti si Ann. “Hindi mo maiintindihan ang away sa pagitan ng mga babae.”
Nagkibit balikat si Wyatt. “Wala na akong kahit na ano ngayon, paano ko maabutan si William ng isang buwan? Huwag mo ako sisisihin kapag natalo ka.”
Kumurap si Ann at sinabi, “Mananalo tayo. Sigurado ako. Buo ang tiwala ko sa iyo.”
Sumingkit ang mga mata ni Wyatt habang naguguluhan. Kahit na itinapon siya ng iba na parang basura, kayamanan ang trato sa kanya ni Ann.
Habang tinitignan ni Ann ang oras mula sa limited-edition niyang luxury watch sinabi niya, “Magsisimula ang banquet sa loob ng dalawang oras. Pumasok na tayo.”
“Hihintayin kita dito,” wika ni Wyatt. Hindi niya gusto ng maiingay na kapaligiran.
Bukod pa doon, disappointed siya kay Hayley. Sumobra na siya sa pagiging matuwid na tingin niya sa sarili. Kung hindi lang niya ipaghihiganti ang anak niya, matagal na niya sanang hindi binigyan ng pansin si Hayley.
Natural lang na hindi maglalaho ang tatlong taong nararamdaman niya para sa kanya sa pagsasama nila overnight. Ngunit, imposible para kay Wyatt na patawarin si Hayley, lalo na sa pagkawala ng anak nila.
Habang nananatili ang nararamdaman niya, wala na ang pagiging mahinhin niya.
“Tara na. Sinabi ng lolo ko na ipapadala niya sa Tivoli Mansion ngayong gabi ang crimson mushroom.” Binuksan ni Ann ang pinto. Ang pamula niyang mga labi ay nakasarado, mukha siyang nakakaakit na apoy.
“Okay,” sumangayon si Wyatt, hindi matanggihan ang crimson mushroom.
Noong bababa na siya ng sasakyan, sinabi bigla ni Ann, “Sandali,” naupo siya muli. “Kailangan ko ayusin ang makeup ko.”
Inabot siya ng kalahating oras para sa pag-aayos ng makeup. Halos makatulog si Wyatt kakahintay.
“My dear Wyatt, ang lipstick na gusto ko ay nasa compartment sa baba ng mga binti mo. Puwede mo ba ito kunin para sa akin?” inudyok ni Ann si Wyatt na nasa passenger seat.
Sinubukan ni Wyatt na buksan ang storage compartment pero nabigo siya.
Kahit na nag-effort siya, nanatili itong sarado.
Natanga si Wyatt. Bakit ang kumplikado ng storage compartment ng luxury car? Marahil pinapahirapan talaga ng designer ang mga mahihirap na tulad niya na hindi sanay sa ganitong mga magagarang sasakyan.
“Tanga, ako na.”
Walang nagawa si Ann kung hindi lumapit at buksan ang storage sa baba ng mga binti niya.
Bumagsak ang mahaba niyang buhok at naamoy niya ang halimuyak nito.
At—
Noong palapit si Ann para hanapin ang lipstick niya, ang kanyang mga assets ay lumapit din at patuloy na…
Nakaramdam si Wyatt ng init sa dibdib niya, namamangha sa kanyang nakikita.
“Nakita mo na ba?”
“Hindi pa, saan ko nga ba iyon inilagay?” bumalik si Ann sa compartment sa kanan at naghanap.
…
Natagalan si Wyatt bago naayos ang kanyang sarili bago pumasok sa Tivoli Mansion kasama si Ann.
Habang abala si Ann sa pag-aayos ng banquet, naupo si Wyatt sa main hall.
Ang main hall ay maingay sa dami ng tao. Ang mga bisita ay kung hindi mayayaman, mga maimpluwensiyang tao. Natural na gusto nila gamitin ang pagkakataon para makihalubilo at makakuha ng mga oportunidad.
Dahil hindi interesado si Wyatt, sumandal siya at ipinikit ang mga mata para magpahinga.
Naghihintay siya na madeliver ang crimson mushroom. Gamit ito, mababalik ang dati niyang lakas at makakapag ensayo siya muli.
Samantala, si Hayley ang mga kasama niya ay pumasok sa hall. Nanatiling naiinis si Lucy sa engkuwentro kanina.
“Bulag talaga ang Annette na iyon. Paano siyang naaakit sa tulad ni Wyatt.”
Si William naman ay galit pa din at naiinis. Naiinis siya dahil kahit na guwapo siya at mayaman, hindi siya makahanap ng nga katulad ni Ann.
Masama din ang mood ni Hayley. Naiinis siya sa kung paano siya ipinahiya ni Ann sa harap ni Wyatt ng ipagtanggol niya ito.
“Kalimutan na muna natin sila. Naparito tayo para sa business. Lucy, magtanong ka na tungkol sa finalization ng collaboration results sa person in charge ng Toledo Corporation,” utos ni Hayley.
“Hayley, sinabi ni Mr. Calloway na si Ms. Moore ang may huling desisyon dito. Sa kasalukuyan, nasa Tivoli Mansion siya kasama ang shortlisted na mga kumpanya. Ang resulta ay lalabas ngayong gabi,” ipinaalam ni Lucy matapos ibaba ang tawag.
“Sinabi rin ni Mr. Calloway na dalawa lang mula sa anim na shortlisted na mga kumpanya ang pipiliin. Ang Hayley Pharmaceuticals ang nangunguna sa listahan. Siguradong panalo na tayo.”
Matapos ito marinig, napangit ng malapad si Hayley. Ito ang pinakamagandang balita na natanggap niya.
Sa oras na makapartner ng Hayley Pharmaceuticals ang pamilya Moore, siguradong tagumpay ang naghihintay sa kanila!
“Congratulations, Hayley. Sa tulong ng pamilya Moore, siguradong lalago ang business ng Hayley Pharmaceuticals nationwide, at baka maging global pa. Maaari ka maging susunod na world-class female tycoon,” binati siya ni William.
Natawa si Lucy. “Salamat ito sa tulong mo , Mr. Porter!” sinabi niya habang nasasabik.
…
Naupo si Ann sa opisina niya, babad sa pag-oorganisa ng banquet.
Sa oras na ito, isang middle-aged na lalake na nakasuot ng suit ang pumasok agad. Naglagay siya ng maraming dokumento sa harapan niya.
“Ms. Moore, ito ang mga shortlisted na kumpanya para sa maaaring partner ng Starlight Pharmaceuticals collaboration,” paliwanag niya. “Anim silang lahat, at nakaranggo sila base sa lakas nila at development prospects. Paki tignan ito.”
Tinginan ni Ann ang mga dokumento at napansin na nangunguna ang Hayley Pharmaceuticals.
Naintriga siya at sinuro ng mabuti ang impormasyon. Ipinapakita ng dokumento ang Hayley Pharmaceuticals at ang detalyadong nakaraan nito.
Kahit si Ann, na reyna ng business world ay humanga sa development history ng Hayley Pharmaceuticals.
Nagsimula sila sa maliit na lungsod na mayroon lamang milyon sa annual profit at maraming lugi. Sa nakalipas na mga taon, lumaki ito at naging powerhouse sa Yonada na may annual profit na aabot ng ten billion!
Ang Hayley Pharmaceuticals ay naatim ang lahat ng ito sa loob lamang ng tatlong taon.
Ang paglalakbay nila sa nakalipas na tatlong taon ay nakasasabik at puro twists and turns.
Kahit na maraming krisis ang kinaharap nila, nagawa nila itong malampasan at magtagumpay. Kinaya nila ang mga pagsubok at nagmartsa patungo sa tagumpay.
Parang television series ang istorya nila, tunay silang alamat.
Kahit na wala pang isang dekada ang tagal ng Hayley Pharmaceuticals, ang tunay na pag-angat nito ay nangyari sa nakalipas na tatlong taon. Tunay itong nakatutuwang paglalakbay.
Kahit ang business prodigy na si Ann ay hindi kaya magpalago ng kumpanya tulad ng Hayley Pharmaceuticals sa loob lamang ng tatlong taon. Hindi siya magtatagumpay ng ganito sa loob ng isang dekada!
“Mukhang may puwersa tumutulak sa kanila …”
Habang binabasa ni Ann ang dokumento ng paulit-ulit, nakahanap siya ng mga clue dahil sa kaalaman niya.
Hindi nagtagal, may napansin siyang eksaktong oras.
Bago sa puntong ito, ang Hayley Pharmaceuticals ay pangkaraniwan lang. Pero, matapos ang puntong ito, lumipad ito patungo sa tagumpay na tila may puwersang nagtutulak dito.
Ang puntong iyon ay noong August 8th tatlong taon na ang nakararaan!
Ipinikit niya ang mga mata niya at napagtanto bigla. Pagkatapos, nagdial siya sa kanyang phone at sinabi, “Alamin mo ang eksaktong araw ng kasal ni Hayley at Wyatt.”
Gamit ang maraming resources ng pamilya Moore, mabilis siyang nakakuha ng detalyadong impormasyon.
Nagsalita ang malalim na boses mula sa kabilang linya, “Ms. Moore, ikinasal si Wyatt at Hayley noong August 8th tatlong taon na ang nakararaan.”
August 8th!
Sa isang iglap, nanlaki ang mga mata ni Ann. Lahat ay naintindihan na niya. Tugma ang araw salahat ng mga puntong napansin niya.
Si Wyatt ang puwersang nagtulak para magtagumpay ang Hayley Pharmaceuticals!