Kabanata 10
Nabigla si Hayley at iba pa. Hindi sila makapaniwala na napakaraming imbitasyon ni Wyatt.
Bukod pa doon, kaswal niyang itinapon ang mga imbitasyon, na simbolo para sa kanila ng pagiging elite, na tila ba basura lang sila.
“Itigil mo na ang kalokohan mo. Marahil peke ang mga imbitasyon.” Sambit ni Lucy.
Tumango si William. “Mahalaga ang imbitasyon mula sa pamilya moore. Kahit ang pinakamayaman na tao sa Yonada ay makakakuha lamang ng hanggang sa lima. Imposible na magkaroon ng ganitong karami.”
Ngumisi si Lucy. “Nagdala ka pa talaga ng maraming peke na imbitasyon para lang ipagyabang sa amin. Ano naman? Umaasa ka ba na lalaki ang halaga mo at magsisisi si Hayley sa desisyon niya?”
Ngumiti si Wyatt. Hanga siya sa lawak ng imahinasyon nila.
Kahit na ano pa man ang itsura, ugali o klase ng tao, hindi nakakahigit sa kanya si Hayley. Sa totoo langm mukhang mas higit pa siya kay Hayley.
Kumpiyansa si Hayley sa itsura niya. Sinasabi pa nga sa online forums na top 4 ang ganda niya sa Yonada. Hindi siya makapaniwala na may isa pang babae na kaya siyang tapatan.
Pero ngayon, nakakita siya ng babaeng nahigitan siya ng husto. Sa unang pagkakataon, pakiramdam niya natalo siya.
At ang ironic pa dito ay ang babaeng ito ay kasama ni Wyatt.
Si Hayley na nagdududa doon sa sinabi ni Maya na may ibang babae si Wayatt. Ngayon, mukhang totoo ang sinabi ng nanay niya.
“Ikinagagalak ko na makilala ka, ako si Annette.” Si Ann ang unang bumati kay Hayley. Ngumiti siya. Elegante ang kanyang dating
“Hello, ako si Hayley Lawson,” sagot ni Ann at nakipagkamay kay Ann.
Pakiramdam ni Hayley nanliliit siya sa harapan ni Ann.
Hindi maalis ni William ang mga mata niya kay Ann. Hindi pa siya nakakakita ng babaeng ganito na nakakaakit. Ang bawat ngiti niya ay may dalang kakaibang alindog.
Nahirapan siyang intindihin kung bakit ang mala dyosang katulad niya ay nasa tabi ni Wyatt.
Para bang kuwento ng Beaty and the Beast.
“Ms. Annette, anong relasyon ninyo ni Wyatt?” tanong ni Hayley, malamig ang tono niya.
“Kami ay…” umatras si Ann at tumabi kay Wyatt ara yakapin ng intimate ang braso niya.
“Mabuting magkaibigan kami.” Binigyan niya ng diin ang salitang “mabuti” para mapaisip sila ng kung ano-ano.
Hindi maganda ang pakiramdam ni Hayley sa narinig niya at mukhang mas malala ang nararamdaman ni William. Hindi makontrol ang sarili niya, sinabi niya, “Ms. Annette, baka hindi mo alam ang background ni Wyatt. Huwag ka sana magpaloko sa kanya.”
“Kaswal lang siyang trabahador sa Hayley Pharmaceuticals, at hindi pa opisyal na empleyado. Sa edad niyang ito, wala pa siyang natatamasa at marahil wala pang ten thousand dollars ang ipon niya. Tao siyang mababa ang estado.”
“Oh, ano naman?” humarap ng kaunti si Ann kay William at mas dumikit pa lalo kay Wyatt.
Dahil mukhang hindi siya nakikinig, sumimangot si William. “Ms. Annette, mukhang nagmula ka sa pamilyang may pribilehiyo. Dapat alam mo ang ugali ng mga taong katulad ni Wyatt.
“Hindi sila edukado at walang manners. Kasama ka lang niya dahil sa financial again at physical intimacy.” Sinabi niya, umaasang magiging sa katotohanan si Ann.
“Financial gain at intimacy…” sinabi ni Ann, naging nakakaakit ang aura niya. “Hindi ako makapaghintay na makita,” idinagdag niya.
Nagalit si William. Hindi siya makapaniwala na baliw na baliw sa pag-ibig ang magandang katulad niya. Okay lang sana kung ibang tao pero walang kuwenta na tao si Wyatt.
“Ms. Annette, maaaaring ginayuma ka niya…” sambit ni William ng galit.
Natawa si Ann at tinignan ng malamig si William. “Kahit na ginayuma niya ako, wala itong kinalaman sa iyo. Kanina mo pa sinisiraan si Wyatt. Anong pinaplano mo?”
“Gusto lang kita protektahan!” sagot ni William
“Tumahimik ka. Wala kang pakielam sa buhay ko. Lumayo ka sa akin,” malamig na sinabi ni Ann.
Nagalit si William. Galit na galit siya at hidni makasagot sa sinabi ni Ann.
Hindi siya makapaniwala sa suwerte ni Wyatt. Minsan ng nasa buhay ni Wyatt si Hayley, na mala dyosa na rin ang ganda, pero ngayon nakahanap pa siya ng mas higit sa kanya.
Kinain si William ng inggit kay Wyatt.
“Kalimutan mo na, William. Walang sense ang kausapin ang taong hindi nakikinig. Sa oras na pagsisihan niya ito, huli na,” mapanghamak na sinabi ni Lucy.
“Wyatt, matagal mo ng kilala si Ms. Annette?” biglaang tanong ni Hayley.
“Oo, matagal na,” mabilis na sagot ni Ann.
Ngumiti ng mapait si Hayley at tinitigan ng masama si Wyatt. “Hindi ko inaasahan na doble-kara ka, may iba ka na agad na babae pagkatapos natin maghiwalay.”
Nalukot ang mukha ni Wyatt sa galit. “Hindi ba’t kasama mo na agad si William bago pa tayo naghiwalay? Hindi ba’t mas malala ka sa akin?” mapanghamak niyang sagot.
“Dahil higit ng husto sa iyo si William.”
“Bakit ako pipili ng walang kuwentang katulad mo? Si William ay matagumpay na tao!”
Ngumisi si Wyatt. Si William, na lalaking puro pagnanasa ay matagumpay na tao?
Hindi ba’t naakit siya sa kanya dahil sa family background niya at resources? Sino siya para umasta na nakahihigit?
“Ms. Annette, kahit na hindi kita kapantay sa ganda, kumpiyansa ako na ang taste ko sa lalake ay mas nakahihigit kaysa sa iyo!” lumabas ang tunay na ugali ni Hayley at sinabihan ng masama si Ann.
Nabigla ng kaunti si Ann pero nagsimula siyang tumawa sa huli. Malakas ang tawa niya na tila narinig niya ang pinaka nakakatawang biro sa buong mundo.
“Hayley, sinasabi mo ba sa higit si William kay Wyatt?” itinuro ni Ann si William na maayos ang pananamit.
“Oo,” sagot ni Hayley.
“Sige.” Nagbago ang ekspresyon ni Ann at naging seryoso, “Magpustahan tayo. Sa loob ng isang buwan, tignan natin kung sino ang mas maraming makakamtan. Doon natin sasabihin kung tunay nga ba talaga na nakakahigit si William kay Wyatt. Anong masasabi mo?”
“Isang buwan?” may pagdududa sa mukha ni Hayley. “Sigurado ka? Sa kasalukuyan, ang net worth ni William ay higit na sa isang bilyon. Walang kahit na ano si Wyatt. Hinding hindi niya mahahabol si William sa buong buhay niya!”
“Anong problema? Natatakot ka?”
“Natatakot? Bakit ako matatakot? Malinaw naman kung sino ang mananalo.” Ngumisi si Hayley. “Anong ipupusta natin?”
“Pupusta ako kay Wyatt at ikaw naman kay William. Magkikita tayo sa entrance ng Tivoli Mansion sa loob ng isang buwan. Kung matatalo ako, hihingi ako ng tawad dala nag mga regalo, at vice versa kung ikaw naman.”
“Hindi iyon sapat.” Umiling-iling si Hayley. “Hindi dapat regalo lang at paghingi ng tawad. Dapat aminin mo din na homewrecker ka na kabit na inakit ang asawa ng iba.”
Sumimangot si Wyatt. Nakilala lang niya si Ann pagkatapos nila maghiwalay ni Hayley. Kahit na maging sila ngayon, hindi siya makukunsiderang kabit.
Nagulat siya at nangako na agad si Ann, “Walang problema.”
“Pero, kapag natalo ka, aaminin mo na walang hiya ka at nangaliwa habang may asawa pa,” sagot ni Ann habang nakasingkit ang mga mata niya.
“Deal!”
“Okay na kung ganoon,” sagot ni Hayley ng galit.
Nasasabik na si Ann. “Malalaman natin sa loob ng tatlumpung araw.”