Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 2

Ang lahat ay napatingin kay Noelle sa oras na nagpakita siya. Kahit na nakuha niya ang atensyon ng lahat, nananatili siyang walang pakielam. Nakasuot siya ng simpleng T-shirt pero may mamahaling antigong tiara sa kanyang ulo. May emerald necklace sa kanyang leeg, habang mayroong diamond at gold bracelets sa kanyang braso. Ang daliri din niya ay mayroong malaking pink na diamond ring. Nagtawanan ang mga tao. “Tignan mo ang pananamit niya! Paano niya naisip na pagsama-samahin ang lahat ng mga iyon? Para siyang nagpapakitang gilas na nouveau riche!” “Siguro sinasadya niya ito para magyabang at pagmukhain pangit si Xenia.” Hindi natinag si Noelle, lumapit siya kay Xenia at sinabi, “Congratulations. Naging parte ka na din sawakas ng pamilya Liddell.” Sa nakaraang buhay niya, ang bangungot niya ay nagsimula sa pagdating ni Xenia sa kanyang pamilya. Kahit na paano niya subukan na pasayahin ang iba o maging masunurin, ang mga kapatid niya ay kumakampi pa din kay Xenia. Sinabi pa ni Frank ng minsan na sana si Xenia na lang ang tunay nilang kadugo. Sa pagkakataong ito, hindi na siya mangungulila para sa walang kuwentang familial love. Nainggit ng husto si Xenia ng makita niya kung gaano karaming maluho na accessories mayroon si Noelle. Gayunpaman, nanatili siyang kalamdo. Umatras siya ng kaunti at sinabi, “Noelle, alam ko na naiinis ka, pero huwag ka mag-alala. Hindi ako makikipagkumpitensiya sa iyo para sa lambing ng mga kapatid mo. “Mananatili akong tagalabas. Ikaw ang tunay na kapatid. Paano ako maikukumpara sa iyo?” Namula ang mga mata niya habang nagsasalita siya, mukha siyang mahina at nakakaawa. Ngumisi si Noelle. Gamit ang flawless niyang pag-arte, tunay na artista talaga si Xenia. Sa nakaraang buhay niya, naging biktima siya sa pagkukunwari ni Xenia. Nakita niya ang tunay na kulay ng taong ito bago siya namatay. Matapos itong makita, agad na nakielam si Blake, “Huwag ka umiyak, Xenia. Hindi ka tagalabas. Simula ngayon, ikaw na ang tunay kong kapatid.” Napayuko si Xenia, kita ang bakas ng yabang sa mga mata niya. Sa oras na iyon, inabutan siya ni Frank ng kahon. “Xenia, regalo ito para sa iyo.” Nagmukhang nagulat si Xenia at sinabi, “Frank, hindi ba’t para kay Noelle ang regalong ito? Paano ko ito matatanggap?” Hindi nagulat si Noelle ng makita ang limited-edition figurine sa kahon. Sa nakaraang buhay niya, “napakabait” din ni Frank ng ibigay niya ang figurine na matagal niyang hinintay kay Xenia bilang paraan ng paghingi ng tawad. “Kunin mo,” udyok ni Frank. “Utang niya sa iyo ito.” Malinaw na nainis, sinabi ni Blake, “Noelle, kahit na ayaw ni Xenia na magtanim ng sama ng loob tungkol sa pagtulak mo sa kanya sa pool, binigyan namin siya ni Frank ng regalo para sa iyo, nasaan ang regalo mo sa kanya?” Tumango si Noelle. “Alam ko. Kaya naghanda ako ng makabagbag damdaming paghingi ng tawad.” Nagsimula siyang hubarin ang mga accessories na suot niya, inilagay sila isa-isa sa tray. “Ibinigay ni Donovan sa akin ang antigong tiara at ang emerald necklace ay mula kay Frank. “Itong century-old Ginre herb ay mula kay Carl, at ibinigay sa akin ni Blake ang bibihirang pink diamond ring.” “Ibinigay ni Wyatt ang emerald bracelet sa akin, at sawakas, ang gintong tropeyo ay galing kay Lucas.” Matapos ilagay ang lahat sa tray, nagpatuloy si Noelle,” Ang lahat ng ito ay mahalaga sa akin. Bilang paghingi ng tawad, naniniwala ako na ang pagbibigay ko sa iyo nito ay nagrerepresinta ng pagiging sinsero ko. Inaasahan na niya na hihingi si Blake ng bagay para maging regalo kay Xenia bilang pampalubag loob, kaya inihanda na niya ng maaga ang mga gamit na ito. Simula ng dumating si Xenia, hindi na siya nagbigay ng mga regalong may halaga sa kanya. Ang mga regalong ito na lang ang natira. Ang mga kapatid nga naman niya ay lumikha ng kung ano-anong mga palusot para ibigay sila kay Xenia. Nanigas si Blake ng makita ang mga gamit sa tray. Alam niya na pinahahalagahan ni Noelle ang lahat ng mga ito, hindi niya maintindihan kung anong ibig niyang sabihin. Naging malagim ang ekspresyon ni Frank. “Noelle, anong ginagawa mo?” “Tulad ng sinabi ko, ito ay sinsero kong paghingi ng tawad. Sa tingin mo ba hindi ito sapat?” nanatiling kalmado si Noelle at hindi natitinag. Makikita ang gulat sa mukha ni Xenia ng makita niya ang mga gamit na inihanda ni Noelle. Hindi niya maintindihan kung anong ginagawa ni Noelle. Napapaisip siya kung plano ba niya ito para magmukhang lugi siya para magkaroon ng kalamangan. “Ang mga regalong ito ay ibinigay sa iyo ng mga kapatid mo, Noelle,” agad niyang sinabi. “Masyado silang mahalaga. Hindi ko sila matatanggap!” Nagalit si Blake, “Eksakto! Ang mga regalong ito ay dapat na para sa iyo. Paano mo ito nagagawang ibigay na lang sa iba ng ganoon na lang?” Nanghina ang ngiti ni Xenia. Kinagat niya ang kanyang labi bago sinabi, “Oo. Tagalabas lang ako, Noelle. Hindi ako nararapat sa ganitong mga regalo.” Napansin niya ang kanyang pagkakamali, agad na itinama ni Blake ang sarili niya, “Xenia, hindi iyon ang ibig ko sabihin. Pipili ako ng iba para sa iyo. Hindi mo dapat gamitin ang ginamit na ng iba.” “Salamat, Blake,” sambit ni Xenia, nakangiti sa kanya. Lumambot ang puso ni Blake. Ang akala niya ganito dapat umarte ang masunuring nakababatang kapatid. Samantala, si Frank ay walang magawa. “Noelle, bakit ka nagtatantrum ulit?” Pinahahalagahan ni Noelle ang mga regalong ito, pinagbabawalan ang kahit na sino na hawakan sila. Hindi niya inaasahan na ibibigay niya ito bilang regalo sa paghingi ng tawad. Sinusubukan ba niyang tapusin ang ugnayan nila? O ginagawa niya ito para galtiin sila dahil kinuha niya ang figurine na dapat ay para sa kanya para maging compensation ni Xenia? Hindi niya naisip na may pagkakataong willing na isusuko ni Noelle ang mga gamit na ito kay Xenia. “Frank, naglalabas lang siya ng sama ng loob,” sambit ni Blake. “Noelle, tingin mo ba hindi namin napapansin? Kailan ka ba mag-iisip ng tama tulad ni Xenia?” Habang nananatiling walang pakielam, sumagot si Noelle, “Ang mga regalong ito ay nagkahahalaga ng milyun-milyon dolyar. Hindi ba iyon sapat? O nag-aalinlangan kayo na ibigay ito kay Xenia?” Walang masabi si Blake. Napaisip siya kung bakit ganito nag-iisip si Noelle. Magkaibang mga bagay sila! “S-Siyempre hindi ako ganoong klase ng tao,” sambit ni Xenia. “Kung ganoon magiging saksi kayong lahat na nagpakita ako kay Xenia ng sinserong paghingi ng tawad.” Nairita si Frank. “Itigil mo na ang kalokohan mo, Noelle.” Paano niya nagagawang ibigay ang mga napakahalagang regalo sa iba? Naramdaman niya, na kahit gusto niyang galitin si Blake, hindi niya dapat ipinamigay ang mga regalo sa kanya ng kanyang mga kapatid. “Seryoso ako dito, Frank,” sambit ni Noelle. Inilagay niya ang tray sa mga kamay ni Xenia. “Sa iyo na ang mga ito.” Hindi na rin niya gusto ang anim niyang mga kapatid. Makikita ang bakas na naiilang is Xenia. Naramdaman niya na si Frank at Blake ay nagalit, kaya hindi maganda ang pakiramdam niya habang hawak ang tray. Nabigla siya sa kilos ni Noelle at hindi inaasahan na ibibigay niya ang mga ito bilang peace offering. Maaari siyang kamuhia ng mga miyembro ng pamilya Liddell kung hindi niya maaasikaso ng tama ang sitwasyon. Napaisip siya kung kailan pa naging mahirap pakisamahan si Noelle. Bago pa makasagot si Xenia, tumalikod si Noelle at umalis. “Noelle, tumigil ka dyan!” nagalit si Blake. Ginamit ang mga regalong ibinigay sa kanya para humingi ng tawad kay Xenia—anong klaseng paghingi ng tawad iyon? Pero, hindi siya binigyan ng pansin ni Noelle at umalis agad. “Sumosobra na si Noelle habang tumatagal!” sambit ni Frank, nakasimangot siya. Naiinis siya. Binili niya ang emerald necklace gamit ang unang sahod niya—mabigat ang simbolo nito. Samantala, si Blake naman ay pakiramdam niya hindi niya alam ang gagawin. Habang naiinis, sinabi niya, “Eksakto. Sinasadya niya ito para galitin tayo.” Matapos marinig ang pinaguusapan nila, nagkiskis ang mga ngipin ni Xenia. Gumana ang taktika ni Noelle, pero hindi siya hahayaan ni Xenia na magtagumpay. Habang hawak ang tray, sinabi niya ng mahina, “Frank, Blake, may ginawa ba akong mali ulit? Hinding-hindi ko kukunin ang mga gamit na pinahahalagahan ni Noelle. Anong gagawin ko?” Minura niya si Noelle sa loob-loob niya, nagwawala sa pagsubok niya na isabotahe siya. Sumimangot si Blake. “Dahil paraan niya ito ng paghingi ng tawad, tanggapin mo na lang! Sa tingin ko pagsisisihan niya ito sa loob ng tatlong araw.” Singhal niya. Hindi siya makapaghintay na laitin si Noelle kapag nagmakaawa na siya. “Ganito na lang kaya, Xenia?” nagsimula magsalita si Frank. “Itago mo muna para kay Noelle. Magiging okay din ang lahat kapag kumalma na siya.” Nagtantrum na ng ganito si Noelle noon, pero naging okay din naman ang lahat sa huli. Hindi siya makapaniwala na ipapamigay niya ng willing ang mga gamit. “Sige. Itatago ko muna,” sambit ni Xenia, ngumiti siya. Bumuntong hininga si Frank, naalala pa kung paano naging sweet at masunurin si Noelle. Umaasa siya na mahimasmasan na siya. Tinignan niya si Xenia ulit, masaya na hindi siya tulad ni Noelle. … Nahiga si Noelle ng makarating siya sa kanyang kuwarto. Dahil siguro ito sa nagkasakit siya ng mahulog siya sa pool, pero nahihilo siya Ipinikit niya ang kanyang mga mata, iniisip niya na lisanin ang pamilya Liddell at mabuhay ng independent. Sa nakaraang buhay niya, nagawa niya sana mag-apply sa prestihiyosong unibersidad gamit ang maganda niyang mga grado. Pero dahil sa utos ni Blake, nag-enroll siya sa community college kasama si Xenia. Sa kolehiyo, lagi niyang nililinis ang kalat na ginagawa ni Xenia at sinasalo ang mga pagkakamali niya. Kung hindi siya susunod, madidisable ang mga credit card niya. Kahit na anak siya ng mayamang pamilya, ang buhay niya ay mas malala pa sa mahirap na estudyante. Sa huli, ninakaw pa ni Xenia ang thesis niyang pinaghirapan niya ng sobra at pinagbintangan pa siya ng plagiarism. Natanggal siya sa school. Hinding-hindi hahayaan ni Noelle na mangyari iyon ulit. Mag-aaral siya sa prestihiyosong unibersidad at babayaran ang tuition free niya at living allowances gamit nag prize money mula sa mga gaming competitions. Gamit ang abilidad niya noong nakaraan niyang buhay, siguradong kaya niya na lumikha ng pangalan para sa kanyang sarili sa gaming industry. Natapos ang banquet at pumunta si Frank sa kuwarto ni Noelle. Nag-alinlangan siya bago kumatok sa pinto niya, pero walang sagot. Nakalock din ang pinto. “Frank, mukhang may lagnat si Xenia. Bilisan mo at kumustahin siya.” Noong narinig ito ni Frank, binawi niya ang kamay niya mula sa pinto ni Noelle. Bumaba siya at nakita si Xenia na namumula, malinaw na nilalagnat. “Ako ang magmamaneho. Pumunta na tayo sa ospital ngayon.” Habang isinusugod ni Frank at Blake si Xenia sa ospital, nakahiga si Noelle sa kama niya sa second floor. Namumula siya at pinagpapawisan ng walang tigil. Sa buong gabi na lumipas, nahihilo siya at madalas na binabangungot.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.