Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 1

“Noelle, aamin ka ba sa pagkakamali mo o hindi?” Ang ilong at bibig ni Noelle Liddell ay parehong nakalubog sa tubig habang mahapdi ang lalamunan niya dahil sa pananakal. Dahil sa bingit na siya ng kamatayan, iminulat niya ang kanyang mga mata at nakita ang kanyang ikalawang kapatid, si Frank Liddell, na nasa gilid ng swimming pool. Nakita rin niya ang ika-apat niyang kapatid, si Blake Liddell, hawak si Xenia Quigley sa kanyang mga bisig. May nakita siyang bagay kung saan hindi siya makapaniwala. Ang eksenang ito ay sobrang pamilyar. Hindi ba’t namatay na siya? Maaari kaya na nabuhay siya muli at bumalik sa nangyari tatlong taon na ang nakararaan, sa mismong araw kung saan opisyal na inampon na si Xenia Quigley sa pamilya Liddell? Sadyang pinagbintangan ni Xenia si Noelle sa banquet, kung saan pinaniniwalaan ng lahat na itinulak siya sa pool ni Noelle. Si Blake ang unang nakadiskubre sa kanila, pero si Xenia lamang ang kanyang iniligtas. Iniwan niya si Noelle, na hindi nakakalangon, para magdusa sa tubig. Samantala, si Frank ay diniin pa siya na aminin na kasalanan niya ang lahat, mukhang ayaw niyang iligtas si Noelle hanggang sa umamin siya. Dahil desperado at natatakot, nagsimulang aminin ni Noelle ang nangyari, nagmakaawa siya sa kanyang mga kapatid na iligtas siya. Dito lang siya hinatak mula sa tubig noong nasa bingit na siya ng kamatayan. Matapos iyon, hindi na siya naglakas loob galitin si Xenia at nagpakahirap ng husto para mapasaya ang kanyang mga kapatid. Pero sa huli, wala siyang napala. Ninakaw ni Xenia ang graduation thesis ni Noelle, pero tumestigo si Frank para kay Xenia. Tinawag na plagiarist si Noelle at natanggal mula sa school. Noong kailangan ni Xenia ng kidney transplant dahil sa kalusugan niya, ang ikatlo niyang kapatid, si Carl Liddell, ay agad siyang dinala sa operating room at nag-opera mismo. Kinailangan sumali ni Xenia sa international competition para gumanda ang credentials niya, kaya si Blake, Wyatt at Lucas ay tinanggal si Noelle mula sa kanilang team ng walang alinlangan. Noong nakakita si Noelle ng ebidensiya sa plagiarism ni Xenia at pangdodoktor ng medical records, dinala niya ito sa kanyang pinakamatandang kapatid, umaasa na isisiwalat nito si Xenia. Sa halip, ang napala niya ay galit ng buong pamilya. Walang naniwala sa kanya. Walang tumingin man lang sa ebidensiya. Ang pinakamatanda niyang kapatid, si Donovan Liddell, ay pinalayas siya mula sa pamilya at inutusan na matuto mula sa mga pinag gagagawa niya. Dahil walang pera at matitirhan si Noelle, matinding pagdurusa na hindi lubos maisip ang pinagdaanan niya. Bumugso ang dating mga alaala na parang alon. Tumigil siya sa pagpupumiglas at hinayaan ang sarili niya na lumubog sa ilalim ng pool. Nanlalaki ang mga mata niya kahit na wala siyang ekspresyon na tila ba namatay na siya. Habang nakatingin sa mga kapatid niya na pinalilibutan si Xenia sa pampang, nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang dibdib—kahit na naranasan na niya ito noon. Naisip niya na kalokohan ito. Siya ang tunay nilang kapatid, pero wala siyang halaga para sa kanila na parang tagalabas. Ang lahat ng atensyon ni Frank ay napunta kay Xenia. Napagtanto nila na tumigil na si Noelle sa pagkakampay sa pool, lumingon siya at napansin na lumubog na siya sa ilalim ng pool. Namutla siya agad. “Noelle!” walang alinlangan siyang nagdive sa pool. Kita ang kinang sa mga mata ni Xenia. Pakiramdam niya na mas mabuti pa kung mamamatay si Noelle. Dahil nagkukunwari siyang mahinhin, hinatak niya ang manggas ng damit ni Blake at mahinang sinabi, “Blake, gusto ko din iligtas si Noelle. Kasalanan ko at nahulog siya sa tubig.” Nag-alala din si Blake. Noong marinig niya ito, siniguro niya si Xenia, “Huwag ka mag-alala. Sapat na ang tulong ni Frank. Ang pinagdadaanan ni Noelle ay nararapat lang dahil sa ginawa niya. Hindi siya mamamatay.” Noong tumingin siya para tignan ang pool, ang ekspresyon niya ay naging kumplikado. Sa ilalim ng tubig, nakita ni Noelle si Frank na palangoy patungo sa kanya. Mukha siyang tunay na nag-aalala kahit na kanina lang, pinilit siya ng taong ito para humingi ng tawad at pinanood na malunod. Sa pagkakataong ito, hindi niya gusto ang kanyang tulong. Kita ang panlalait sa mga mata niya ng humarap siya at lumangoy patungo sa pampang. Matapos ang insidente na muntik na siyang malunod sa nakaraang buhay niya, pinilit ni Frank at Xenia si Noelle na matutong lumangoy. Natrauma siya, pero nalampasan niya ang takot at natutong lumangoy para mapasaya ang kanyang kapatid. Pero, sa huli, si Xenia lang ang pinuri niya sa pagkakalampas nito sa kanyang trauma. Walang may pakielam sa trauma na matagal na iniinda ni Noelle—kahit ang kaunting oras na iniwan siya sa ilalim ng tubig ay naging sapat na para matrauma siyang buong buhay. Kay Xenia lang silang lahat may pakielam, wala sa kanya. “Noelle, anong kalokohan ang ginagawa mo?” hinarangan siya ni Frank. “Sa tingin mo ba ang pagkukunwaring nalulunod ay kayang ayusin ang ginawa mong pinsala?” May napansin siyang kakaiba sa kanya. Napaisip si Frank kung saan siya natutong lumangoy. Nakipagtitigan si Noelle sa kanya. Minsan siya na naging paborito niyang kuya. Laging istrikto si Donovan, pero si Frank ay malapit sa kanya. Pero ngayon, pandidiri na lang at kawalan ng pasensiya ang makikita sa kanyang mga mata. “Frank, huwag mo sisihin si Noelle,” nakielam si Xenia gamit ang mahinang boses. “Alam ko na hindi niya ako gusto na mapasama sa pamilya Liddell. Kasalanan ko na naging gahaman ako at ginusto na magkaroon ng pamilya. Mahalaga kayong lahat sa akin.” Tinignan ng masama ni Blake si Noelle habang humihikbi si Xenia. Sumigaw siya, “Masaya ka na ngayon? Hindi sana siya magiging ampon kung hindi namatay ang kanyang ama para iligtas ka! Dapat hinayaan ka na lang niya na mamatay kaysa iligtas ang inggrata na tulad mo!” Sumimangot si Frank. “Noelle, dapat ka magpasalamat. Dapati trato natin si Xenia na parang pamilya. Ito ang utang ng pamiyla natin sa kanya. Ito ang utang mo sa kanya. Naiitindihan mo?” “Ang inggratang tulad niya ay hindi iyon maiintindihan,” nainis na sinabi ni Blake. “Kung naiintindihan niya, hindi sana niya itinulak si Xenia sa tubig. Mas okay pa magligtas ng hayop kaysa sa kanya!” Nanigas si Noelle. Mas pipiliin niyang hindi na lang siya iligtas kung may pagpipilian siya. Habang iniinda ang sakit sa kanyang dibdib, sinabi niya, “Tama ka. Kasalanan ko. Hindi na mauulit.” Hindi na niya gagawin ang ganitong kahangalan ulit. Dahil gusto nila si Xenia bilang kapatid, titigil na siya sa pagiging kapatid nila. “Noelle, sinadya mo ba talaga iyon? Alam mo ba na hindi marunong lumangoy si Xenia? Baka namatay siya!” Nabalot ng pagsisisi si Frank. Ang akala niya aksidente lamang ito pero hindi niya inaasahan na itinulak ni Noelle ng sadya si Xenia sa pool. Napaisip siya kung kailan siya naging walang awa. Sa oras na iyon, dumating ang family doctor. Humarap si Blake kay Noelle at galit na sinabi, “Magdasal ka na okay lang si Xenia. Kung hindi, katapusan mo na pagbalik ni Donovan.” Sinundan sila ni Frank, pero nag-alinlangan siya at humarap kay Noelle. Naaawa siya sa kanya dahil nakita niyang mag-isa lang siya at basang-basa ang mga damit, namumutla. “Bumalik ka na sa kuwarto mo at magbihis,” udyok niya. “Malapit na magsimula ang banquet.” Hindi sumagot si Noelle. Hindi nagtagal, mag-isa na lang siya. Naghintay siya hanggang sa umalis na ang lahat bago siya yumuko at umubo ng matindi na tila inilalabas niya ang kanyang lungs. Nilunok niya ang dugo na palabas na dapat ng kanyang lalamunan, hirap siyang bumalik sa kuwarto. Nahiga siya sa bathtub at ipinikit ang kanyang mga mata, inaalala kung paano siya naging mapaghiganti matapos mawalan ng tirahan. Sinubukan niyang patayin si Xenia pero nabigo siya. Kasabay nito, ikinulong siya ni Donovan sa mental hospital, kung saan tinorture siya hanggang kamatayan ng mga caretakers na inorganisa ni Xenia. Tinakpan ni Noelle ang mukha niya at tumawa, may kakaibang kilabot ang boses niya. “Sige,” naisip niya. Malamig ang mga mata niya ng imulat ito. Nagdamit si Noelle at tumingin sa paligid ng kuwarto niya, nakaramdam siya ng hindi pamilyar na pakiramdam. Sa nakaraang buhay niya, ang kuwartong ito ay ibinigay kay Xenia habang pinalipat siya sa mas maliit na kuwarto. Napansin niya ang family portrait sa lamesa. Doon, may mag-asawa na may hawak na baby sa kanilang mga bisig habang napapalibutan ng anim na mga lalake. Sa kasamaang palad, masalimuot na namatay ang mga magulang niya sa aksidente kaunting panahon lang ang lumipas matapos siyang isilang. Una siyang iniligtas ng driver. Noong bumalik siya para iligtas ang kanyang mga magulang, sumabog ang sasakyan, kung saan nasawi din siya. Si Xenia ay nag-iisang anak ng driver, na ipinanganak na mahina at sakitin. Dinala siya ni Donovan sa tahanan ng pamilya Liddell pagkatapos ng aksidente at pinalaki siya kasama ni Noelle. Nagbago ang lahat sa pagpapakita ni Xenia. Ang mga kapatid ni Noelle na minsan siyang minamahal ay nalipat ang kanilang atensyon sa bagong residente ng kanilang tahanan. “Hindi maganda ang kalusugan ni Xenia, kaya kumuha ako ng chef na iluluto ang mga pagkain na nararapat para sa kanya. Noelle, siguruhin mo na kakain siya ng tama.” “Noelle, gusto rin ni Xenia matuto ng painting. Sapat na ang natutunan mo. Hayaan mo na siya na lamang ang turuan.” “Noelle, magdrop out ka sa kumpetisyong ito at hayaan si Xenia na irepresinta ang school. Kahit na pangalawa lang siya, matagal na siyang naghahanda.” “Noelle, hindi ganoon kaganda ang mga grades ni Xenia, pero dapat pa din siya pumasok sa parehong college mo para alagaan mo siya.” … Kumapitd si Noelle sa ulo niya habang may masakit siyang nararamdaman sa kanyang dibdib. Hirap siyang huminga, pinipilit na mawala ang sakit. Determinado siyang tapusin ang lahat ng ugnayan sa pamilya Liddell sa pagkakataong ito. Itinago niya ang litrato at nagsimula na mag-impake ng mga gamit niya. Hindi nagtagal, may katok na maririnig mula sa kanyang pinto. “Ms. Liddell, nagsimula na ang banquet. Hiniling ni Mr. Frank na bumaba ka na pagkatapos magbihis.” “Sige.” Binuksan ni Noelle ang pinto at naglakad sa masiglang banquet na nagaganap sa labas. Nanlaki ang mga mata ng katulong, bumulong siya, “Anong damit yan? Nabaliw na ba siya dahil sa trauma?” Sa labas, nagaganap ng walang problema ang banquet. Nakasuot ng eleganteng puti na gown si Xenia, ang itim niyang buhok ay nasa balikat niya. Mukha siyang anghel. Si Frank at Blake ay nasa magkabilang gilid niya, nakatingin sa kanya habang umaapaw ang lambing. Tunay na nakakaantig ganitong eksena. Pero si Frank ay hindi mapigilan na isipin si Noelle. Umaasa siya na maging masunurin siya at nasa tamang pag-iisip. Sa halip, nagiging wild siya at arogante sa mga lumilipas na taon. “Nandito na si Noelle!” may nag-anunsiyo.
Previous Chapter
1/100Next Chapter

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.