Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 19

Nanatiling nakatayo si Noelle sa kanyang puwesto, habang walang ekspresyon na nakatingin sa iba. Napaisip siya kung ang mga magkakapatid na Liddell ay iniisip kung siya pa din ba ang dating Noelle. Hindi nila hinihingi ang opinyon niya, umaarte sila na parang ginagawan nila ito ng malaking pabor, kahit na wala siyang pakielam. Iba ang naramdaman ni Lucas. Umiwas siyang tignan sa mga mata si Noelle habang hinihintay si Frank na makielam. Nagpatuloy si Frank gamit ang awtoridad ng nakatatandang kapatid, “Napatunayan mo ang sarili mo sa repechage, Noelle. Wala ng makakapalit sa posisyon mo sa team sa hinahrap.” Naisip niya na gagaan ang loob ni Noelle sa mga salitang ito. Nagdilim bigla ang ekspresyon ni Xenia. Higit pa sa inis ang nararamdaman niya sa kung gaano kadali par kay Noelle an agawin ang puwestong pinaghirapan niya ng husto. Kahit na wala siyang natural na talento, nag-effort siya ng husto tulad ni Noelle. Tinignan ni Lucas si Noelle habang umaasa. Kahit na wala siyang sinabi, umaasa siya na sasali siya sa team nila. Naisip niya na hindi na siya nagtatampo dahil binigyan na siya ng pagkakataon. Malamig ang mga mata ni Noelle ng sumagot siya, “Ayaw ko.” Nainis is Lucas. “Bakit?” Sumagot si Noelle, “Sumali ako sa repechage dahil ininsulto nila ang mga magulang ko, hindi dahil sa gusto ko sumali sa team.” “Pero malinaw na nagpapractice ka ng palihim. Hindi ba iyon dahil sa gusto mo bumalik?” Naisip nila na imposible na gumaling ng ganito si Noelle ng biglaan lang. Naisip nila na baka nag-eensayo siya ng palihim para makasali siya sa team. Ayaw maniwala si Lucas sa mga salita niya, nakatitig siya sa kanya ng madiin. Walang ekspresyon si Noelle. Ang titig niya ay malamig ng sumagot siya, “Hindi.” Nanlumo ang puso ni Lucas. Sinabi niya, “Kailangan ko ba na humingi ng tawad ng personal para mapatawad mo ako, Noelle?” Tumigil si Noelle sa paglalakad. “Wala itong kinalaman sa pagpapatawad. Ang team ng pamilya Liddell ang hindi nag-iisang team sa mundo.” Gusto niyang naglalaro sa mga kumpetisyon pero ayaw niya na makulong lang sa Team Luminark. Malinaw ang nais niyang ipahiwatig. “Alam ko na ayaw mo sa akin, Noelle!” iyak bigla ni Xenia, nasamid siya habang nagsasalita. Halos tumingin ang lahat sa kanya. Lumapit si Xenia kay Noelle at sinabi, “Gusto ka talaga ni Lucas na sumali sa team. Kung naiinis ka sa presensiya ko, aalis na ako agad ng team. Hindi ako makikipagkumpitensiya para sa puwesto mo!” Naiiritang sumagot si Noelle,” Tumahimik ka, puwede ba? Hindi ako sasali sa team dahil ayaw ko. Wala itong kinalaman sa kahit na kanino. Tumigil ka na sa paglalagay sa sarili mo sa pedestal.” Nagpatuloy si Xenia, “Sabi ko na. Galit ka pa din! Naging mataas ang tingin ko sa sarili ko at inagaw ang puwesto mo. “Naisip ko na baka puwede ko gamitin ang pagkakataon na ayaw mo, magagawa ko na galingan at patunayan ang aking sarili para may kotribusyon ako sa pamilya Liddell. Pero ang tanga ko!” hikbi niya, mukhang mahina ang dating at pinagmumukha na mahirapan ang kahit na sinong hindi maawa sa kanya. Naawa si Frank kay Xenia. “Si Lucas ang sumobra at sinaktan ang damdamin ni Noelle. Wala itong kinalaman sa iyo.” Mas lalong nainis si Lucas dahil pinagbibintangan siya sa hindi patas na paraan. Tinignan niya si Xenia na umaarteng nakakaawa, pero hindi niya magawang makaramdam ng simpatya para sa kanya. Nagsisisi siya ngayon na pinayagan niya itong sumali sa team. Mas mabuti na nanatili na lang siyang masunurin na kapatid—hindi tao na puwedeng isama sa kasikatan. Dahil nakita niyang hindi natitinag si Lucas, naglabas si Xenia ng eyebrow razor. Itinuro niya ito sa pulso niya at sinabi, “Huwag ka mag-alala, Noelle. Hinding-hindi na ako makikipagkumpitensya sa puwesto mo kung mamamatay na ako ngayon!” Napaatras si Noelle sa gulat, iniisip kung nababaliw na ba si Xenia. Walang kinalaman sa kanya kung sumali man siya sa team o hindi. Sa totoo lang, si Xenia ang unang kontra na sumali siya sa team. Naisip ni Noelle na nababaliw na siguro si Xenia para pilitin siyang sumali sa team sa pagpili ng self-harm para kumbinsihin siya. Nagulat din si Lucas. “Kumalma ka, Xenia. Wala itong kinalaman sa iyo.” Ngumiti siya habang lumuluha. “Kasalanan ko itong lahat, Lucas. Hindi sana magagalit si Noelle kung hindi ko inagaw ang pagkakataon na hindi niya gusto sa simula pa lang.” “Kuntento na ako na lumaki ako sa pamilya Liddell sa mga nakalipas na taon. Okay lang sa akin na mamatay ngayon!” Si Lucas, na nagdadalawang isip kanina, ay naramdaman agad na lumambot ang kanyang puso. Natatarantang humarap si Frank kay Noelle. “Panonoorin mo ba talaga ang kapatid mo na saktan ang sarili niya, Noelle?” Sumimangot si Lucas. Kahit na alam niyang mali ang ginagawa ni Xenia, naisip niya na magiging okay ang lahat kung papayag si Noelle na sumali sa team. Ang kailangan lang niya ay sumangayon. Nagtanong si Noelle ng walang pakielam, “Pasensiya na, pero nagkakamali ata kayo dito?” Nagulat si Frank. Nagtanong siya, “Anong ibig mo sabihin?” Nagsalita si Noelle,” Una, nilinaw ko na. Hindi ako sasali sa team niya dahil ayaw ko. Wala itong kinalaman sa kahit na sino sa inyo. “Ikalawa, anong ipinagkaiba kung sasaktan ni Xenia ang sarili niya para pilitin ako na makipagkumpormiso at ipressure akong pakasalan si King sa paghiwa sa sarili ko?” Sakto ang sarcasm niya. Ang ibang mga miyembro ng team na gustong magsalita ay biglaang natahimik sa kanyang logic. Sinabi ni Lucas, “Kahit na anong mangyari, parte ng pamilya natin si Xenia.” Kahit na hindi magaling si Xenia sa game at walang sense of responsibility, teenager lang siya sa bandang huli. Sumagot si Noelle, “May kinalaman ba iyon sa akin? Wala akong pakielam kung saktan ni Xenia ang kanyang sarili o magpakamatay pa siya. Wala itong kinalaman sa akin. Kaya tumigil na kay sa pang guiguilt trip sa akin!” “Iniligtas ng ama niya ang buhay mo, Noelle. Paano mo nagagawang palalain ang sitwasyon ng ganito?” naubos ang pasensiya ni Lucas ngaoyn at sinampal ng malakas si Noelle. Hindi nakareact agad si Noelle dahil hindi niya inaasahan na sasaktan talaga siya nito. Maliban kay Blake, hindi siya sinaktan ng kahit sino sa mga kapatid niya kahit na isang beses. Pero, hindi tumama ang sampal niya sa mukha ni Noelle. Si Cedric, na nasa tabi niya, ay pinigilan ang kamay ni Lucas noong tatama na ito sa mukha niya, napigilan siya sa na matanggap ang buong puwersa ng sampal. Seryoso ang ekspresyon niya ng magsalita siya, “Ikalawang kilos na ito ng pagiging bayolente base sa child protection laws. Base sa batas, ang biktima ay may karapatan na tuamwag sa pulis at humingi ng proteksyon.” Napaharap si Noelle sa kanya at tumitig. Napaisip siya kung bakit nandito si Cedric. Galit na nagsalita si Lucas, “Sino ka? Problema ito ng pamilya namin. Wala kang karapatan makielam bilang outsider!” Nakilala ni Frank si Cedric. Hindi niya inaasahan na magpapakita si Cedric dito. Kalmadong sumagot si Cedric, “Ganoon kalala na ang ugali mo kung kinakailangan ng outsider na tulad ko na makielam at hindi na kayanin na manood lang.” Naging malamig ang mga mata niya ng malaman niyang inaapi na naman si Noelle ng pamilya Liddell. Paubos na ang kanyang pasensiya. Sumimangot si Frank at sumagot, “Mali ka ng intindi sa sitwasyon, Dr. Greene. Iba ngayon.” Nagtanong si Cedric, “Paano ito naging iba? Naging pabigat ang pekeng kapatid, nagtantrum, at naglaho. Dahil lamang sa tunay ninyong kapatid na si Noelle, na sumali sa repechage game kaya kayo nakatanggap ng sinserong paghingi ng tawad mula sa kabilang panig. “Hindi lang gumanda ang trato ninyo sa kanya, pero gusto pa ninyo na saktan siya? Hindi ba kayo nahihiya?” Walang masabi bigla si Frank. Dito lang niya napagtanto na sumosobra na siya sa pagtrato kay Noelle. Guilty siyang tumingin at nagsalita, “Hindi ganoon ang ibig ko sabihin, Noelle. Hindi ko lang gusto na may gawin marahas si Xenia at saktan ang kanyang sarili!” Isinarado ni Noelle ang bibig niya. Sumagot si Cedric, “Hindi mo gusto na masaktan ang peke mong kapatid, kaya pinili mo na saktan ang tunay mong kapatid? Anong klaseng palusot iyon?” Lalong naging guilty ang pakiramdam ni Frank. Humarap siya kay Lucas, “Bilisan mo at humingi ng tawad kay Noelle! Sinong may sabi sa iyo na saktan siya?” nagualt siya sa kilos ni Lucas kanina. Natulala si Lucas, itinago niya ng nahihiya ang kamay niya. Hindi sumagi sa isip niya na sasaktan din niya ang kanyang kapatid. Tinignan niya si Noelle at sinabi, “Ano… nagawa ko lang iyon kasi masyado akong nagalit ng marinig ko ang sinabi mo.” Hindi sigurado si Lucas kung bakit nagalit siya ng husto at hindi na nagpigil ng magwala siya. Para lang itong katulad ng dati kapag nanenermon siya. Kahit na ano nga naman ang sabihin niya, hindi nagtatanim ng sama ng loob si Noelle. Inassume niya na ganoon din ang mangyayari sa pagkakataong ito. Pero, alam niya na hindi na niya ito uulitin sa hinaharap. Pumipintig pa din ang mukha ni Noelle sa sakit, peor hindi na kasing tindi ng sakit na nararamdaman niya. Tumingala siya at mapanglait na nagtanong, “Ano naman?” Dito lang niya napagtanto na naging punching bag siya ni Lucas sa buong nakalipas na panahon. Kaya siya minamaliit. “Dapat ayusin mo ang ugali mo kung hihingi ka ng tawad,” hinawakan ni Cedric si Noelle sa kamay at ginamit ito para sampalin ng malakas si Lucas.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.