Kabanata 18
Matindi ang pinsala na ginawa ni Noelle. Dalawang kalaban agad ang tinalo niya, kung saan kritikal agad ang lagay ng ikatlo. Noong bumaba siya, napatingin siya sandali kay Lucas, na nakahiga sa sahig at wala na halos buhay.
Tinitigan ni Lucas ang screen, nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwala. Alam niya na talentado si Noelle, pero ito? Ibang lebel na ito.
Naisip niya na may mali. Hindi pa ganito kagaling si Noelle noon. Napapaisip siya kung kailan siya gumaling ng ganito.
Noong nahuli si Lucas kanina, sumuko na siya at handa ng matalo. Pero nakielam si Noelle habang hindi natitinag ang pagiging kalmado niya, ang magaling niyang positioning at tactical awareness ang naging dahilan para mabawi niya mula sa pagkatalo ang team.
Hindi lang niya nabawi ang team, pero, nagawa din niya ang legendary 12-hit combo ni King.
Pakiramdam ni Lucas hindi na niya kilala si Noelle. Mukhang ibang tao na siya. Nakaramdam siya ng hindi maganda sa dibdib niya. Kakaiba ito, pero hindi niya maalis ang pakiramdam na mawawala na siya.
Makalipas ang ialng sandali ng pag-aalinlangan, ibinuka niya ang bibig niya para magsalita. “Ikaw—”
Pero nilampasan lang siya ni Noelle, malianw siyang nagsalita sa headset. “Kayong lahat, iulat ang posisyon ninyo at status. Malapit na ako.”
Nanigas si Lucas, naiwan siyang nakatayo mag-isa. Ang nagawa lang niya ay panoorin ang character niya sa screen, umalis siya ng kumpiyansa habang nakatalikod sa kanya.
Dahil hindi niya mapigilan ang sarili niya, tinignan niya si Noelle sa tunay na buhay. Nakaupo siya sa computer, ang ekspresyon niya ay matalas, hindi matinag ang focus niya. Nakita niyang nakakaakit ang eksena.
Narinig ni Lucas bigla ang boses ni Frank. “Lucas, bakit ka tulala dyan?”
Nahimasmasan si Lucas, at kumilos para sumama sa team. Noong nakarating siya sa lower floor ng laro, pinamumunuan ni Noelle ang karamihan sa team sa matindi at coordinated na paglusob.
Maliksi ang kilos ng gunner class niya, kalkulado ang bawat galaw. Ang bawat kilos ay ipinapakita kung gaano siya kagaling. Ibang-iba ito sa clumsy at nag-aalinlangan na gameplay ni Xenia.
Matagal ng pinapangarap ni Lucas na magkaroon ng ganitong gunner sa team. At tinupad ni Noelle iyon.
Halo-halo ang emosyon ni Lucas. Hindi niya maipaliwanag kung anong nararamdaman niya.
Ang kumpetisyon na pinahahalagahan niya ng husto ay naipanalo ni Noelle—ang kapatid niya na isinasawalangbahala niya at minaliit ng matagal. Matindi ang pagkakaiba ng iniisip tungkol kay Noelle sa ipinakita niya ngayon. Hindi pa nararanasan ni Lucas ang ganitong pakiramdam.
Natapos din agad ang laban at nanalo sila.
Bilang gunner, nakatayo si Noelle sa gitna ng mga labi ng pinaglabanan nila. Ang in-game setting ay nagpakita ng palubog na araw sa character niya habang sila ang nagwagi.
Panandalian, walang masabi ang mga commentator. “At tapos na! Panalo nag Team Luminark! Grabe ang substitute player na iyon. Maaari kayang estudyante siya ng maalalamat na si King?”
Nagkagulo ang mga manonood. Isinisigaw pa ng mga fans ang pangalan ni King bilang pag gunita sa kanya.
Noong narinig ni Noelle ang pangalan—si King—panandalian siyang napaisip. Sa nakaraan niyang buhay, siya ang nagturo sa kanya ng 12-hit combo.
Lagi siyang napapaisip sa relasyon nila ni King, pero hindi niya ito inamin. Hindi rin niya nakilala ng personal ang taong ito.
Si King, ang maalamat na player, ay isang enigma. Hindi niya isiniwalat ang tunay niyang pagkakakilanlan, at walang nakakaalam kung anong itsura niya.
Isinantabi ni Noelle ang mga iniisip niya, at inalis ang kanyang headset. Noong tumayo siya, masigabong hiyawan ang maririnig sa paligid. Hinayaan niya ang sarili niyang ngumiti ng kaunti. Ngayon, mapaghihingi niya ng tawad sina Marty ng publiko para sa kabastusang sinabi nila sa kanilang mga magulang.
Si Frank ang unang lumapit sa tabi niya, puno ng sabik ang mukha. “Noelle, ang galing mo! Effort mo ang naging dahilan para manalo ang pamilya Liddell. Sabi ko na. Umarte ka na ayaw mo sumali sa team, pero lihim ka na nagpapractice, hindi ba?”
Mukha siyang masaya. Para sa kanya, patunay ito na hindi pa nagbabago si Noelle. Patunay na pamilya pa din sila.
Pero habang nakikinig si Noelle, nawala ng unti-unti ang ngiti niya. Pakiramdam niya… disappointed siya. Tumalikod siya at tumingin kay Marty. “Talo ka,” simple niyang sinabi.
Kumplikado ang ekspresyon ni Marty habang nakatitig sa kanya. “Sino ka ba?”
Si Frank, na nag-uumapaw sa pride ay sumagot bago nakapagsalita si Noelle. “Kapatid ko siya.”
“Ang akala ko ang kapatid na babae ng pamilya Liddell ay ang babae kanina—ang hindi marunong maglaro. Kailan pa nagkaroon ng isa pang kapatid ang pamilya Liddell?” nagdududa si Marty.
Nanghina ang ngiti ni Frank, pero agad siyang nakarecover. “Iyon ang ampon naming kapatid. Ito ang tunay na kapatid namin sa dugo.”
“Ang daya ninyo maglaro sa Team Luminark, ano? Gumamit kayo ng hindi marunong, tapos inilabas ninyo ang tunay na kapatid bilang secret weapon para matalo kami sa bandang huli,” singhal ni Marty.
Nanigas ang mukha ni Lucas sa patama ni Marty, malinaw na hindi siya mapakali. Hindi pa niya napoproseso kung gaano pala maabilidad si Noelle.
Lumapit si Marty kay Noelle. “Pero aaminin ko—magaling ka. Napakagaling.” Hindi nga naman kung sino lang ang makakagawa sa 12-hit combo. Simula ng magretiro si King, wala ng nakamaster sa galaw na iyon. Si Noelle ang una.
Nanatiling steady at kalamado ang ekspresyon ni Noelle. “Kailangan mo tuparin ang pangako.”
“Sige. May sinabi ako na sumosobra na sa laban, lalo na ang tungkol sa mga magulang ninyo. Mali iyon, at naging masama ako. Hindi ko iyon dapat sinabi. Pasensiya na.”
Nakinig si Noelle at tumango. “Siguruhin ninyong hindi na iyon mauulit.”
Pero, nagsalita bigla si Lucas. “Ganoon na lang? Hahayaan mo na lang ito?”
Humarap si Noelle sa kanya, naguguluhan siya.
Ngumisi si Marty. “At anong kinalaman nito sa iyo? Ang rason lang kaya kayo nanalo ay dahil sa kapatid mo! Kung wala kang kakayahan, manahimik ka na lang.”
Tumindi ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Agad na hinawakan ni Frank si Lucas at hinatak, para pigilan ang gulo.
Matapos iyon, nagwakas na ang laban, at nag-alisan na ang mga tao.
Tumalikod si Noelle, pabalik na sa backstage. Pero sa oras na naglakad siya, nakita niya si Xenia na nakatayo doon, puro luha, namumula at maga ang mga mata.
Naging mabigat ang pakiramdam sa paligid dahil sa nakakailang na sitwasyon.
Tumingala si Xenia, nakakawa ang dating niya dahil sa kumikinang niyang mga mata na puro luha. Ang kahit na sinong makakakita dito ay lalambot ang puso kahit na kaunti.
Pero nanatiling malamig si Noelle. Alam niya kung anong ginagawa ni Xenia. Pinagmumukha niyang siya ang biktima, tulad ng hindi mabilang na dami ng beses niya itong ginawa.
Nanginginig ang boses ni Xenia ng magsalita siya ng mahinhin. “Lucas, kasalanan ko. Hindi dapat ako umalis ng ganoon sa gitna ng laban.”
Tunay ang kahihiyan na naramdaman niya, pero hindi iyon ang buong kuwento. Dahil umaasa si Lucas sa kanya bilang parte ng team, inaasahan niya na hahabulin siya nito at papagaanin ang loob.
Hindi niya inaasahan na papalitan siya ni Noelle at mananalo ng kapansin-pansin sa laban. Matindi ang nangyaring pagbabago. Naisip niya agad na delikado ang posisyon niya. Ang maingat niyang nilikha na imahe ay nagkakaroon na ng lamat, at kailangan niya itong ayusin agad.
Pero istrikto ang mukha ni Lucas. “Bumalik ka pa? Anong gagawin namin para sa laban kung hindi dahil kay Noelle?”
Nagsimulang tumulo ang mga luha ni Xenia. “Kasalanan ko. Hindi dapat ako naging sobrang sensitive dahil lang sa sinigawan mo ako. Masyado akong sensitive, pero natakot ako na baka matalo at may gawing pagkakamali. Pangako na hindi na iyon mauulit.”
Sa oras na umiyak si Xenia, dinepensahan siya agad ng ibang mga miyembro ng team.
“Lucas, ikaw naman. Humingi na siya ng tawad. Huwag ka na magalit sa kanya.”
“Oo, Lucas. At sa totoo lang, kung hindi nag walkout si Xenia, hindi sana magkakaroon ng pagkakataon ang substitute na maglaro. Hindi sana tayo nanalo kung wala siya,” sambit ng isa.
Sumikip na naman ang dibdib ni Lucas sa inis, ang parehong nakakasakal na pakiramdam kung saan wala siyang magawa. Pakiramdam niya nakorner siya.
Humarap si Frank kay Noelle. “Anong sa tingin mo?”
Hindi inaasahan ni Noelle na madadamay siya sa pag-uusap na ito. Pero, sumagot siya, “Humingi na ng tawad si Xenia. Ano pa ba ang gusto mo? Masyado kang petty, Lucas. Nagpakahirap si Xenia para sa laban na ito. Isinakripisyo pa niya ang grades niya. Paanong hindi mo naaappreciate ang intensyon niya?”
Sumarado ang bibig ni Xenia habang nakatayo siya doon. Alam niya mismo kung anong ginagawa ni Noelle. Sinabi niya iyon ng sadya, hindi halatang ginagatungan ang tensyon sa pagitan nila ni Lucas. “Kailan pa naging ganito kahirap asikasuhin ang babaeng ito?” naisip niya.
Samantala, pakiramdam ni Lucas sinuntok siya sa sikmura. Seryoso ba si Noelle na binabaluktot ang sitwasyon para magmukhang siya ang mali? Kalokohan ito. Si Xenia ang nagkamali sa laban, pero biglaang siya ang naging masama.
Kumulo ang dugo ni Lucas at nagwala siya, “Noelle, sinasadya mo ito, ano?”
Ngumiti ng kaunti si Noelle. “Siyempre, sinasadya ko ito,” naisip niya. Siya ang laging kawawa sa ganitong sitwasyon sa hindi mabilang na dami ng beses noon, at hindi ito kaya indahin ni Lucas na isang beses pa lang itong nararanasan.
Tumalikod si Noelle at nagsimula na maglakad ng hindi nagsasalita.
Pero tinawag siya ni Frank. “Noelle, sandali! Opsiyal kitang iniimbitahan sa team ngayon. Simula ngayon, haharapin natin ng magkasama ang lahat—bilang pamilya. Isantabi na natin ang nakaraan. Tapos na itong lahat ngayon.”
Ngumiti ng kaunti si Noelle, pero ang ekspresyon niya ay malamig parang yelo.