Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content
Buhay IslaBuhay Isla
By: Webfic

Kabanata 11

Ang kumakaluskos na apoy sa kuweba ay nagdulot ng maaliwalas na init, na bumabalot kina Ryan at Sherry sa nakakaaliw na yakap nito. Sa kabila ng kumikislap na liwanag nito, nagsimulang tumagos sa kanilang mga buto ang nakakabagabag na lamig na parang nakulong sila sa nagyeyelong kuweba. Ito na ba talaga ang kanilang kapalaran, maghintay ng kamatayan sa liblib na lugar na iyon? Habang pinapainit niya ang kanyang mga kamay sa kumakaluskos na apoy, bigla niyang napansin ang presensya ng babae sa tabi niya. Kahit na hindi niya lubos matandaan kung kailan ito tumabi sa kanya. Niyakap nang mahigpit ni Sherry ang sarili, nalungkot ang ekspresyon niya habang nagsasalita, “Hindi ako makapaniwalang ganoon pala si Yasmine. Pinagtanggol ko siya nitong nakaraan, pero ngayon nakikita ko kung gaano ako kawalang muwang. “Malinaw na ngayon kung bakit ka galit na galit noong oras na iyon. Hindi ko akalain na ganoon siya kalupit. Kamuhi-muhi siya.” “Bale natatandaan mo ba nung isang araw nung sinabi mo at ng iba pa kung gaano kamali para sa’kin na patayin siya dahil lang sa nahanap niya ang pag-ibig? Asan na yung ganoong mindset, ha?” panunuya ni Ryan. Namula ang mukha niya sa kahihiyan. “Hindi ko alam na may ganoong side pala siya. Hindi siya ang taong inakala ko.” “Nakakalungkot na ngayon ko lang napagtanto. Nakakulong na tayo dito, hinihintay ang katapusan natin. Nga pala, puwede ba akong magtanong?” Ang kumikislap na apoy ay nagbigay ng banayad na ningning sa kanyang magandang mukha. Tila naligaw siya sa pag-iisip. Bahagyang nakaawang ang kanyang bibig na parang may gustong sabihin ngunit nagpipigil. Kahit sinubukan niyang magsalita, natahimik siya sa huli. “Sige, sabihin mo na ang nasa isip mo,” kaswal na sabi ni Ryan. Mas lalong namula ang pisngi ni Sherry bago siya nagbitaw ng salita. Tapos, nahihiya siyang tumingin sa lalaki. “Bale, anong nasa isip mo?” ulit ng lalaki. “Hay, napaka-clueless mo minsan!” bulalas niya, halata ang kanyang pagkadismaya. “Kalimutan mo na, hindi naman importante.” Parang ipinagkikibit-balikat niya ang pagkailang ng pagtatanggol kay Yasmine. Napangiwi siya at hinimas-himas ang tiyan niya. “Parang tadhana ang nagdala sa atin dito nang pareho tayong nahulog sa bangin. Walang saysay kung mag-aaway pa tayo. Ang pinakamainam para manatili tayong mabuhay ay magsanib-puwersa,” dinahilan niya. Sinulyapan ni Ryan si Sherry at sinabing, “Mukhang sa wakas ay natauhan ka na.” Naiilang siyang tumawa habang ang kamay niya ay nasa gutom na tiyan. Dahan-dahan siyang lumapit at hinigit ang braso ng lalaki. “Ngayong natauhan na ako, pwede mo ba akong tulungang maghanap ng makakain? Hindi pa ako kumakain simula kagabi, at tubig lang ang ininom ko. Nagugutom na ako ngayon.” Pagkabanggit pa lang niya niyon ay biglang kumulo ang tiyan ni Ryan. Matagal na rin mula nung huling kumain siya, at ang tiyan niya ay kumakalam sa gutom. Inutusan niya si Sherry na panatilihin ang apoy sa pamamagitan ng pagsira ng mga sanga at pagdaragdag nito sa apoy. Kasabay nito, naglibot siya upang galugarin ang kuweba para sa anumang makakain. Ang kanyang unang likas na kutob ay nagdala sa kanya sa gilid ng tubig, kung saan siya umaasa na makakahanap ng ilang isda o kuhol. Habang humihigop siya, nakaramdam siya ng ginhawa. Pamilyar ang lasa ng tubig, parang ang simpleng mineral na tubig na minsan niyang nainom, na may bahagyang tamis. Matapos mapawi ang kanyang uhaw, nagsimula siyang maghanap ng makakain. Nakalulungkot na ang lawa ay malinaw pero walang isda, na may mga nakakalat na kuhol sa mga gilid nito. Inipon niya ang mga ito at inihagis sa apoy upang ihawin. Pagkatapos ng lahat, nag-aalok ang mga ito ng disenteng mapagkukunan ng protina. Gayunpaman, alam niyang hindi sapat ang ilang kuhol para maibsan ang kanilang gutom. Habang patuloy siya sa paghahanap ng makakain, nabawasan ang pag-asa niya dahil parang walang nakakain sa paligid. Pagkatapos, sa sandali ng biglaang pagkakaroon ng ideya, binaligtad niya ang isang malaking bato malapit sa lawa at natuklasang natatakpan ito ng lumot. Naalala niya ang ilang payo sa survival na nabasa niya online. Nalaman ni Ryan na ang anumang lumot na karaniwang makikita sa mga malinis na lugar ay nakakain at malamang na hindi nakakasira ng tiyan. Dahil sa kanilang mahirap na kalagayan, ang anumang ligtas na makakain ay isang biyaya. Kaya naman, masigasig niyang kinaskas ang bawat tagpi ng lumot na makikita niya. Pagkatapos, hinugasan niya itong maigi sa kalapit na tubig bago ibinalik sa umaalab na apoy. Nag-ipon din siya ng dakot na dahon, kinukuskos ito para malinis bago nilalagyan ng lumot sa ibabaw. Pagkatapos, itinapat niya iyon sa kanyang bibig. Pansamantalang hindi niya pinansin ang panlasa dahil priyoridad niya ang maibsan ang kanyang gutom. Sa bawat masaganang subo, naramdaman niya ang pagbawas ng kanyang gutom at pagbawi ng kanyang lakas. Nakapagtataka, ang lasa ay hindi kasing pangit gaya ng inaasahan niya. Habang kumakain si Ryan ng lumot ay napaawang ang bibig ni Sherry sa gulat. Pagkaraan ng ilang saglit, natigilan siya at nagtanong, “Anong kinakain mo?” Nang matapos niya ang huling kagat, sa wakas ay nakaramdam siya ng pagkabusog sa kanyang tiyan. Sagot niya, “Lumot. Ang dami kong nakitang ganito. Kung nagugutom ka, kumuha ka na lang.” Dati siyang travel blogger. Bagama’t hindi siya sikat, ang kanyang alindog, kaaya-ayang kalikasan, at husay sa pang-aakit ay nagbigay sa kanya ng malaking fanbase ng mga lalaki at disenteng kita. Hindi pa siya nakakain ng ganito kasimple sa buhay niya. Nang marinig niya ang salitang “lumot”, bakas sa mukha niya ang pagkasuklam. “Nakakain ba ‘to? Parang ang dumi ehh.” Tinignan siya ni Ryan mula sa gilid ng mga mata. “Tumingin na ako. Bukod sa lumot, walang nakakain dito. Kung ayos lang sa’yo magutom, sige. Hindi kita pipilitin.” Kasabay nito, hinawakan niya ang mga inihaw na kuhol at mabilis na nilamon ang tatlo. Matapos magtiis ng kagutuman sa loob ng mahabang panahon, maging ang mga kuhol ay tila kahanga-hangang katakam-takam. Sandaling nag-alinlangan si Sherry, pagkatapos ay bumigay sa kanyang gutom. Sumandok siya ng dalawang kamao ng lumot at nilamon iyon nang hindi nginunguya. Pagkatapos, tumakbo siya patungo sa malapit na pond at nilamon ang lumot kasama ng tubig na parang umiinom ng gamot. Sa kabila ng kanyang unang pag-aatubili, naubos niya ang lahat ng lumot. Ngayon ang kanilang gutom at uhaw ay napawi at ang nakaaaliw na init ng apoy ay pumapaligid sa kanila, nakahanap sila ng panandaliang kapahingahan mula sa nagbabantang kamatayan. Hindi nag-aksaya ng panahon si Ryan upang ipagpatuloy ang kanyang paghahanap ng paraan para makaalis mula sa kuweba. Malinaw sa kanya na hindi isang opsyon ang magtagal dito nang walang katiyakan. Ang kumakaluskos na apoy, na pinalakas ng sanga ng puno na hinugot niya sa kanyang pagkahulog, ay tatagal lamang hanggang bukas ng umaga. Kaya naman, kailangan nilang humanap ng paraan bago iyon, kung hindi, nakataga na sa bato ang kanilang kapalaran. Sumenyas si Ryan kay Sherry na samahan siya habang sinisimulan nila ang kanilang paghahanap ng labasan. Sa loob ng kuweba, tumalbog ang kanilang mga tinig sa mga dingding, pinupuno ang espasyo ng mga dayandang. Lumusot sila sa bawat sulok at siwang, ngunit ang bawat landas na kanilang ginalugad ay nauwi sa wala. Habang bumabaon ang realisasyon, bumalot sa kanila ang matinding katahimikan. Alam ni Ryan na selyado na ang kanilang kapalaran kung walang daan palabas o magliligtas sa kanila. Naintindihan din ni Sherry ang bigat ng sitwasyon nila. Bagama’t walang palitang salita, lumapit ang babae na may maputlang mukha sa kanya para ikonsuwelo siya. Pagkatapos galugarin ang kuweba, natagpuan nila ang kanilang sarili muli sa tabi ng apoy, kung saan sila nagsimula. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila sa pagkakataong ito, ni hindi sila nagpapalitan ng mga salita. Nakahiga siya sa lupa habang nakapatong ang ulo sa mga kamay. Nang magsisimula na siyang umidlip, napukaw siya ng mahinang paghikbi. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang umiiyak si Sherry. “Bakit ka umiiyak?” Napakunot ang noo ni Ryan at naiinip na nagtanong, “Hindi pa natin katapusan ‘to. Puwede pa tayong maghanap ng labasan bukas ng umaga.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.