Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 9

Iminungkahi ni Clara, “Mag-usap na lang tayo sa WhatsApp.” Likas na sagot ni Yohan, “Mabagal akong mag-text.” “Pwede ka namang magpadala sa’kin ng voice messages anumang oras o tumawag. Huwag mong sabihin sa akin na hindi mo alam kung paano gumamit ng WhatsApp.” Nanigas si Yohan. “Iniisip ko na dapat nating iwasang makipag-ugnayan sa isa’t-isa hangga’t maaari.” Sumagot si Daniel sa pamamagitan ng paghampas sa batok ni Yohan. Sa kasamaang palad, wala siyang pisikal na anyo, kaya hindi nagkaroon ng reaksyon si Yohan sa batok. Para magdagdag pa ng karagdagang insulto, tumagos pa ang kamay ni Daniel sa ulo ni Yohan. Sanay na si Clara sa mga ganitong eksena. Hindi man lang siya tumawa sa kabila ng eksena. “Mahal kong apo, huwag kang makinig sa pasaway na ‘yan! Kontakin mo lang siya kung may nangyari at humingi ka ng tulong niya. Tiyak na kikilos siya. “Hayaan mong sabihin ko ito—malambot ang puso ng pasaway na ‘yan sa kabila ng suplado niyang pag-uugali. Responsable siyang lalaki. Ngayon pinakasalan ka niya, ikaw na ang asawa niya. Talagang hindi ka niya iiwanan.” Nais sabihin ni Clara kay Daniel na hindi niya kailangan ang tulong ni Yohan sa anumang bagay, ngunit nagawa niyang pigilan ang kanyang dila. “Hindi kita iistorbohin, Mr. Morris. Mahalaga ang oras mo, tama? Kung ganoon, pwede na ba akong umalis? Ayoko nang sayangin pa ng pinakamamahal mong oras.” “Iyon lang.” Kinuha ni Clara ang baso at humigop dito. Pagkatapos, ibinaba niya ito at bumangon. “Aalis na ako.” Umungol ulit si Yohan. Hindi man lang siya bumangon para ihatid si Clara sa pintuan. Sa galit, hinampas ulit ni Daniel ang ulo ni Yohan. Pasaway! Ano bang meron sa ugali niya, ha? Lumabas si Clara sa presidential suite nang hindi lumilingon. Agad naman siyang sinundan ni Daniel. Habang naglalakad siya, narinig niyang sinabi nito, “Clara, pakiusap, huwag mong dibdibin ang inasal ni Yohan. Laging ganito ang ugali ng pasaway na iyon—mayabang siya! Noong nabubuhay pa ako, parang gusto ko siyang bugbugin sa tuwing nakikita ko ang kanyang mayabang na pag-uugali.” “Mr. Morris Senior, mahal na mahal mo siya, ano? Nadadala ka lang ng emosyon,” pagturo ni Clara. Masasabi niyang labis na pinapaboran ni Daniel si Yohan. “Buweno...” Nabulunan si Daniel sa mga salita niya. “Siguradong pagagalitan siya ng lola niya! Magreklamo ka na lang sa lola niya; nangangako akong babawi siya para sa’yo! Ay, oo. Buhay pa ang lola niya. Huwag kang mag-alala.” “Mr. Morris Senior, hindi ako galit. Hindi na siya kailangang pagalitan para sa kapakanan ko.” Alam ni Clara na buhay pa ang lola ni Yohan. Ang dahilan kung bakit siya pumasok sa whirlwind marriage noong una pa lang ay dahil sa pagmamaktol nito. “Pero... Pero salbahe siya sa’yo!” Nangangatwiran si Daniel. Napangiti si Clara. “Mr. Morris Senior, nagkatuluyan kami ni Yohan sa pamamagitan ng whirlwind marriage. Bago magparehistro, ni hindi nga namin alam ang eksistensya ng isa’t-isa. Pareho kaming naghihintay sa Diyos na magkaloob ng asawa para sa amin, iyon lang. Ang katotohanang naging mag-asawa kami ay sa pamamagitan lamang ng pagkakataon. “Normal lang naman na ganoon ang pakikitungo niya sa akin. Ilang oras lang naman kaming magkakilala eh. Kung magiging malambing kami, ‘yon ang abnormal. Maniniwala ka ba kay Yohan kung ipagtatapat niya ang pagmamahal niya sa akin?” Umiling si Daniel. Sagot ni Clara, “Nakikita ninyo na ang punto ko?” Natahimik sandali si Daniel. Pagkatapos, iniba niya ang usapan. “Clara, saan ka nakatira?” “Nakatira ako sa Nameless Mountain.” “Masasabi kong lugar iyon kung saan nagsasanay ng martial arts ang mga taong gustong mapag-isa.” Namula si Clara. “Mr. Morris Senior, hindi ako bihasa sa martial arts. Mahirap lang ako.” “Galing ka sa pamilyang Morris! Paano ka magiging mahirap? Sa nakikita ko, isa kang mabuting babae na napapalibutan ng malaking swerte! Bagay ka sa apo ko, panigurado! Kung kailangan mo ng pera, sabihin mo lang sa akin, ibibigay ko sa’yo ang lahat ng pera sa mundo.” Ilang taon nang patay si Daniel. Paminsan-minsan, nagagawa niyang magpalit sa kanyang pisikal na anyo, ngunit walang sinuman sa kanyang mga mahal sa buhay ang nakakakita sa kanya. Kaya naman walang kumausap sa kanya. Bihira lang siyang makabangga ng taong makakakita sa kanya, at hindi pa ito natatakot sa kanya. Tuluyan nang nakalimutan ni Daniel na isa siyang multo dahil sa kasiyahan ng usapan nila ni Clara. Nangako pa siya dito na bibigyan niya ito ng pera para mabuhay. Huminto si Clara sa harap ng elevator. Tapos, lumingon siya para tignan si Daniel na natutuwa. “Mr. Morris Senior, ang pera na ibibigay ninyo sa akin ay pera para sa kabilang buhay. Paano ko iyon magagamit? Marahil ay hihingi ako ng pera mula sa inyo pagkaraan ng halos isang siglo o higit pa kapag sa wakas ay bumisita ako sa kabilang buhay bilang multo.” Ngumisi nang nakakaloko si Daniel. “Ay, oo nga pala! Nakalimutan kong patay na ako dahil sa sobrang saya ng usapan natin! Bibisitahin ko ang mga panaginip ni Yohan ngayong gabi at tuturuan siyang bigyan ka ng itim na card para makagastos ka ng kahit magkano. “Ipapaalam ko sa’yo na ang mga personal na ari-arian ni Yohan ay umabot na sa daan-daang bilyong dolyar! At saka, kaming mga Morris ay nagmula sa sinaunang pera! Huwag kang mag-atubiling gugulin ang pera namin nang hindi nag-aalala tungkol sa anumang bagay.” “Salamat, Mr. Morris Senior, pero hindi ko kailangan iyon. Sanay akong gumastos ng pera na kinikita ko. Siya nga pala, dapat ka nang bumalik ngayon. Kung hindi, mawawalan ka ng mga binti. “ Tinuro ni Clara ang mga binti ni Daniel. Ang mga bahagi sa ibaba ng kanyang mga binti ay nagiging transparent dahil masyado siyang gumala palayo sa relo. Ang kanyang kaluluwa ay malamang na umasa sa relo ni Yohan upang mapanatili ang kanyang sarili. Hindi alam ni Clara ang eksaktong dahilan kung bakit, ngunit hindi siya interesado. Siya ay lubos na naniniwala na ang lahat ay may sanhi at epekto. Gaya ng inaasahan, tumingin si Daniel sa kanyang mga binti. “Anak ng tinapa! Transparent na naman sila! Paalam, Clara!” Pagkatapos nito, bumalik siya sa presidential suite. Habang tumatakbo siya, nagsimula na namang lumitaw ang kanyang mga binti. Nang bumukas ang pinto ng elevator, pumasok si Clara sa loob. Sa sandaling umalis siya, si Yohan at ang mga bodyguard ay humakbang patungo sa elevator. Wala na si Daniel noon. Bumalik na siguro siya sa relo. Mukhang may gustong sabihin si Bruce. Nang mapansin ni Yohan ang kakaibang ugali nito, lumingon siya para matalim itong sulyapan. Naalarma, mabilis na sinabi ni Bruce, “Sir, nang lumabas si Ms. Fowler sa suite, parang may kausap siya. Tumigil lang siya sa pagsasalita pagkapasok niya sa elevator.” Lumalim ang tingin ni Yohan. Walang nakakaalam kung anong sinasabi nito. “Hindi mo ba alam na may tinatawag na ‘monologue’?” tanong niya. Natahimik si Bruce. Pakiramdam niya ay hindi naman nagmo-monologue si Clara. Parang may kausap itong ibang tao. Ngunit kahit gaano pa niya palakihin ang kanyang mga mata ay hindi niya makita ang ibang taong naglalakad kasama si Clara. Kinausap ba talaga ni Clara ang sarili niya? Naalala ni Yohan ang sinabi ni Bruce noong tila may kausap si Clara habang binuhusan niya ito ng baso ng tubig. Ngunit sila lang ang nasa suite, at hindi man lang niya ito kinausap. Hindi kaya nabuang na si Clara? Nasisiyahan ba siya sa pakikipag-usap sa sarili na parang baliw na babae? Muli, labis na pinagsisihan ni Yohan ang kanyang desisyon. Nagsisi siya sa pagsisikap na lumaban kay Bonnie at pakasalan si Clara nang hindi ito kinikilala nang masinsinan. Bagama’t maaari na siyang magsampa ng diborsiyo kaagad, alam niyang sisimulan siyang hikayatin ni Bonnie na magpakasal muli sa ibang babae kapag natuloy ang diborsyo. Sa totoo lang, sawa na siya sa pagmamaktol nito. Napagkasunduan nila ni Clara na ilihim pa rin ang kanilang kasal. Hindi niya tinanong kung saan siya nakatira, at hindi siya nag-abalang tanungin siya ng ganoon. Sila ay mga estranghero pa rin na hindi nakikialam sa buhay ng isa’t-isa, at wala rin silang planong guluhin ang isa’t-isa. Kahit na talagang baliw na babae si Clara, hindi siya nito maaapektuhan sa anumang paraan. Kung meron man, ang presensya ng babae ay nagsilbing magandang panangga mula sa pagmamaktol ni Bonnie. Nang ganoon lang, nakalimutan agad ni Yohan ang lahat ng panghihinayang. Hindi, hindi niya pinagsisihan ang desisyon niya. Siya si Yohan Morris, ano ba naman! Paano niya magagawang pagsisihan ang desisyon niya? Wala siyang pinagsisihan sa buhay! Pagkalabas ng Sunville Hotel, mabilis na nagmaneho si Clara pabalik sa Nameless Mountain. Meron pa siyang 4000-salitang kabanata na dapat ilabas, pagkatapos ng lahat. Siguro ay makakauwi siya mga pasado alas kwatro. Kung siya ay magmadali, maaari siyang mag-upload ng bagong kabanata bago ang oras ng hapunan. Sa ganoong paraan, makakapanood siya ng TV habang nakayakap sa kanyang pusa sa gabi. Ahh... Nakakarelaks na buhay. Sa kasamaang palad, ang mga plano ay ginawa upang masira. Naipit sa traffic si Clara pauwi. Nang makarating siya sa bahay ng mga Caddel, 6:00 na ng gabi. Papatabain na sana ni Lilia ang mga tinanim na gulay nang makita niya ang sasakyan ni Clara. Kaya naman, inilapag niya ang balde ng compost.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.