Kabanata 5
Nagsisimula nang gumuho ang ekspresyon ni Yohan. Natahimik siya saglit bago umiling. “Hindi.”
“Kung gayon...” Si Bonnie ay mukhang handa nang makarinig ng ilang tsismis. Gusto niyang malaman kung paano nagawa ng kanyang bagong apong babae na pumasok sa kotse ni Yohan at kumbinsihin itong pakasalan siya.
“Narinig niya ang usapan natin sa phone. Pagkatapos... umusad ang mga bagay hanggang sa puntong ito.”
Natigilan si Bonnie, bilang panimula. Hindi niya akalain na magiging ganoon ang mga pangyayari.
Maya-maya pa, nagawa niyang magising sa kanyang pagkatulala. Tinanong niya si Yohan, “At nakisakay ka naman?”
Lalong nagdilim ang ekspresyon ni Yohan. Ayaw niyang sumabay sa agos, ngunit narinig ni Clara ang lahat ng sinabi niya kay Bonnie sa phone. Tinanong pa siya nito kung meron siyang isang salita. Siyempre, kailangan niyang linawin na palagi niyang tinutupad ang pinagkakasunduan.
Pagkatapos noon, sinabihan siya ni Clara na irehistro ang kanilang kasal nang may tuwang-tuwang tono. May sinabi ito tungkol sa paghihintay sa Diyos na bigyan din ito ng mapapangasawa.
Si Yohan ay kasalukuyang binabalot ng matinding panghihinayang. Sinong mag-aakala na siya, si Yohan Morris, ay mamanipulahin para magpakasal sa isang babae!
“Lola, may isang salita ako.”
Tawa ng tawa si Bonnie sa sinabi ni Yohan. Tawa siya ng tawa hanggang sa puntong wala na siyang pakialam sa itsura niya.
“Sobrang nakakatawa! Hindi ako makapaniwalang nangyari sa’yo ‘to, Yohan! Iyan ang napala mo sa kakatanggi mong makipag-blind date at pilit na pagsuway sa akin!
“Masaya ka na ngayon, tama? Kung tutuusin, niligtaan mo ang lahat, diretso kasal na! May sarili ka pang marriage certificate! Sinong mag-aakala na isa ka lang single, walang nagkakagustong lalaki na walang girlfriend kaninang umaga!”
Matamlay na tinitigan ni Yohan si Bonnie. Ang pagiging lalaki na may isang salita ay ang unang dahilan. Ang pangalawang dahilan ay gusto niyang gawing mahirap ang mga bagay para kay Bonnie.
Dahil sa katigasan ng ulo niya, opisyal na siyang ikinasal.
“Nasaan ang apo ko? Bakit hindi siya pumunta dito kasama mo pagkatapos magparehistro?”
Nang kumalma si Bonnie, agad siyang nagkaroon ng matinding interes kay Clara.
Matipid na sagot ni Yohan, “Umalis siya pagkatapos niyang makuha ang marriage certificate.”
“Hindi siya nagtanong tungkol sa pamilya mo o sa address mo?”
“Hindi.” Naalala ni Yohan ang inasal ni Clara. Parang naghihintay ito sa labas ng City Hall. Hangga’t maaari nitong makuha sa mga kamay nito ang sertipiko ng kasal, magpapakasal ito sa halos kahit sinuman.
Nayamot si Yohan sa palaisipang iyon.
“Kung gayon, nasaan ang kanyang address?” tanong ni Bonnie.
“Hindi ko alam.”
“Talagang whirlwind marriage nga...”
Saglit na tinitigan ni Bonnie ang litrato ni Clara sa phone ni Yohan. “Kung tutuusin, ang itsura ng bago kong apo ay bagay sa’yo. Nakikita kong kumikislap ang mga mata niya. Sa pangkalahatan, kampante naman ako sa kanya.
“Clara Fowler... Maganda rin ang pangalan. Mukha siyang elegante at nakakuha ng maayos na edukasyon. Buti na lang alam natin ang pangalan niya. Pwede ko siyang paimbestigahan ngayon mismo. Teka, hindi. Hindi dapat ako ang gumagawa noon—kailangang ikaw ang gumawa noon.
Gusto ni Bonnie na utusan ang kanyang mga koneksyon na imbestigahan si Clara, ngunit mabilis niyang inalis ang kaisipang iyon. Mas gusto niya kung si Yohan na lang ang mag-iimbestiga.
Kung tutuusin, hindi nararapat para sa asawang lalaki na walang alam tungkol sa kanyang asawang babae.
“Hindi na kailangan niyan. Maghahain na kami ng divorce sa lalong madaling panahon.”
Kinuha ni Yohan ang sertipiko ng kasal at ang phone mula sa mga kamay ni Bonnie bago ito isinilid sa kanyang mga bulsa. Pagkatapos, bumalik siya sa mesa niya.
“Masaya na kayo ngayon, tama? Hindi ninyo na ako kailangang pilitin pang magpakasal. Pwedeng iba na ang pag-initan ninyo.”
“Huwag kang maglalakas-loob na makipag-divorce! Hindi mo pwede gawin iyon hangga’t hindi pa umaabot ng isang taon ang kasal ninyo!”
Nais ni Bonnie na bigyan ng isang taon si Yohan para makilalang mabuti si Clara. Kung may romansang mamagitan sa kanila, ang kanilang pagsasama ay magtatagal ng mahabang panahon. Ngunit kung hindi sila magkasundo, maaari silang kumuha ng diborsyo kapag natapos na ang isang taon. Sa ganoong paraan, hindi masasayang ang kanilang kabataan sa piling ng isa’t-isa.
“Kailan mo iaanunsyo ang kasal mo?”
“Anong dapat ianunsyo? Gusto ninyo bang pag-initan siya ng media?”
Bilang asawang lalaki, ang alam lang ni Yohan tungkol sa kanyang asawang babae ay ang katotohanan na ang pangalan nito ay Clara Fowler. Wala siyang ibang alam tungkol sa babae. Aba, wala nga siyang numero nito sa phone.
Muli, anong dapat ianunsyo?
Ngumiti si Bonnie. “Bale, sinasabi mong gusto ninyong mapanatiling sikreto ang kasal ninyo, tama? Gawin mo ang kahit anong gusto mo, kung ganoon. Bagaman nagkakilala kayo sa pamamagitan ng whirlwind marriage, itinadhana pa rin ito. Ang mga itinadhanang tao lamang ay ang nakatakdang makipagkita muli sa isa’t-isa. Gusto kong makita kung hanggang kailan ninyo maitatago ang inyong pagsasama.”
Kinuha niya ang baso niya at humigop ng dalawang beses mula rito. Pagkalapag nito ay bumangon siya.
“Ipagpatuloy mo na ang trabaho mo. Aalis na ako.”
Hindi man lang nagtaas ng ulo si Yohan. “Paalam, Lola.”
Halos tanghali na noon. Nakatutok si Yohan sa kanyang trabaho pagkatapos noon. Maya-maya, oras na ng tanghalian.
Ang kanyang tahanan ay matatagpuan 20 minuto ang layo mula sa kumpanya. Kadalasan, hindi na siya umuuwi para kumain. Sa halip, mamagmaneho siya papunta sa Sunville Hotel, na matatagpuan limang minuto ang layo mula sa kumpanya kung magbibiyahe siya roon sakay ng kotse.
Ang Sunville Hotel ay isa sa mga negosyo ng Morris Corporation. Isa rin ito sa mga pinakamarangyang hotel sa Donford City.
Si William, pati na ang apat na propesyonal na bodyguard, ay naghihintay sa kanya sa lobby. Nang mapansin si Yohan na papalabas ng eksklusibong elevator ng CEO, agad siyang nilapitan ni William.
Alam ni Yohan na may sasabihin si William. Sinulyapan niya si William nang hindi tumitigil sa paglalakad.
Naglakad si William sa tabi niya habang bumubulong, “Sir, andito na si Mrs. Morris. Hinihintay ka niya sa entrance.”
Agad na napatigil si Yohan sa kanyang kinatatayuan. Nakakunot ang noo niya habang nakatagilid ang ulo para tingnan si William. Malamig at malalim ang kanyang tingin gaya ng dati.
Nakaramdam si William ng panginginig sa kanyang gulugod. Hindi siya ang nagpatawag kay Clara dito. Bakit ganoon ang titig ni Yohan sa kanya?
Diyos ko, sa sobrang takot niya ay may namumuong malamig na pawis sa kanyang likod!
Siya lang ang nakausap ni Clara noong ikasal sina Clara at Yohan. Kahit ang mga personal bodyguard ni Yohan ay hindi alam ang eksistensya ni Clara. Kaya naman kailangan niyang maghintay sa lobby para lang ipaalam kay Yohan ang pagdating ni Clara.
“Anong ginagawa niya dito?” malamig na tanong ni Yohan. “Paano niya nalaman na nandito ako?”
Siya at si Clara ay hindi kailanman nagtanong sa isa’t-isa ng anumang mga katanungan na may kaugnayan sa isa’t-isa. Paano napunta si Clara dito?
Umiling si William. “Hindi ko alam. Minamaneho pa rin ni Mrs. Morris ang parehong sasakyan na nakita natin kaninang umaga. Nakaparada ang sasakyan sa labas ng entrance. Pagkababa niya ng sasakyan, sumandal siya sa hood habang nasa bulsa ang mga kamay. Nanatili lang siyang nakatitig sa gusali habang mukhang kalmado. Sa tingin ko... hinihintay ka niya, sir.”
Napakunot ng noo si Yohan. Bigla na lang siyang nagsisisi sa naging desisyon niya.
Nanghihinayang siyang nagpakasal siya sa isang estranghero nang pabigla-bigla. Kung tutuusin, wala siyang alam tungkol sa babae.
Nasanay na si Yohan na nasa ilalim niya ang lahat. Hindi niya gusto ang pakiramdam na ito ng kawalan ng kakayahan.
Nag-isip siya ng ilang saglit bago binigay ang mga utos niya kay William. “Magmaneho ka papalayo sa kumpanya mamaya. ‘Wag mo na lang siyang pansinin.”
Ayaw ni Yohan na malaman ng lahat na ang babaeng naghihintay sa kanya sa labas ng kumpanya ay asawa niya.
Hindi alam ni William ang sasabihin.
Sinamaan lang ng tingin ni Yohan si William.
Dahil sa gulat, mabilis na sumagot si William nang may paggalang, “Masusunod, Mr. Morris.”
Pagkatapos noon ay lumabas na ng kumpanya si Yohan. Sumunod naman ang mga bodyguard niya. Pinunasan ni William ang kanyang noo bago nagmamadaling sumunod sa kanila.
Totoong naghihintay si Clara sa labas ng Morris Corporation. Pero hindi niya hinihintay si Yohan.
Ang totoo, hindi niya alam na si Yohan pala ang CEO ng Morris Corporation. Habang pauwi, nakatanggap siya ng tawag mula kay Evelyn.
Nalaman ni Evelyn mula kay Lilia na nasa siyudad si Clara nang araw na iyon. Kaya naman, tinawagan niya si Clara at inimbitahan ito para sabay silang kumain ng tanghalian.
Nagkataon namang empleyado ng Morris Corporation si Evelyn. Ito ang dahilan kung bakit nagpakita si Clara sa pasukan ng kumpanya.