Kabanata 7
Ang halaga ng mga medical text ay hindi nasusukat, at ang bawat pahina ay hindi mabibili ng salapi.
Natagpuan ito ni Felicia noong siya ay sampung taong gulang. Bagama't kupas na at halos hindi mabasa ang cover, naiintindihan niya pa rin ang hindi mawaring nilalaman at mga diagram ng acupuncture.
Noon, sobrang hilig niya sa libro kaya nakalimutan niyang magluto ng hapunan, na nagresulta sa paghila sa kanya ni Howell sa tenga at pagpalo sa kanya, habang si Tabitha ay inagaw ang libro at itinapon ito sa apoy.
Matapos tiisin ang mga pambubugbog, pinalayas na ni Shawn si Felicia sa bahay pagkatapos niyang ihanda ang hapunan. Ito ang naging parusa niya sa ginawa niyang pag gutom sa kanila.
Ang gabing iyon ay isang napakalamig na gabi ng taglamig, na may mga temperatura na bumababa sa negative two degrees. Si Felicia ay nakayuko sa ilalim ng mga ambi at halos mamatay na sa yelo. Habang siya ay nawalan ng malay, tila nabuhay sa kanyang isipan ang medical book na kanyang kabisado.
Sinubukan ito ng paunti-unti, nagulat siya nang matuklasan niyang kaya niyang magsagawa ng acupuncture sa kanyang sarili. Mula sa sandaling iyon, sa tuwing may oras siya, papasok siya sa focused na estadong iyon, gumugugol ng walong taon na ganap na pinagkadalubhasaan ang lahat ng nasa medical book na iyon.
Habang nakapikit, ilang beses niyang nireview ang mga acupuncture technique. Hindi nagtagal, pasado alas dose na ng hatinggabi nang tuluyan na siyang nakatulog.
Kinaumagahan, nagising siya ng alas-sais, nang magsimulang magbukang-liwayway. Pagkaalis niya sa kama, inayos niya nang maayos ang kanyang higaan. Gayunpaman, habang tinitingnan niya ang perpektong pagkakaayos ng mga kumot, natigilan siya.
Sa kanyang nakaraang buhay, nang pekein ni Kayla ang sariling pagkamatay nito sa pamamagitan ng pagtalon sa dagat, si Felicia ang naging scapegoat, at ipinadala siya sa bilangguan ng kanyang kasintahang si Arnold. Sa isang kaswal na "mag-iingat ka," siya ay pinahirapan hanggang sa hindi na siya makilala.
Ang mga alaala ng apat na taon sa bilangguan ay nagbalik-balik—kahihiyan, pagtorture, at sakit na sumisigaw sa langit nang walang sagot. Biglang hinila ni Felicia ang mga cover.
Hindi ito ang nakaraan. Walang nakaraan. Hindi na siya ang tupa sa katayan. Sa buhay na ito, ang lahat ng mga patakaran ay itatakda niya, at ang lahat ng mga batas ay isusulat niya.
Pagkatapos mag-ayos ng sarili at pakalmahin ang kanyang emosyon, tuluyang bumaba si Felicia. Sa ganitong oras, tulog pa rin sina Dexter at Myra. Tanging ang mga abalang katulong ang nasa baba na naghahanda ng almusal at naglilinis.
Nang makita ng mga katulong si Felicia, nagpalitan sila ng tingin, saka bahagyang yumuko, magalang na binati siya, "Good morning, Ms. Fuller."
Tumango si Felicia bilang pagsang-ayon.
Aalis na sana siya, napansin niya ang isang batang maid na nanunuya sa kanya, umiirap ang kanyang mga mata at nanunuyang bumubulong, "Hmph, akala ng ligaw na gansa ay sisne siya. Dapat alam niya ang lugar niya!"
Mahina ang komento, ngunit sapat na tahimik ang mansyon para marinig ni Felicia.
Huminto siya, mahinang tumawa, na nagsasabing, "Nakikita kong hindi ka masaya tungkol dito, ngunit ano ang maaari mong gawin tungkol dito?"
Namula ang mukha ng maid, hindi makasagot. Sa katunayan, gaano man niya kaayawan si Felicia, ito pa rin ang lehitimong tagapagmana ng pamilya.
Sa sandaling iyon, si Nora Hall, isang matandang maid, ay nagmamadaling lumabas ng kusina nang marinig ang kaguluhan. Mabilis siyang humingi ng tawad, "Patawad, Ms. Fuller. Ito ang aking pamangkin, si Holly. Siya ay bata pa at kulang sa kaalaman. Tuturuan ko siya ng maayos. Pakiusap, wag sana sumama ang loob niyo!"
Hindi magtatanim ng sama ng loob si Felicia sa isang bagay na walang kabuluhan, lalo na't si Holly White ang tauhan ni Kayla. Sa kanyang nakaraang buhay, tinulungan niya si Kayla sa maraming mga pakana. Maaaring maging kapaki-pakinabang pa rin ang pagpapanatili sa babaeng ito.
Nang makaalis si Felicia, pumadyak si Holly gamit ang kanyang paa, mukhang masama ang loob. "Isang taga-labas lang siya mula sa probinsya. Talaga bang iniisip niya na mataas na siya dahil lang napadpad siya dito? Ugh!"
"Tumahimik ka!" Malamig na saway ni Nora sa kanyang pamangkin. "Tandaan mo ang lugar mo. Isang maid ka lang. Kapag nag salita ka ulit ng wala sa lugar kay Ms. Fuller, hindi na kita poprotektahan!"
"Pinagtatanggol ko lang si Ms. Kayla! Minahal siya ng maraming taon, bakit niya kailangan isuko ang lahat para lang dito sa probinsyana na ito?" Ngumuso si Holly. "Hindi ko talaga alam kung ano ang iniisip ni Mr. at Mrs. Fuller!"
Galit na galit, pinagalitan siya ni Nora, "Ipapaalala ko sayo ng huling beses. Isa ka lang maid. Huwag mong isipin na dahil isa't kalahating taon ka na rito ay kaya mong kumilos na parang pagmamay-ari mo ang lugar. Wala kang karapatan!
"At kung ayaw mong magtrabaho dito, umalis ka na lang. Huwag mo akong kaladkarin pababa!"
Sa isang mabagsik na ekspresyon, bumalik si Nora sa kusina, na lalong napuno ng pagsisi dahil dinala niya ang kanyang makulit na pamangking babae sa Fuller residence. Sa kabila ng kanyang kakulangan ng mga kasanayan, si Holly ay may ugali at nangahas na makialam sa mga bagay ng pamilya Fuller.
Matapos pagalitan, ngumuso si Holly, pinawalang-bisa ang babala. Sa halip, pinalakas lamang nito ang kanyang determinasyon.
Napakaganda ng pakikitungo sa kanya ni Kayla, binigyan pa niya ito ng isang mamahaling set ng skincare noong nakaraan at tinawag siyang kaibigan. Bilang kaibigan, tutulungan niya si Kayla na tanggalin ang tagalabas na iyon, si Felicia.
…
Hindi pa nakakalayo si Felicia. Napakalaki ng estate, at pagkatapos tumakbo ng ilang laps sa golf course, bumalik siya sa mansyon pagkatapos ng mahigit isang oras na ehersisyo.
Sa oras na yun, medyo late na. Nakaupo si Dexter sa sofa at nagbabasa ng pinakabagong dyaryo habang si Myra ay nasa telepono, malamang kausap ang anak na si Sebastian, na nagtatanong kung kailan ito babalik sa bansa.
Sa kabilang dulo, sumagot si Sebastian na siya ay busy, pagkatapos ay ibinaba ang phone, na nag-udyok kay Myra na sumulyap nang masama kay Dexter. "Siguro natutunan niya yan sa iyo, laging busy para mag-asikaso sa mga bagay-bagay sa bahay!"
Nagprotesta si Dexter sa kanyang pagiging inosente.
Samantala, tinakpan ni Kayla ang bibig para pigilan ang pagtawa, "Dad, umamin ka na lang hangga't kaya mo, bago hilahin ni Mom ang tenga mo!"
Ang mainit at maayos na kapaligiran ay nagdulot ng kaligayahan.
Nakatayo si Felicia sa pintuan, inaalala kung paano, sa kanyang nakaraang buhay, ang eksenang ito ay nagaganap halos araw-araw pagkatapos niyang bumalik sa pamilya Fuller. Kinainggitan niya ito kaya gusto niyang umiyak, nag-ipon ng lakas ng loob na lapitan at pilit na makibagay, ngunit ang pagtawa ay tumigil sa isang iglap.
Ang pakiramdam ng pagiging hiwalay ay palaging tila isang hindi nakikitang hadlang, na pinapanatili siya sa labas. Humugot ng malalim na hininga si Felicia at pumasok sa loob.
Sa sandaling pumasok siya, tila napahinto ang kapaligiran, at tumigil ang pagtawa. Umubo si Dexter at tinupi ang dyaryo.
Nagmamadaling lumapit si Myra para batiin si Felicia, mainit na nagtanong, "Licia, bakit ang aga mo? Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?"
"Oo," sagot ni Felicia.
"Mabuti naman. Mag-almusal ka na!" Sabi ni Myra sabay turo sa mga maid na ilabas ang pagkain.
Naghanda sila ng masaganang almusal. May mga masaganang soup at oatmeal, kasama ang ilang masasarap na sides at mga baked goods.
Sa sandaling iyon, nakatanggap ng agarang tawag si Dexter at nagmamadaling umalis sa kumpanya, naiwan lamang ang tatlong babae sa mesa.
Habang naghahain si Myra ng pagkain para kay Felicia, sinabi niya, "Licia, pagkatapos ng almusal, ihahatid kita sa shopping ng mga damit at alahas. Bibili tayo ng kahit anong gusto mo."
Ang Sunday party ay sa araw pagkatapos ng bukas. Sa napakalaking okasyon, ang mga kilalang tao ng Khogend ay naroon bilang mga guest.
Naningkit ang mga mata ni Kayla habang mabilis na nagtaas ng kamay. "Mom, gusto ko rin sumama!"
"Syempre, kailan ba tayo nagsho-shopping nang wala ka?" Mapaglaro na umirap si Myra kay Kayla, puno ng pagmamahal..
Mataray na sagot ni Felicia, "May gagawin ako, kaya hindi ako makakapunta."
"Anong kailangan mong gawin? Hindi pa nga nagsisimula ang school."
Bago pa makapagsalita si Myra, tumayo si Felicia at sinabing, "Busog na ako. Enjoy kayo sa pagkain."
Pagkatapos, tumalikod siya at naglakad palabas.
Medyo nabalisa si Myra at tinawagan ang driver na si Eugene Nunez para bilisan siya. Maya-maya pa ay pumasok si Holly mula sa labas.
Sinulyapan niya muna si Felicia na may masamang tingin bago malakas na ibinalita, "Si Mr. Arnold Lawson ng pamilya Lawson ay nandito, Mrs. Fuller!"