Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 2

“Anong problema? Hindi na ba ako pwedeng pumunta sa cafeteria para mag-lunch?” Nagkibit-balikat si Carlisle. “Oh, ano ba, bibilhan mo ng lunch si Sarah, tama ba? Bakit hindi mo rin ako bilhan?” Sabi ni Sean sabay irap. “Sige, dadalhan kita pagbalik ko,” Sagot ni Carlisle. Nagpunta siya sa cafeteria dala ang isang libro. “Ikaw…” Nainis si Sean. Hindi ba siya kukuha ng pagkain para sa sarili niya? Pagsapit ng 1:30pm, pumasok sina Sarah at Sienna sa classroom habang nakangiti. “Sean, nasaan si Carlisle?” Tanong ni Sarah. Inalis ni Sean ang earphones niya at naiiritang tiningnan si Sarah. “Hindi ko alam.” “Ugh, sobrang late na, pero wala pa si Carlisle. Gugutumin niya ba tayo?” Sumimangot si Sienna. Samantala, ngumiti naman si Sarah, “Baka pabalik na rin yun.” Habang nagsasalita sila, pumasok si Carlisle sa classroom dala ang isang libro sa kaliwang kamay at dalawang packed lunches sa kanan. Mabilis siyang binati ng dalawa, “Carlisle, maraming salamat.” Napabuntong-hininga na lang si Sean. Wala na talagang pag-asa ang kaibigan niya. Pero, naguguluhan naman si Carlisle. “Salamat para saan?” Nagningning ang mga mata ni Sarah habang sinasabi, “Siyempre, nagpapasalamat kami na dinalhan mo kami ng lunch.” “Hindi ko kayo dinalhan ng lunch!” Nagkibit-balikat si Carlisle. “Okay, okay. Dala mo na ang pagkain. Bakit ka pa nagpapanggap?” Naiiritang sabi ni Sienna. Lumapit siya para kunin ang lunch boxes na hawak ni Carlisle. Mabilis na umatras si Carlisle at bumalik sa upuan niya. “Sean, bilisan mo kumain. May klase na tayo.” “Huh… I… Akin…” Nagulat si Sean at pinagmasdan ang lunch box na binigay ni Carlisle. “Para sa akin talaga ‘to?” “Siyempre, hindi ba’t sabi mo ay dalhan din kita ng lunch kanina?” Sagot ni Carlisle habang nginunguya ang pagkain niya. “Hehe, salamat.” Ngumisi si Sean. Gumaan ang pakiramdam niya kaya nagsimula na siyang kumain. Kumibot ang mga bibig nina Sarah at Sienna habang nakatayo pa rin sa kinatatayuan nila. Para bang masakit ang mga tiyan nila base sa ekspresyon ng kanilang mga mukha. Hindi sila makapaniwala. Kumuyom ang mga kamao ni Sarah at sumimangot. “Carlisle, hindi mo ba narinig ang sinabi ko tungkol sa lunch?” “Narinig ko.” Tumango si Carlisle. “Eh bakit hindi mo kami binilhan ng lunch?” Naiinis na tanong ni Sarah. “Kasi hindi niyo ako binayaran.” Nagkibit-balikat si Carlisle. Nanlaki ang mga mata ni Sarah. Hindi niya kailanman binayaran si Carlisle sa tuwing nagpapabili siya rito ng lunch. Karangalan dapat niya yun, pero ngayon ay nanghihingi siya ng pera. “Kung ganoon, bakit mo dinalhan ng lunch si Sean? Binayaran ka ba niya?” Seryosong tumango si Carlisle. “Nilibre ako ni Sean sa internet cafe kahapon. Kaya naman, dapat ko lang siyang bilhan ng lunch.” “Ikaw…” Hindi makapagsalita si Sarah. Gusto niyang sumagot, pero napagtanto niyang wala pa siyang nabigay na kahit ano kay Carlisle. Halos mabulunan si Sean sa kinakain niya. Inakbayan niya si Carlisle at sinabing, “Carl, pumunta tayo sa internet cafe mamayang gabi. Libre ko.” Umiling si Carlisle at sumagot, “Wala akong oras. Kailangan ko mag-aral.” Nakita ni Sarah na hindi siya pinapansin ng dalawa, pagalit niyang sinabi, “Carlisle, galit ako sa iyo ngayon. Huwag mo na ako abalahin pa sa susunod.” Pagkatapos nito ay mabilis siyang umalis. Tinuro ni Sienna si Carlisle at sinabing, “Carlisle, siguraduhin mong hihingi ka ng tawad kay Sarah ngayong hapon. Hmph! Sarah, hintayin mo ako.” Tiningnan ni Sean si Carlisle at pinayuhan ito. “Carlisle, bawal ka pumunta kahit saan mamayang hapon.” “Saan ako pupunta? Kailangan ko mag-aral mamaya,” Sagot ni Carlisle bago ulit kumagat sa pagkain niya. Pagkatapos ay sinabi niya. “Masarap ‘tong tortang talong sa cafeteria. Tikman mo.” Kumuha agad si Sean sa lunch box at sinabing, “Paborito ko ‘to.” … Ang unang klase pagkatapos ng recess ay math. Nilabas ni Carlisle ang math book niya at pakiramdam niya ay nagbabasa siya ng hieroglyphs dahil sa mga formulas na nakasulat dito. Nanikip ang dibdib niya. Kaya niya ang mga language subjects, pero paano niya aaralin ang math, physics at chemistry? Inalog niya ang utak niya para alalahanin ang huling tanong na lumabas sa math sa SATs niya sa dati niyang buhay. Pagkatapos ng klase, naglakad si Carlisle papunta sa front row dala ang math book niya. Sa front row, inaayos ni Sienna ang bangs niya habang nakatingin sa salamin. Nang makita si Carlisle sa repleksyon nito, siniko niya si Sarah at bumulong, “Sarah, papunta dito si Carlisle.” “Hmph.” Lumingon si Sarah at humalukipkip. Mapagmataas niyang sinabi, “Ano naman? Hindi ko siya agad mapapatawad. Kailangan niyang magbayad sa pang-iinis sa akin.” Sumang-ayon si Sienna at sinabing, “Tama ka diyan.” Kumukulo din ang tiyan niya kaya hindi niya agad mapapatawad si Carlisle. Dumating si Carlisle sa tabi ni Sarah dala ang math book niya. Pero, tumalikod lang si Sarah at naiinis na sinabing, “Hindi ba’t sinabi ko ng huwag mo na akong guguluhin?” Bakit ba siya nagpapanggap? Magmamakaawa pa rin naman ito sa kaniya sa huli. Naghintay siya sandali pero wala siyang nakitang reaksyon mula kay Carlisle. Naguluhan siya at lumingon pero nakita niyang nakatalikod si Carlisle sa kaniya. Nakatayo sa aisle si Carlisle at nakaharap sa class monitor nilang nakaupo sa first row at nakangiti, “Wanda, may itatanong sana ako sa iyo.” Dahan-dahang tumingala ang class monitor na si Wanda Thompson sabay tulak pataas ng makapal niyang salamin. Kumurap siya at nagtanong, “Anong tanong?” Bilang class monitor, handa siyang tulungan ang mga kaklase niyang hindi ganoon kagaling sa pag-aaral. Hindi lang niya matutulungan ang mga kaklase niya, pero mahahasa rin niya ang kaalaman niya. “Ito.” Turo ni Carlisle gamit ang pen niya. Tiningnan ni Wanda ang tanong sa libro. Hindi siya inistorbo ni Carlie at tahimik lang na nakatayo sa gilid. Pagkatapos ng maraming taon, napagtanto niyang hindi niya kailanman naobserbahan si Wanda. Kahit na hindi niya kapantay ang school belle, maganda ang facial features nito at wala kang mapipintasan. Maikli rin ang buhok nito. Sa dati niyang buhay, hindi siya masyadong nakikipag-usap kay Wanda dahil seryoso ito sa pag-aaral habang siya naman ay nakatuon ang atensyon kay Sarah. Ang alam niya lang ay galing ito sa isang mayamang pamilya, at madali itong nakapasok sa Riverland University. Nagtrabaho si Wanda sa kumpanya ng pamilya niya pagkatapos ng graduation at kinaluanan ay nagpakasal. Maituturing din siyang matagumpay sa buhay. Tinikom ni Wanda ang mga labi at matagal na nag-isip. Medyo mahirap ang tanong na ito. Pakiramdam niya ay hindi niya ito kayang sagutin sa loob ng sampung minuto. Tumingala siya at sinabi kay Carlisle, “Um… Carlisle, bakit hindi ko ‘yan ipaliwanag sa iyo pagkatapos ng school? Malapit na kasi magsimula ang klase.” “Sige, salamat, Wanda.” Alam ni Carlisle na mahirap ang tanong, pero naniniwala siyang kayang masagot yun ni Wanda. Tumalikod siya at bumalik sa upuan niya. Hindi makapaniwala si Sienna. Tiningnan niya si Carlisle at saka si Sarah. “Umalis…umalis na lang siya nang ganun? Bakit hindi pa siya humihingi ng tawad?” Tanong niya. Nagngalit ang ipin ni Sarah at malamig na sinabing, “Nahihiya siguro siyang humingi ng tawad sa harap ng maraming tao.” “Talaga?” Nagdududa si Sienna dahil sa tingin niya ay may kakaiba kay Carlisle ngayong araw. Kampanteng nagkibit-balikat si Sarah at sinabing, “Siyempre. Narinig niya sigurong plano kong makapasok sa Riverland University, kaya nag-aaral siya nang mabuti ngayon.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.