Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 1

Dati akong kilalang sunod-sunuran sa buong school, pero nabuhay ako ulit. Sa dati kong buhay, pinabayaan ko ang pag-aaral ko para lang habulin at mapansin ako ni Sarah Gates kaya naman hindi ako pumasa sa admission para sa college. Nalagay din sa alanganin ang kalusugan ko dahil sa sobrang pagda-diet pagkatapos niyang sabihin na, “Ayaw ko sa mga taong matataba.” Habang tinitingnan ko ang pagkadismaya sa mga mata ng tatay ko at mga luha ng nanay ko, hanggang kamatayan ko ay dala-dala ko ang pait. Hindi nagpapakalunod sa pagmamahal ang isang matalinong tao. Dahil binigyan ako ng pangalawang pagkakataon sa buhay, pinapangako ko na sa pagkakataong ito ay mabubuhay ako para sa sarili ko! Hindi ko inaasahan na matataranta ang school belle nang mawalan siya ng loyal na sunod-sunurang katulad ko. ... “Carlisle, basahin mo nang malakas sa klase ang love letter na ‘to!” Galit na sigaw ni Lucy Turner, ang homeroom teacher ng Class 3A sabay bato ng love letter sa mukha ni Carlisle Zahn. “My dearest… Ano ‘to!” Paulit-ulit niyang hinampas ang podium habang sumisigaw sa inis. Humagalpak sa tawa ang mga kaklase niya. Lahat ay nakatingin kay Carlisle. Class 3A? Napaisip si Carlisle kung nag-time-travel siya pabalik sa 2004. Dahan-dahan niyang pinagmasdan ang paligid niya. Nakita niya ang quote na nakasulat sa mabigat na blackboard. "There are no secrets to success. Success comes from the result of preparation, hard work, and learning from failure." Ito ang class slogan nila bago ang SATs. Maririnig ang lumang bentilador na nasa dingding. Nakasuot ng tamang dress code ang mga estudyante sa paligid niya habang tinitingnan siya nang may panghuhusga at panghahamak. Yumuko si Carlisle at tiningnan ang love letter na isinulat niya para kay Sarah isang buwan bago ang SATs. Hindi niya inasahan na i-aaabot ni Sarah Gates ang sulat na ito sa teacher na naging dahilan para maging katatawanan siya sa klase. Sa dati niyang buhay, hindi niya alam kung anong gayuma ang ginamit sa kaniya para maging baliw na baliw kay Sarah. Naging sunod-sunuran siya mula high school hanggang college pati na rin hanggang graduation ni Sarah. Sa huli, sumuko na rin siya nang magpakasal ito sa isang mayamang pamilya. Tiningnan niya si Sarah na nakaupo sa first row. Ngumiti si Sarah, bakas sa mga mata nito ang pandidiri. Binuksan ni Carlisle ang love letter at pinagmasdan ang kaniyang tanga pero mula sa pusong sulat. “My dearest Sarah, pwede ko bang malaman kung saang college ka nag-apply? Gusto ko rin mag-apply sa parehong study at makasama ka habang-buhay…” “Huwag mo nang basahin,” Bulong ng katabi niyang si Sean Woodsen. Tinapik niya ang hita ni Carlisle gamit ang isang ballpoint pen. Nahihiya siya habang pinapakinggan si Carlisle. Pero kaya pa rin itong basahin ni Carlisle sa harap ng ibang tao, ibig sabihin ay makapal talaga ang balat nito. Tumawa si Carlisle. Hindi niya inaasahan na kaya niyang magsulat ng ganitong kabaduyan noong bata siya. “May lakas ng loob ka pang tumawa? Tumayo ka sa corridor!” Nanlaki ang mga mata ni Lucy habang dinduuro si Carlisle. “Sige.” Tinikom ni Carlisle ang mga labi para hindi siya matawa habang naglalakad palabas ng classroom. Pinanood siyang umalis ni Lucy sabay bumuntong-hininga. Sinukuan niya na si Carlisle nang tuluyan. Malapit na ang college entrance exam, pero wala siyang ibang inisip kung hindi pag-ibig. May kinabukasan ba ang estudyanteng katulad niya? Hinila niya pababa ang college admission rate ng klase. Nakatayo si Carlisle sa corridor habang nakapamulsa. Sinimulan niyang alalahanin ang dati niyang buhay. Hindi mayaman ang pamilya niya dahil parehong working-class ang mga magulang niya. Pero, gumastos sila ng malaking pera para pag-aralin siya sa isang prestihiyosong high school. Ang totoo pa niyan, buong high school ay nasa tuition din siya. Pero, ang isang gagong katulad niya ay tumigil sa pagpunta sa mga extra tuition classes noong second year niya ng high school. Ginamit niya ang tuition fee na binigay ng mga magulang niya para ipambili ng mga regalo para kay Sarah. Pero hindi naging sila at bumagsak siya sa kaniyang college admission. Ni hindi makaharap ang mga magulang niya sa mga kamag-anak nila. Sa huli, nagmakaawa sila sa lolo’t lola niya na hanapan siya ng trabaho. Pero, limitado lang ang pagpipilian niya dahil high school diploma lang ang mayroon siya. Sa huli ay umasa siya sa mga koneksyon para makapasok sa isang company na may toxic work culture. Kinailangan niyang magtrabaho mula madaling-araw hanggang gabi. Pero halos lahat ng sweldo niya kada buwan ay napupunta sa mga regalo para kay Sarah. Dahil ayaw ni Sarah sa mga matatabang tao, nagsimulang mag-diet si Carlisle nang nasa 200 pounds ang timbang niya. Pero, hindi siya binisita ni Sarah kahit noong namatay siya, nakakaawa kung iisipin. Pero wala gaanong sama ng loob si Carlisle kay Sarah. Pagkatapos ng lahat, ito pa rin ang babaeng minsan niyang nagustuhan. Pero pagkatapos niyang mamatay sa dati niyang buhay, naging manhid na siya sa maraming bagay. Kahit ang pagkabaliw niya kay Sarah ay naglaho na rin. Ang tanging pagsisisi niya lang ay ang hindi niya pagpasok ng college. Ayaw na niyang makita ulit ang pagkadismaya sa mga mata ng tatay niya at ang mga luha ng kaniyang ina. Walang ganang nag-inat si Carlisle at saka ngumiti. Sapat na ang isinakripisyo niya para kay Sarah sa dati niyang buhay. Ngayon, mabubuhay siya para sa sarili niya. Tumunog ang school belle pagpatak ng recess, nagsimula na rin maglakad palabas ang mga estudyante. Hindi nila mapigilang asarin si Carlisle nang mapadaan sila. “Carl, kaya mo pa lang magsulat ng love letters?” “Hahaha, sayang lang at hindi ka gusto ng school belle.” Ang walang kulay na buhay ng senior high school ay sapat na para maging interesado ang mga estudyante sa pang-aasar sa kaniya sa loob ng isang buwan. Nagkibit-balikat si Carlisle at hindi pinansin ang mga komento nila. Nang pabalik na siya sa classroom, pinigilan siya ni Sarah at sinabing, “Carlie.” “Ano ‘yun?” Tanong ni Carlisle habang nakatingala. Nakasuklay nang maayos ang bangs ni Sarah at naka-ponytail. Maputi siya at mayroong pares ng salamin ang malaki at bilugan niyang mga mata. Mukha siyang inosente dahil hindi pa siya natututong maglagay ng makeup. Mas lalo siyang nag-mukhang puro at inosente. Habang nasa likod ang mga kamay, nilaro ni Sarah ang laylayan ng damit niya. Yumuko siya at sinabing, “Carlisle, pasensya na. Hindi ko sinasadyang maiwan ang love letter sa exam paper, nakalimutan ko kunin.” “Oh…” Tumango si Carlisle. Paano niya makakalimutan yun? Pero kung totoo man yun o hindi ay hindi na mahalaga. Wala na siyang pakialam. “Carlisle, nag-apply ako sa Riverland University. Mag-aral ka nang mabuti at hihintayin kita doon,” Nahihiyang sabi ni Sarah habang nakatingkayad at bumubulong. Pagkatapos, namula siya at tumakbo pabalik ng classroom. Huminga nang malalim si Carlisle. Muntik na siyang maniwala ulit kanina. Masyadong magaling si Sarah sa ganitong bagay. Ilang beses siyang umiling at mabilis na may binanggit para maklaro ang isip niya, “Hindi nagpapakalunod sa pag-ibig ang isang matalinong tao…” Dahil sa sinabi ni Sarah ay naalala niyang isang buwan na lang bago ang SATs. Sa dati niyang buhay, hindi siya nakapasok sa college. Kahit na strikto si Lucy, may punto ito nang sabihin na, “Ang kaalaman na nakuha mo ay sa iyo. Walang makakakuha nun sa iyo.” Mas lalong naintindihan ni Carlisle ang mga salitang yun nang bumalik siya sa lipunan. Sa pangalawang pagkakataon niya sa buhay, desidido si Carlisle na mag-aral nang mabuti. Hindi lang para sa mga magulang niya ngunit para na rin sa sarili niya. Pagbalik ni Sarah sa classroom, hindi napigilang magtanong ng kaibigan niyang si Sienna Thorn, “Paano kapag magalit si Carlisle dahil binigay mo ang love letter niya sa teacher? Siya ang inaasahan natin sa pondo natin para sa summer trip, hindi ba?” “Huwag ka mag-alala, sinabi ko lang sa kaniya kung saang college ako papasok. Siguradong nag-aaral na siya agad,” Kampanteng saad ni Sarah. Ang pag-abot niya ng love letter ni Carlisle sa homeroom teacher nila ay para lang ipaalam sa ibang boys na single pa rin siya. Hindi niya palalampasin ang buong gubat para lang sa isang tabinging puno. Sa sandaling yun, mabilis na bumalik si Carlisle. Pagkatapos ay tinuon niya ang buong atensyon sa pagbabasa ng model essays. Tinanguan ni Sienna si Sarah at pinuri ito, “Iba ka talaga.” Bumalik naman si Sean mula sa banyo at sinabi kay Carlisle, “Punta tayo ng internet cafe. Libre ko.” Gusto siyang ilibre ni Sean para matulungan siyang makalimot dahil napahiya si Carlisle kanina. “Anong gagawin natin dun? Malapit na ang SATs. Kailangan nating mag-aral nang mabuti,” Seryosong sabi ni Carlisle. “Nababaliw ka na ba? Dahil lang tinanggihan ka ni Sarah? Kailangan mo bang maging ganito?” Nagpatuloy siya, “Kahit na makapasok ka sa school na papasukan ni Sarah, hindi siya makikipag-date sa iyo.” “Hindi ako nag-aaral para kay Sarah, nag-aaral ako para sa sarili ko,” Sabi ni Carlisle. Pinakita niya kay Sean ang essay. “Magsulat ka ng essay tungkol sa topic ng “Variety is the spice of life.’ Hindi pa ‘to lumalabas sa loob ng dalawang taon, siguradong lalabas ito ngayong taon. Tingnan mong mabuti kung paano ginagawa.” “Tumigil ka nga! Paano mo malalaman na lalabas nga talaga ‘yan sa exam?” Tanong ni Sean. “Bakit hindi tayo magpustahan?” Alok ni Carlisle habang seryoso ang tingin. Kinilabutan si Sean sa tingin niya. “Hindi ako makikipagpustahan sa iyo.” Iba ang pakiramdam ni Sean sa kilos ni Carlisle ngayon, pero hindi niya matukoy kung bakit. Dahil ayaw siyang samahan ni Carlisle sa cafe, binasa na lang niya ang model essays. “Uy, Carlisle, lalabas muna kami ni Sienna. Pwede mo ba kaming dalhan ng lunch mamayang tanghali? Maraming salamat, Carlisle,” Utos ni Sarah bago lumabas ng classroom kasama ni Sienna. Ni hindi lumingon si Carlisle at nagpatuloy lang sa pagbabasa. Dito lang niya naalala na hindi pa siya nagtatanghalian. Nang patayo na siya, pinigilan siya ni Sean. “Saan ka pupunta?” “Sa cafeteria, bibili ako ng pagkain,” Sagot ni Carlisle. “Tanga ka ba? Dadalhan mo ba talaga siya ng lunch? Binayaran ka ba niya?”
Previous Chapter
1/200Next Chapter

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.