Kabanata 151
Hindi inaakala ni Francis na sasagutin ni Sunny ang tawag.
Tahimik ang magkabilang linya bago siya ngumiti at nagtanong, “Did you charge your phone?”
“Ah…oo, kaka-charge ko lang!” Natatarantang sagot ni Sunny.
“Saan ka ba pipirma ng kontrata? Susunduin na kita.” Kalmadong sinabi ni Francis.
“Nasa…Nasa Four Weathers Hotel ako.”
Naramdaman ni Sunny na para bang gusto talaga siyang hanapin ni Francis.
Kanina, hindi siya matawagan ni Francis kaya naman naisip niya na baka ay tuluyan nang umalis si Sunny dala-dala ang pera.
Matapos ang tawag, napabuntong-hininga si Francis. Nagsindi siya ng yosi at bumiyahe na papuntang Four Weathers Hotel.
…
‘Pagtapos ni Carlisle magtraining, pumunta siya sa basketball court para hanapin si Mike.
Doon, nakita niya si Mike na pawis na pawis habang umiinom ng napakalamig na cola.
Napatingin si Mike kay Carlisle at sinabing, “May nanggugulo sa’yo? Eh ano naman? ‘Di ba close ka naman kay Heath? Sa kaniya ka nalang magpahatid-sundo!”
Noon, mayroong apat na
Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link