Kabanata 7
Si Zack ay may apat na anak, dalawang lalake at dalawang babae. Ang anak niya, na si Zen Miller, ay hindi interesado sa business industry. Pinili niya ang pulitika, at maganda ang takbo ng career niya sa Southbank.
Ang ikalawa niyang anak, si Rose, ay conglomerate mogul. Siya ang namumuno sa Twilight Group, na itinaguyod ni Zack. Ilang taon lang ang kinailangan niya para mapalaki ang group at naging isa sa pinakaprominenteng corporation sa Levix City.
Dahil nasa mabuting mga kamay ang kumpanya, nagretire si Zack mula sa kanyang posisyon at hinayaan na si Rose ang mamuno ng buo sa group.
Si Winnie ang pinakabata niyang anak. Matapang ang ugalo niya, at magaling siya sa martial arts. Tinuturuan siya ng isa sa apat na grandmaster na nasa Levix City, si Caspian Jenkins.
…
Mabango ang amoy ng sasakyan ni Rose, at hindi mapakali si Steven. Hindi siya makapaniwala na siRose, na mukhang hindi kayang abutin, ay katabi niya.
“Dr. Lewis, nagpapasalamat talaga ako sa iyo. Kahit na bata ka pa, maabilidad ka pagdating sa medisina at martial arts. Siguradong malayo ang mararating mo,” hanga si Rose.
“Binobola mo lang ako, Ms. Miller,” kalmadong sagot ni Steven. Hindi siya ganoon kawalang alam.
“Bihira lang ako pumuri ng iba, pero sinsero ako sa sinasabi ko,” sambit ni Rose, inilagay ang buhok niya sa likod ng tenga niya. Mukha siyang elegante.
“Ikinararangal ko ito kung ganoon,” sagot ni Steven. Bilang isang tao na naranasan na ang hirap at sarap ng buhay, mature siya at matibay. Hindi siya nataranta o nabagabag ng simpleng puri. Sa halip, nanatili siyang humble at walang pakielam.
“Karangalan namin na makilala ka, Dr. Lewis,” magalang na sinabi ni Rose.
Tumigil ang sasakyan sa Miller estate, na matatagpuan malapit sa Levix River. Ang buong estate ay ilang ektarya ang nasasakupan, at puro ito vintage architecture. Ang mga pavillion, tulad at corridors ay may kakaibang dating.
Noong dumating sila sa estate, nagbigay ng card si Rose at latest model ng phone kay Steven.
“Dr. Lewis, mayroong tatlong bilyong dolyar sa loob ng card. Para ito sa serbisyo mo. Kunin mo ito.”
Tinanggap ito ni Steven. Kailangan niya ng pera ngayon.
Noon, kailangan magpakahirap ng isang tao academically para magtagumpay sa buhay. Para sa mga taong nasa martial arts realm, kailangan nilang gumastos ng malaki sa mga herbs para masiguro ang mga katawan nila ay makakasabay sa mga training. Kung hindi, masasayang lang ang pagpapakahirap nila, at maaari pa malagay sa peligro ang katawan nila.
“Tawagin mo na lang ako sa pangalan ko. Hindi ako mapakali kapag Dr. Lewis,” sambit ni Steven.
“Ikaw ang VIP guest namin, kaya hindi namin gusto na maging bastos. Dahil ayaw mo dito, Mr. Lewis na lamang,” agad na sinabi ni Rose, tinignan niya si Winnie.
“Mr… Lewis, patawad po. Pasensiya na po sa kabastusan ko!” isinantabi ni Winnie ang yabang niya at humingi ng sinsero kay Steven.
Bilang martial arts practitioner, hanga siya sa mga mas malakas sa kanya at kinamumuhian ang mga mas mahihina. Kumbinsido na siya sawakas sa lakas ni Steven matapo makita ang kakaiba niyang abildiad sa medisina at kakayahan na tumalo ng isang seventh-grade expert ng isang atake lang.
Pero hindi natutuwa si Steven kay Winnie. Naaalala niya si Yanny dahil sa mayabang nila na ugali, hindi maganda nag pakiramdam niya sa kanyang presensiya. Tumango siya ng kaunti at nanahimik.
Nakielam si Rose, at nagsalita siya, “Mr. Lewis, narinig ko na wala kang matutuluyan sa ngayon. Mayroon akong lugar sa Imperial Villas. Kung okay lang sa iyo, maaari itong mapasaiyo. Isipin mo na lang na paghingi ko ito ng tawad para sa ugali ni Win.”
Hindi gusto tumanggap ni Steven ng pabor ng walang dahilan. Maraming mga bagay sa mundo ang mukhang libre, pero sa totoo lang, may halaga ito ng palihim. Mas mabigat ang pagbabayaran mo sa huli kapag naging gahaman ka dahil sa maliit na benepisyo.
Pero, naakit siyang tumira sa Imperial Villas. Doon siya nakatira dati.
“Naappreciate ako ang kabaitan ninyo, pero titignan ko muna ito. Bibilhin ko ito sa market price kung magugustuhan ko.” Kailangan talaga niya ng lugar na matutuluyan.
“Sige. Puntahan na natin ito ngayon.” Ipinagmaneho siya ni Rose patungo sa Imperial Villas.
Ang Imeperial Villas ay isa sa pinakaprestihiyosong residential area sa Levix City. Ang mga mayayaman lang at elite ang nakatira dito. Malapit lang ito sa Miller estate, at dumating sila sa loob ng sampung minuto.
Naoverwhelm si Steven ng tumigil ito sa Imperial Villas No.18 driveway at bumukas ang gate.
“Ito ba ang tinutukoy mo?”
“Oo, Imperial Villas No. 18. May problema ba dito?” tanong ni Rose.
Huminga ng mallaim si Steven. “Ito ang dati kong tirahan.”
“Oh, pagkakataon nga naman! Kakaiba itong tadhana. Ngayon, nabalik na ito sa nagmamayari nito,” sambit ni Rose. Natuwa siya sa suwerte nila.
Dalawang taon na ng makabalik siya dito. Matapos makita na kamukha pa din ito ng hardin tulad ng dati, nakaramdam siya ng bara sa kanyang lalamunan. Para siyang hayop na nakatira sa nakalipas na dalawang tao sa Qualls Residence, iniinda ang torture at walang tigil na panlalait nila. Paanong hindi siya maluluha ng muli siyang makabalik sa dati niyang tahanan?
Binuksan ni Rose ang pinto, at pumasok si Steven. Ang interior kabilang na ang mga gamit ay nagbago na ng husto.
“Mr. Lewis, may nagbago ba dito? Hindi ako tumira dito matapos ko matanggap bilang regalo. Wala akong ginalaw dito sa loob,” sambit niya.
“Narenovate na ito ng husto at hindi na kamukha ng datio. Balak ko na kunin ang ilang mga alaala ng magulang ko noong una, pero mukhang naitapon na sila,” nagsisising sinabi ni Steve.
“Binili mo ba ang bahay?”
“Hindi. Matagal na kaming gusto makatrabaho ni Marrie. Ibinigay niya ang bahay na ito sa Ama ko bilang regalo sa kaarawan niya isang taon na ang nakararaan. Ito ang dahilan kung bakit sila nakapirma ng kontrata sa Stellar Group.”
Natawa si Steven. Mapagplano talaga si Marrie, nirenovate ang bahay at ibinigay ito sa pamilya Miller bilang regalo sa kaarawan.
Nagalit siya. Kumulo ang dugo niya ng mabanggit ang pangalan ng babae.
Ang itinuro niyang leksyon ay hindi sapat para mawala ang galit niya. Mukhang tama lang na parusahan niya ulit si Marrie, kung hindi, hindi niya makakalimutan ang pagnanasa niya sa kanya.
Napansin ni Rose ang galit sa kanyang ekspresyon. Nagtanong siya, “Narinig ko na hindi maganda ang relasyon ninyo ni Marrie.”
“Oo. Hindi kami magkasundo,” natawang sinabi ni Steven.
“Ang galing niya, hindi ba?” sarcastic na sinabi ni Steven. “Noong naghihirap siya noong tumungo sa Levix City, kaya kinupkop siya ng nanay ko. Walang mag-aakala na ahas pala ang kinupkop niya.”
Mahirap para sa kanya na itago ang galit niya kay Marrie sa tuwing naalala niya ang nakaraan.
Tumango si Rose. “Nakasalamuha ko na siya noon. Batid ko na magaling siya at tusong tao.
“Gayunpaman, mukhang hindi matalas ang mga mata niya dahil sa mapagkalkula niyang ugali. Hindi kapani-paniwala na hindi niya nadiskubre ang talento mo.”
Napagdesisyunan ni Rose na tapusin ang lahat ng koneksyon ng Stellar Group mula sa kanila, maglalagay siya ng malinaw na puwang sa pagitan nila.