Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 6

“Tumahimik ka! Marahil isa ka sa kanila. Sinusubukan mo lang na tumakas, hind iba?” Galit na suamgot si Winnie kay Steven dahil sa tindi ng takot na nararamdaman niya. “Ama, patayin mo siya!” Si Zack din ay hindi kumbinsido na kaya sila iligtas ni Steven. Naisip niya na marahil palusot lang ito ni Steven para lumabas ng sasakyan. Pipindutin na niya ang gatilyo ng naglaho ang baril sa kamay niya at napunta sa kamay ni Steven. Hindi niya alam kung paano ito nakuha ni Steven. “Kung gusto ko kayo patayin, patay ka na dapat kanina pa doon sa bundok.” Nahimasmasan si Zack bigla. “Sige! Bibigyan kita ng isang bilyong dolyar kung maililigtas mo kami.” Inihagis ni Steven ang baril pabalik kay Zack at lumabas ng sasakyan. “Ama, naniniwala ka ba talaga na maililigtas niya tayo?” nagdududa si Winnie. Biased siya at nilalait na siya sa simula pa lang. “Ano pa ba ang pagipilian natin?” Tumitig si Zack sa labas ng bintana. Sinuntok agad ni Steven si Nelson ng makalabas siya ng sasakyan. “Gusto mo ng mamatay!” Sinipa ni Nelson si Zachary, na matindi ang pinsal sa isang tabi. Kumimang ang mga mata niya at sinuntok si Steven. Sa oras na nagkatamaan ang mga kamao nila, isang malakas na tunog ang maririnig. Nabali ang braso ni Nelson. Tumalsik siya ng 30 feet ang layo bago bumagsak ng malakas sa sahig. Nagulat sila dahil tumalsik siya ng isang atake lang. Parang napanganga sina Zack at Winnie. Hindi sila makapaniwala. Matapos makita si Nelson na isang seventh-grade expert na natalo sa isang atake lang, natakot ang ibang mga lalake. Hindi na sila hinabol ni Steven. Sa halip, umikot siya at binuksan ang pinto ng sasakyan. “Tapos na.” Nahimasmasan si Zack at Winnie. Wala pang isang minuto pero nabaliktad na ni Steven ang sitwasyon, nakaligtas sila mula sa tiyak na peligro. Lumabas agad ng mabilis si Zachary at gumalang sa harap niya. “Salamat muli sa pagligtas mo sa mga buhay namin, Mr. Lewis. Kasalanan ko at wala akong kaalaman dahil nabastos kita kanina. Patawad, Mr. Lewis.” Iba na bigla ang tawag niya kay Steven. Nawala ang lahat ng pagdududa niya at puno lang ng pasasalamat at hanga ang puso niya. “Kailangan mo lang ako bayaran,” walang pakielam na sinabi ni Steven. “Isang bilyong dolyar, oo. Siguradong babayaran kita. Makasisiguro ka, Mr. Lewis,” siniguro siya ni Zack bago siya lumapit kay Zachary. Bumaba din si Winnie mula sa sasakyan. Nagbago na ang tingin niya kay Steven. Nawaala ang pagdududa niya sa kanya at maling mga paratang. Nahirapan siya itago na naiilang siya, sinubukan niyang magsalita, pero wala siyang masabi. Kalaban niya ang kanyang pride sa pagsasalita at paghingi ng tawad. “Zachary, kayanin mo!” Binuhat siya ni Zack at napagtanto na mamamatay na siya. Nagmadaling lumapit si Winnie at binuhat siya, handa na dalhin siya sa ospital. “Huli na. Mamamatay na ako, at wala na kayong magagawa,” bulong ni Zachary, sumusuka ng dugo. “Mr. Lewis, maabilidad ka na doktor. Iligtas mo siya!” nagmakaawa si Zack. “Sige, pero extra nag bayad nito,” sambit ni Steven. “Walang problema. Bibigyan kita ng isang bilyon pa kapag nailigtas mo siya,” pangako ni Zack. “Mukhang mahalaga sa inyo ang bodyguard, hindi ba? Literal na isang bilyong dolyar ang halaga niya,” sambit ni Steven at naglabas siya ng silver na karayom para gamutin siya. “Mahigit sa dalawang dekada ko ng kasama si Zachary. Ilang beses na niya akong nailigtas , at ang trato ko sa kanya ay parang sarili kong anak. Kaya, gawin mo ang lahat ng makakaya mo para mailigtas siya.” Nagsalita si Steven, “Dalawang beses na kitang nailgitas. Hindi mo ba ako itatrato na parang anak mo din?” “Hindi malakas ang loob ko, Mr. Lewis. Simula ngayon, ikaw na ang honored guest ng pamilya namin. Kung may kailangan ka mula sa amin, gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para maibalik ang pabor.” Nagsimula na si Steven na gamitin ang Haven Needle Technique kay Zachary. Mas mahirap gamutin si Zachary kumpara kay Zack. Gumamit siya ng siyam na mga karayom. Hindi nagtagal, ang noo niya ay puro pawis na dahil sa tindi ng lakas na kailangan niyang gamitin. Tinawagan ni Winnie ang pamilya niya. Isang dosenang mga saskayan ang dumating sa loob ng tatlumpung minuto. “Ama, okay ka lang ba?” Si Rose Miller ang nangunguna sa lahat ng lumapit sila kay Zack. Nakasuot siya ng bodycon dress na ipinapakita ang magandang katawan niya, elegante ang kanyang dating. Mukha siyang vintage na maganda at makinis. Ang mahaba niyang buhok ay abot sa likod niya, sumasayaw habang gumagalaw siya. May kakaibang kinang ang mga mata niya ng talino at kumpiyansa. Lumapit si Rose sa kanila, naamoy ni Steven ang halimuyak ni Rose. Humanga siya sa kanyang ganda. Si Rose at Marrie aya parehong kilala na top beauties sa Levix City. “Okay lang ako. Salamat ito kay Mr. Lewis. Dalawang beses niya akong iniligtas ngayon,” sambit ni Zack. “Siya ba?” tanong ni Rose, tinignan si Steven na ginagamot pa din si Zachary. Humanga siya. “Oo! Mukhang bata pa siya, pero walang katumbas ang medical skills niya. Magaling din siya makipaglaban. Natalo niya ang isang seventh-grade expert ng isang atake lang.” Ikinuwento ni Zack ang pangyayari. Napalitan ang gulat sa mga mata ni Rose at naging paghanga. “Magbigay kayo ng espasyo. Huwag ninyo istorbohin si Mr. Lewis,” utos ni Zack. Sumenyas si Rose sa mga bodyguard niya. “Linisin ninyo ang pangyayari, at huwag kayo mag-iiwan ng bakas. Magtira kayo ng isa para malaman kung sino ang nagpadala sa kanila. Patayin ang iba.” Bilang tao na namumuno sa napakalaking kumpanya na Twilight Group, madiin ang desisyon niya at determinado. Inalis ni Steven ang mga karayom mula kay Zachary at nawala ang panghihina niya. Nabalik ang sigla niya at kaya na niyang tumayo mag-isa. Nakita din ni Zack at Winnie kung gaano kalubha ang mga pinsala niya. Kahit na nagawa nilang dalhin siya sa ospital, wala ng limang porsyento ang pag-asa na magamot siya. Pero, naresolba ni Steven ang problema sa loob ng ilang minuto gamit ang iilang mga karayom lang. Nakakalakad pa siya ngayon. Kahanga-hanga. Hindi pa sila nakakakita ng ganito kagaling na medical skills. “Zachary, kumusta ang pakiramdam mo?” tanong ni Zack. “Gumaling na ang internal injuries ko. Makakarecover na ako dapat sa loob ng ilang araw ng pahinga.” “Ito…” walang masabi si Zack sa lebel ng abilidad ni Steven. “Mr. Lewis… hindi, Dr. Lewis.” Sambit ni Zachary. “Walang problema. Willing magbigay ng isang bilyong dolyar si Mr. Miller para iligtas ka. Ginagawa ko lang ang trabaho ko,” sagot ni Steven, sumenyas sa kanila. Medyo pagod siya. Mahirap buhayin ang patay gamit ang Haven Needle Technique at halos maubos ang lakas niya. “Rose, mukhang pagod si Dr. Lewis. Isakay siya sa sasakyan. Mauuna na kaming umuwi,” utos ni Zack. “Dr. Lewis, dito tayo.” Binuksan ni Rose ang pinto ng nakangiti. Si Steven ang unang tao na nakapagpabukas ng pinto kay Rose para sa kanya. “Rose, samahan mo si Dr. Lewis. Dapat mag-usap pa kayo,” Nakipagtinginan si Zack kay Rose, tila may nais ipahiwatig. Naintindihan niya at sumakay sa sasakyan, kasama si Steven.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.