Kabanata 12
Pagkatapos nila magshopping, si Steven at Rose ay pumunta sa restaurant na matatagpuan sa top floor ng Exalted Mall para kumain.
“Alam mo ba kung sino ang may-ari nitong restaurant?” tanong ni Rose matapos umupo sa pribadong kuwarto.
“Siyempre. Tagapagmana nga naman ako dati. Natural lang na galing na din ako dito,” nakangiting sinabi ni Steven.
Ang may-ari nitong restaurant ay si Scarlett Fischer, isa sa apat na grandmaster sa Levix City.
“Nakilala mo na ba si Scarlett Fischer?” tanong ni Rose.
Umiling-iling si Steven at sinabi, “Narinig ko na si Madam Fischer ang pinakamatanda sa apat na grandmaster. Gayunpaman, mahirap siyang makita. Iilang mga tao pa lang ang nagkakaroon ng pagkakataong makilala siya.
“Ang natitirang tatlong grandmaster ay nagsarili at kumuha ng mga disipulo nila o kaya nagbabantay mula sa pormal at makapangyarihang posisyon. Pero siya, nagbukas siya ng restaurant at nag-aral ng culinary. Kakaiba ito at hindi pangkaraniwan.”
Nagpatuloy si Rose, “Gaano katanda na siya sa tingin mo?”
“Base sa pangalan niya, mukhang kaedad natin siya. Pero, dahil siya ang nakatatanda sa apat, marahil nasa 50’s or 60’s na siya?” hula ni Steven.
“Well, nagkakamali ka. Nakilala ko siya ng minsan. Mukha siyang nasa 20’s,” sambit ni Rose, hininaan niya ang kanyang boses.
“Hindi maaari. Ang sabi sa chismis ay ang apat na grandmaster ay mga matatanda na. Hindi ba?”
Nagduda si Steven. Marahil sinuwerte lang siya kaya nainom niya ang Heavenly Archeus pill at naging master sa edad niya. Napakahirap maging master para sa karaniwang tao sa edad na 20.
“Ikaw na rin nga ang nagsabi. Chismis lang. Hindi ka puwede magtiwala sa mga chismis. Maraming tao ang hindi pa siya nakikita. Nanghula lang sila base sa kanilang pakiramdam. Bukod pa doon, maganda si Scarlett,” dagdag ni Rose.
Nagdududa pa din si Steven, nagtanong siya, “Gaano kaganda? Hindi naman siguro na mas maganda pa sa iyo, tama?”
“Kung iyan ang tanong mo, sa tingin ko mas maganda ako siyempre. Ako ang pinakamagandang babae sa mundo.”
Itinaas ni Rose ang dibdib niya, ipinagyayabang ang hubog ng katawan niya.
“Sangayon ako,” sagot ni Steven.
Hindi inaasahan, lumapit si Rose sa kanya, kumurap at nagtanong, “So sinasabi mo na mas maganda ako kay Marrie?”
“Ah… Ano…”
Agad na walang masabi si Steven.
“Hindi ba’t kalaban mo siya?” tanong ni Rose, nagkukunwaring hindi natutuwa.
Magkalaban kami, pero wala iyong kinalaman sa ganda niya, hindi ba?”
Pinagpapawisan ng malamig si Steven. Ikinama na niya noon si Marrie, kaya hindi niya masasabong hindi siya maganda. Pero, hindi niya iyon kayang sabihin kay Rose.
Bukod pa doon, ang tingin niya kay Marrie ay maganda at masarap.
Kahit na nanganak na siya noon, hindi nagbago ang katawan niya. Walang naiwan na bakas. Ang nangyari ay binigyan siya ng mature na dating, kung saan mas naging kaakit-akit pa siya.
“Hindi ka ba puwede magsinungaling at sumakay na lang sa akin?” nguso ni Rose, nagkukunwaring galit.
“Oh… Ano… puwede ko iyon gawin…” nag-alinlangan si Steven.
“Kalimutan mo na. Hindi ka naman sinsero.”
Umiwas ng tingin si Rose at humarap siya ulit bigla kay Steven para magtanong, “Ang lahat ng mga lalake ba ay naaakit sa tulad ni Marrie?”
“Uh… Ano… Kasi…”
Nautal na naman si Steven.
“Umorder na tayo. Nagugutom na ako.”
Agad niyang iniba ang topic. Hindi na umusog ang pinaguusapan nila. Ang lahat ng mga tanong ni Rose ay mahirap sagutin para sa kanya.
Pagkatapos kumain, dumating si Zachary dala ang sasakyan para iuwi si Rose.
Ibinigay ni Rose kay Steven ang susi ng sasakyan niya.
“Puwede mo gamitin ang sasakyan ko ng pansamantala. Mas madali kung may sasakyan ka. Bukod pa doon, bukas ay kaarawan ng ama ko. Magkakaroon siya ng selebrasyon. Mabuti sana kung makakasama ka sa amin, Mr. Lewis.”
“Tignan natin. Hindi ako mahilig sa mga pagtitipon.” Hindi agad sumangayon si Steven.
“Marahil dadalo din si Marrie at Cavin. Hindi mo ba gusto bawasan ang yabang nila?” sinubukan ni Rose na bigyan siya ng rason na dumalo.
“Sige, dadalo ako sa tamang oras,” sumangayon si Steven, iniisip na oras na para harapin niya si Cavin at Marrie.
Nilisan ni Steven ang Exalted Mall gamit ang sasakyan n iRose. Kaysa bumalik sa Imperial Villas, tumungo siya sa bahay ni Marrie.
Ang lahat ng ginawa ni Marrie at kung paano niya sinira ang reputasyon niya sa pagsasabi na adik siya sa droga at sugarol ay sumagi sa isip niya. Nasaktan siya at nagalit lalo. Kailangan niyang turuan ng isa pang leksyon si Marrie.
Samantala, sa Imperial Villas No. 19, sa Lurk Residence, pumasok si Fiona sa study room ni Cavin.
“Ama, Ina, nakita ko si Steven ngayon.”
“Oh? Nagbalik na siya?” nagulat si Cavin.
“Mhm.” Tumango si Fiona.
“Ang kawawang bata na iyon, sayang. Matindi para sa kanya ang pagkamatay ng mga magulang niya. Hindi siya nakarecover at naging adik sa droga at sugarol. Ganoon na lamang at nasira ang buhay niya.
“Marami din akong dapat pagbayaran. Binigo ko si Frank Lewis,” buntong hininga ni Cavin.
“Wala kang dapat ikalungkot. Nararapat ito sa kanya. Mabuti na lang at lumpo ang batang iyon. Kung hindi, napakasalimuot ng buhay ng anak natin kung ikinasal sa kanya,” ang asawa ni Cavin, si Pinky Yael, ay sinabi ng nakasimangot.
“Tama si Ina. Pinabayaan niya ang kanyang sarili. Anong kinalaman niya sa atin?” sambit ni Fiona.
“Kumusta siya? Bakit hindi mo siya isinama pauwi? Kahit na nakansela na ang engagement ninyo, anak pa din siya ng kinakapatid ko. Dapat alagaan ko siya. Hindi ko siya puwedeng hayaan na kasama si Marrie.
“Naghihinala ako na ganyan ang naging buhay niya dahil sa pakana ni Marrie. Sadya niyang hinayaan siya na mapabayaan ang kanyang sarili, kinansela ang engagement, ipinadala siya overseas at sinarili ang Stellar Group.”
Publing sinabi ni Marrie na nahirapan si Steven sa droga at sugal. Sinabi niya na wala na siyang pag-asa at ipinadala siya abroad para tumibay siya.
Walang nakakaalam na natorture si Steven at ikinulong sa basement niya ng dalawang taon.
“Ama, hindi mo na siya kailangan alalahanin. Maganda ang buhay niya. Nakakuha siya ng maganda at makapangyarihang babae at boy toy na siya ngayon,” natutuwang sinabi ni Fiona.
“Tumigil ka sa kalokohan mo,” sambit ni Cavin.
“Hindi ako nagbibiro. Nakita ko ito mismo.”
Ikinuwento ni Fiona ang naganap noong tanghali. Pero, hindi niya sinabi ang nangyari noong nagpakita na si George. Natalo nga naman siya. Nakakahiya ito.
Matapos makinig sa kanya, napatayo si Cavin, magsalubong ang mga kilay sa inis.
“Sinabi ni Jack na si Steven ay third-grade expert? Hindi siya natutong lumaban. Paano siya naging third-level expert sa loob lang ng dalawang taon?” tanong ni Cavin.
“Anong malay ko? Gayunpaman, natalo niya si Jack sa dalawang atake lang. Marahil may abilidad siya,” sagot ni Fiona na parang wala lang.
Habang hinihimas ang balbas, napaisip si Cavin.
“Gayunpaman, mabuti at natuto siya ng mga paraan para protektahan ang kanyang sarili. Hanapin mo siya at pauwiin dito. Gusto ko siya makita,” utos ni Cavin.
“Hindi ko siya gusto makita. Manatili siyang gigolo, habang mananatili akong kagalang-galang na babae. Wala ng namamagitan sa amin simula ngayon,” sagot ni Fiona kay Cavin.
Matapos iyon, lumabas siya ng study room.
“Ang batang iyon. Lalo siya nagiging rebelde. Dahil iyon sa pagpapalaki mo,” sambit ni Cavin, nagdilim ang ekspresyon niya.
“Tama si Fee. Wala na tayong pakielam kung gigolo siya. Huwag ka mag-alala sa kanyam asyado. Dapat magfocus ka sa kumpanya. May problema ang kumpanya natin. Magiging malaki itong problema kung hindi mo ito maaayos agad.”’
Ang tingin ni Pinky kay Steven ay mas mababa sa kanya.
“Si Camden Hoffman, ang matandang magnanakaw na iyon ay hinahabol tayo. Wala tayong laban sa kanya! Natatakot ako na baka kailanganin natin kunin ang pera natin at isuko ang business kung hindi tayo makakaraos.”
Pagod at hindi mapakali, minasahe ni Cavin ang mga sentido niya habang nagsasalita.
“Ang Sincere Group ay itinaguyod ko. Paanong isusuko mo ito ng ganoon na lang? Bukod pa doon, hindi si Camden ang pinakamakapangyarihang pamilya sa Levix City.”
Pinagaan ni Pinky ang loob ni Cavin, “Kaarawan ni Mr. Miller bukas. Dumalo tayo sa selebrasyon. Kung magkakaroon tayo ng koneksyon sa pamilya mIller, masosolusyunan agad ang lahat. Ito ang pag-asa natin!”
“Hindi iyon ganoon kadali! Sinubukan na natin ng maraming beses na mapalapit sa pamilya nila, pero hindi tayo nagtagumpay. Ngayon at katrabaho na nila si Marrie, hindi niya tayo hahayaan magkaroon ng pagkakataon.”
Matapos huminga ng malalim, sinabi ni Cavin, determinado ang mga mata niya, “Pero, gayunpaman, dapat galingan natin at magpakita tayo.”