Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 11

Sinipa ng malakas ni George ng dalawang beses si Haley, nakasisindak ang itsura niya. Gumapang sa sahig si Haley palapit kay Rose at Steven. “Patawad po, Ms. Miller. Wala po akong alam. Maawa ka po at patawarin po ako. Hindi ko na po uulitin kahit na kailan.” Habang nagsasalita, sinampal niya ng dalawang beses ang sarili niya. “Dapat kay Steven ka humingi ng tawad, hindi sa akin,” malamig na sinabi ni Rose. Agad na lumuhod si Haley sa harap ni Steven at nagmakaawa, “Steven, patawad! Kasalanan ko ang lahat. Hindi ko dapat sinabi ang mga salitang iyon. Bastos ako. “Magkaklase tayo, kaya sana bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon! Hindi ko gusto mamatay o mawalan ng trabaho!” Malinaw kay Haley na hindi simpleng pananakot lang ang sinasabi ni George. Talagang itatapon niya si Haley sa dagat at ipapakain sa mga isda. Walang ekspresyon si Steven at hindi nagsalita. Dahil sa tindi ng takot, sinampal ni Haley ang sarili niya ng paulit-ulit hanggang dumugo ang ilong at bibig niya. “Tama na. Huwag ka gumawa ng eksena. May business si Mr. Hammond dito. Hindi ako puwedeng maabala dahil sa iyo. Hindi ka nararapat,” sambit ni Steven. Nakahinga ng maluwag si Haley. “Salamat! Salamat sa awa!” Pagkatapos, humarap siya kay George at nagmakaawa, “Mr. Hammond, pinatawad na nila ako. Pakiusap huwag mo ako tanggalin.” “Masyadong importante si Ms. Miller para magpaka abala sa payasong tulad mo. Kahit na supervisor ka, wala kang karapatan magpaalis ng customer. Palalampasin kita ngayon. Iligpit mo na ang mga gamit mo at lumayas na. Matalinong tao si George. Kahit na pinatawad ni Rose at Steven si Haley, hindi niya maaaring depensahan ang babae. Hindi lang niya ikinama si Hayley, pero wala siyang awa sa kanya para hindi niya makaaway si Rose. Ang isa sa mga rason kung bakit arogante at walang pakielam si Haley sa pagtanggap ng reklamo ay dahil ang boyfriend niya ay manager. Ang isa pang malaking dahilan ay karelasyon niya si George at ikinukunsidera ang sarili niyang kabit. Naniniwala siya na makapangyarihan ang mga tagasuporta niya. Gayunpaman, nagalit si George sa kanya at halos patayin siya. Gulat na gulat si Haley at lugmok ang pakiramdam. Hindi lang siya nawalan ng trabaho, pero ang boyfriend niya na si Jayden, ay siguradong makikipaghiwalay sa kanya kapag nalaman niya ito. Sa isang iglap, nawala ang posisyon niya bilang supervisor kung saan nagpakahirap siyang makuha. Kahit na nagsisisi siya, wala siyang magagawa. “Nanonood kayong lahat, tama? Kung may kahit na sino pa na mambabastos sa customer, ganito ang mangyayari sa kanila!” Ginamit ni George ang pagkakataon na gawing ehemplo si Hayley at dinisiplina ang mga staff members. Nanginig ang mga staff members na sumuporta at gumawa kay Haley. Natakot sila na tratuhin tulad niya. Nakita ni Fiona ang lahat ng ito. Kilala si George at maganda ang reputasyon niya, mataas ang estado niya sa Levix City. Iilang mga tao lang ang kaya na gawing ganito kagalang. Kahit ang ama niya, si Cavin Lurk, ay maaaring hindi tratuhin ng ganito. “Sino ang babaeng ito? Paano siya naging girlfriend ng walang kuwentang si Steven?” napaisip si Fiona. “Ms. Lurk, may ipapatawag ka para gulpihin kami, tama? Hindi mo ba sila tatawagan?” tanong ni Rose kay Fiona. “Ano… palalampasin ko kayo ngayon para sa kapakanan ni Mr. Hammond. Huwag ninyo hayaan na makita ko kayo ulit. Lalo ka na, Steven! Lagi ka ng mananatiling walang kuwenta sa mga mata ko. Huwag mo iisipin na mataas na ang tingin ko sa iyo dahil may kakilala kang mahalaga na tao. Kinamumuhian kita!” Mabilis na umalis si Fiona matapos magsalita. Minasahe ni Steven ang mga sentido niya at sinabi. “Tama ka. Mabuti na lang at hindi ko siya pinakasalan.” “Tara, ipipili kita ng mga damit,” sambit ni Rose. Mukhang intimate si Steven at Rose sa isa’t isa ng kumapit si Rose sa braso niya. Habang nasa tabi, natanga si George sa nakita niya. Tinignan niya si Steven mula ulo hanggang paa ng palihim, napapaisipk ung sino ang guwapong lalake na ito. Nakakagulat ang pagiging malapit nila ni Rose sa isa’t isa. Mula sa Levix City hanggang sa Syane City, hindi mabilang ang dami ng mga lalakeng humahabol sa kanya. Nugnit, hindi siya nagpakita ng interes sa kahit kanino sa kanila. Hindi hangal si George. Hindi niya iisipin na gigolo lang si Steven dahil sa guwapo siya. Hindi magiging interesado si Rose sa isang gigolo. Ang taong pumukaw sa atensyon niya ay siguradong kakaiba. “Ms. Miller, Mr. Lewis, ang nangyari ngayon ay kasalanan ko. Malaya kayong piliin ang kahit na anong damit na gusto ninyo. Hindi ninyo kailangan magbayad. Ikunsidera ninyo na paghingi ko ito ng tawad.” Tuso si George at sinigurado na pasasalamatan siya nina Steven. “Hindi na kailagan. Sa tingin mo ba hindi ko ito kayang bilhin?” prangkang sagot ni Rose. Gusto niyang piliin mismo ang mga damit para kay Steven bilang regalo. Hindi niya maaaring hayaan na agawin ni George ang pagkakataon niya. “Hindi, siyempre hindi.” Napangiti si George at nag-abot ng business card ng magalang kay Steven at isang itim na VIP card. “Mr. Lewis, huwag ka mag-alinlangan na kontakin ako anumang oras. Magiging masaya ako na tulungan ka sa kahit na anong kailangan mo. Bukod pa doon, sa card na ito magkakaroon ka ng 50% off sa kahit na alinman sa mga tindahan ko.” Tatanggi sana si Steven pero idinagdag bigla ni George, “Binigyan kita ng hindi magandang karanasan sa unang pagkikita natin. Sana tanggapin mo ang paghingi ko ng tawad, Mr. Lewis.” “Galanta ka, Mr. Hammond. Kahit ako wala pa ang card na iyan,” sambit ni Rose. “Bago itong card at benepisyong bigay ng kumpanya ko. Hindi pa ito opisyal na ipinamimigay kaya hindi ko pa ito napapdala sa iyo. Sana kumuha ka din.” Naglabas ng isa pang card si George para kay Rose. “Sa tingin ko hindi ko ito kailangan. Sa kanya mo na lang ibigay,” senyas ni Rose kay Steven. Kinuha ni Steven ang business card at VIP card, tumango siya at sinabi, “Tatanggapin ko sila. Salamat, Mr. Hammond.” Umalis na si George matapos ibigay ang mga card. “Matalinong tao si George. Batid niya agad kung sino ang importanteng tao at alam kung kanino siya dapat pumabor,” sambit ni Rose. “Dahil kasama kita. Kung wala ka dito, hindi man lang niya ako titignan. Napalayas na siguro ako agad,” biro ni Steven. “Magkakaroon din kaya ako ng benepisyo mula sa iyo balang araw, Miracle Doctor?” lumapit si Rose kay Steven habang nakikipagusap. Pumili ng mahigit sa sampung damit si Rose para kay Steven. Lahat sila mga suits, casual outfits, leather shoes belts, at wallet. Marami siyang pinili. Matangkad at guwapo si Steven sa simula pa lang. Matapos mapalitan ang mga damit, nagbago ang buong estilo niya at nagmukha siyang elegante. “Maganda ang sense of fashion ko, tama?” wika ni Rose. Tinignan niya si Steven sa salamain at tinulungan siyang ausin ang kuwelyo niya. Naamoy ni Steven ang halimuyak niya dahil sa lapit niya. Agad na hindi mapakali si Steven. “Hindi ba’t dahil nakakaakit ako kaya maganda ang lahat sa akin?” biro ni Steven. “Nakakaakit ka nga talaga. Heto, isuot mo,” sumangayon si Rose at sumakay sa biro niya. Lihim na natutuwa si Rose dahil napansin niya na nagiging palakaibigan si Steven sa kanya. Noong nasa cashier na sila, mapilit si Rose na hindi pagbayarin si Steven. Sinabi niya na regalo niya ito para sa kanya. Mahigit sa sampung mga damit ang ibinigay niya, ang iba pa ay mga limited edition. Ang total na halaga ay lalampas sa mahigit isang daang libong dolyar. Ang sales na ito ay pasasalamat niya kay Sophia, ang empleyadong nagwelcome sa kanya sa simula. Natuwa siya at paulit-ulit na nagpasalamat. Inggit na inggit ang ibang mga empleyado at nagsisisi ng husto.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.