Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 2

”Anong nangyari sa cultivation power ko, kung ganoon?” Sinubukan ni Madison na palabasin ang kanyang espirituwal na enerhiya kanina ngunit nalaman niyang hindi niya iyon magawa. Nag-cultivate ba siya sa loob ng isang siglo para sa wala? Ang sistema ay nagmamadaling umalma sa kanya. “Kumalma ka, Ms. Locke. Nandiyan pa rin ang spiritual energy mo. Pinigilan lang.” “Pinigilan?” “Oo. Malamang napansin mo na may kakaiba kay Rebecca Locke,” sabi ng sistema. Naisip ni Madison kung gaano siya nagulat nang makitang muli si Rebecca kanina. Ang physiognomy nito ay natatakpan ng isang bagay, at hindi nabasa ni Madison ang kapalaran nito. Gayunpaman, nagkaroon ng magandang enerhiya sa paligid ni Rebecca at bahagyang gintong liwanag sa paligid ng kanyang noo. Malinaw na si Rebecca ay may magandang kayamanan at napakalaki, mabuting karma. Ang mga taong tulad niya ay magkakaroon ng suwerte saan man siya magpunta. Sa madaling salita, lahat ng tao sa kanyang buhay ay sasamba sa kanya, at palagi siyang mamumuhay ng mayaman. Sa mundo ng mystic arts, ang mga taong katulad niya ay kilala bilang Chosen One at ang apple of the heavens’ eye. At sa katotohanan, si Rebecca ay ang apple of the eye ng lahat. “Kung siya ang Chose One, paano siya pinahintulutan ng langit na ipanganak sa mamamatay-tao na tatay at magnanakaw na nanay?” tanong ni Madison. Isinilang sana siya ng langit sa isang pamilyang may mapagmahal na mga magulang at walang hanggang yaman. Pagkatapos, papalakihin siya na parang prinsesa. Sabi ng sistema, “Uh... hindi ko alam ang tungkol diyan.” Hindi ito maintindihan ni Madison, kaya tumigil siya sa pag-iisip tungkol sa bagay na iyon. “Paano ko mababawi ang spiritual energy ko?” Sumagot ang sistema, “Katulad ng dati. Ipunin mo na lang ang kayamanan mo para malabanan mo ang pagsupil ni Rebecca sa spiritual energy mo. Mababawi mo iyon sa ganoong paraan.” Ang sistema ay kasama niya kahit sa kanyang nakaraang buhay. Noong una, inakala ni Madison na mananalo siya sa buhay kasama ang sistema sa kanyang tabi. Gayunpaman, ang lahat ng nangyari ay ang kanyang buhay ay natapos nang kakila-kilabot. Naramdaman ng sistema ang kanyang paghamak at nagmamadaling sinabi, “Kaming systems ay mga katawan lamang ng artificial intelligence na nagbibigay sa aming mga host ng mga pagkakataon. Kaya naman, hindi namin magagarantiya ang tagumpay. “Kung hindi mo makumpleto ang misyon mo, hindi ka makakatanggap ng kaukulang mga gantimpala. Ang pagkabigo mo ay hindi kasalanan ng sistema, Ms. Locke. Ito ay dahil lamang sa hindi sapat ang iyong kasanayan.” Walang masabi si Madison bilang pagtanggi. Sa kanyang nakaraang buhay, ang sistema ay nagmungkahi ng katulad na solusyon para sa kanya upang baguhin ang kanyang sitwasyon at makakuha ng kayamanan. Gayunpaman, wala siyang kakayahang gumawa ng anuman—hindi siya nakapag-aral sa unibersidad, at wala siyang anumang mga kasanayan. Sa huli, pinili niyang sumama sa mungkahi ng sistema na maging isang streamer. Sa kanyang mga livestream, karaniwan siyang kumakanta at sumasayaw habang nakikipag-chat sa iba pang streamers. Ito ay nakatulong sa kanya upang makakuha ng ilang kasikatan, ngunit ito ay malayo sa sapat. Tanong ng sistema, “Magli-livestream ka pa rin ngayon, tama, Ms. Locke?” “Oo.” Natuwa ang sistema nang marinig iyon. “Ayon sa pagsusuri ko sa mundong ito, ang mga livestream ay ang pinakamabilis na paraan para makakuha ka ng kasikatan. Hangga’t makakaipon ka ng sapat na kayamanan, mababawi mo ang spiritual energy mo sa kabila ng pagsupil ng Chose One.” Dahil doon ay mas naging komportable si Madison. Hindi niya kailangang katakutan ang sinuman hangga’t mababawi niya ang kanyang spiritual energy. Pagkatapos maglinis at magpalit ng tuyong damit, umupo si Madison sa harap ng kanyang mesa. Kinalikot niya ang kanyang kagamitan sa livestreaming bago magsimula ng livestream. Imbes na magsalita siya ay naghintay pa siya. Makalipas ang sampung minuto, meron nang ilang libong manonood. Ito ang mga tagahanga na nakuha niya noong kumakanta at sumasayaw siya dati. Karamihan sa kanila ay mga lalaki kaya naman naging mahalay agad ang mga komento sa live chat. Hindi sila pinansin ni Madison at nagpatuloy sa paghihintay, mukhang kalmado. Upang makakuha ng katanyagan dati, susundin niya ang anumang mga kahilingan na sasabihin nila. Kung gusto nilang sumayaw siya, gagawin niya ito nang walang pag-aalinlangan. Kung gusto nilang kumanta siya, gagawin din niya ito. Ginusto pa nga ng ilan sa kanila na iugoy niya ang kanyang balakang at ikembot ang kanyang puwitan, na ginawa rin niya. Gusto pa nga ng ilang manonood na tawagin siya ng mga bagay tulad ng “babe” at “honey”. Ginawa na niya ang lahat. Ang kanyang pagiging masunurin ay nagbunsod sa mga lalaking manonood na gumawa ng mga bagay-bagay at magbigay ng mga malalaswang komento sa kanyang livestream. Ang mga bagay na ito ay kinaiinisan niya noong nakaraan, ngunit tiniis niya ito para sa kapakanan ng pagiging popular at kayamanan. Ngayon, marami pa rin ang humihiling sa kanya na kalugin ang kanyang balakang at magsuot ng seksi. Nang lumitaw ang humigit-kumulang isang dosenang pamilyar na account sa listahan ng mga manonood ng livestream, saka bahagyang ngumiti si Madison. Ito ang mga taong hinihintay niya—ang mga account na ito ay pag-aari ng trust fund babies ng Riverview. Lumaki sila kasama si Rebecca, at dahil sa kanyang magandang kayamanan, walang sinuman sa bilog ang humamak sa kanya. Kahit na ang mas pasaway na trust fund babies ay nagustuhan siya. Sa nakaraang buhay ni Madison, ang trust fund babies ay palaging nagdulot ng problema sa kanyang mga livestream dahil sila ay nagagalit sa ngalan ni Rebecca. Bibigyan nila ng iba’t-ibang regalo si Madison at ipapagawa sa kanya ang mga nakakahiyang sayaw na iyon. Pagkatapos, ire-record nila ang mga sayaw at ipapakita kay Rebecca ang mga video para sumipsip sa kanya. Ipapakita naman ni Rebecca sa pamilyang Locke ang videos, na humahantong kay Madison na mapagsabihan at mapagbawalang mag-stream. “Sasayaw ka ba o kakanta ngayon, sweetie?” “Bibigyan kita ng sampung rockets kung mag-strip tease ka!” “Gawin mo!” “Gawin mo!” “Sige na!” Biglang tumigil ang mga mensahe nang sa wakas ay ipinakita ni Madison ang kanyang mukha sa harap ng camera. Dati, palagi siyang naka-makeup sa buong mukha niya sa mga livestream niya. Ang kanyang estilo ay higit na patungo sa ubod nang yaman na tagapagmana, at ang kanyang makeup at mga kasuotan ay palaging matingkad ang kulay at kaakit-akit. Ngayon, gayunpaman, ang kanyang mukha ay hubad. Nakaupo siya doon nang walang make-up. Wala man lang siyang nilagay na lipstick. Nakatali lang ang buhok niya. “Anong meron sa bago mong style, ganda?” “Angelic look na ba ang peg mo ngayon?” “Well, ikaw ang angel ko... Pwede mo ba akong tawaging ‘babe’?” Ngumiti si Madison sa camera. “Sa livestream ngayon, magkukuwento ako sa lahat.” “Isang storya? Anong klase? Sexy bedtime story ba?” “Maganda ang stories! Meron akong alam, yung tungkol sa magkasama na tayo sa iisang bahay, ganda. Gusto mo bang iyon ang pag-usapan natin?” Hindi pinansin ni Madison ang mga komentong iyon at nagpatuloy, “Ipinanganak ako sa mayamang pamilya sa Riverview, ngunit dito na nagsimula ang drama—ipinalit ako noong kapanganakan. Ito ang unang buwan ko sa bahay, at pinaghandaan ako ng pamilya ko ng engrandeng welcome party. “Magarbo ito, at lahat ng mga bigatin sa Riverview ay nandito. Ipinakilala ako ng pamilya ko sa mga taong ito, at dito magsisimula ang kwento.” Sa group chat na pinamagatang “The Riverview Riches”, kung saan kasama ang lahat ng trust fund babies ng Riverview, nagsimulang pumasok ang mga mensahe. Jordan Salle: “Anong ibig sabihin ni Madison dito? Sasabihin ba niya sa mundo ang kwento niya?” Keith York: “Hindi ako magsisinungaling–hindi siya magaling magkwento.” Queenie Anderson: “Ano bang pinagsasabi niya? Napaka-monotonous niya na kahit robot ay mas magaling pang magkwento kaysa sa kanya.” Jordan: “Tingnan na lang natin kung anong sasabihin niya.” Nanatiling kalmado at patag ang boses ni Madison habang sinabi niya, “Ipinakilala ako ng tatay ko sa isa sa mabubuting kaibigan niya, si Mr. Salle. Sinabi niya sa akin na may isang anak na lalaki lang si Mr. Salle na kaedad ko at gusto niya akong makasama. “Napatingin ako kay Mr. Salle na nagtataka. Ang hindi ko inaasahan ay tumango si Mr. Salle sa akin nang nakangiti. Ngayon, heto ang kakaiba. May anak na babae si Mr. Salle, kaya bakit ayaw niyang aminin ang eksistensya ng anak na iyon? Bakit sinabi ng tatay ko ay may isang anak na lalaki lang si Mr. Salle? “Napaka-misogynistic ba ng pamilyang Salle na gusto lang nilang kilalanin ang eksistensya ng kanilang anak na lalaki? Wala bang halaga sa kanila ang anak nilang babae?” Gumulong si Jordan sa sofa at bumangon nang marinig niya ito. “Ang lakas ng loob mo para magsabi ng mga kasinungalingan tungkol sa pamilya ko, Madison!” Ang pamilyang Salle na tinutukoy niya ay halatang walang iba kundi ang kanyang pamilya! Kinuha niya ang susi niya at tumakbo palabas ng bahay. Ilang sandali lang, nakasalubong niya ang kanyang tatay, si Vincent Salle, na kababalik lang. “Saan ka pupunta, kababalik mo lang, hindi ba?” tanong ni Vincent. “May importante akong gagawin, Dad.” Nagngangalit si Jordan. Kung si Madison ang nasa harapan niya ngayon, dinuraan na niya ang mukha nito at pinunit ito. Ang livestream ay patuloy pa rin, kaya ang boses ni Madison ay tumunog mula sa phone ni Jordan.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.