Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 1

Nakatapis ng tuwalya si Madison Locke habang tulala siyang nakaupo sa tabi ng pool sa tahanan ng mga Locke sa Riverview. Sa ilang sandali, hindi niya maintindihan ang nangyayari. Ang kanyang magandang mukha ay maputla, at basang-basa siya. Naalala niyang nasa mundo siya ng cultivation ilang segundo lang ang nakalipas. Kakapatay lang niya sa Ghost King na nananakot sa mundo ng mga tao, at ang kanyang cultivation ay tumaas nang husto. Pagkatapos noon, kumurap lang siya at sumulpot dito. “Paano mo nagawang itulak si Rebecca sa tubig? Kapatid mo siya! Mag-sorry ka sa kanya, dali!” isang matikas na babae ang bumungad kay Madison sabay akbay sa isang dalaga na basang-basa din. Pagkakita sa babae, biglang naalala ni Madison ang mga bagay na matagal na niyang nakalimutan. Ang babae ay ang kanyang nanay, si Tanya Sutton. Ang nakaraang buhay ni Madison ay hindi naging maganda. Lumaki siya sa bahay-ampunan at nagkaroon ng spectral vision, na nangangahulugang nakikita niya ang mga bagay na hindi nakikita ng iba. Inakala ng mga tao sa paligid niya na baliw siya, kaya walang gustong makipaglaro sa kanya. Nanatili siya sa bahay-ampunan hanggang sa siya ay 18 taong gulang at napilitang maghanap ng trabaho sa halip na pumasok sa unibersidad. Noon pa man ay iniisip ni Madison na may problema sa kanyang pag-iisip. Tatlong trabaho ang kinuha niya at pinaghirapan niya ang mga ito para makaipon siya ng sapat na pera para makadalaw sa ospital para pagalingin ang sarili at maging normal na tao. Nagbago ang lahat nang siya ay naging 22 taong gulang—noong natagpuan siya ng pamilyang Locke. Saka lang niya napagtanto na nagkapalitan siya noong kapanganakan. Siya talaga ang anak ng pamilyang Locke—isa sa pinakamayamang pamilya ng Riverview. Bilang taong hindi kailanman naramdaman ang pagmamahal ng pamilya, pakiramdam ni Madison ay bigla siyang tumama sa lotto. Naramdaman niyang maaari na niyang pamunuan ang masayang buhay na meron ang isang normal na dalaga. Gayunpaman, ang buhay sa tahanan ng mga Locke ay hindi tulad ng kanyang naisip. Ang pamilyang Locke ay nagpalaki ng isa pa bilang kanilang anak—si Rebecca Locke. Natanggap ni Rebecca ang pinakamahusay na edukasyon na magagamit sa nakalipas na dalawang dekada at dinala ang sarili nang may kagandahan at tikas. Lahat ng tao sa tahanan, mula sa kanyang mga magulang hanggang sa mga kasambahay, ay sumasamba sa kanya. Siya at si Rebecca ay madalas na inihambing sa isa’t-isa, at si Madison ay hindi tugma para sa kanya sa bawat aspeto. Sa gayong mga kalagayan, lubusang nagbago ang ugali ni Madison. Nagbago na siya mula sa una na pagkakaroon ng utang na loob at inaasam hanggang sa kalaunan ay naging sama ng loob at puno ng poot. Sa kasamaang palad, sa mas maraming problema kanyang idinulot, lalo niyang pinahiya ang kanyang sarili. Ang parehong bagay ay nangyari sa araw na ito. Ang pamilyang Locke ay nagsagawa ng welcome party para salubungin si Madison pabalik sa pamilya. Inagaw ni Madison ang evening gown ni Rebecca para maisuot niya ito, at kinutya siya ng ibang trust fund babies na inanyayahan sa party. Hindi nakayanan ang pang-aasar at pangungutya, muli silang nag-away ni Rebecca. Pagkatapos, pareho silang nahulog sa pool. Ang huling eksenang naalala ni Madison mula sa kanyang nakaraang buhay ay kung paano nataranta ang lahat para iligtas si Rebecca. Samantala, dahan-dahan siyang lumubog sa ilalim ng pool. Sa pagmulat pa lang ni Madison ng kanyang mga mata kanina, napagtanto niyang nasa pool pa rin siya. Pagkaraan ng ilang segundo, iniligtas siya ng panganay na anak ng pamilyang Locke, si Harvey Locke. Habang ang mga alaala ay bumabaha sa kanyang isipan, ang hinanakit at poot na kanyang kinikimkim sa kanyang nakaraang buhay ay nanaig sa kanya. Tumayo siya at nagtanong, “Bakit ako hihingi ng sorry?” “Anong ibig mong sabihin, at bakit ka hihingi ng sorry? Muntik mo nang patayin si Becky! Anong meron diyan sa ugali mo?” Napatingin si Tanya kay Madison na may halong galit at pagkadismaya. Humawak si Rebecca sa mga bisig ni Tanya at mahinang sinabi, “Ayos lang, Mom. Sigurado akong hindi sinasadya ni Maddie. Nahulog ako sa pool nang hindi sinasadya. Sinisikap lang akong iligtas ni Maddie...” Malinaw na nasaksihan ng lahat ng naroroon ang nangyari, kaya ang mga salita ni Rebecca ay nagpasimpatya lamang sa kanila at napaisip sila kung gaano siya kabait. Kasabay nito, naramdaman nilang malupit at bastos si Madison. “Nagkakamali ka. Sinadya ko.” Lumapit si Madison kay Rebecca, walang emosyon ang mukha habang tumutulo ang tubig sa kanyang damit at buhok. Para siyang multo na lumitaw mula sa tubig. Pagkatapos, may sinabi siya na ikinagulat ng mga tao. “Gusto kong mamatay ka.” “Paano mo nagawang sabihin ‘yan, Madison?” Naging malamig ang ekspresyon ni Tanya sa galit. Likas niyang binigyan ng proteksyon si Rebecca sa likod niya, tila takot na saktan ni Madison si Rebecca. Isang bakas ng kirot ang dumaan sa mga mata ni Madison nang makita niya ito, ngunit hindi nagtagal ay itinago niya ito. “Sa tingin mo malupit ako, ha? Sinira ng nanay niya ang buhay ko, at ninakaw niya ang lahat sa akin—mga magulang ko, mga kapatid ko, at buhay ko! Tapos ngayon, ako pa ang malupit!” Ipinagtanggol pa rin ni Tanya si Rebecca, sinabing, “Inosente si Becky dito.” “Inosente?” Ngumuso si Madison. “Sinulit niya ang pagmamahal ng mga magulang ko at proteksyon ng mga kapatid ko sa nakalipas na dalawang dekada. Namuhay siya nang walang pag-aalala mula nang ipinanganak siya. Paano siya naging inosente dito? “Paano naman ako?” Ito ang isang bagay na laging gustong itanong ni Madison. Mula sa sandaling tumuntong siya sa tahanan ng mga Locke, lahat ay nagsasabi sa kanya na makipagkasundo kay Rebecca at matuto mula sa dalaga. Takot silang aapihin niya si Rebecca. Kasabay nito, natakot silang hindi na mananatili si Rebecca sa tahanan ng mga Locke pagkatapos mabunyag ang katotohanan, kaya mas inayos pa nila ang pagtrato sa dalaga kaysa dati. Para naman kay Madison, malamig ang tingin nila sa kanya para hindi masaktan ang damdamin ni Rebecca. “Hindi ba ako ang inosente dito? Inapi at initsapwera ako sa bahay-ampunan, at hindi man lang natugunan ang mga pangunahin kong pangangailangan. Nararapat ba sa’kin iyon?” tanong ni Madison. Walang sinabi si Tanya. Patuloy ni Madison, “Nakatanggap ako ng alok sa university noong 18 na ako pero hindi ako nakapasok dahil hindi ko kayang bayaran ang fees. Kasalanan ko ba iyon? “Kinailangan kong magtrabaho ng tatlong trabaho sa isang araw para lang mabuhay, at apat na oras lang akong natutulog sa isang araw. Iyon ba ang nararapat sa akin?” Ang kanyang mga tanong ay nagpatahimik sa madla. Napuno ng sakit ang mga mata ni Tanya habang sinasabi niya, “Alam kong naging mahirap ang buhay para sa’yo, at gusto kong bumawi sa’yo. Pero hindi mo masisisi si Becky sa alinman sa mga ito—hindi niya ginustong mangyari ito, gusto ko lang na magkasundo kayong dalawa...” “Ha! Gusto mo bang pakisamahan ko siya nang walang sama ng loob sa lahat ng nangyari?” Umiling si Madison na parang nanunuya. “Sa tingin mo, kaya ko iyon? Ano ako, santo? Sa tingin mo ba wala akong nararamdaman at mga gusto?” “Mga magulang at kapatid ko ba kayo o hindi? Hindi ba kayo ang pamilya ko?” Lalong lumakas ang boses niya. “Bakit kayo tumutulong sa taong hindi ninyo naman kadugo sa halip na tulungan ako?” Ang mga Locke ay hindi makapagsalita ng kahit ano. “Bakit siya ang una ninyong naisip na iligtas noong pareho kaming nahulog sa pool?” tanong ni Madison. Ang pakiramdam ng halos mamatay ay kakila-kilabot–ang tubig ay pumasok sa kanyang ilong, at ang kanyang paghinga ay huminto. Parang sumakit ang baga niya. Sa sandaling iyon, nakaramdam siya ng paghihirap at kawalan ng pag-asa. “Bakit ninyo pa ako pinabalik dito kung hindi ninyo naman ako mahal? Mas gugustuhin ko pang wala akong mga magulang o kapatid. Mas gugustuhin kong hindi malaman na hindi pala ako mahal ng sarili kong pamilya.” Tumulo ang mga luha ni Madison habang nagsasalita. Pagkatapos, tinulak niya ang mga taong nakatayo sa harapan niya at tumakbo papasok sa villa. Dumiretso siya sa kanyang kwarto at ni-lock ang pinto, hinaharangan ang mundo sa labas. “Anong nangyayari, System?” malamig na tanong ni Madison habang nagpupunas ng luha. Walang anumang bakas ng pagkabigo at kawalan ng pag-asa na ipinakita niya habang nasa labas. “Ayos ka lang ba, Ms. Locke? Anong pakiramdam mo?” tanong ng sistema. “Ayos lang ako. Sabihn mo sa’kin kung anong nangyayari! Bakit ako bumalik dito?” Ang mga salitang binitiwan niya kanina ay matagal nang nakabaon sa kanyang puso. Ngayong nasabi na niya ang mga ito, nawala ang hinanakit at poot na kinimkim niya sa kanyang nakaraang buhay. Ipinaliwanag ng sistema, “Hindi ka naman talaga namatay. Kinuha ko lamang ang kaluluwa mo at ipinadala ka sa ibang mundo.” Naintindihan na ni Madison. Hindi siya namatay—pinadala lamang ng sistema ang kanyang kaluluwa sa isang mundo ng cultivation upang matutunan niya ang mystic arts. Ngayong natutunan na niya ang lahat ng kanyang makakaya, ibinalik siya sa kanyang orihinal na buhay. Si Madison ay gumugol ng isang siglo sa mundo ng cultivation, ngunit ilang minuto lamang ang lumipas sa mundong ito.
Previous Chapter
1/100Next Chapter

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.