Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 10

”Oh, Jordan! Pupunta ka sa bandang hilaga kasama si Maddie? Anong gagawin ninyo...” panimula ni Tanya. Masayang sabi ni Jordan, “May titignan kaming libingan! Nabanggit iyon ni Ms. Locke sa livestream niya kagabi. Hindi mo ba napanood, Mrs. Locke?” Dati, palaging nanonood si Tanya ng mga variety show, teleserye, at maging sa livestreams kung saan kasama si Rebecca. Hihilingin pa nga niya sa kanyang mga kaibigan na makinig. Hindi nga kaya napanood ni Tanya ang livestream ni Madison? Maliwanag na ganoon din ang naisip ni Tanya. Medyo naging naiilang yung ekspresyon niya. Walang pakialam na sabi ni Madison, “Tara na.” Medyo naiilang din si Jordan. “Okay.” Nagpaalam siya kay Tanya bago sumunod kay Madison sa kotse. Mukhang ang pakikitungo ng pamilyang Locke kina Madison at Rebecca ay hindi gaya ng sinabi ni Rebecca. Mukhang hindi pinabayaan ng pamilyang Locke si Rebecca dahil sa pagbabalik ni Madison. Sa kabaligtaran, mukhang si Madison ang napapabayaan. Hindi tanga si Jordan. Kailangan lang niyang mag-isip nang kaunti para maintindihan kung ano talaga ang nangyari. Hindi niya maiwasang hindi magustuhan si Rebecca kahit kaunti lang. Hindi ito nagreklamo tungkol sa pagmamaltrato sa pagbabalik ni Madison, ngunit ang hindi malinaw na mga salita nito ay naging madali para sa iba na makakuha ng maling ideya. … Hindi nagtagal ay dumating sina Jordan at Madison sa bandang hilaga. Hinihintay sila ni Fred sa pasukan ng nayon kasama ang pamilyang Wallis. Nakasaklay siya. Nilapitan ng pamilyang Wallis sina Jordan at Madison pagkababa nila ng sasakyan. “Ito ba ang ekspertong nabanggit mo?” Ang tatay ni Fred, si Chuck Wallis, ay tumingin kay Madison na may pagdududa. Hindi ba siya masyadong bata para dito? Maaasahan kaya siya? Hindi iyon ikinabahala ni Madison. Sinabi niya, “Dalhin ninyo ako sa bagong lokasyon ng mga libingan!” “Okay.” Nagpasya si Chuck na subukan ito. Nandito na rin naman si Madison. Ano pang mawawala? … Ang mga libingan ay inilipat sa lugar na hindi masyadong malayo sa nayon. Malapit ito sa paanan ng bundok bago ang nayon. Nauuna ang pamilyang Wallis habang sinusundan sila nina Jordan at Madison. Ito ang unang pagkakataon ni Jordan sa nayon na tulad nito, at hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting kilabot nang makita niya ang mga libingan sa kanilang paligid. “Ms. Locke...” “Huwag mo akong tawaging ganiyan. Tawagin mo ako sa pangalan ko lang,” sabi ni Madison. “Hindi iyon masyadong magalang.” Hindi inisip ni Jordan na magandang ideya iyon. “Ano kaya kung Ms. Madison?” Ito ay mas malambing kaysa sa “Ms. Locke” at mas magalang din kaysa sa “Madison”. “Bahala ka.” Biglang huminto si Madison at itinuro ang dalawang puntod sa harapan nila. “Ito ba ang mga iyon?” Nagulat si Fred doon. “Paano mo nalaman, Ms. Locke?” Sabi ni Madison, “Dahil sila lang ang may elementong Tubig sa tuktok nito.” “Ang elementong Tubig ay nasa tuktok nito?” “Ang mga libingan na ito ay talagang nasa magandang lokasyon. Merong kasaganaan ng positibong enerhiya sa paligid nito, at dapat itong nagbigay ng maraming mga pagpapala para sa mga inapo nito, pagdating man sa kalusugan o kayamanan,” sabi ni Madison. Tumango si Chuck nang marinig niya ito. “Kumuha ako ng eksperto sa halagang isandaang libong dolyar para tulungan akong mahanap ang lugar na ito. Matagal siyang tumingin sa paligid at sinabi sa akin na maganda ang lugar na ito. Ngunit sa anumang kadahilanan, ang aming pamilya ay nahaharap sa iba’t-ibang mga isyu mula noong ilipat ang mga libingan dito.” Lumapit si Madison sa mga libingan, at bumungad sa kanya ang realisasyon. “Nakikita ko na kung ano ang mali ngayon.” “Ano iyon, Ms. Locke?” tanong ni Chuck. Napatingin din si Jordan sa kanya. Sinabi niya, “Ang dalawang kanal na ito ay hinukay sa paligid ng mga libingan, tama ba?” Tumingin sa kanila si Chuck at tumango. “Walang ulan noong hinukay ang mga libingan. Noong panahong iyon, ang libingan ng mga magulang ko ay hindi pa naililipat dito, at nag-aalala akong masisira ng ulan ang mga libingan. Kaya naman, lumapit ako para maghukay ng mga paagusan upang mapanatili ang daloy ng tubig.” Medyo nakaramdam siya ng takot habang nagtatanong, “Dahil ba sa mga agusan na ito ang problema?” Hindi sila malalim. Halos kalahating hinlalaki lang ang lalim nila. Sa kabila ng maliwanag na sikat ng araw sa itaas nila, meron pa ring tubig na dumadaloy sa mga kanal. “Nahukay mo ang mga kanal na ito sa mga perpektong lokasyon,” sabi ni Madison. Natahimik si Chuck. Hindi niya akalain na pinupuri siya nito. “Ang agusan ng tubig na ito ay nagsisimula mula sa timog-silangan at humahantong sa timog, na nagreresulta sa pagpasok at paglabas ng tubig sa dalawang direksyong iyon. Kapag ang tubig ay nagmula sa timog-silangan, ito ay nakakaapekto sa elemento ng Lupa. Pagkatapos, ito ay aalis sa timog, sinasama ang anumang kayamanan at kapalaran na taglay nito. “Ang timog ay kilala rin bilang pamilya. Sa geomancy, ang mga ganitong uri ng libingan ay tinatawag na mga libingan na napapalibutan ng negatibong enerhiya. Hindi lamang ito makakaapekto sa inyong kayamanan at kapalaran, ngunit makakaapekto rin ito sa inyong mga inapo.” Tumingin si Madison kay Chuck, hindi sigurado kung maaawa o hahangaan siya. “Sa pamamagitan ng mga kanal na ito, ginawa mong mga nakamamatay na libingan ang magandang lokasyon para sa mga libingan.” Kahit na ang wastong eksperto sa geomancy ay hindi madaling makakamit ang bagay na tulad nito. Namutla si Chuck nang marinig iyon. “Nag... naghukay lang ako ng mga kanal...” “Hindi mo ba narinig na ang tubig ay ang elemento na maaaring magbigay ng sustansiya sa pamilya ngunit madali din itong makapinsala?” Tumingin si Fred sa kanyang mga saklay, pagkatapos ay sa mga kanal bago ang mga libingan. “Ano ang dapat nating gawin ngayon, Ms. Locke?” Napuno siya ng panghihinayang ngayon. Inikot ni Madison ang mga puntod. “Merong dalawang mungkahi na maaari kong ibigay sa inyo. Ang una ay ang pumili ng bagong lugar upang ilipat ang mga libingan na ito, at ang pangalawa ay ang baguhin ang geomancy ng mga libingan.” Tanong ni Chuck, “Ano sa tingin mo ang mas maganda, Ms. Locke?” “Ilipat ang mga libingan, para sa’kin. Ang geomancy dito ay nabago na minsan. Ang pagbago nito ulit ay hindi na maibabalik sa dati nitong swerte,” sabi ni Madison. Bago pa makapagsalita si Chuck, sinabi ni Fred, “Gagawin namin ‘yan, kung ganoon.” Pumayag naman si Chuck. Itinuro ni Madison ang isang lokasyon na hindi kalayuan sa kinaroroonan nila at sinabing, “Iyan ay magandang lugar. Hindi masyadong mainit doon, at ang dalawang puno ay nasa harap ng mga libingan. Pananatilihin nilang ligtas ang inyong pamilya at ang inyong mga inapo.” Nilingon ito ni Chuck. “Nabanggit din ng monghe ang lugar na iyon ngunit sinabing mas mabuti ang isang ito.” “At tama siya. Mas mainam ito kaysa doon. Pero, kailangan ninyong maintindihan na may hangganan ang lahat. Naabot ninyo na ang rurok ng kayamanan, at palalayuin ninyo lang ang mga bagay sa pamamagitan ng pagsisikap na dagdagan ito. “Ang kayamanan na hatid ng lokasyong ito ay hindi isang bagay na kakayanin ng inyong pamilya. Magdadala lamang ito ng kapahamakan sa inyong pamilya kung susubukan ninyo itong pilitin,” sabi ni Madison. Si Chuck ay natakot ngunit nadismaya nang marinig niya ito. Mas mabilis itong tinanggap ni Fred kaysa sa una at sinabing, “Sa tingin ko, sapat na kung anong meron ang pamilya natin, Dad. Hindi natin kailangang maging masyadong ambisyoso. Dahan-dahan lang tayo.” “Sige, kung ganoon.” Marahil ito ay talagang nakasulat sa mga bituin. Ang lokasyong ito ay mahusay para sa mga libingan, ngunit ang kanyang pagiging maingat at kasakiman ay nagbunga ng kapahamakan sa pamilya. “Gagawin namin ang sinabi mo, Ms. Locke.” Hindi nagtagal ay inihanda ni Chuck ang lahat ng hiniling ni Madison at tinakpan ng itim na tela ang mga puntod sa tanghali. Ang mga libingan ay hinukay at inilipat. Nang mailibing na sila, naglagay sina Chuck at Fred ng ilang bulaklak sa harap nila. Hindi alam ni Chuck kung namamalik-mata ba siya, ngunit pakiramdam niya ay naalis kaagad ang bigat sa kanyang dibdib pagkatapos ng seremonya. Nakaramdam siya ng mas presko at ginhawa. Ito ay ikinagulat niya, at ang kanyang paghanga at paggalang kay Madison ay lumaki. “Tapos na kami sa seremonya, tama, Ms. Locke? Pwede ba namin ayusin ang mga libingan?” “Oo,” sabi ni Madison. Maya-maya lang ay tumunog ang phone ni Fred. Sinulyapan niya si Madison, na nakataas ang isang kilay at sinabing, “Sagutin mo. Magandang balita ‘yan.” Sinagot ito ni Fred, at ang kanyang ekspresyon ay napalitan ng pagtataka sa pagkatuwa sa loob ng ilang segundo. “Talaga? Ang galing! Sasabihin ko sa tatay ko ngayon din.” Pagkatapos ibaba ang tawag, napabulalas siya, “Tumawag lang ang ospital para sabihing ayos lang si Mom, Dad. Nagkaroon lang ng problema sa kanilang kagamitan—kaya’t may nakita silang mali sa report ni Mom. Sabi ng kanilang legal department, gusto nilang pag-usapan ang compensation sa atin.” Hindi inaasahan ni Chuck na magbabago ang mga bagay sa lalong madaling panahon pagkatapos na ilipat ang mga libingan. “Nakakamangha ka, Ms. Locke!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.